You are on page 1of 30

Layunin at Elemento

ng Komunikasyong
Teknikal
Modyul 2
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral
ay inaasahan na;
A. natutukoy ang layunin ng
komunikasyong teknikal;

B. naiisa-isa ang elemento ng


komunikasyong teknikal; at

C. napapahalagahan ang komunikasyong


teknikal na larangan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling
karanasan.
Layunin at Elemento ng
Komunikasyong Teknikal

Layunin
-nangangahulugan ng intensiyon, adhikain o
ang mga bagay na nais gawin o isakatuparan ng
isang tao

-Ito ay binigyang-kahulugan ng Meriam Webster


bilang isang motibasyon, iniibig, ginusto, o
pinapangarap. Maari ring binabalak at
isinakatuparan ng isang sistema para makuha
ang gustong makamit. Ang layunin ay maari ring
pansarili, personal o pangsamahan.
Maraming tao sa mundo ang nagsusumikap
para maabot ang mga kani-kanilang layunin
sa loob ng isang panahon sa pamamagitan ng
pagtatakda ng mga hangganang oras. Mas
kilala natin ito sa bokabularyong “deadline”.
Ano nga ba ang Layunin ng
Komunikasyong Teknikal?
Francisco at Gonzales (2017)

1. Magbigay ng impormasyon
-isinusulat ito upang bigyan
ang mambabasa ng
impormasyon ukol sa isang
bagay o ng direksyon sa
paggamit ng isang produkto.
2. Magsuri
– ang sulatin ay binubuo upang
analisahin at ipaliwanag ang
implikasyon ng mga pangyayari
upang magamit bilang basehan
ng mga pagdedesisyon sa
kasalukuyan at sa hinaharap.
3. Manghikayat

– upang kumbinsihin ang


mambabasa o pinatutungkulan
nito. Bagaman kasama nito ang
layuning makapagbigay ng
impormasyon.
Ano-ano nga ba ang Layunin ng
Komunikasyong Teknikal?
Francisco at Gonzales (2017)

1.Awdiyens-nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaring


maging tagapakinig, manonood o mambabasa.

• Ang pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe


mula sa narinig, mula sa tunog o salita na pinakinggan. Sa
pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak
upang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri kung ano
ang narinig. Ang utak ang siyang nagbibigay ng
interpretasyon, pag-unawa at doon nagkakaroon ng
pagbibigay kahulugan batay sa iyong napakinggan.
• Ang panonood naman ay proseso ng pagmamasid ng
manonood sa palabas, video recording at iba pang
visual media upang magkaroon ng pang-unawa sa
mensahe o ideya na nais iparating nito.

• Ang mambabasa ay nagbibigay interpretasyon batay


sa kanyang nakita at binasa gamit ng kanyang mga
mata.
2.Layunin

-ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang


pagpapadala ng mensahe. Dito makikita ang mga adhikain na
nais gawin o isakatuparan.
3.estilo

-kinapapalooban ng tono, boses, pananaw,


at iba pang paraan kung papaanong
mahusay na maipadadala ang mensahe.
• Tono – ito ang nagbibigay sigla o buhay sa bawat salitang lumalabas sa iyong
bibig. Taas-baba na inuukol sa pagkabigkas ng pantig ng isang salita upang higit
na maging mabisa ang pakikipag-usap. Ang tono ng tinig ay maaring ilapat mula
sa mungkahi ng damdamin katulad ng galit, pagkagulat o kasiyahan.

• Boses – ang tinig o boses ay binubuo ng tunog na ginagamit sa pagsasalita,


pakikipag-usap, pagtawa, pag-awit, pag-iyak, pagsigaw at iba pa. Dito madarama
ang emosyon ng iyong kausap kung siya ay masaya, nagpapaliwanag, galit, takot
at iba pa.
• Pananaw – kilala bilang isang kamalayang pampaningin at persepsiyong biswal.
Kakayahang makapagpaunawa o makapagpaliwanag ng kabatiran na tumutukoy sa
paniniwala atpersonal na perpektibo ng isang tao sa mga bagay-bagay. Pagsusuri sa
isang bagay, suliranin o pangyayari na maaring may personal na panguna
o punto de bista.
4.Pormat- tumutukoy sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala.

• Estruktura – tumutukoy sa ayos, porma o komposisyon ng mga parte,


patern o disensyo ng isang bagay.
5. Sitwasyon
-pagtukoy sa estado kaugnay sa layunin na nais iparating ng
mensahe.

-mga pangyayari na magaganap pa lang or nagaganap na.


6. Nilalaman

–ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon.

-mga aralin o paksa na dapat nakapaloob sa isang bagay.


7.Gamit-pagpapakita ng halaga kung bakit
kinakailangan na maipadala ang mensahe.

• Gamit – anumang bagay na gamit o magagamit,


kasangkapan. Para kanino, sino ang gagamit at
para saaan ito. Ano-ano ang mga benepisyong
kanilang makukuha sa paggamit nito.
Katangian at Anyo ng
Komunikasyong
Teknikal

Modyul 3
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang
mag-aaral ay inaasahan na;

1.natutukoy ang katangian ng


komunikasyong teknikal;

2. naiisa-isa ang anyo ng


komunikasyong teknikal at

3. nasusuri ang higit na mahalaga sa


pagitan ng babala at paalala sa gitna
ng pandemya.
Katangian at Anyo ng Komunikasyong Teknikal

Bago natin talakayin ang katangian ng


komunikasyong teknikal, ano nga ba ang
katangian?

Ayon sa Merriam Webster, ang katangian o karakter ay


tumutukoy sa katangiang mayroon ka na wala sa iba.
Kakayahan, abilidad, talento o panlabas na anyo, ugali
o anomang paglalarawan na nagpapakita ng kaibahan
sa iba.
Narito ang katangian ng komunikasyong teknikal
mula kina Francisco at Gonzales (2017);

• Oryentasyong nakabatay sa awdiyens –

ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng


komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa
awdiyens.
• Nakapokus sa sabjek - sa pagsulat ng
komunikasyong teknikal, higit na binibigyang-pansin
ang pangunahing paksa ng usapan dahil dito
ibinabatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa
pagtalakay.
 Kumakatawan sa manunulat – ang katangiang ito
ang nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o
ang kultura ng organisasyong kaniyang
kinabibilangan.
• Kolaborasyon – maituturing itong proseso tungo sa
mahusay na pagbuo ng anumang uri ng
komunikasyong teknikal.
Anyo ng Komunikasyong Teknikal

1. Sulating Interpersonal o Inter-institusyonal

- tumutukoy ang mga ito sa mga sulating ibinibigay


sa isang indibidwal, organisasayon o institusyon
upang ipabatid ang mga hangarin, impormasyon o
datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng
nagpapadala. Ang halimbawa nito ay liham
pangnegosyo.

Liham Pangnegosyo – ay isang pormal na sulatin na


karaniwang ipinapadala para sa mga tao sa labas ng
organisasyon o kompanya.
2. Sulating ukol sa isang produkto

– tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may kinalman sa


isang produkto. Ang halimbawa nito ay deskripsyon ng
produkto at manwal sa paggamit ng produkto.

Deskripsyon ng Produkto – ay isang maikling sulatin na


ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa
isang negosyo

Manwal – ay mga pasulat na gabay o reperensiyang material


na ginagamit sa pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain
sa trabaho,pagbuo ng mga mekanismo, pagpapatakbo ng
mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo ng mga
produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
3. Sulating Pabatid-Publiko at Sulating Promosyonal –
tumutukoy ang mga ito sa mga sulating naglalayong
magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning
itanyag ang isang produkto, serbisyo o kaganapan

Flyers – isang maliit na papel na may larawan at maikling teksto, bagaman may
mga disenyong maaring isagawa, depende sa nagpapakalat ng impormasyon.

Promo Material - ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng


negosyo. Sinasalamin ng promosyonal na mga material ang kompanya at ang
branding o imahe na nais nitong ipakita sa publiko.

Anunsiyo – isinusulat upang makapagbigay at makapagbahagi ng


impormasyon. Ipinapaalam ng isang tao ang isang balita para sa mga kasama
sa negosyo o sa mga katarabaho, gayundin sa mga
tagatangkilik ng negosyo o sa mga partikular na tao o sektor na maaapektuhan
ng anunsiyong kaugnay sa trabaho.
Paalala – ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay
lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit
upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.

Babala – ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas na


masaktan ang tagapagsagawa o maiwasan ang pagkasira ng
kagamitan sa normal na operasyon.
4. Sulating ukol sa Pagkain

– tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa


pagkain. Ang halimbawa nito ay recipe ng menu.

Menu – ito ay listahan ng mga pagkain.

You might also like