You are on page 1of 2

Allen National High School

Allen, Northern Samar

Pangalan: ___________________________________ Taon at Grupo: _____________ Petsa:_____________

Panuto: Pagpipili. Isulat sa inyong sagutang papel ang titik na may tamang kasagutan.

1. Ang buwis na binabayaran ng pare-parehog porsiyentong ipinapataw anuman ang estado sa buhay.
a. Proporsiyonal b. Progresibo c. Regresibo
2. Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal.
a. Hindi tuwiran b. Tuwiran c. Progresibo
3. Ipinapataw ang ganitong uri ng buwis upang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o negosyo.
a. Excise tax b. Taripa c. Value-added tax
4. Ito ang buwis na ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal.
a. Value-added tax b. Excise tax c. Sin tax
5. Ito ay humihikayat sa mga depositor na mag-impok at magtipid.
a. Thrift Banks b. Development Bank of the Philippines c. Land Bank of the Philippines
6. May kakayahan silang magpahiram ng malaking halaga ng puhunan sa mga mangangalakal o malalaking negosyante.
a. Rural Banks b. Thrift Banks c. Commercial Banks
7. Layunin ng bangkong ito na magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.
a. Specialized Government Bank b. Land Bank of the Philippines c. Commercial Banks
8. Layunin ng bangkong ito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan para sa kanilang pangkabuhayan.
a. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines b. Commercial Bank c. Thrift Bank
9. Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
a. Tama b. Mali c. Maaari
10. Ito ay nagsasaad na ang pag-unlad ay kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
a. Makabagong pananaw b. Tradisyunal na Pananaw c. Ayon kay Fajardo
11. Sa pamamagitan ng salik na ito nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman.
a. Teknolohiya b. Yamang-Tao c. Kapital
12. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.
a. Tama b. Mali c. Maaari
13. Ito ang ginagamit bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
a. Human Development Index b. Department of Budet and Management c. UNESCO
14. Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad?
a. Tama b. Mali c. Maaari
15. Ito ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan.
a. Tamang pagboto b. Tamang pagbabayad ng buwis c. Tamang pagnenegosyo
16. Ito ang isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
a. Pagsali sa kooperatiba b. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa c. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
17. Ito ang pagsusuri sa mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.
a. Tamang pagboto b. Pagnenegosyo c. Tamang pagbabayad ng buwis
18. Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga mamamayan.
a. Tama b. Mali c. Maaari
19. Ito ay nakatulong sa pagsuplay ng mga pangagailangan sa karne at iba pang pagkain.
a. Paghahayupan b. Pangingisda c. Paggugubat
20. Ito ay tumutukoy sa patuloy na paglinang ng mga kagubatan.
a. Paghahayupan b. Pangingisda c. Paggugubat
21. Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
a. Land Registration Act of 1902 b. Batas Republika Bilang 1160 c. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
22. Ito ang batas na nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na kung saan itinuturing ang mga nagbubungkal ng lupa ay itinuturing na tunay na
may-ari nito.
a. Agricultural Land Reform Code b. Land Registration Act c. Public Land Act
23. Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan.
a.National Integrated Protected Areas Sytem b. Community Livelihood Assistance Program c. Sustainable Forest Management System
24. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal at enerhiyang mineral ay kinuhukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos
na produkto.
a. Pagmimina b. Pagmamanupaktura c. Konstruksyon
25. Tumutukoy ito sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina
a. Konstruksyon b. Pagmamanupaktura c. Pagmimina
26. Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa tubig, kuryente at gas.
a. Pagmamanupaktura b. Pagmimina c. Utilities
27. Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito ang probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksyon tulad ng pagsasaayos at pagmimintina
kasama na rin ang personal na konstruksyon ng mga tirahan.
a. Utilities b. Konstruksyon c. Pagmimina
28. Ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa bawat isa.
a. Tama b. Mali c. Maaari
29. Nagmula sa Agrikultura ang mga hilaw na sangkap na ginagamit s apagbuo ng mga produkto ng Industriya.
a. Tama b. Mali c. Maaari
30. Ano ang pangunahing layunin ng sektor ng industriya upang matamo ang pambansang kaunlaran.
a. Maiproseso ang mga hilaw na material b. Mag-export ng mga tapos na produkto c. Paggawa ng mga In-demand na mga produkto
31. Ano ang kahalagahan ng mga patakarang pang-ekonomiya sa sektor ng industriya?
a. Nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at magkakaroon ng mataas na kita.
b. Makapaghahatid ng mas maayos na buhay para sa mga mamamayan.
c. Lahat ng nabanggit
Suriin ang datos ng Proposed 2018 National Budget at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

32. Batay sa talahanayan, anong sektor ang nagtamo ng pinakamalaking budget?


a. Dept. of Education b. Dept. of Public Works and Highways c. Dept. of Interior and Local Government
33. Anong sektor ang pumangatlo sa pinaglalaanan ng budget?
a. Dept. of National Defense b. Dept. of Health c. Dept. of Interior and Local Government
34. Anong sektor ang may pinakamababang budget?
a. Dept. of Environment and Natural Resources b. Dept. of Agriculture c. Dept. of Transportation
35. Paano inihahanda ang badyet ng bansa?
a. Ayon sa naunang badyet b. Ayon sa prayoridad ng pamahalaan c. Ayon sa programa ng bawat sektor
36. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Patakarang Piskal?
a. Maturuan ang mga mamamayan sa mga polisiya sa pagbabadyet.
b. Mabago ang galaw ng ekonomiya.
c. Makapagtaas ng kabuuang output ng pamahalaan.
37. Paano isinasagawa ang Expansionary Fiscal Policy?
a. Sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan
b. Pagdagdag sa buwis para sa pamahalaan
c. Pagkakaroon ng trabaho ang mga mamamayan
38. Sa pagpapatupad ng patakarang piskal, natitiyak na ang ekonomiya ay nasa tamang daan tungo sa pagkakamit ng kaunlaran.
a. Tama b. Mali c. Maaari
39. Sa pamamagitan g paggamit ng lahat ng resources ng bansa ayon sa pinakamataas na matatamo ay makapagdudulot ng full employment sa mga
mamamayan.
a. Tama b. Mali c. Maaari
40. Ano ang ipinatutupad ng pamahalaan kapag ang layunin nito ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo?
a. Expansionary Money Policy b. Contractionary Money Policy c. Pag-iimpok sa PDIC
41. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?
a. Mapanagutan, Maabilidad b. Makabansa, Maalam c. Lahat ng nabanggit
42. Ang paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala ay hakbang ng:
a. Mapanagutan b. Maabilidad c. Makabansa
43. Alin sa mga sumusunod ang mga suliranin ng sektor ng agrikultura?
a. Patuloy na paglaki ng populasyon b. Paglawak ng panirahan, komersyo at industriya c. Lahat ng nabanggit
44. “Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng
yamang-likas, sa kabuuan.” Ito ay katagang tumutukoy sa:
a. Mapanirang operasyon ng malalaking komersyal na mangingisda.
b. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
c. Lumalaking populasyon sa bansa.
45. Ano ang naging epekto sa mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo nang kagubatan?
a. Pagguho ng lupa, pagkaubos ng watershed, pagbaha
b. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansya nito at hindi nagiging produktibo ang
mga pananim.
c. Lahat ng nabanggit
46. Ano ang naging dahilan sa pagpunta ng mga magsasaka at maningisda sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran?
a. Dahil sila ang may pinakamababang sahod na natatanngap
b. Dahil nahihikayat sila sa nagtataasang mga gusali sa kalunsuran
c. Dahil sa mga sakunang dumarating na nagpapahirap sa kanilang paghahanapbuhay
47. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga suliranin ng Sektor ng Agrikultura?
a. Pagliit sa lupang pansakahan
b. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
c. Mapanirang operasyon ng malalaking komersyal ng mangingisda
48. Sa paanong paraan maipapakita ang malasakit upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad?
a. Tamang pagboto b. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyekto c. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
49. Paano maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino upang umunlad ang bansa?
a. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan
b. Pagtangkilik sa mga dayuhang produkto
c. Pananatiling manggagawa lamang
50. Paano maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksyon?
a. Pagpapatupad ng Expansionary Money Policy
b. Contractionary Money Policy
c. Pagpapatatag sa patakarang pananalapi

You might also like