You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EKONOMIKS 9

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng kita, pag-iimpok at
pagkonsumo.
2. Naipapakita sa pamamagitan ng pagtatanghal ang ugnayan ng kita,
pagiimpok at pagkonsumo.
3. Napapahalagahan ang importansiya ng pag-iimpok bilang isang mag-aaral.
II. Nilalaman
Paksa: Aralin 3: Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at
Pagkonsumo.
Sangunian: Ekonomiks-Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral, pahina
259-263
Ekonomiks-Kayamanan-Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan,
Pahina 233-236
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Visual-aids
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban
4. Balitaan
5. Balik-aral
 Bakit mahalaga na nasusukat natin ang economic performance ng ating
bansa?

B. Motibasyon
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng alkansya sa klase.

1. Anu-ano ang bagay na nakikita niyo sa larawan?


2. Sino-sino sa inyo ang may karanasang gumamit nito?
3. Bakit kayo nag iimpok?
4. Sino naman ang hindi nakaranas mag-ipon?

C. Aktibiti
Ang guro ay magpapakita ng bidyu patungkol sa kita, pagkonsumo at
pagiimpok.
(https://youtu.be/200Lg-lJCSK)

Pagkatapos ay magpapakita ng tatlong larawan ang guro. Ang mga mag-aaral


ay bibigyang kahulugan ang mga ipinapakita nga bawat larawan.
1. 2. 3.

Gabay na tanong:
1. Anu-ano ang ipinapakita ng mga larawan?
2. Ano sa tingin ninyo ang kahulugan ng pagiimpok?
3. Ano naman ang kahulugan ng kita?
4. Ano naman ang kahulugan ng pagkonsumo?
D. Analisis
Ang guro ay hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay gagawa
ng role patungkol sa pagiimpok, kita, at pagkonsumo.
Gabay na tanong:
1. Paano nagkakaugnay ang kita, pagiimpok at pagkonsumo?
2. Ano ang resulta ng ugnayan kita, pagiimpok at pagkonsumo?

E. Abstraction
Ang guro ay tatalakayin ang mga sumusunod:
 Kita- halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang ibinibigay.
 Pagkonsumo- ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na
nagbibigay o magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
 Pag-iimpok- ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Kitang hindi
ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan.

F. Aplikasyon
Think-Pair-Share
Panuto: Pumili ng kapares at magpalitan ng opinyon patungkol sa kahalagahan
ng pag-iimpok bilang isang mag-aaral. Ibahagi ang napag-usapan sa klase.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Sa isang kalahating papel sagutin ang mga sumusunod:

Unang Bahagi:
1. Ito ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang ibinibigay.
2. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na
nagbibigay o magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
3. Ito ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa
pangangailangan.

Ikalawang Bahagi:
Gumawa ng sanaysay patungkol sa katanungan sa ibaba:
1. Bilang mag-aaral ano ang mga mahahalagang naidudulotsayo ng pag-
iimpok?

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay sa kahalagahan nag pagiimpok
ngayong panahon ng pandemya.

You might also like