You are on page 1of 10

Teacher Bb.

Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW


Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling kuwentong Saranggola.
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapaglalahad ng mga aral sa buhay buhat sa maikling kuwentong napakinggan.
C. Mga kasanayan sa Most Essential Learning Competencies:
Pagkatuto
 Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda F8PT-IIg-h-27
 Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at daigdig F8PB-IIg-h-27
 Nawawakasan nang pasulat ang maikling kuwento sa pamamagitan ng pagbubuod o pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon.
F8PU-IIg-h-28
D. Komprehensibong  Pagbibigay galang at respeto sa magulang
Integrasyong
Pangkaugalian  Matatag na ugnayan ng pamilya
 Kasipagan at pagtitipid
 Pagkamaparaan
 Utang na loob
II. NILALAMAN MAIKLING KUWENTO: SARANGGOLA NI EFREN R. ABUEG
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1.Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmagaaral
3. Mga Pahina sa Guimarie, Aida M., Pinagyamang Wika at Panitikan 8, pp. 143-147
Teksbuk 
B. Iba pang kagamitang  Realia at stand (trumpo, sumpak, sipa, saranggola)
panturo
 Pop-Up Book
 Plakards
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

 Tsart
 Kahon
 Lobo
 Larawan ng mga laruan (baril na kahoy, pana, bisekletang kahoy, tirador, pluta, takraw)
 Mga larawan mula sa internet
https://tinyurl.com/y34fnd23 https://tinyurl.com/2p8hfu8f https://tinyurl.com/2wum4jzs
https://tinyurl.com/3hvkfamk https://tinyurl.com/3m7pawka https://tinyurl.com/mr2s4rh7
https://tinyurl.com/m5yxs6ye https://tinyurl.com/vy4z8djf https://tinyurl.com/5n8r3pjc
https://tinyurl.com/34yh6ck3 https://tinyurl.com/4vjyf7d9
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Ara/Pagbubukas ng  Magtatanong ang guro ng mga sumusunod na katanungan bilang pagbabalik-aral.
Panibagong Aralin 1. Ano ang ating naging paksang-aralin kahapon?
ELICIT
2. Mayroon na ba kayong maikling kuwento na nabasa? Ano ito?
3. Ano ang aral sa buhay o mensaheng dala ng maikling kuwentong iyong nabasa?

B. Paghahabi sa layunin ng “JUAN! JUAN! HULAAN ANG AKING LARUAN!”


aralin ENGAGE
 Papangkatin ng guro ang klase sa dalawa. Ang Pangkat A at Pangkat B.
 May apat na laruang huhulaan ang bawat pangkat sa pamamagitan ng mga materyales na inihanda ng guro
na bubuo sa mga laruang pambata noon.
 Kailangang magkaroon ang bawat pangkat ng representante na pupunta sa harapan na siyang makakakita
lamang ng mga materyales sa pagbuo ng laruang huhulaan. Kailangang ibahagi ng representate sa kanyang
pangkat ang kanyang mga materyales o kagamitan na nakita sa loob ng kahon upang matulungan ito sa
panghuhula.
 Mag-uunahan ang bawat pangkat sa paghahanap ng laruang sa tingin nilay mabubuo mula sa mga
kagamitang nakita. Sila ay magbubukas ng ilang larawang may takip na nasa pisara at ipapaskil sa
nakahandang lagayan ng tamang sagot.
 Ang pangkat na may pinakamaraming makukuhang wastong sagot sa bawat bilang ang siyang magwawagi.
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

Mga Materyales Laruang Mabubuo

1. mahabang lubid, pako, kahoy, tansan

2. metal na bilog na may butas, plastik na lubid

3. bilog na kawayan, pinanipis na kawayan,


basang papel
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

4. papel de hapon, kawayan, lubid

C. Pag-uugnay ng mga  Magtatanong ang guro tungkol sa mga laruang nasa harapan.
halimbawa sa bagong
aralin MGA TANONG:
1. Minsan na rin ba kayong ipinagbuo o ginawan ng mga laruang ito ng inyong ama?
2. Nasubukan ba ninyong maglaro kasama siya?
3. Maaari mo bang mailarawan o gawin sa harapan kung paano laruin ang mga ito?
4. Alin sa mga laruang ito ang maiuugnay mo sa pangangarap?

D. Pagtatalakay ng bagong Panuto: Bilugan sa loob ng palaisipan ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa mga pahayag na
konsepto at paglalahad ng
kasanayan #1 nasa ibaba at pagkatapos ay gamitin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Umalagwa ang saranggola : _________________________________________
2. Nagpakagumon siya sa trabaho : _____________________________________
3. May nabugnos na moog sa kanyang dibdib : ____________________________
4. Kasamang nagdalamhati ang lahat ng himaymay ng kayang laman : __________
5. Nahalinhan ng pagsisisi : ____________________________________________
N A N G U L I L A X
S M I G L A R Y M N
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

K A S D F G H J L A
L U W E R T Y U K T
T U M U O N M O J I
Z Z M A U S O L I L
M A T E W T I W H A
Q K A U S A L A G P
B O L I V E L R F A
EXPLORE P O R E S I L A A N

 Ipababasa ng guro ang mga gabay na tanong bago nito talakayin ang maikling kuwento.

Mga gabay na tanong:


1. Saan mo maiuugnay ang payo ng ama sa anak na, “Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay
nasa husay, ingat at tiyaga dahil ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap
patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak?”
2. Bakit hinigpitan ng ama ang mga pangangailangan ng anak?
3. Paano umusbong ang matinding hinanakit sa loob ng anak sa kanyang ama?
4. Bakit naibulalas ng ina sa anak na sa pagpanaw ng kanyang ama ay wala itong hinanakit sa kanya?
5. Paano ipinaramdam sa kuwento na nagsisi ang anak sa ginawa niyang pagtikis sa kanyang ama noong
nabubuhay pa ito?

 Tatalakayin ng guro ang maikling kuwentong Saranggola sa pamamagitan ng malikhaing pagkukuwento


Pagtatalakay ng bagong konsepto gamit ang pop-up book.
at paglalahad ng kasanayan #2
Pagsagot sa mga gabay na tanong:
1. Saan mo maiuugnay ang payo ng ama sa anak na, “Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay
nasa husay, ingat at tiyaga dahil ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap
patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak?”
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

2. Bakit hinigpitan ng ama ang mga pangangailangan ng anak?


3. Paano umusbong ang matinding hinanakit sa loob ng anak sa kanyang ama?
4. Bakit naibulalas ng ina sa anak na sa pagpanaw ng kanyang ama ay wala itong hinanakit sa kanya?
5. Paano ipinaramdam sa kuwento na nagsisi ang anak sa ginawa niyang pagtikis sa kanyang ama noong
nabubuhay pa ito?

A. Paglinang sa kabihasaan “SAY MO, I-FLEX MO!”


EXPLAIN
PANUTO: Pumili ng isang heksagono ayon sa iyong nais at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

MGA PAGPIPILIAN: Ang bawat kulay ay may kanya-kanyang inirerepresentang tanong at tanging sa kaparehong
kulay lamang ito maaaring isagot.

A B

Oo Hindi

C
MGA TANONG: Ang lahat ng tanong na nakahanda ay isang paraan ng guro upang malaman ang mga persepyon o
saloobin ng mga mag-aaral na kunektado sa maikling kuwentong tinalakay. Sa gawaing ito ay walang maling sagot
subalit magkakaroon ng isang makabuluhang pagbabahagian ang klase.
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

Bilang isang anak, ano ang mas mahalaga sa iyo? Bakit?

Anong pag-uugali o katangian ng isang ama ang mas nangingibabaw sa lipunang


ating ginagalawan?

Sa pandaigdigang lagay ng mga amang nasasangkot sa mga karahasan at pang-


aabuso, inirerepresenta na ba nito ang kabuuan ng mga padre de pamilya sa buong
mundo?

B. Paglalapat ng aralin sa “ANSABEE?”


araw-araw na buhay  Magtatanong ang guro ng mga katanungang tatalakay sa mga kaugalian at katangian ng pamilya, mga
magulang at anak na tampok sa maikling kuwentong napakinggan. Ito ay gawaing susukat sa kanilang
pangangatwiran at kaalaman sa isang maayos at magandang samahan ng isang Pilipinong mag-anak na
maaaring maging kapaki-pakinabang sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Tanong:
ELABORATE 1. Sa tingin mo naging matatag ba ang ugnayan ng pamilyang tampok sa maikling kuwentong iyong
napakinggan?
2. Naipakita ba ng anak ang pagrespeto at paggalang sa kanyang mga magulang?
3. Ano ang kabutihang naidulot sa anak nang pagiging masipag, matipid at maparaan?
4. Hanggang kailan nga ba dapat tayo tumanaw ng utang na loob sa ating mga magulang?
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

“SIGE NGA, WAKASAN MO AYON SA IBIG MO!”


 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang naramdaman sa pagtatapos ng maikling
kuwentong napakinggan.

Tanong:
1. Natuwa ba kayo sa naging katapusan ng maikling kuwentong inyong napakinggan?

 Papangkatin ng guro sa tatlong pangkat ang klase at hahayaang makapagsulat ng sarili nilang wakas sa
pamamagitan ng pagbubuod o pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon sa maikling kuwentong
napakinggan.
 Susulat ng tatlo hanggang limang pangungusap ang bawat pangkat sa loob ng tatlong minuto. Pagkatapos
ay ipepresenta ito sa harapan.

RUBRIK SA PAGBUO NG WAKAS


Pamantayan Puntos
Mahusay na pagkakabalangkas ng mga pangungusap 10 puntos
C. Paglalahat ng Aralin at nakapaglahad ng makubuluhang obserbasyon.
Kaangkupan ng mga salitang ginamit at 6 puntos
kaugnayan ng wakas sa kabuuan ng kuwento.
Pangkalahatang presentasyon 4 puntos
KABUUAN: 20 puntos

 Bubunot sa “kahon ng inisyal” ang guro ng isang mag-aaral na magbubuod ng paksang tinalakay.
 Magtatanong din ang guro ng mga aral sa buhay na kanilang natutuhan sa maikling kuwentong tinalakay.

I. Pagtataya ng Aralin NOTA: Ang pagsusulit ay isasagawa lamang ng mga mag-aaral sa loob ng sampung minuto.
EVALUATE

PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap na halaw sa maikling kuwentong
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

tinalakay. Isulat lamang ang sagot sa sagutang papel.

MALI 1. Mechanical Engineering ang kursong nais kunin ng binata kasama ang kanyang mga kaibigan
TAMA 2. Mas madaling masira ang guryon kaysa saranggola kapag bumagsak.
MALI 3. Ang hindi pagpayag ng ama sa binata na kumuha ng kursong commerce ang nag-udyok sa kanya upang
magkaroon ng hinanakit sa ama.
TAMA 4. Ang pagkakaroon ng machine shop ang unang negosyo ng binata sa kuwento.
TAMA 5. Ang ama ng bata sa kuwento’y maunawain, at mahaba ang pasensya; ang kanyang ina’y mapagmahal.
MALI 6. Ang pagtayo sa sariling paa ay nangangahulugang paglimot sa iyong pamilya at pamumuhay nang
mapayapa.
TAMA 7. Labing-apat na taong gulang ang bata sa kuwento nang tuluyan niyang makalimutan ang laruang naging
dahilang ng kanyang pangangarap – ang saranggola.
TAMA 8. Naging makasarili at nakalimot sa pamilya ang binata nang maabot niya ang kanyang mga pangarap sa
buhay.
TAMA 9. Nangulila ang kasingkahulugan ng nagdalamhati.
MALI 10. Masaya ang naging pagtatapos ng maikling kuwento.
K. Karagdagang Gawain para EXTEND  Ipasusuri ng guro ang larawan sa mga
sa takdang aralin at remediation mag-aaral.
Teacher Bb. Judy Vallejera Grade Level & Section Grade VIII - BUGHAW
Grade 8 Group 1 Learning Area FILIPINO - PANITIKAN
BANGHAY ARALIN Time allotment 01:00 - 02:00 nh Quarter Ikalawang Markahan

Mga Tanong:
1. Kailan ka unang nakasakay ng bus?
2. Sumasakay ka ba ng bus papasok ng eskwelahan?
3. Ano ang mga hindi malilimutang karanasan mo sa loob ng bus?

Takdang-Aralin: Basahin sa pahina 156 – 157 ang isang maikling tula na katha ni Eugene Evasco na pinamagatang
“Iginigisa Ako Tuwing Umaga.” Magtala ng mga matatalinghagang pananalita at bigyan ito ng payak na
pagpapakahulugan.

INIHANDA NI: IWINASTO NI:

JUDY VALLEJERA Bb. ALEXIES CLAIRE R. RAOET


Gurong Nagsasanay Faculty Expert

You might also like