You are on page 1of 3

Division of Cebu Province

Bantayan 2 District
Patao National High School
Patao, Bantayan, Cebu
Ikaapat Markahan SY 2022-2023
Buwanang Pagsusulit sa E.S.P 9

I. TALASALITAAN: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang kasingkahulugan ng salitang


sinalungguhitan sa bawat pangungusap at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
a. Jurgen Habermas b. Kasanayan c. People Skills d. Data Skills e. Things Skills
f. Idea Skills g. Investigative h. Enterprising i. Conventional j. Social k. Artistic

1. Dito mailalarawan bilang Malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon, at may malawak na isipan.
2. Isa itong interes na ang mga nasa ganitong grupo ay kakakitaan ng pagiging palakaibigan, popular, at
responsible at gusto nila ang interaksiyon o napapaligiran ng tao.
3. Ito ay isang interes na ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes ay naghahanap
ng mga panuntunan at direksiyon at kumikilos sila ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila.
4. Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba
para sa pagkamit ng inaasahan o target goals.
5. Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya rito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham. Ang
mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong magtrabaho ng mag-isa kaysa gumawa kasama ang
iba.
6. Ito ay lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at
damdamin sa malikhaing paraan.
7. Ito ang nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan,
nakauunawa, umaayos sa mga pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions.
8. Humahawak ng dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito,
lumilikha ng ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kaniya.
9. Nakikiagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod, at nanghihikayat sa iba na kumilos,
mag-isip para sa iba.
10. Ito ay maituturing na mahahalagang salik sa paghahanda sa ioyng napiling track o kurso.

II. PAGPIPILIAN: Basahing mabuti ang bawat pahayag sa bawat bilang. Piliin ang wastong sagot sa
bawat bilang at isulat ang titik at mga salita sa sagutang papel.
1. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang
pagsasakilos ng kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?
a. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob b. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
c. Kahusayan sa pagsusri at matalinong pag-iisip
d. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
2. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa
buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
a. makiangkop b. makialam c. makipagkasundo d. makisimpatya
3. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong
kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa
pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at
masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
a. hilig b. kasanayan c. pagpapahalaga d. talento
4. Sa Teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking
likas na kakayahan, iba’t iba ang talion o talent. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang
gamapanin na dapat mong gawin sa mga talion o talentong ipinagkaloob s aiyo na may kaugnayan sa
pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
a. Pahalagahan at Paunlarin b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso.
5. Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang
kurso para sa nalalapit na Senior High School?
a. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon.
b. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
c. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
d.Makinig sa gusto ng kaibigan.
6. ALam ni Cit ana hindi niya kakayann ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang
magulang na suportahan siya. Kaya ang kaniyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa
kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at
mga paalaala upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Cita?
a. pagpapahalaga b. katayuang pinansiyal c. mithiin d. hilig
7. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga nagging puhunan ng kaniyang mga magulang sa
negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay
magihawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging
bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Sa kaniayang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag
may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsiya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong
pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso?
a. hilig b. katayuang pinansiyal c. pagpapahaalga d. kasanayan
8. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational Book, ng pagguhit, at
minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumali sa mga paligsahan sa paaralan at
nananalo. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang
magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling
salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
a. kasanayan b. hilig c. mithiin d. pagpapahalaga
9. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang kursong
Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang local na
pamahalaan ay nanghihikayat ng mga potensiyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na
pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim sa 6-months training, at pagkatapos ay may
naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan
tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging
desidido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang isinaalang alang ni Melchor sa
kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
a. Katayuang Pinansiyal b. Mithiin c. Pagpapahalaga d. Kasanayan
10. Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa matematika. Ang kahusayan niya sa
pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha
sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon
na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado rin siya ng kaniyang mga magulang
lalo’t siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon.
Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasiya para sa kaniyang sarili.
Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
a. mithiin b. hilig c. kasanayan d. pagpapahalaga

ENUMERASYON: Ibigay ang wastong sagot na hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ibigay ang apat (8) Multiple Intelligences na binuo ni Howard Gardner
a.___________________________________________
b.___________________________________________
c.___________________________________________
d.___________________________________________
f.___________________________________________
g.___________________________________________
h.___________________________________________
i.___________________________________________
2. Magbigay lamang ng dalawang (2) salik sa pagpili ng track o kursong akademik, teknikal-bokasyonal,
sining at disenyo, at isports:
a.___________________________________
b. __________________________________

PASANAYSAY: Ibigay ang wastong sagot ng mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
mga patlang.

1. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan na may kaugnayan sa
iyong pagsasalang-alang sa pipiling track o kurso o hanapbuhay?
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Sino-sino ang posibleng tao na maaari mong malapitan na higit na makatutulong sa pag-abot mo ng
iyong mithiin.

______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like