You are on page 1of 6

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Part I
MULTIPLE CHOICE. Basahin ang bawat tanong at itiman ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may


kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong
matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na
bagay, at pagbubuo ng masistemang paraan sa pagkuha ng datos?
a. Hilig
b. Pagpapahalaga
c. Kakayahan
d. Talento
2. Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may
angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang na sa Baitang 9, ano ang
pinakamahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo
na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
3. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga
pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
4. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga educational book, kasabay
din nito ang pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad sa pagsali sa mga
paligsahan sa loob at labas ng paaralan. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya
nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist.
Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang
tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
a. kakayahan
b. mithiin
c. hilig
d. pagpapahalaga
5. Nakasanayan na ni Melchor ang pagsasaayos at pagsisinop sa mga kasangkapan at kagamitan
sa bahay. Kaya naisip niya na mag-aaral ng kursong Engineering sa Unibersidad ng Dapitan.
Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging desisyon sa kursong
kukunin sa kolehiyo?
a. katayuang pinansyal
b. pagpapahalaga
c. mithiin
d. kakayahan
6. Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa
pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay
nakuha naman niya sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High
(Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din
siya ng kaniyang mga magulang lalo pa‘t bukas siya pagdating sa komunikasyon sa mga nais
niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
a. mithiin
b. pagpapahalaga
c. kasanayan
d. hilig
7. Alin sa mga sumusunod na paraan ang mainam gamitin upang tuklasin ang sariling talento dahil
ito ay nakaangkla sa teorya ni Dr. Howard Gardner?
a. RIASEC
b. Tseklist ng mga Kasanayan
c. Pagsusuri ng Pagpapahalaga
d. Multiple Intelligences Survey Form
8. Sa Multiple Intelligences Survey form, matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan. Alin sa
sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intellegences?
a. Spatial
b. Existentialist
c. Auditory
d. Kinesthetic
9. Ang RIASEC ay isang paraan upang matukoy ang Hilig ng isang tao kung saan ang R ay
Realistic, I ay Investigative, A ay Artistic, S ay Social, at E ay Enterprising, Ano naman ang
kinakatawan ng titik C?
a. Conventional
b. Cooperation
c. Conference
d. Caring
10. Ang kakayahan ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng track o kurso. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa Tseklist batay sa Uri ng Kakayahan.
a. Kakayahan sa Pakikiharap sa Tao
b. Kakayahan sa mga Datos
c. Kakayahan sa mga Bagay-bagay
d. Kakayahan sa mga solusyon sa problema
11. Sino ang Sikilohistang naghati sa anim na mga Jobs/Careers/work environment?
a. Dr. Howard Garner
b. John Holland
c. Dr. Manuel Dy
d. Martin Luther King
12. Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa
Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong
ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa
Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
13. Alin sa sumusunod ang dapat taglayin mong katangian upang masabing asset ka ng
kompanya?
a. Kung ikaw ay masahing manggagawa
b. Kung ikaw ay matalinong manggagawa
c. Kung ikaw ay produktibong manggagawa
d. Kung ikaw ay aktibong maggagawa
14. Si Lito ay mahusay bilang isang computer Programmer. Ngunit di niya maisakatuparan ito
kung wala siyang sariling kagamitan tulad ng computer. Kaya nagsumikap siya na makamit ang
hangaring magkaroon nito, dahil hangad niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang
mga magulang. Ano kaya ang kanyang gagawin na makatulong sa pagkamit ng kanyang minimithi
sa buhay?
a. Magkakaroon ng sariling computer
b. Matapos ang kaniyang kursong computer
c. Magkaroon ng computer shop
d. Humingi ng donasyon
Para sa aytem 15-16 Si Eric ay may kakayahang kumuha ng kursong Medisina ngunit ang kanyang
mga magulang ay kapos-palad upang tustusan ang kanyang minimithi sa buhay bilang isang
doctor.
15. Anong panlabas na salik ang nakakaapekto kay Eric sa kanyang minimithi sa buhay?
a. Impluwensiya ng pamilya
b. Kakayahang pinansyal
c. impluwensiya ng barkada
d. lokal na demand
16. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Eric ano ang iyong gagawin?
a. Huminto muna at maghanap ng trabaho
b. Mag-alaga ng mga hayop sa bukid
c. Kumuha ng pasulit para sa scholarship
d. Maghanap ng mayamang mapapangasawa
Para sa aytem 17-18 Alam ng mga magulang ni Agatha na siya ay likas na maabilidad ngunit bago
siya mamili ng kurso ay humingi muna siya ng payo at mungkahi sa kanila.

17. Sa aling panloob na salik napapabilang ang sitwasyong ito?


a. Hilig
b. Kasanayan
c. pagpapahalaga
d. talento
18. Dapat bang suportahan ng mga magulang ang desisyon ng kanilang mga anak?
a. Oo, para maging matagumpay ang anak sa hinaharap
b. Oo, para makita na yayaman ang mga anak sa hinaharap
c. Hindi, dahil kailangan munang magpahinga para mag-ipon
d. Hindi, dahil siya lamang ang nagdala ng swerte sa buhay niya.
19. Ang mga panloob na mga pansariling salik ay makakatulong sa pagunawa ng kahalagahan ng
pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal, bokasyonal o negosyo bilang tugon sa hamon ng
paggawa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ito?
a. Talento
b. Hilig
c. Katayuang Pinansyal
d. Kakayahan
20.Kinahiligan ni Joe ang paggamit ng mga makina at iba pang mga kagamitang pang-
kunstruksiyon. Anong kakayahan ang tinutukoy ng pahayag?
a. pakikiharap sa Tao
b. mga datos
c. mga bagay-bagay
d. mga ideya at sulosyon
21. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at
malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?
a. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan
b. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
22. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at
makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at
makipagtulungan?
a. makiangkop
b. makialam
c. makipagkasundo
d. makisimpatya
23. Ayon sa RIASEC ni Holland, ang pagiging Journalist ay napapabilang sa hanay ng
___________.
a. Realistic
b. Social
c. conventional
d. Artistic
24. Alin ang pinakaunang hakbang sa pagpapasya bago pumili ng kurso?
a. Magkalap ng kaalaman
b. Magnilay sa mismong aksiyon
c. Maglaan ng oras sa pag-iisip
d. Tayahin ang damdamin sa pipiliing pasya
25. Aling pansariling interes ang tumutukoy sa isang pambihira at likas na kakayahang kailangang
tuklasin upang pagbatayan sa pagpili ng track o kurso?
a.Mithiin
b. Talento
c. Kasanayan/skills
d. Hilig
26. Anong kakayahan ng iyong isip na makatutulong sa anumang bagay na iyong nanaisin?
a. kakayahang alamin at tuklasin ang anumang bagay na naisin
b. kakayahang makialam sa paligid kung anuman ang gusto
c. kakayahang maglingkod sa kahit anumang bagay na naisin
d. kakayahang magsalita at gumawa kung anuman ang nanaisin
27. Hindi lingid sa kaalaman ni Elmo ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa
negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon
ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at
pagiging bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Anong pansariling salik ang naging gabay ni
Elmo sa pagpili ng kurso?
a. hilig
b. katayuang pinansyal
c. pagpapahalaga
d. kakayahan
28. Batay sa bilang 27, ano ang naging puhunan ng kanyang mga magulang bago nagtagumpay
sa buhay?
a. ang pagiging makasarili upang magtagumpay sa buhay
b. ang pagiging masunurin sa lahat ng pagkakataon
c. ang kasipagan at pagiging bukas-palad ng kanyang mga magulang
d. ang pagiging matalino sa pagpapasiya para umasenso sa buhay na ginusto.
29. Kailangan pa rin ba nating lumapit sa mga taong ating pinagkakatiwalaan at makapagbibigay
ng payo sa ating pagpapasiya? Bakit?
a. Oo, para di tayo magsisi sa ating pagpapasiya
b. Hindi, para di tayo malilito sa anumang gusto natin sa buhay
c. Hindi, para lahat ng iyong tagumpay ay sulit at wala kang pasasalamatan
d. Oo, para matulungan tayong magtimbang, magsuri, at gagabayan tayo sa sa ating ginawang
pagpapasiya.
30. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa?
a. Sa pamamagitan ng pagsunod kung ano ang utos ng mga nakatatanda.
b.Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti para sa magandang kinabukasan.
c. Sa pamamagitan ng pagyayabang kung ano ang nagging bunga ng iyong pinaghihirapan .
d. Sa pamamagitan ng pagpapanatili kung ano ang nasa iyong isipan upang umasenso sa
buhay.
31. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na maging batayan sa pagpili ng kurso o track?
a. Kailangang sundin ang gusto ng magulang
b. Kailangang angkop ito sa kakayahan at interes
c. Kailangan yong madali kang yumaman
d. Kailangang magkapareha sa kung sino ang ating mga kaibigan
32. Anong kaugalian ang dapat pairalin sa pagpili ng track o kurso?
a. Dapat maging positibo kung anuman ang kahinatnan ng iyong piniling kurso
b. Sumunod kung anuman ang gusto ng magulang
c. Dapat marunong makibagay sa iyong mga kaibigan
d. Dapat mapagmasid kung ano ang uso o in-demend na kurso
33. Ano ang matatanggap na sertipiko o katibayan ng SHS track na TeknikalBokasyunal na
maaaring gamiting kuwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho?
a. High School Diploma
b. Certificate of Emersion
c. Certificate of Awards
d. National Certificate
Para sa aytem 34-35 Alam ng mga magulang ni Agatha na siya ay likas na maabilidad ngunit bago
siya mamili ng kurso ay humingi muna siya ng payo at mungkahi sa kanila.

34. Alin sa sumusunod na Senior High School Strand ang angkop para sa kanya?
a. Accountancy, Business and Management
b. General Academic Strand
c. Science Technology Engineering and Mathematics
d. Humanities and Social Sciences
35. Mahilig si Nelba sa pagluluto ng iba’t ibang kakanin. Katatapos lamang niya ng Junior High
School. Ano ang kanyang gagawin upang lalong mapahusay ang kanyang kasanayan?
a. Kailangan niya ng masusing pagsasanay sa pamamagitan ng pagkuha ng Technical-
Vocational and Livelihood.
b. Kailangan niyang magnegosyo gamit ang kanyang kahiligan sa pagluto at hihinto na sa pag-
aaral
c. Kailangan niyang pumasok bilang tagapagluto at huminto na sa pagaaral.
d. Magtayo ng sariling karenderya sa kanilang barangay at huminto sa pagaaral
36. Katatapos lamang ni Josefa ng Junior High School at kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa
resort ng kanyang tiyuhin. Gusto niyang mag-enrol ng Senior High School ngunit halos wala na
siyang oras para mag-aral. Ano ang dapat niyang gawin para maipagpatuloy ang kanyang pag-
aaral sa Senior High School?
a. Huminto sa pag-aaral at mag-ipon ng pera para sa kinabukasan
b. Kakausapin ang may-ari ng resort tungkol sa kanyang problema.
c. Dapat magkaroon ng eskedyul sa bawat gagawin para may panahon sa pag-aaral.
c. Hahayaan na lamang ang may-ari ng resort na magdesisyon upang ipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral.
37. Malawak ang lupain nina Rodora. Nakasanayan niya ang magtanim ng sarisaring gulay at
mag-alaga ng mga hayop, ngunit wala siyang sapat na kaalaman tungkol dito. Ano ang maaari
niyang gawin para madagdagan kanyang ang kaalaman ukol sa pagtatanim?
a. Ipagpatuloy lamang ang kanyang pagtatanim at paghahayupan
b. Mag-enrol ng Organic Agriculture upang malaman ang wastong pamamaraan sa pagtatanim
at paghahayupan.
c. Komunsulta sa mga kaibigang may karanasan sa pagtatanim at paghahayupan.
d. Pumunta sa Department of Agriculture upang makahingi ng iba’t ibang uri ng mga binhi.
38. Batay sa sitwasyon bilang 37, ano ang naging hadlang ni Rodora upang makamit ang kanyang
pangarap?
a. Kakulangan ng tauhan sa paggawa
b. Kakulangan ng suporta mula sa pamilya
c. Kakulangan sa puhunan ng pagtatanim
d. Kakulangan ng kasanayan na Pang-Agrikultura
39. Ang mga panloob na mga pansariling salik ay makakatulong sa pag-unawa ng kahalagahan
ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo bilang tugon sa hamon ng
paggawa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga panloob na pansariling salik sa
pagpili ng kurso o track?
a. Talento
b. Hilig
c. Katayuang Pinansyal
d. Kakayahan
40.Kinahiligan ni Joe ang paggamit ng mga makina at iba pang mga kagamitang pang-
kunstruksiyon. Anong kakayahan ang kanyang ipinapakita?
a. pakikiharap sa Tao
b. mga datos
c. mga bagay-bagay
d. mga ideya at solusyon

Part II.
TAMA O MALI. Itiman ang Letrang “a”kung ang pangungusap ay TAMA at ang letrang “b” naman
kung ang pangungusap ay MALI.

41. Ang pagsisikap sa trabaho ay isang katangian na nagpapakita ng pagtitiyaga at kasipagan.


42. Dapat siguraduhin na ang napili mong kurso ay patuloy na mataas ang demand habang
tumatagal ang panahon.
43. Ang STEM ay makatutulong sa mga mag-aaral na may interes sa Computer programming
44. Ang isang mag-aaral na may interes sa pagtuturo ng bata ay maaaring mamili sa kursong
akademiko lamang.
45. Maaaring makatulong ang kursong akademiko na ABM upang makapaghanda ang mga mag-
aaral na kukuha ng Accountancy sa kolehiyo.
46. Maaring magbago ang iyong pangarap sa pagkakataong makakita ka ng mga bagay na
pumupukaw ng iyong intreres.
47. Walang kaugnayan kung anong “track” ang pipiliin sa mga kursong gusto mo.
48. Maraming bilang ng mga mag-aaral na nakatapos na di sapat ang kaalaman sa mga
trabahong maaring pasukan
49. Lahat ng in-demand na trabaho ay nakatuon sa mga kursong pang-akademiko
50. Sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad.

You might also like