You are on page 1of 3

LIPATA NATIONAL HIG HSCHOOL

Brgy. Lipata, Surigao City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 9
LAGUMANG PAGSUSULIT SA KWARTER 4
Modyul 1-3

PANGALAN: GRADE/SECTION:

PANUTO: Basahin mabuti ang bawat pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Alin sa sumusunod na pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may


kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong
matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga
mahihirap na bagay, at pagbubuo ng masistemang paraan sa pagkuha ng datos?
A. Hilig C. Kakayahan
B. Pagpapahalaga D. Talento
2. Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may
angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talent. Bilang na sa Baitang 9, ano ang
pinakamahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob
sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High
School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
3. Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga
pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa mga taong malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
4. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay
din nito ang pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad sa pagsali sa mga
paligsahan sa loob at labas ng paaralan. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya
nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging
Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni
Cecil ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
A. Kakayahan C. hilig
B. Mithiin D. pagpapahalaga
5. Nakasanayan na ni Melchor ang pagsasaayos at pagsisinop sa mga kasangkapan at
kagamitan sa bahay. Kaya naisip niya na mag-aaral ng kursong Engineering sa Unibersidad
ng Dapitan. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging
desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo?
A. katayuang pinansyal C. mithiin
B. pagpapahalaga D. kakayahan
6. Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya
sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at
pagtitiyaga ay nakuha naman niya sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang
pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang
pipiliing kurso.Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa‘t bukas siya pagdating
sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging
tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
A. Mithiin C. kasanayan
B. Pagpapahalaga D. hilig
7. Alin sa mga sumusunod na paraan ang mainam gamitin upang tuklasin ang sariling talento
dahil ito ay nakaangkla sa teorya ni Dr. Howard Gardner?
A. RIASEC C. Pagsusuri ng Pagpapahalaga
B. Tseklist ng mga Kasanayan D. Multiple Intelligences Survey Form
8. Sa Multiple Intelligences Survey form, matutukoy mo ang iyong talento at kakayahan. Alin sa
sumusunod ang HINDI kabilang sa mga talino o intellegences?
A. Spatial C. Auditory
B. Existentialist D. Kinesthetic
9. Ang RIASEC ay isang paraan upang matukoy ang Hilig ng isang tao kung saan ang R ay
Realistic, I ay Investigative, A ay Artistic, S ay Social, at E ay Enterprising, Ano naman ang
kinakatawan ng titik C?
A. Conventional C. Conference
B. Cooperation D. Caring
10.Ang kakayahan ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng track o kurso. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa Tseklist batay sa Uri ng Kakayahan.
A. Kakayahan sa Pakikiharap sa Tao
B. Kakayahan sa mga Datos
C. Kakayahan sa mga Bagay-bagay
D. Kakayahan sa mga solusyon sa problema
11.Alin sa mga sumusunod na interes napapabilang ang pagiging Economist?
A. Realistic C. Investigative
B. Artistic D. Social
12.Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang
nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o
talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa
pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihanG panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
13.Sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior
High School, Ano ang dapat na maging aksyon mo?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
14.Ang aming kapitbahay ay laging nakikipagtulungan, nakikisama sa iba kaya’t naging
matagumpay sila sa kung anumang aktibidades na gagawin ng aming pamayanan. Sa aling
kasanayan/skills ito napapabilang?
A. Kasanaya sa mga ideya at solusyon
B. Kasanayan sa mga bagay-bagay
C. Kasanayan sa mga datos
D. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao
15.Nakasanayan na ni Athan ang pagsasaayos ng mga gamit sa talyer. Kaya naisip niya na
mag-aaral ng kursong Engineering sa unibersidad ng Dapitan. Anong pansariling salik ang
isinaalang-alang ni Athan sa kaniyang nagging desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo?
A. Pinansyal C. pagpapahalaga
B. kakayahan D. mithiin
16.Si aling Agnes ay nagtatrabaho bilang Clerk sa isang kompaniya. Siya ang humahawak sa
mga dokumento at nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito. Sa aling kasanayan/skills ito
napapabilang.
A. kasanayan sa mga ideya o solusyon
B. kasanayan sa mga datos
C. kasanayan sa pakikiharap sa mga tao
D. kasanayan sa mga bagay-bagay
17.Siya ay maabilidad, may kakayahan at kahusayan sa paggawa kung ang pag- uusapan ay
ang pagluluto ng iba’t ibang kakanin. Sa alin pansariling interes siya napapabilang?
A. Mithiin C. kasanayan
B. Pagpapahalaga D. hilig
18.Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng
kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng mga
scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng
mga tiyak niyang plano at mga paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling
salik ang isinagawa ni Cita?
A. katayuang pinansyal C. hilig
B. mithiin D. pagpapahalaga
19.Kung si Maria ay mahusay sa paghihikayat at pangungumbinsi sa iba para sa pagkamit ng
inaasahan o target goals ay sa aling pansariling interes siya napapabilang?
A. investigative C. social
B. Enterprising D. Realistic
20.Ang mga sumusunod ay mga hakbang na gawain sa pagpili ng track o kurso, maliban sa isa.
A. Ang magkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay
B. Taglayin ang katangian ng isang produktibong manggagawa
C. Makapagtapos at yumaman sa buhay na di alintana ang iba
D. Masisiguro ang pagiging produktibo sa gawain na makapapaunlad sa bansa
21.Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at
malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?
A. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan
B. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
C. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
D. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
22.Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at
makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa
at makipagtulungan?
A. makiangkop C. makialam
B. makipagkasundo D. makisimpatya
23.Ayon sa RIASEC ni Holland, ang pagiging Journalist ay napapabilang sa hanay ng
___________.
A. Realistic C. conventional
B. Social D. Artistic
24.Alin ang pinakaunang hakbang sa pagpapasya bago pumili ng kurso?
A. Magkalap ng kaalaman
B. Magnilay sa mismong aksiyon
C. Maglaan ng oras sa pag-iisip
D. Tayahin ang damdamin sa pipiliing pasya
25.Aling pansariling interes ang tumutukoy sa isang pambihira at likas na kakayahang
kailangang tuklasin upang pagbatayan sa pagpili ng track o kurso?
A. Mithiin C. Kasanayan/skills
B. Talento D. Hilig
26.Anong kakayahan ng iyong isip na makatutulong sa anumang bagay na iyong nanaisin?
A. kakayahang alamin at tuklasin ang anumang bagay na naisin
B. kakayahang makialam sa paligid kung anuman ang gusto
C. kakayahang maglingkod sa kahit anumang bagay na naisin
D. kakayahang magsalita at gumawa kung anuman ang nanaisin
27.Hindi lingid sa kaalaman ni Elmo ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa
negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila
ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa
kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Anong pansariling salik ang
naging gabay ni Elmo sa pagpili ng kurso?
A. hilig C. pagpapahalaga
B. katayuang pinansyal D. kakayahan
28.Batay sa bilang 7, ano ang naging puhunan ng kanyang mga magulang bago nagtagumpay
sa buhay?
A. ang pagiging makasarili upang magtagumpay sa buhay
B. ang pagiging masunurin sa lahat ng pagkakataon
C. ang kasipagan at pagiging bukas-palad ng kanyang mga magulang
D. ang pagiging matalino sa pagpapasiya para umasenso sa buhay na ginusto.
29.Kailangan pa rin ba nating lumapit sa mga taong ating pinagkakatiwalaan at
makapagbibigay ng payo sa ating pagpapasiya? Bakit?
A. Oo, para di tayo magsisi sa ating pagpapasiya
B. Hindi, para di tayo malilito sa anumang gusto natin sa buhay
C. Hindi, para lahat ng iyong tagumpay ay sulit at wala kang pasasalamatan
D. Oo, para matulungan tayong magtimbang, magsuri, at gagabayan tayo sa ating ginawang
pagpapasiya.
30.Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa?
A. Sa pamamagitan ng pagsunod kung ano ang utos ng mga nakatatanda.
B. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti para sa magandang kinabukasan.
C. Sa pamamagitan ng pagyayabang kung ano ang nagging bunga ng iyong pinaghihirapan .
D. Sa pamamagitan ng pagpapanatili kung ano ang nasa iyong isipan upang umasenso sa
buhay

You might also like