You are on page 1of 1

Leila Mae L.

Magtules GERIZAL Movie Reflection

Mapagnilay na Papel sa 'Ang Mga Kababaihang Dalaga ng Malolos'

Para sa akin, ang pelikula ay impormatibo at makabuluhan gawa ng pagpapakita nito ng isang
aspeto ng kasaysayan na nakasentro sa kahalagahan at mga kontribusyon ng kababaihan sa mga
nangyaring himagsikan. Karamihan sa mga bayaning kilala at nirerespeto ay mga kalalakihan.
Bihira lamang ang pagkilala sa mga kababaihan pwera na lang kong ito ay nakitang lumaban o
kaya ay may direktang kontribusyon sa mga nangyaring himagsikan tulad nila Gabriella Silang at
Tandang Sora. Noong panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila at Amerikano, ang mga
kababaihan ay mahihinhin at hindi marunong makipaglaban gamit ang mga sandata. Bihira rin sa
kanila ang may angkop na edukasyon sapagkat ang tanging silbi nila noon ay depende sa pagiging
mga tagagawa ng mga gawaing bahay. Ang kailangan lamang nila ay makapag-asawa at wala na
silang dapat intindihin. Nagustuhan ko ang pelikula dahil sa pagpapalaganap nito ng angking
galing at kabyanihang meron ang mga babae na hindi madalas naipapakita sa mga pelikula.

Aamin ko, hindi siya kasing kapanapanabik gaya ng ibang mga kwento, subalit baka dahil
lamang ito sa paghilig ko sa mga pelikulang maraming aksyon. Medyo nakulangan ako sa drama
at away sa kwento sapagkat parang lahat ng mga pangyayari ay laging lumalabas na positibo, saglit
lang ang mga away at gulo at kadalasang kulang ang pagsasabuhay sa mga salungatang ito. Sa
aking personal na opinyon, masmaganda sana kung bibigyan pa nila ng pansin at dadagdagan ng
drama ang ilang mga salungatan para maitatag talaga ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng
bansa.

Nakakatuwa at nakaka engganyo naman ang kanilang pag-awit. Nakasaad sa mga liriko ng bawat
kanta ang pagkwento ng mga gawain ng mga kababaihan ng Malolos. Maganda ang kanilang tono
at ito ay naikanta ng tama walang pagkakamali o pagkukulang. Sa mga lirikong ito rin naipakita
ang mga paniniwalang lumaganap sa kultura ng bansa noon na buhat ng mga impluwensya mula
sa mga dayuhan. Sa mga paniniwalang ito nakita ang ilang mga aspetong bumubuo sa pagkatao
natin bilang mga Pilipinong nakaranas ng himagsikan at paglaban para sa kung ano ay dapat atin.
Sa pangkalahatan, nagustuhan ko ang pelikula, pati na rin ang mensahe nito, pero naniniwala ako
na pwede pa itong patuloy na pagandahin.

You might also like