You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 1

I. Layunin:
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. natutukoy ang mga salitang kilo o pandiwa na ginagamit sa pakikipagusap
b. nakapagbibigay ng halimbawa ng salitang kilos o pandiwa; at
c. nagagamit ng maayos ang salitang kilos o pandiwa sa pagsulat ng talata.
II.Paksang Aralin
1. Paksa: Paggamit ng salitang kilos sa pakikipag-usap tungkol sa gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan
2. Sanggunian: MELCS
3. Kagamitan: manila paper
III.Pamamaraan:
1. Balik-Aral
 Magtatanong ang guro tungkol sa mga pangngalan at ang mga halimbawa nito
2. Pagganyak
 Magtatanong ang guro tungkol sa mga gawain na ginagawa ng mga mag-aaral sa
kanilang tahanan, sa kanilang pamayanan at paaralan
a. Pagsasanay
 Papangkatin ng guro ang klase sa 2 grupo
 Magpapalaro ang guro ng charades.
 Magtotoss coin ang representative ng bawat grupo upang malaman kung sino ang huhula
at magpapahula.
 Bubunot ang huhula mula sa mga piraso ng papel na hawak ng guro at ibibigay ito sa
magpapahula
 Iaakto ng magpapahula ang salitang nasa papel.
 Ang grupong makakakuha ng higit na mataas na puntoa ang siyang panalo.
b. Paglalahad
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang mga salitang ipinahula?
2. Madali mo ba itong nahulaan?
3. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang inyonh hinulaan?
c. Paglalahat
Ang mga salitang pinahulaan ay nagsasaad ng kilos o PANDIWA
Ang PANDIWA ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw.
Narito ang mga salitang kilos o pandiwa na ginagawa sa tahanan araw-araw:
 Nagdidilig
 Naghuhugas
 Nagtutupi
 Nagwawalis
 Nagbubunot
Narito ang mga salitang kilos o pandiwa na ginagawa sa paaralan araw-araw:
 Nagsusulat
 Nagbabasa
 Nag-aaral
Narito ang mga salitang kilos o pandiwa na ginagawa sa pamayanan araw-araw:
 Tumatawid
 Naglalakad
 Naglalaro
Ano-ano ang mga salitang nagsasaad ng kilos?
Magbigay ng mga salitang kilos o pandiwa na iyong ginagawa sa tahanan? Paaralan at
pamayanan?
d. Paglalapat (pangkatang gawain)
 Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa 3 grupo. (tahanan, paaralan at pamayanan)
 Bawat grupo ay gagawa ng maikling dula na magpapakita ng kilos o pandiwa ng araw-
araw na gawain ayon sa grupong kinabibilangan nila.
 Pagkatapos ng bawat grupo ay tutukuyin ng klase ang mga salitang kilos o pandiwa na
ginamit.
IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng maiksing talata tungkol sa iyong araw-araw na gawain gamit ang mga
salitang kilos o pandiwa.
V. Takdang Aralin
Magbigay ng 10 halimbawa ng salitang kilos o pandiwa. Isulat ito sa inyong kwaderno.

You might also like