You are on page 1of 35

5

Filipino
Ikaapat na Markahan
Una-Ikawalong Aralin

DO_Q4_Filipino5_Module1-8
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Una-Ikawalong Aralin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Michelle M. Bonifacio, Grace C. Silva, Leslie S. Barlaan, Jesbelle DS.
Tolentino, Jackielyn M. Pajarillo, Lorenz Allan M. Españo, Meriam P. Dolz
Editor: Rizza D. Escobido
Angelyn L. Romero
Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: Edison D. Taguilaso, Raphael A. Lopez
Tagapamahala:
Meliton P. Zurbano, Assistant Schools Division Superintendent (OIC-SDS)
Filmore A. Caballero, CID Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS
Rosarie R. Carlos, Education Program Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region-SDO VALENZUELA
Office Address: Pio Valenzuela Street, Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292-3247
E-mail Address: sdovalenzuela @deped.gov.ph

2
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang kasanayang ito:
• Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga sa tekstong
napakinggan F5PN-IVa-d-22

Subukin

Panuto: Pag-ugnayin ang kaisipan sa hanay A at hanay B. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. malusog na katawan A. pag-aaral nang mabuti
2. malalim na baha B. matinding pag-ulan
3. pagsakit ng ngipin C. pagtatapon ng basura
4. mataas na marka D. paglalaro ng Mobile Legends
5. pagdumi ng ilog E. pagkain ng matamis na pagkain
F. pagkain ng masusustansiyang pagkain

Aralin • Paggawa ng Dayagram sa

1 Ugnayang Sanhi at Bunga sa


Tekstong Napakinggan

Tuklasin

Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga gawain sa ibaba.

Noong unang panahon, marami ang namamangha sa Ilog Tullahan dahil sa


malinis, mabango at malinaw na tubig nito. Ngunit ng maglaon ay nasira ang
kagandahan ng ilog dahil sa kapabayaan ng mga tao. Maraming basura ang
tinatapon sa ilog gaya ng mga dumi galing sa ilang pabrika na naging dahilan ng
pagkakaroon ng baradong lagusan ng tubig kaya sa kaunting pag-ulan lamang ay
umaapaw ito. Namatay din ang mga isdang naninirahan dito dahil sa marumi na
ang tubig. Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang ilog Tullahan,
kaya kumilos na ang mga tao katuwang ng lokal na pamahalaan bago pa mahuli
ang lahat.

1 DO_Q4_Filipino5_Aralin1
Gawain 1
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga sanhi sa pagkasira ng ilog
Tullahan. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon at isulat sa
sagutang papel.

Pagkasira ng
Ilog Tullahan

mga dumi mula sa pabrika pagkamatay ng mga isda


pagtatapon ng basura sa ilog pagpapabaya ng mga tao sa ilog
pagkabara ng mga lagusan ng tubig

Gawain 2
Panuto: Basahin ang pangyayari sa hanay A at tukuyin ang maaaring maging
bunga nito sa hanay B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. baradong lagusan ng tubig A. pagkaunti ng bilang ng
magagandang pasyalan
2. pagtatapon ng nakalalasong B. pagkamatay ng mga isda
kemikal sa ilog sa ilog
3. pagtatapon ng basura kung saan saan. C. pagkakaroon ng sariwang
hangin
4. pagkasira ng mga magagandang ilog D. pagbaha
5. pagtatanim ng puno at halaman E. pagbabara ng mga kanal

Suriin
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito
ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. Habang ang bunga naman
ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadahilanan
ng pangyayari.

Halimbawa:

1. Ang bata ay kumain ng maraming kendi kaya sumakit ang kanyang ngipin.
Sanhi: Ang bata ay kumain ng maraming kendi.
Bunga: Sumakit ang kanyang ngipin.

2 DO_Q4_Filipino5_Aralin1
2. Bumagsak sa pagsusulit ang bata dahil hindi niya inaral nang mabuti ang
kanyang aralin.
Sanhi: Hindi inaral nang mabuti ng bata ang kanyang aralin.
Bunga: Bumagsak ang bata sa pagsusulit.

May mga paraan upang maipakita ang ugnayan ng sanhi at bunga. Isa na
rito ang paggawa ng dayagram. Ang dayagram ay isang simbolikong
representasyon ng mga impormasyon. Ito ay ginagamit upang mas maipakita sa
biswal na pamamaraan ang kaugnayan ng mga impormasyon.
Mga halimbawa:

SANHI
BUNGA
Hindi nag-aral ng aralin
Pagsakit ng ngipin
ng bata

MGA BUNGA

SANHI Pagbagsak sa
SANHI
pagsusulit
Pagkain ng
matatamis na
Hindi pagsisipilyo kendi Pagkakaroon ng
mababang
marka

Hindi pagpasa sa
ikalimang
baitang

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung ang may salungguhit na parirala ay sanhi o bunga. Isulat
ito sa sagutang papel.

1. Laging tumutulong si Rosa sa gawaing bahay kaya tuwang-tuwa sa


kanya ang kanyang mga magulang.
2. Nakatanggap ng medalya si Pedro sa kanyang pagkapanalo sa
kompetisyon.
3. Hindi nakapasa sa pagsusulit ang bata kaya nagalit ang kanyang ina
sa kanya.
4. Malusog ang pangangatawan ni Karlo dahil mahilig siyang kumain
ng masusustansiyang pagkain.
5. Masipag at masunuring bata si Manding kaya kinagigiliwan siya ng
nakararami.

3 DO_Q4_Filipino5_Aralin1
Gawain 2
Panuto: Gamit ang mga detalye gumawa ng sariling dayagram sa sagutang papel
upang biswal na maipakita ang kaugnayan ng mga ito. Maaaring
gumamit ng iba’t ibang hugis sa paggawa ng dayagram.

Sanhi: Hindi pagsunod sa minimum health standards para makaiwas sa sakit na


Covid-19

Mga maaring maging bunga:


1. Dadami ang bilang ng mga may sakit.
2. Magkakaroon ng hawahan.
3. Lalong lalaganap ang sakit.
4. Mas maraming tao ang maapektuhan.

Isagawa

Panuto: Gamitin ang dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SANHI BUNGA
1.
2.
3.
4.
5.

1. paggamit ng dinamita A. pag-init ng paligid at


pagkakaroon ng polusyon sa
hangin
2. panghuhuli ng hayop B. pagdumi ng ilog
3. pagpuputol ng punongkahoy C. pagkamatay ng mga isda
4. pagsunog ng kabundukan D. pagdami ng tao
5. pagtatapon ng basura sa mga ilog E. pag-abuso sa mga hayop
F. pagkakalbo ng kagubatan

Tayahin
Panuto: Punan ng angkop na sanhi at bunga ang suliranin at gamitin ito sa
paggawa ng dayagram. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Suliranin: Pagbagsak sa ikatlong markahan


Sanhi: ______________________________________________
Bunga: _____________________________________________
Dayagram: (3 puntos)

4 DO_Q4_Filipino5_Aralin1
Alamin

Ang modyul na ito ay may layuning malinang ang mga kasanayang:


• Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng
napakinggang balita F5WG-IVa-13.1
• Nagagamit ang iba’t ibang uri pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa
isang isyu F5WG-IVb-e-13.2

Subukin
Panuto: Piliin sa hanay B ang angkop na pangungusap na tinutukoy sa hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. patanong A. Tapusin mo ang iyong takdang- aralin.


2. pasalaysay B. Ang panahon natin ngayon ay tag-araw.
3. padamdam C. Sino ang pinag-uusapan sa kuwento?
4. pautos D. Pakiabot mo nga ang pitsel ng tubig.
5. pakiusap E. Aray! Ang sakit!

Aralin • Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng


Pangungusap sa Pagsasalaysay
2 ng Isang Balita
Pakikipagdebate sa Isang Isyu
at

Tuklasin

Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga gawain sa ibaba.


Covid-19 sa Maunlad, Tumataas!
Buwan ng Marso taong 2021 ay napansin ng mga eksperto sa Lungsod ng
Maunlad na ang bilang ng nagkakaroon o naaapektuhan ng sakit na Covid 19 sa
kanilang lugar ay tumataas. Ayon sa kanila ito ay buhat ng kakulangan sa
disiplina at pagsunod ng mga tao sa tinatawag na health protocols. “Marami parin
ang hindi sumusunod sa mga utos ng lokal na pamahalaan na manatili sa kani-
kanilang tahanan kung wala namang mahalagang pakay sa paglabas”, dagdag pa
nila.
Sa isinagawang panayam sa punong lungsod, sinabi nito na magpapatupad
na sila ng tinatawag na Community Lockdown sa kanilang lugar at ito ay
magsisimula na sa ika-25 ng Marso. Mensahe naman niya sa kanyang mga
nasasakupan, “Kaya natin ito! Basta tayo ay sama-sama at nagtutulungan”.

5 DO_Q4_Filipino5_Aralin2
Pakiusap pa nito na kung maaari, sumunod na lamang sa mga ipanatutupad na
patakaran upang malabanan ang sakit na Covid-19.

Gawain 1
Panuto: Basahin at sagutin ang tanong tungkol sa balita. Piliin ang letra ng
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

A. sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Community Lockdown


B. Ang pagtaas ng kaso ng Covid 19 sa lungsod Maunlad
C. dahil sa kakulangan ng disipilina ng mga tao
D. “Kaya natin ito!”
E. buwan ng Marso taong 2021

1. Tungkol saan ang balitang binasa?


2. Kailan napansin ng mga eksperto ang pagtaas ng bilang ng apektado sa sakit?
3. Ayon sa mga eksperto bakit tumataas ang bilang ng nagkakasakit?
4. Paano sinolusyunan ng punong lungsod ang problema sa kanyang
nasasakupan?
5. Ano ang mensahe ng punong lungsod upang palakasin ang loob ng mga tao sa
kanyang bayan?

Gawain 2
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pangungusap upang mabuo ang talata
at maisalaysay ang balitang Covid-19 sa Maunlad, Tumataas. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

“Kaya natin ito!”


Ito ay ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng sakit na Covid 19.
Ito ay ayon sa isinagawang panayam sa punong lungsod.
Bakit ito nangyayari?
maaari ay sumunod na lamang sa mga ipanapatupad na patakaran
upang malabanan ang sakit na Covid-19.

Buwan ng Marso nang may napansin ang mga eksperto sa Lungsod


Maunlad.1. ______________________________________________.
2. ___________________________ Ayon sa kanila, ito ay dahil sa kakulangan ng
disiplina ng mga tao sa lugar.
Magpapatupad na ng tinatawag na Community Lockdown sa lugar.
3.___________________________________________________. Nag-iwan din ito ng
mensahe sa kanyang nasasakupan. Ayon sa kanya, 4. ____________________.
Nakiusap din ito sa mga mamamayan na kung 5. ________________________

Suriin

May iba’t- ibang uri ang pangungusap ayon sa gamit. Ito ay maaaring
pangungusap na pasalaysay, patanong, padamdam, pautos o pakiusap.

6 DO_Q4_Filipino5_Aralin2
a. Pasalaysay na pangungusap. Ito ay naglalarawan o nagku-kuwento tungkol
sa isa o mga pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Nagsimula na ang pagbabakuna sa mga bata sa lungsod
Valenzuela.
Kailangan pa rin ang pagsusuot ng facemask kapag lumalabas.
b. Patanong. Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay. Nagtatapos ito sa
tandang pananong (?).
Halimbawa: Nasaan na ba ang aking apo?
Kaya mo bang buhatin ‘yan?
c. Padamdam. Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o nagpapakita ng
damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Halimbawa: Naku! Ang daming insekto!
Bilisan mo! Umuulan na!
d. Pautos o Pakiusap. Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao
upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-
kilos at nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa: Magdilig ka ng halaman.
Pakisibak mo nga ang kahoy.

Ang pagsasalaysay naman ay isang paraan ng pagbabahagi ng isang bagay


na iyong nasaksihan o napakinggan. Ito ay maaaring sa paraan ng
pagkukuwento. Ito ay magiging epektibo kung orihinal ang pagkakagawa nito.
Ang debate naman ay pangangatwiran ng dalawang magkaibang panig na
may magkasalungat na paniniwala.

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang balitang Pagbabalik ng Face to Face Classes Makakatulong
sa Mental Health ng mga Mag-aaral na makikita sa FB Group Page at
sagutin ang mga gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa balita. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Tungkol saan ang balitang iyong binasa?
A. Pagkakaroon ng limitadong face to face classes sa low-risk areas.
B. Pagpapatupad ng health protocols.
C. Mga ayuda para sa mga mag-aaral.
2. Saan iminumungkahi ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng
limited face-to-face classes?
A. Sa mga lugar sa Metro Manila.
B. Sa mga lugar na maraming apektado ng sakit na Covid-19.
C. Sa mga lugar na tinatawag na “low risk areas”
3. Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, makakatulong sa mental health ng mga
estudyante ang ____________________.
A. Agarang pagbubukas ng klase.
B. Ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.
C. Hindi sila papasok sa paaralan.

7 DO_Q4_Filipino5_Aralin2
4. Ano ang maaring maidulot sa mga mag-aaral ng pagkakaroon ng limited face-to-
face classes ayon sa balita?
A. Pagkakaroon ng mas maraming kaibigan.
B. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng sapat na paggabay mula sa
kanilang mga guro.
C. Pagkakataon na makapag-ipon mula sa mga tirang baon.
5. Bukod sa edukasyon ano pang mga programa ang mayroon sa paaralan para sa
mga mag-aaral?
A. Programang mabigyan ng maraming laruan ang mga mag-aaral.
B. Programang mapayaman ang mga mag-aaral.
C. Programang pangkalusugan at mabigyan ng proteksyon ang mga mag-
aaral.

Gawain 2
Panuto: Isipin mo na ikaw ay nasa isang debate. Pangatwiranan ang iyong sagot
gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Tema: Sang-ayon ka bang magkaroon ng limited face to face classes sa


Lungsod Valenzuela?

Isagawa
Panuto: Sumulat ng iba’t ibang uri ng pangungusap batay sa iyong narinig na
balita tungkol sa Bakuna. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pasalaysay-
2. Patanong -
3. Padamdam-
4. Pautos-
5. Pakiusap –

Tayahin

Gawain 1
Panuto: Basahin at isalaysay ang balita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

2 VALENZUELA SCHOOLS ANG NAGSAGAWA NG DRY RUN NG F2F CLASSES


Mel Matthew Doctor/ 1 December 2021
Ang Tagalag Elementary School at Disiplina Village Elementary School sa
Valenzuela City ay nagsagawa ng simulation ng limitadong face-to-face classes
noong Lunes, Nobyembre 29, sabi ni Mayor Rex Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na ang dalawang paaralan lamang ang nabigyan ng green light
na magdaos ng physical classes. Magsisimula ang mga personal na klase sa
lungsod sa Disyembre 6. “Dalawa pa lang ang recommended natin for the limited
F2F classes — DV Bignay ES at Tagalag ES pa lang. Hindi rin lahat ay puwede na
mag-F2F dahil limited lang ito sa Kinder to Grade 3 tapos 16-17 students lang ang
maaaring nasa loob ng classroom,” Paliwanag niya. “Hindi rin naman ito sapilitan.

8 DO_Q4_Filipino5_Aralin2
Voluntary pa rin at dapat may pahintulot ng magulang. Kung ayaw po ninyo
papasukin anak ninyo sa face-to-face, you can go with the distance learning pa rin at
mag modules po kayo,” Dagdag pa niya.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon na tinitingnan
nito ang hindi bababa sa 28 paaralan na magdaos ng physical classes sa Metro
Manila. Ibinahagi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na may
kasunduan ang departamento sa mga mayor ng Metro Manila na magkakaroon ng
kahit isang paaralan sa isang lungsod na magpapatuloy sa limitadong F2F classes.
Dahil sa pagpapabuti ng sitwasyon ng Covid19 sa bansa, ang DepEd at ang
Department of Health ay nag-endorso sa Office of the President na bigyan sila
permiso sa pagpapataas ng bilang ng mga paaralan na maaaring magsagawa ng
physical classes. Naaprubahan ito ngunit mananatili pa rin muna ito sa pilot stage,”
sabi ni Malaluan.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang tanong.
Sang-ayon kaba sa pagkakaroon ng limitadong face to face classes sa
Valenzuela Ciy?
Bigyan ang katwiran o ipaliwanag ang iyong sagot.
Oo,______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Hindi,____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Alamin

Sa katapusan ng modyul, inaasahan na:


• natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu; at
F5PB-IVb-26
• Nakapagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin
F5PS-IVe-9
• napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo. F5PD-IVe-j-18

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin ang
maaaring maging solusyon sa mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa inyong lugar. Ano ang
maaaring maging plano ng pamahalaang lungsod upang matugunan ito?
A. Magsagawa ng libreng bakuna laban sa naturang sakit.
B. Paalalahanan ang mga mamamayan na mag-ingat.
C. Bigyan ng makakain ang mga mamamayan.
D. Hayaan na lamang na dumami ang kaso ng sakit.
2. Malaki ang naging pagbabago sa sistema ng edukasyon ngayon sa ating
bansa. Naging mahirap para kay Andy na makasabay sa kanyang mga
kamag-aral dahil nawalan pa ng trabaho ang kanyang ama. Kapitbahay mo
lamang si Andy, ano ang maaari mong maitulong sa kanya?
A. Huwag pansinin si Andy.
B. Kausapin ang iyong magulang na tulungan ninyo si Andy.
C. Ibigay sa kanya ang mga sagot sa gawain.

9 DO_Q4_Filipino5_Aralin3
D. Sabihin sa inyong guro ang sitwasyon ni Andy.
3. Dumadaing ang iyong magulang dahil sa pagtaas ng mga bilihin sa
palengke. Ano ang maaari mong maitulong sa iyong magulang upang
makatipid sa pamimili?
A. Maging mapili sa pagkain.
B. Magpabili ng mga bagay na hindi mo naman gagamitin.
C. Maglaan ng mas mataas na budget sa pagkain.
D. Huwag maging mapili sa pagkain, kainin kung ano ang binili ng
magulang.
4. Nalalapit na ang kaarawan ng iyong ina, naubos mo ang iyong inipong pera
na pambili sana ng regalo para sa kanya. Ano ang iyong gagawin upang
mabigyan siya ng regalo?
A. Aaminin ko sa kanya na hindi ko siya mabibigyan ng regalo dahil
naubos na ang perang ipambibili ko.
B. Titipirin ko ang baon ko upang makaipon ng pambili ng regalo.
C. Araw-araw akong manghihingi ng pera kay nanay upang makaipon ng
pambili ng regalo.
D. Babawi na lang ako sa susunod niyang kaarawan.
5. Hindi mo natapos ang iyong proyekto dahil ginabi kayo ng uwi galing
probinsya. Kinabukasan ang araw ng pasahan nito, pagod na pagod ang
iyong mga kasama sa bahay dahil sa tagal ng biyahe. Ano ang iyong gagawin
upang matapos ito at maipasa kinabukasan?
A. Magagalit ako sa aking magulang dahil isinama pa nila ako.
B. Makikiusap ako sa mga kasama ko sa bahay na tulungan ako upang
mapabilis ang pagtapos sa proyekto.
C. Ipaaalam ko na lang sa aking guro na hindi ako magpapasa bukas
dahil umalis kami.
D. Hindi na lang ako magpapasa dahil hindi naman ito mahalaga.

• Pagtukoy sa Paniniwala ng May-


Aralin akda
• Pagbibigay ng Solusyon sa
3 Naobserbahang Suliranin
• Paghahambing ng Iba’t ibang
Dokumentaryo

Tuklasin
Panuto: Panoorin ang dalawang dokumentaryo na makikita sa mga link sa ibaba,
pagkatapos ay sagutin ang talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Investigative Documentaries: Kakulangan sa silid-aralan, kailan matutugunan?


https://www.youtube.com/watch?v=kNLg-ds_rMM
Stand for Truth: Kalagayan ng Edukasyon sa Pilipinas, Alamin!
https://www.youtube.com/watch?v=KfbpzlbIiVY

10 DO_Q4_Filipino5_Aralin3
Nagpapakita
ba ito ng Posibleng
Dokumentaryo Tema/paksa Suliranin
realidad ng solusyon
buhay?
Investigative
Documentaries:
Kakulangan sa
Silid-aralan,
Kailan
Matutugunan?
Stand for Truth:
Kalagayan ng
Edukasyon sa
Pilipinas, Alamin!

Suriin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod:

Dokumentaryo - Ang dokumentaryo ay isang uri ng pelikula kung saan ang


kuwento ay tungkol sa mga totoong tao at nakabase sa totoong pangyayari. Ito
ay madalas na ginagamit upang magpakita ng katotohanan at realidad sa ating
mundo.
May-akda – ito ay tumutukoy sa taong nasa likod ng anomang babasahin,
sulatin, o pinanonood. Siya ang lumikha ng isang tiyak na panitikan.
Suliranin – tumutukoy sa mga bagay na dapat sinosolusyonan o kailangang
lutasin.

Sa pagbuo ng isang dokumentaryo, kinakailangan itong pagplanuhan,


paglaanan ng oras, at magsaliksik. Makatutulong ito sa mga may-akda upang mas
maging maayos ang daloy ng bawat detalyeng ilalahad nila. Mahalaga rin na
maipakita ang mga suliraning kinakaharap ng mga taong kabilang dito upang
magkaroon ng ideya ang mga mambabasa o manonood sa kung ano ang nais na
iparating nito sa kanila.

Pagyamanin

Panuto: Panoorin ang maikling dokumentaryo na makikita sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=Lxpkc77HjzA pagkatapos ay sagutin
ang grapikong pantulong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

11 DO_Q4_Filipino5_Aralin3
Mga mag-aaral, Buwis-buhay ang Pagpasok sa
Eskuwela | Reel Time
Pamagat

1. Paksa: 2. Suliranin: 3. Maaaring


___________________ ___________________ Solusyon:
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________

4 – 5. Mahalaga ba na maipakita ng dokumentaryo ang realidad ng buhay?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Balikan ang pinanood na maikling dokumentaryo sa parte ng “Tuklasin”,


nakalahad sa ibaba ang iba’t ibang suliraning kinaharap sa
dokumentaryo. Ibigay ang maaaring solusyon sa mga ito. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Investigative Documentaries: Kakulangan sa silid-aralan, kailan matutugunan?


https://www.youtube.com/watch?v=kNLg-ds_rMM

Stand for Truth: Kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, alamin!


https://www.youtube.com/watch?v=KfbpzlbIiVY

Suliranin Maaaring Solusyon


1. Kulang na mga silid-
aralan
2. Pagdami ng bilang ng
mga mag-aaral
3. Hindi natapos na mga
gusali ng paaralan
4. Mababang sahod para sa
mga guro
5. Paggamit ng mga
palikuran bilang “faculty
room”

12 DO_Q4_Filipino5_Aralin3
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga suliraning nakalahad sa bawat bilang. Sa


loob ng kahon makikita ang mga posibleng maging solusyon sa mga ito.
Piliin at isulat sa sagutang papel.
_____1. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng sakit na Covid 19 sa
inyong lungsod. Anong tugon ang maaaring gawin ng inyong pamahalaan?
_____2. Tumataas ang bilang ng populasyon sa ating bansa. Kasabay ng pagtaas
nito ay tumataas din ang pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.
Anong solusyon ang maaaring gawin upang maiwasan ang pagtaas ng
populasyon ng bansa?
_____3. Malaki ang pagbabago ng sistema ng edukasyon sa kasalukuyang panahon
dahil sa pandemya. Isa ka sa mga mag-aaral na labis na naapektuhan nito.
Walang magamit na gadget at internet para sa online class. Pansamantalang
nahinto ang iyong magulang sa trabaho dulot din ng pandemya. Ano ang
iyong gagawin?
_____4. Napanood mo sa telebisyon na maraming tao ang naapektuhan ng mga
nagdaang kalamidad sa ating bansa. Marami ang nawalan ng tirahan,
kabuhayan, at mga kagamitan. Bilang isang pinuno ng mga mag-aaral sa
inyong paaralan, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa mga
taong nasalanta ng kalamidad?
_____5. Napapadalas ang pananakit ng iyong mata at ulo dahil sa maghapong
pagtutok sa iyong cellphone dahil sa online class. Ano ang iyong gagawin
upang maiwasan ang pagsakit ng iyong mata at ulo?

a. Magsagawa ng isang donation drive upang makapangalap ng tulong para


sa mga nasalanta.
b. Magpapatuloy pa rin sa pag-aaral kahit walang gagamiting gadget dahil
maaari namang gamitin ang modyul para mag-aral.
c. Maglunsad ng proyektong may kaugnayan sa libre at ligtas na bakuna
laban sa Covid 19.
d. Sasabihin ko ito sa aking magulang upang madala ako sa doktor.
e. Magplano sa pagbuo ng pamilya.

Alamin

Sa katapusan ng mga gawain, inaasahan na:


• Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan
(chat) F5WG-IVf-j-13.6
• Nakabibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan F5PN-IVg-h-23
• Naibibigay ang mahahalagang pangyayari F5PB-IVi-14

Subukin
Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay payak, tambalan at hugnayan ayon sa
pagkakabuo nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

13 DO_Q4_Filipino5_Aralin4
1.Si Miguel ay maagang nakauwi ng bahay galing sa paaralan.
2. Nagpunta sa gubat ang magkakaibigan.
3. Si nanay ay nagluluto ng hapunan samantalang si tatay ay nagwawalis ng
bakuran.
4. Si Mang Edgar ay nagkukumpuni ng sirang lamesa habang si Mang Bert
ay nagliligpit ng gamit.
5. Umiyak si Marie nang mawala ang kanyang pitaka.

• Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng


Pangungusap sa Pagsali sa Isang
Aralin Usapan (Chat)

4 • Pagbibigay ng Lagom o Buod sa


Tekstong Napakinggan
• Pakikinig at Pagbibigay ng
Mahalagang Pangyayari

Tuklasin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang seleksyong Ang Kaarawan ni Miguel.
Sagutan ang mga gawain.

Ang Kaarawan ni Miguel

Araw ng Lunes maagang ginising si Miguel ng kanyang ina dahil usapan nila
na mamimili sila ngayon para sa darating niyang kaarawan sa Linggo.

Miguel: “Inay, maliligo lang po ako at magbibihis,” masayang wika niya.


Inay: Sige anak at huwag kang masyadong magmadali. Maya maya pa tayo aalis.
Hindi nagtagal at umalis na ng bahay ang mag-ina.
Inay: Miguel, mukhang maganda ang sapatos na ito.
Miguel: Pero Inay, hindi po ito ang gusto ko. Akala ko po kasi imported ang
bibilhin natin.
Inay: Anak maganda rin naman ang sapatos na ito. Gawang Marikina kaya’t bukod
sa mas mura at alam nating matibay ay makakatulong tayo sa pag-unlad ng
ating ekonomiya.
Miguel: Sige na nga po. Isusukat ko lang po inay. Pagdating nila sa bilihan ng
damit ay si Miguel mismo ang namili ng kanyang isusuot.
Miguel: Ito na po Inay. Alam kong babagay ito sa sapatos na nabili natin.
Inay: Mabuti naman at iyan ang napili mo anak. Bagay sa iyo ang kulay at gawang
Pilipino.

Araw ng Martes inilista lahat ni Miguel ang kanyang mga iimbitahan sa


kanyang kaarawan. Kinabukasan araw ng Miyerkules ay nagpamigay sila ng
imbitasyon. Dumating ang araw ng Huwebes hindi makatulog si Miguel dahil
nasasabik siya sa kanyang nalalapit na kaarawan. Araw ng Biyernes dumating ang

14 DO_Q4_Filipino5_Aralin4
kanyang mga kamag-anak galing sa probinsya. Ito ang araw ng Sabado na abala
ang lahat sa paglilinis at paghahanda sapagkat kinabukasan ay kaarawan niya.
Linggo, ito na ang araw ng kaarawan ni Miguel. Masayang-masaya siya.
Nagmistula itong pista. Tuwang-tuwa ang kanyang mga bisita sa mga palaro,
tugtugin at pagkaing inihanda ng mag-anak.

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1.Tuwang-tuwa ang kanyang mga bisita sa mga palaro, tugtugin at pagkaing
inihanda ng mag-anak.
A. payak B. tambalan C. hugnayan
2. Namigay sila ng imbitasyon.
A. payak B. tambalan C. hugnayan
3. Maagang ginising si Miguel ng kanyang ina dahil usapan nila na mamimili sila
ngayon para sa darating niyang kaarawan sa Linggo.
A. payak B. tambalan C. hugnayan
4. Abala ang lahat sa paglilinis at paghahanda sapagkat kinabukasan ay kaarawan
niya.
A. payak B. tambalan C. hugnayan
5. Maliligo lang po ako at magbibihis.
A. payak B. tambalan C. hugnayan

Gawain 2
Panuto: Ibuod ang Kaarawan ni Miguel. Gamitin ang sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Maagang ginising si Miguel ng kanyang ina _______________________________________


__________________________________________________________________________________

Bago ang araw ng kanyang kaarawan marami siyang ginawang paghahanda tulad
ng
__________________________________________________________________________________

Sa kanyang kaarawan masayang masaya ang lahat.

Suriin

I. Uri ng Pangngusap Ayon sa Pagkakabuo

1. Payak- pangungusap na may isang diwa lamang o kaisipan.


Halimbawa: Nalilibang si Anna sa paglalaro.
2. Tambalan- pangungusap na may dalawa o higit pang kaisipang magkatimbang
na pinag-uugnay ng pangatnig na habang, subalit, at, o, samantala.
Halimbawa: Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.
3. Hugnayan- binubuo ng sugnay na makapag-iisa at di makapag-iisa na pinag-
uugnay ng kaya, kung, kapag, dahil, upang, nang, sapagkat at iba
pa.
Halimbawa: Masaya kaming naglalaro nang biglang dumating ang
sundo niya.

15 DO_Q4_Filipino5_Aralin4
II. PAGBUBUOD
Buod- ito ay ang pinaikli o pinaiksing bersyon ng isang teksto. Ito ay
maaaring pinanood, pinakinggan o nakasulat. Sa pagbuod pinipili dito ang mga
pinaka-mahahalagang ideya at mga sumsoportang ideya o datos. Mga
mahahalagang pangyayari o ang mga mahahalagang nangyari.

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talatang “Ang Punong Kawayan” na


makikita sa FB Group Page at sagutan ang mga gawain.

Gawain 1
Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel kung ang pangungusap ay payak,
tambalan at hugnayan.

1. May ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.


2. Nagpaligsahan ang mga punungkahoy.
3. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa
aking mga sanga.
4. Nagtawanan ang mga punungkahoy.
5. Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy at pinalakas niya
nang pinalakas ang kanyang pag-ihip.

Gawain 2
Panuto: Magtala ng mahahalagang pangyayari sa kwentong “Ang Kaarawan ni
Miguel. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Araw/Petsa Pangyayari

Isagawa
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung ang pangungusap ay payak, tambalan o
hugnayan.
1. Mataas ang pagtingin ng aking magulang sa kanya dahil sa magandang
ugali na ipinakita niya.
2. Madulas ang daan dahil umulan ng malakas kagabi.
3. Ikaw ay uunlad kung masikap at matiyaga ka.
4. Ang pamahalaan ay masigasig sa mabisang pagsugpo ng kriminalidad sa
bansa.
5. Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng iyong
magulang.

16 DO_Q4_Filipino5_Aralin4
Tayahin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang P kung payak, T kung tambalan at H kung
hugnayan ang pangungusap.

1. Si Maricar ay maagang kumain ng hapunan.


2. Sinasagutan ng mga bata ang kanilang modyul habang ginagabayan sila
ng kanilang magulang.
3. Siya ay laging naghuhugas ng kamay upang makaiwas sa sakit.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang kuwentong Ang Kuripot at ang Kanyang Ginto na makikita
sa FB Group Page at ibuod ito 3 hanggang 4 na pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Alamin
Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, inaasahang:
• Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam/pag-
iinterview. F5WG-IV-c-3.5
• Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangugusap sa pagkilatis ng isang
produkto. F5WG-IVd-13-3
• Nagagamit ang bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling
komposisyon. F5PT-IVc-j-6

Subukin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang pangalan ng mga produktong ginagamit


natin upang malabanan ang sakit na Covid -19.

17 DO_Q4_Filipino5_Aralin5
• Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng
Aralin Pangungusap sa Pakikipanayam

5 • Pagkilatis ng Isang Produkto


• Paggamit ng Bago Natutuhang
Salita sa Paggawa ng Komposisyon

Tuklasin

Panuto: Basahin ang patalastas na Diwata Soap at maikling panayam at sagutin


ang mga tanong.

Nais mo bang magkutis isang Diwata?

Nais mo ba ang mabula, mabango, at malambot sa kamay at balat na sabon?

Narito na ang kasagutan sa iyong katanungan! Ang Diwata Soap!

Ang Diwata Soap ay walang sangkap na kemikal bagkus lahat na ginamit dito
ay pawang natural lamang. Kaya ito ay ligtas gamitin. Babango ka na, lalambot
pa ang balat mo! Ito ay may presyong pang masa kaya abot-kaya sa bulsa
magkakaroon ka pa ng kutis-porselana. Ito rin ay nakatutulong upang mabura
ang mga bakas ng sugat at pekas sa mukha.

Ano pa ang hinihintay mo? Bili na! Papahuli ka ba? Pumunta na sa tindahan at
bumili ng Diwata soap. Siguradong mamamangha ka sa resulta!

18 DO_Q4_Filipino5_Aralin5
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong ukol sa patalastas. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang produktong nabasa sa patalastas?


A. kape C. sipilyo
B. sabon D. tuwalya
2. Ano ang pangalan ng naturang produkto?
A. Diwata Soap C. Dutch Soap
B. Delilah Soap D. Doltch Soap
3. Saang sangkap gawa ang sabon?
A.may kemikal na sangkap C. gawa sa coconut oil
B. natural na sangkap lamang D. gawa sa ugat ng halaman
4. Ano-ano ang mga epekto ng paggamit ng sabong ito?
A. hahaba at magiging makintab ang buhok
B. gaganda, kikinis ang mukha at hindi ka tatanda.
C. magiging malusog at malayo sa sakit ang katawan
D. magkakaroon ng kutis porselana at maaalis ang pekas sa mukha
5. Ano ang hindi kasali sa mga benepisyo ng paggamit ng sabong ito?
A. hindi mabilis matunaw
B. abot-kaya at presyong maka-masa
C. gagaling ang mga sugat sa katawan
D. mabango at malambot sa kamay at katawan

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang panayam ni Rico kay Stephanie ukol sa paggamit nito ng
Diwata Soap.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Maganda ba sa balat ang Diwata Soap?


Oo, ______________________________________________________________________________
Hindi, ___________________________________________________________________________

2. Hihikayatin mo rin ba ang ibang tao na gumamit ng Diwata Soap?


Oo. ______________________________________________________________________________
Hindi, ___________________________________________________________________________

Suriin
Madami tayong dapat isaalang-alang sa pagbili ng isang produkto. Ang
mabuting katangian ng isang matalinong mamimili ay magaling siyang kumilatis
sa isang produkto. Dapat isaalang-alang din ng mamimili ang mga magagandang
dulot at benepisyo ng naturang produkto.
Sa nabasang patalastas at panayam ay gumamit tayo ng iba’t ibang uri ng
pangungusap. Tulad na lamang ng “Ang Diwata Soap ay walang sangkap na
kemikal bagkus lahat ng ginamit dito ay pawang natural lamang”.
Ginamit ang pangungusap bilang pasalaysay dahil ito ay naglalahad ng
katotohanan na ang produktong sabon ay pawang natural na sangkap lamang ang
ginamit.

19 DO_Q4_Filipino5_Aralin5
Ang Panayam ay pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao kung
saan ang katanungan ay manggagaling sa tagapanayam upang makakuha ng datos
at impormasyon sa taong kinakapanayam.
Kung mapapansin naman natin ang nabasang panayam, gumamit pa din tayo ng
uri ng pangungusap na nagtatanong sa pahayag na “Pagkatapos gamitin ang
sabon na ito, babalik ka pa ba sa dati mong ginamit?”

Mga Uri ng Pangungusap

1. Pasalaysay- pangungusap na nagbibigay impormasyon o nagkukwento ng isang


pangyayari. Ito ay nagtatapos sa panandang tuldok (.)
Hal: Ang sabon na ito ay mahusay kaysa sa dati kong ginagamit.
2. Patanong- pangungusap na naghahanap ng sagot. Ito ay nagtatanong at
nagtatapos sa tandang pananong (?).
Hal: Nais mo bang magkutis Diwata?
3. Pautos o Pakiusap- ito ay tumutukoy sa pangungusap na nagbibigy utos o
direksyon sa isang dapat gawin. Ito ay nagtatapos sa
tuldok (.) o tandang pananong (?).
Hal: Pumunta na sa tindahan at bumili ng Diwata Soap.
“Ano pa ang hinihintay mo? Papahuli ka ba?”
4. Padamdam-tumutukoy sa pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
tulad ng pagkalungkot, gulat, labis na tuwa.
Hal: Siguradong mamamangha ka sa resulta!

Ang Panayam o Interbyu ay pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang


tao kung saan ang mga katanungan ay galing sa tagapagpanayam upang
makakuha ng impormasyon mula sa kinakapanayam.

Ang Patalastas ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa


pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pang madla.

Ang Komposisyon ay ang simpleng pagsulat ng mga natatanging


karanansan, pagbibigay ng interpretasyon sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang uri ng
pangungusap batay sa patalastas at panayam na binasa. Isulat sa
sagutang papel kung ito ay Pasalaysay, Patanong, Pautos, at
Padamdam.

1. Nais mo bang magkutis Diwata?


2. Pumunta na sa tindahan at bumili ng Diwata Soap.
3. Siguradong mamamangha ka sa resulta!
4. Ang sabon na ito ay mahusay kaysa sa dati kong ginagamit.
5. “Ano pa ang hinihintay mo? Papahuli ka ba?”

Gawain 2
Panuto: Kilatisin ang Diwata Soap. Magtala sa sagutang papel ng 5 magandang
epekto nito sa ating balat ayon sa patalastas.

20 DO_Q4_Filipino5_Aralin5
1._______________________________
2._______________________________
3._______________________________
4._______________________________
5._______________________________
Gawain 3
Panuto: Gamitin ang ibat ibang uri ng pangungusap at bumuo ng isang
komposisyon upang ipakilala ang produktong nasa larawan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Isagawa
Panuto: Sumulat sa sagutang papel ng maikling komposisyon tungkol sa mga
bagay na naitutulong ng Facebook Live Streaming o Self Learning Module
sa mga mag-aaral sa Valenzuela.

Tayahin
Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataong makapanayam ang pangulo ng
Pilipinas, bumuo ng mga pangungusap nanais mong sabihin gamit ang
sumusunod:

1.Pasalaysay______________________________________________________________
2.Patanong________________________________________________________________
3.Padamdam______________________________________________________________
4.Pakiusap________________________________________________________________
5.Pautos__________________________________________________________________

Alamin
Sa modyul na ito, malilinang ang inyong kakayahan:

• Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa isang


dayagram, tsart at mapa F5PB-IV-j-

21 DO_Q4_Filipino5_Aralin6
Subukin

Panuto: Pag-aralan ang mapa. Isulat sa sagutang papel ang sagisag at


panandang tinutukoy ng direksyong nakasulat sa mapa.

1.Hilaga-
2. Timog Silangan-
3. Hilagang Kanluran-
4. Timog-
5. Hilagang Silangan-

Aralin • Pagtatanong Tungkol sa


6 Impormasyong Inilalahad ng
Dayagram, Tsart at Mapa

Tuklasin
Panuto: Basahin ang kuwento na Ang Susi sa Pag-unlad na makikita sa FB
Group Page pagkatapos sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Tungkol saan ang inyong binasa?


2. Anong ginawa ng magkakapatid upang matulungan ang kanilang ama?
3. Anong paraan ang nais ip ni G. Aramil upang lalong ganahan ang mga
ito?
4. Sino ang may pinalamaraming nakuhang itlog sa unang Linggo?
5. Ilan ang kabuuang ani ng itlog nga panganay na anak?

22 DO_Q4_Filipino5_Aralin6
Suriin

Ang mapa, tsart, at dayagram ay mga grapikong pantulong upang madaling


maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto.
Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa isang mananaliksik sapagkat malinaw at
siyentipiko niyang natatalakay ang isang paksa.
Malaking tulong ito sa pag-uulat. Malaking tulong ang mga ito upang
makatawag pansin sa mga detalyeng ibig bigyan diin.
Ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay
nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa
pagbibigay direksyon.

Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa


pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibinibigay na impormasyon.

Ang dayagram ay isang paglalarawan o drawing para maipakita ang


presentasyon.

Halimbawa: Venn diagram ay isang paraan o technique upang maikumpara ang


pagkatutulad at pagkakaiba ng isang pangalan.
Ang nasa gilid ng dalawang bilog o ang hindi naangkop sa pinagsama ay
ang pagkaiba o salungat ng dalawang pangalan at ang parteng pinagsama
ay ang pagkakatulad nito.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Gamit ang Venn diagram, punan ang dayagram ng katangian at kaibahan
ng pag-aaral sa Online class at Face-to-Face classes. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Online Class
Face to Face
Pagkakatulad

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng salitang may kaugnayan sa PANDEMYA. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

23 DO_Q4_Filipino5_Aralin6
PANDEMYA

Isagawa

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. kartograpo D. mapang politikal


B. legend E. mapang Pangkabuhayan
C. mapa

1. Patag na representasyon ng lahat ng bahagi ng mundo sa isang patag na


ibabaw.
2. Tawag sa taong gumagawa ng mapa.
3. Parte ng mapa kung saan nagpapaliwanag sa iba’t ibang simbolo o palatandaang
ginagamit sa isang mapa.
4. Uri ng mapa na ipinapakita ang mga anyong lupa at anyong tubig sa isang
lugar.
5. Uri ng mapa na ipinapakita nito ang uri, dami at pagbabahagi ng mga likas na
yaman ng isang lugar o bansa.

Tayahin
Panuto: Suriin ang tsart sa pagpapatakbo ng sasakyan sa baba at sagutan ang
mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

24 DO_Q4_Filipino5_Aralin6
Puwersa Newton
1. Sa puwersang 400 Newtons, gaano ang pagpapabilis ng sasakyan.
a. 100 m/sq.sec b. 210 m/sq.sec c. 300 m/sq.sec
2. Ano ang pinakamalakas na puwersa ang naitala sa tsart na ito?
a. 600 b. 650 c. 700
3. Ano ang takbo ng graph?
a. pataas b. pababa c. di-tiyak
4. Hanggang saan pa ang puwersa ng Newton?
a. 500 b. 600 c. 700
5. Hanggang saan pa aabot ang pagpapabilis ng sasakyan?
a. 300 b. 350 c. 400

Alamin
Sa modyul na ito, malilinang ang inyong kakayahan:
• Nakasusulat ng maikling balita, editoryal at iba pang bahagi ng
pahayagan F5PU-Ia-2.8, F5IPU-IIj-2.11, F5PU-IVe-h-2.11

Subukin
Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga bahagi ng pahayagang tinutukoy sa hanay
A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
A. Editoriyal / Pangulong
1. Nakasaad dito ang mga pangunahing Tudling
balita na nakalap sa loob at labas ng B. Anunsyo Klasipikado
bansa C. Palakasan
2. Dito mababasa ang mga patalastas D. Mukha ng Pahayagan
tungkol sa mga bagay na ipinagbibili. E. Libangan
3. Dito makikita ang mga balita tungkol
sa paborito mong komiks at larong
palaisipan
4. Dito mababasa ang mga balita at
iskedyul tungkol sa laro at kung sino ang
maglalaro.
5. Dito mababasa ang pananaw ng
patnugot hinggil sa isang napapanahong
isyu.

25 DO_Q4_Filipino5_Aralin7
Aralin • Pagsulat ng Maikling Balita,
7 Editoryal at Iba pang Bahagi ng
Pahayagan

Tuklasin
Panuto: Basahin ang maikling balita. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Itataas ng MERALCO ang bayad sa kuyente sa darating na buwan. Ito ay


alinsunod sa pagtaas ng singil sa labas na binibili ng pribadong ahensya sa
NAPOCOR. Bagay itong ikinababahala ng mga mamimili na kinabibilangan ng
milyong – milyong pamilya. Labag man sa kalooban ng mga pinunong naglilingkod
ng ahensya ay wala silang magagawa dahil ito ang kahilingan ng kasalukuyang
sitwasyon.

a. Tungkol saan ang balita?


b. Sino – sino ang maaapektuhan ng balita?
c. Bakit magtataaas ng singil ang MERALCO?
d. Anong ahensya na tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO?
e. Paano tayo makakatipid sa paggamit ng kuryente?

Suriin

Pahayagan
Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita
o tala tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan. Nagbibigay din ito ng
mga impormasyon tulad ng mga patalastas. Ito ay karaniwang iniimprenta araw-
araw at ibinebenta sa murang halaga. Ito rin ay maaaring pangkalahatan o may
pokus na interes. Ang iba pang terminolohiya para sa salitang ito ay dyaryo at
peryodiko.
Balita
Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap na,
nagaganap o magaganap pa lamang. Naglalarawan ito sa ating kalagayan, at
maaaring maisulat sa pahayagan.
Iba’t ibang bahagi ng pahayagan
Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman
ito ng pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita. Makikita mo rin sa
pahinang ito ang petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.
Balitang Pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa
iba’t-ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan
sa labas ng ating planeta.
Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan
sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.

26 DO_Q4_Filipino5_Aralin7
Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong
kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang paksa. Ito ay isang
mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong
pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga
mambabasa. Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.
Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat
na may kaugnayan sa industriya, kalakalan at komersyo. Mababasa din dito ang
kasalukuyang estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.
Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong
naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga
patalastas tungkol sa mga bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse,
bahay at iba pang ari-arian.
Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa
mga taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga
namayapang tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.
Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw
sa mga mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa
showbiz, mga tampok na palabas sa pelikula at telebisyon at iba pang maiuugnay
sa sining. Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga
mambabasa, tulad ng sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang
komiks at horoscope.
Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa din sa
bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t ibang isports sa loob at
labas ng bansa.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Balita o Editoryal ang mga sumusunod
na pahayag.

1. Batay sa napapanahong pangyayari.


2. Ito ay nagsasaad ng puna o pakikipagtalo.
3. Hindi maaaring magbigay ng opinyon.
4. Nagbibigay ng impormasyon at mapaglilibangan.
5. Tinatawag ding tinig ng pahayagan.

Gawain 2
Panuto: Ayusin ang tamang pagkasunud-sunod ng detalye ng balita. Isulat ang
bilang 1- 5. Isulat ang angkop na pamagat sa sagutang papel.

_______________________________

____Gaganapin ang susunod na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na


magsisimula sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, 2021.
____ Pilipinas ang Nanguna sa SEA Games 2019.
____ Nakilahok sa palaro ang 11 bansa ng Timog – Silangang Asya na binubuo ng
Philippines, Indonesia, Vietnam, Thailand, Malaysia, Singapore, Cambodia,

27 DO_Q4_Filipino5_Aralin7
Myanmar, Laos, Brunei at Timog Leste.” We Win As One” ang naging tema ng
kompetisyon.
____ Nakalikom ang bansa ng 147 na ginto, 117 na pilak, at 121 na tanso, na may
kabuuang 387 na medalya.
____ Marami ang nagbunyi sa natamong karangalan ng bansa nitong nakaraang
Timog Silangang Asyang Palaro.

Isagawa
Gawain 1
Panuto: Bumuo ng sariling opinyon batay sa larawan ng editoryal kartoning na
hinalaw sa Pilipino Star Ngayon. (5 puntos) Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_
Gawain 2
Panuto: Tukuyin at piliin sa loob ng kahon ang mga uri ng balita. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Lokal na balita Balitang dayuhan Balitang Pang-agham at teknolohiya


Balitang Batay sa Aksyon Balitang Batay sa pakikipanayam

1. Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang


kinabibilangan o kinatitirahan ng tagapakinig o mambabasa tulad ng barangay,
bayan, lungsod, lalawigan, rehiyon at bansa.
2. Ang mga manunulat o mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinagyarihan
ng aksyon o pangyayari.
3. Kung ang pangyayari ay naganap sa labas ng bansa.
4. Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
taong sangkot o may alam sa pangyayari.
5. Mga naimbentong vaccine sa Covid-19.

28 DO_Q4_Filipino5_Aralin7
GAWAIN 1
Panuto: Unawain ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot kung
saang bahagi ng pahayagan mababasa ang sumusunod.

1. Saan bahagi ng pahayagan makikita ang nasa ibaba? Sa Wuhan, China


nagsimula ang Covid 19.
A. Pamukhang pahina C. Pahinang pampalakasan
B. Balitang pangkalakalan
2. Ito ang paborito mong bahagi ng pahayagan sapagkat mahilig kang sumagot sa
mga crossword puzzle at iba pa.
A. Pahinang editoryal C. Pahinang pampalakasan
B. Pahinang panlibangan
3. Anong bahagi ng pahayagan mababasa ang nasa ibaba? Nakaburol na si Henry
Sy, ang may ari ng SM.
A. Anunsyo klasipikado C. Pahinang panlibangan
B. Obitwaryo
4. Naghahanap ng trabaho si Mang Tonio, anong bahagi ng pahayagan ang dapat
niyang basahin?
A. Anunsyo klasipikado C. Pahinang editoryal
B. Pamukhang pahina
5. Gustong-gustong malaman ni Betty kung kailan magkakaroon ng konsiyerto ang
paborito niyang BTS.
A. Anunsyo klasipikado C. Pamukhang pahina
B. Pahinang panlibangan

Alamin
Pagkatapos ng gawain, ikaw ay inaasahang.
• Nakasusulat ng Iskrip Para sa Radio Broadcasting at Teleradyo F5PU-IVc-j-
2.12

Subukin
Panuto: Basahin ang iskrip. Ibigay ang angkop na salita/mga salita na pupuno sa
dayalogo. Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Boses: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, ito ang


Radyo Valenzuelano .
Anchor 1 : Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa
Boses: Radyo Valenzuelano! Sa loob ng 5 minuto maghahatid ng balitang siksik at
sulit na sulit. Narito sina Mario at Julio ang inyong kabalitaan sa umagang
ito.
Anchor 2 : Para sa ulo ng nagbabagang balita, Child Car Seat Law, tinabla ni
Digong
Anchor 1 : Mismong si (1)__________________ay hindi pabor na tuluyang ipatupad
ang
(2) ______________________ na kilala rin sa tawag na Child Car Seat Law. Nais
ipagpaliban ng pangulo ang nabanggit na batas. Matatandaan na nilagdaan ng

29 DO_Q4_Filipino5_Aralin8
pangulo ang nasabing batas noong (3) _______________. Nakasaad dito na
kailangang gumamit ng (4) _______________________ o car seats ang mga bata na

(5) _______________ pababa. Aniya “hindi pa napapanahon ang pagpapatupadng


batas”.

Child Restrain System (CRS)


Child Safety in Motor Vehicle Act
Pebrero 2020
12 taong gulang
Pangulong Rodrigo Duterte

Aralin
• Pagsulat ng Iskrip Para sa Radio
8 Broadcasting at Teleradyo

Tuklasin
Panuto: Panoorin ang maikling radio broadcasting sa link na ito
https://m.youtube.com/watch?v=K5cHK1f&t=2s. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Ilan ang host o anchor ng nasabing radio broadcasting?
A. apat B. dalawa C. tatlo
2. Ano ang tawag sa mga naghatid ng balita?
A. tagapagbalita B. tagapanayam C. tagaguhit
3. Ito ang tawag sa patalastas pagkatapos ng mga balita.
A. komersyal B infomercial C. dayalogo
4. Siya ang namamahala sa mga tunog/musika na ginagamit sa broadcasting
A. tagalapat ng tunog B script writer C. direktor
5. Ito ang pagkakakilanlan ng istasyon na isinasahimpapawid sa radyo o
telebisyon.
A. Theme Song B. Station ID C. Paboritong kanta

Suriin
Ang iskrip ay taguri sa isang audio-visual na materyal na ginagamit sa
broadcasting. Ito ay naglalaman ng mensahe ng programang dapat ipabatid sa
mga tagapakinig at nagsisilbing gabay sa mga tagaganap tulad ng tagapagbalita ,
direktor, taga-ayos ng musika/tunog at mga technician.
Ang radio broadcasting at teleradyo ay gumagamit ng ng radyo at
telebisyon bilang midyum ng komunikasyon ay naglalayong magbahagi ng
kaganapan sa ating lipunan sa mas malawak na sakop nito.

30 DO_Q4_Filipino5_Aralin8
May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip sa radio
broadcasting at teleradyo, tulad ng mga sumusunod:
- Ang isusulat na iskrip ay dapat na malinaw at madaling
maintindihan.
- Gumamit ng mga salitang madaling maintindihan.
- Doblehin ang espasyo ng bawat linya o talata sa pagkompyuter.
- Isulat sa maliliit at malaking letra ang lahat na dayalogong sasabihin.
- Lahat ng hindi sinasalitang linya ay naka-type sa malalaking letra.
- Gumamit ng maikli at payak na salita sa pakikipagtalastasan
- Guhitan ang sound effect ng SFX at ang musika ng MSC.
- Kapag kailangang paghiwalayin ang balita sa dalawang pahina, huwag
putulin ang pangungusap. Laging tapusin sa pahina ang buong
pangungusap.
- Lagyan ng ### sa huling pahina bilang palatandaan na ang balita ay tapos
na o lagyan ng (MORE) sa huling bahagi ng pahina upang ipabatid sa
tagapagbalita na may karugtong pa sa susunod na pahina.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Kumpletuhin ang tamang pagkakasunod-sunod ng radio broadcasting
iskrip. Lagyan ng bilang 1-10. Gawing gabay ang bilang na ibinigay sa
ibaba. Isulatang sagot sa sagutang papel.

_____ Anchor 1: Magandang umaga bayan! Ako si Mario Matalino ang inyong
kabalitaan sa umagang ito.
__1__ (ISANG MALAKAS NA TUNOG AT BIGLANG HIHINA)
_____ Anchor 2: Magmamanipula sa presyo ng baboy, kakasuhan.
_____ Kami ang magkakambal sa serbisyo publiko.
__2_ Station ID: Ito ang Radyo Otso ang mata ng bayan, boses ng katotohanan.
_____ Sa unang balita, mas nakararaming Metro Manila Mayors ang pabor sa
pagsasailalim sa Modified General Community Quaratine (MGCQ) sa Marso.
Ito ang inihayag ni Navotas Mayor Toby Tiangco, siyam na mayor ang
bumoto sa MGCQ habang 8 naman ang pabor sa GCQ. Ang resulta ng
botohan ay isusumite sa Inter- Agency Task Force (IATF). Sinabi ni Tiangco
na nais ipatupad ang MGCQ upang makabawi ang ekonomiya ng bansa.
_____ Anchor 2: Ako naman si Julio ang pinakaguwapo sa balat ng radyo.
_____ Infomercial (NAKARECORD NA AUDIO)
__6__ Anchor 1: Sa ulo ng nagbabagang balita, Metro Manila Mayors pabor sa
MGCQ sa Marso.
_____ Samantala, maaaring sampahan ng kaso ang mga tiwaling negosyante na
magsasamantala at magmamanipula sa presyo ng karneng baboy sa gitna ng
COVID-19 pandemic. Ginawa ni Cabinet Secretary Carlo Nograles ang babala
matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang task
force na tutugis sa mga profiteers, hoarders at smugglers ng mga agricultural
products.

31 DO_Q4_Filipino5_Aralin8
Isagawa
Panuto: FACT O BLUFF. Basahin ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
FACT kung wasto ang ipinahahayag nito at BLUFF naman kung hindi.
1. Ang simbolong ### ay inilalagay sa hulihang bahagi ng pahina bilang tanda na
tapos na o wala ng kasunod na babasahin.
2. Ang lahat ng salitang hindi babasahin ay dapat na nakasulat sa maliliit na letra.
3. Inilalagay ang MORE sa hulihang bahagi ng pahina bilang tanda na may
kasunod pang babasahin.
4. Huwag puputulin ang pangungusap kapag ito ay isinulat sa magkaibang
pahina.
5. Doble ang espasyo ng bawat linya o talata sa paggawa ng iskrip.

Tayahin
Panuto: Isulat ang tamang detalye ng iskrip sa radio broadcasting na nasa kahon
A. Piliin ang angkop na detalye sa kahon B. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

KAHON A
RADYO PRIMERO
Ika-9 ng Marso, 2021
Anchor: Mario Magtuto
Tagapagbalita: Dennis Alcantara
SFX (MALAKAS NA TUNOG SA LOOB NG 5 SEGUNDO)
Station ID: ___________________________________________________________________
Anchor: ______________________________________________________________________
SFX (MALAKAS NA TUNOG SA LOOB NG 5 SEGUNDO)
Anchor: ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

KAHON B

A. Station ID: MSC (MAIKSING MUSIKA)


B. Magandang umaga Pilipinas, ngayon ay ika-9 ng Marso taong 2021. Ating
tunghayan ang balitang tapat at totoo. Mga impormasyong dapat tutukan at
pakinggan, ihahatid sa inyo sa loob lamang ng ilang minuto.
C. Sa ulo ng balita, Uniform Curfew sa Metro Manila, Inerekomenda ng DILG. Para
sa detalye ng balita, Dennis Alcantara, pasok!!
D. Nananawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga
alkalde ng Metro Manila na magpataw ng pare-parehong pagpapatupad ng oras
ng curfew upang maiwasan ang pagkalito. Inilabas ng DILG ang rekomendasyon
sa inaasahang pagkalat ng maraming pulis sa mga lansangan ng Metro Manila
upang matulungan ang pagpapatupad ng mga hakbang sa quarantine kasunod
ang physical distancing at pagsusuot ng face mask.
E. Infomercial: Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Choconut.
MSC (MUSIKA NG CHOCONUT)
F. ‘Yan ang nakalap na balita ng Radyo Primero. Ako si Mario Magtuto ang
nagsasabing, “Huwag lalabas kung hindi nararapat, para COVID-19 virus ay
hindi kumalat”

32 DO_Q4_Filipino5_Aralin8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

You might also like