You are on page 1of 12

Panuto: Ayusin ang pagkakasunod ng

mga larawan ayon sa mga naging


pagbabago ng komunidad. Lagyan ng
bilang 1-3.

_______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________


Awit: Mga Anyong Lupa
at Anyong Tubig
ni Gng.Rizaline B. Celso
(tono:Leron-leron Sinta)

Mga anyong lupa ating makikita,


sa kapaligiran ay matatagpuan
bundok,kapatagan,lambak,burol,bulkan
ilan lamang yan sa masisilayan.

Mga anyong tubig atin ring alamin,


maaaring pagkunan ng ating pagkain
ilog,karagatan,bukal,lawa’t talon
halina’t tuklasin ating talakayin.
kapatagan-Malawak na lupain na patag
at mababa,angkop ang kapatagan sa
pagtatanim ng mga gulay,mais at palay.
Maraming tao ang naninirahan sa
kapatagan,isa sa pinakakilalang
kapatagan ay gitnang kapatagan ng
Luzon.
bundok-Pinakamataas na anyong lupa
kaysa burol,pabilog o patulis ang
taluktok.
burol-Mataas na lupa ngunit mas
mababa kaysa bundok,pabilog ang
hugis ng itaas nito.
talampas- mataas na bahagi ng lupa
ngunit patag sa ibabaw.
bulkan-Katulad ng bundok ang
pagkakaiba lamang ay may bunganga
sa tuktok nito.
lambak-Patag na lupa sa pagitan ng
dalawang bundok.
karagatan-pinakamalaking anyong tubig
na malalim at maalat, dito naglalayag
ang malalaking barko.
dagat-pangalawa sa karagatan ang laki
nito,ito ang pinagkukunan ng mga isda at
iba pang yamang dagat.
ilog- isang malaking likas na daanang
tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang
isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng
maliit na mga batis, kilala bilang agos.
Mula sa pinagkukunan, dumadaloy
pababa ng isang burol ang lahat ng mga
ilog, na kadalasang tumitigil sa mga
karagatan. Ang mga ilog ay mahalaga
dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga
tao noong prehistoriko,at ito ay itinuturing
pinagmumulan ng mga kabihasnan.
lawa-ay isang anyong tubig na
napapalibutan ng lupa. Ito ay kadalasang
sariwang tubig.
golpo-ay isang malaking look, o tubigang
hindi ganap na naliligiran ng dagat at
karaniwang matatagpuan sa baybayin ng
isang golpo ang mga pantalan.
look-Nagsisilbing daungan ng mga
sasakyang pandagat.Maalat ang tubig
sapagkat nakadugtong ito sa dagat o
karagatan.
Pangkat 1
Mag Jack en Poy, ang matalo ang siyang
magbibigay ng pangalan ng larawang hawak ng
katunggali sa laro.
Pangkat 2
Bumuo ng isang anyong lupa at anyong tubig
gamit ang clay sa isang illustration board.
Pangkat 3
Buuin ang puzzle at tukuyin kung ano ang
inyong nabuo,ito ba ay anyong tubig o anyong lupa?
Pangkat 4
Bilang mag-aaral,paano n’yo maipapakita ang
pangangalaga sa ating mga likas na yaman, tulad ng
anyong lupa at anyong tubig?

A.Pagtapatin ang larawan sa Hanay A at mga


naglalarawan nito na nasa Hanay B.Isulat ang titik ng
tamang sagot.
Hanay A Hanay B

1. A. lambak

2. B.kapatagan

3. C.bulkan

4. D.look

5. E. lawa

You might also like