You are on page 1of 1

Mapurol na lapis: Ang pag-usbong ng isang hamak na JM

Inihahalintulad natin sa iba’t ibang bagay ang buhay natin. Para sa iba, ang buhay ay parang
isang gulong, minsan nasa baba, minsan nasa taas. May ilan namang nagsasabing ang buhay ay parang
roller coaster, may ups and downs. Pero para sa akin, ang aking buhay ay simple lang, para lang itong
lapis--- binabago ng panahon at mas nagiging makabuluhan.

Ang mapurol na simula

Ako ay galing sa isang maralitang pamilyang ang pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka.


Panganay ako sa apat na magkakapatid. Dahil nga sa kasalatan, ang pamilya naming ay namuhay sa kung
anong inihahain sa aming biyaya sa araw-araw. Hindi kami nakatitikim ng magagarbong bagay, Ni bihira
kaming makapundar ng gamit lalo na ng damit. Ito ang pangunahing udyok sa akin upang sipagan at pag-
igihin sa alam kong susi ko sa pag-angat namin, ang pag-aaral.

“Mag-aral kang mabuti, pagkat iyan lang ang alam naming maipapamana sa iyo.” Ito ang malimit
na bilin sa akin ng aking mga magulang mula nung bata, na sa tingin ko ay nasusunod ko naman. Palagi
akong nangunguna sa klase nung elementarya. Nagsisilbi kong panukli sa hirap ng aking nanay at tatay
ang mga medalya at parangal na nakakamit ko sa paaralan. Samahan pa ng pagsalita sa mga patimpalak,
gamit ang angking kahusayan sa pagsulat.

Ang simula ng pagtatasa at pagpapatulis ng diwa at pagkatao

Ang akala ko ay magiging madali ang lahat. Ang akala ko ay ganoon lamang kadali ang
paglalakbay patungo sa asam kong lunggati. Ngunit hindi pala. Pagtuntong ko ng hayskul, doon ako
namulat na maraming Einstein sa palagid ko. Marami akong kasabayan. Marami ang tatrato sa aking

You might also like