You are on page 1of 7

Date: February 19, 2024 Day: Monday

Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralinsa MUSIC


Music
Ikatlong Markahan
Ika-apat na Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakapapalakpak, nakatatapik, nakakaawit at nakatutugtog ng instrumentong pangmusikasa pagtugon sa
tunog na may wastong ritmo.

II. Paksa:
Rhythm
Batayan: Music Teaching Guide pah.1-2

Kagamitan: tsart ng awit

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. . Balik-aral:
Echo Clapping: Leron-Leron Sinta
2. Pangganyak:
Bumati gamit ang SO-MI na Pagbati

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipaawit ang Twinkle, Twinkle at hayaang ipalakpak ang mga bata ang kumpas habang umaawit.

2. Ipatukoy ang malakas na kumpas/mahinang kumpas sa awit.

3. Madali ba o mahirap hanapin ang malakas na kumpas sa awit?

IV. Pagtataya:
Pangkatang ipaawit ang Twinkle, Twinkle at hayaang ipalakpak ang mga bata ang kumpas habang umaawit.

V. Kasunduan:
Lakipan ng kilos-lokomotor ang malakas at mahinang kumpas sa awit. Humandang ipakita ito sa klase sa
susunod na pagkikita.

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II
Date: February 20, 2024 Day: Tuesday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralin sa MUSIC


Music
Ikatlong Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakapapalakpak, nakatatapik, nakakaawit at nakatutugtog ng instrumentong pangmusikasa pagtugon sa
tunog na may wastong ritmo.

II. Paksa:
Rhythm
Batayan: Music Teaching Guide pah.1-2
Kagamitan: tsart ng awit

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda:
Batiin ang kalse gamit ng So-Mi greeting
Isa-isang tawagin sa pangalan ang mga bata gamit ang pagbati.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Tumawag ng ilang bata upang ipakita sa klase ang napili nilang kilos-lokomotor para ilarawan ang malakas
at mahinang kumpas sa awit na “Twinkle, Twinkle, Little Star”

2. Ipagaya sa buong klase ang galaw na ginawa ng mga bata sa harap.

IV. Pagtataya:
Pangkatang pagpapakitang kilos ng mga bata.
Maaring pagamitin ng ibat-ibang instrument.

V. Kasunduan:
Iguhit ang bahagi ng iyong katawan na tumutulong sa iyo para matukoy ang malaks at mahinang tunog.

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II
Date: February 21, 2024 Day: Wednesday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralin sa ART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
1.Naipaliliwanag ang art vocabulary
2. Nakalilikha ng eskultura na nagagamit

II. Paksang Aralin: Paggawa ng Coin Container o Pencil Holder


A. Talasalitaan
Form, Artifact, Useful Arts, Function
B. Elemento at Prinsipyo
form
C. Kagamitan
yarn, glue, plastic bottle
D. Sanggunian: K-12 Art
Curriculum Guide in Arts pp.11-12
Teacher’s Guide pp.3-6

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anong halimbawa ng mga natural na eskultura ang nakikita ninyo sa labas ng inyong bahay? (eskultura ang
tawag sa isang art na maaring tingnan sa lahat ng anggulo ; (harap, gilid, likod )hindi katulad ng drawing o
painting na flat.

2. Pagganyak:
Magpakita ng isang gamit sa bahay , hal. plorera. Ipakilala ang aralin gamit ang ipinakitang bagay.
Ngayon ay mag-aaral tayo ng eskultura. Noong araw, ginamit ng ating mga ninuno ang ang mga artifact, ang
artifact ay ginagawa na may kaukulang gamit. Tulad ng palayok, sandata, at kasangkapan

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain:
Ngayon ay susubukin nating gumawa ng Coin container o pencil holder.
2. Paghahanda ng mga kagamitan:
plastic cup/bottle , yarn at glue
3. Pagsasagawa sa gawain.

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Paanokayo nakalilikha ng eskultura?
2. Bukod sa lapis at barya, ano pa ang maari nating ilagay sa cup?

IV. Pagtataya:
Paupuin nang pabilog ang mga bata pagkatapos ng gawain.
Pag-usapan ang mga disenyo na nagawa ng mga bata ukol sa kulay, linya, hugis at balance.
Anu-ano pang mga kasangkapan sa bahay ang maituturing na Art?
V. Kasunduan:
Idisplay sa inyong silid-aralan ang natapos na eskultura.

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II
Date: February 22, 2024 Day: Thursday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralin sa EDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN

I. Layunin:
Nakalilikha ng angkop na kilos ayon sa saliw ng tugtog.

II. Paksa: Rhythms


Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I pah. 1-2
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng lokomotor at di-
lokomotor
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong laro ang ginagawa ninyo noong maliit pa kayo?
2. Pagganyak
Magparinig ng isang masiglang tugtog.
Ano ang ibig mong gawin kapag may naririnig kang masiglang tugtog?

2. Pag-aalis ng Balakid:
Isakilos
mabagal, mabilis, matigas, malambot
Gumamit ng mga larawan ng hayop na nagpapakita ng galaw ayon sa bilis o bagal.

B. Panlinang na Gawain
Pangkatang Gawain
Sa saliw ng tugtog ipakikita ng bawat pangkat ang angkop na kilos na nagpapakita ng :
Paggawa ng bahay
Pagpapalipad ng saranggola
Paglipad sa Kalawakan

C. Paglalahat:
Gaano ninyo kahusay nagawa ang gawain?
Masaya ba kayo?

IV. Pagtataya
Iguhit ang iyong damdamin habang nagsasagawa ng gawain/kilos.

V. Kasunduan
Pag-aralan ang natutuhang kilos sa bahay.

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II
Date: February 23, 2024 Day: Friday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralin sa HEALTH EDUCATION


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikatlong Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin:
Naipaliliwanag ang mabuting paraan ng pangangalaga sa tenga.

II. Paksa:
Personal Health
A. Health Habits and Hygiene:
Pangangalaga sa Tenga
B. Kagamitan: larawan ng tenga
C. Sanggunian: K-12 Health Curriculum Guide p. 9

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Gawain: Naririnig mo ba Ako?
Patakpan sa mga bata ang kanilang tenga.
Tumawag ng isang bata para tumula sa harap ng klase habang nakatakip ang tenga ng lahat.
Ipaulit sa mga bata ang sinabi o binigkas ng bata sa harap.
Itanong: Bakit hindi ninyo maulit ang kanyang sinabi?
Gaano kahalaga ang ating mga tenga?

2. Pagganyak:
Hulaan Mo.
Maghanda ng isang kahon. Lagyan ng bagay na nakakalikha ng tunog . Hal. barya
Hayaang kalugin ng mga bata at hulaan ang nasa loob nito.
Paano nalaman ang laman ng kahon?
Ano ang tumulong sa iyo para mahulaan ito?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Basahin muli ang mga paraan ng pangangalaga sa tenga. Isa-isang talakayin at ipapapaliwanag sa mga bata
kung naiintindihan at ginagawa nila ang mga ito.

2. Pagtalakay:
Paano natin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga karamdaman ito?
Alamin Natin:
Mga Paraan ng Pangangalaga sa Tenga
1. Linisin ang tainga sa labas na bahagi gamit ang bimpo o malambot na tela.
2. Iwasang malagyan ng maliliit na bagay ang loob ng tenga.
3. Gumamit ng cotton buds sa paglilinis ng loob ng tenga. Huwag gagamit ng matulis na bagay.
4. Kumunsulta sa doctor kung may kakaibang nararamdaman sa tenga.
5. Iwasan ang pakikinig sa sobrang lakas na tugtog.

C. Paglalahat:
Paano natin mapangangalagaan ang ating tenga?
Tandaan::
Ang ating tenga ay mahalagang bahagi ng ating katawan na dapat nating pangalagaan.
Dahil sa ating tenga naririnig natin ang mga nagyayari sa ating paligid.
D. Paglalapat:
Sabihin kung kaaya-aya o di-kaaya-aya ang tunog:
awitin
iyak ng bata
kulog
lakas na tambutso ng motor

IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Gumagamit tayo ng bimpo sa paglilinis ng labas na bahagi ng tenga dahil:
a. sensitibo ang ating tenga
b. malaki ang ating tenga
c. matigas ang ating tenga
2. Iniiwasan nating makinig sa sobrang lakas ng mga tunog o huni sa paligid dahil:
a. makakasama ito sa ating pandinig
b. makakapagpalakas ito sa ating mga tenga
c. magiging maliksi tayo sa pagsunod sa panuto
3. Iniiwasan nating maglagay ng matutulisat maliliit na bagay sa loob ng ating tenga dahil maaari itong maging
sanhi ng:
a. pagkabulag
b. pagkabingi
c. pagkalumpo
4. Kung may problema tayo sa ating tenga humingi tayo ng tulong sa ___para tayo ay magamot.
a. nars b. dentista c. doctor
5. Dapat nating pangalagaan ang ating tenga dahil ito ay
a. dalawa lang
b. malaki lang
c. lubhang mahalaga

V. Kasunduan:
Humanda sa Ear Inspection bukas.

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II

You might also like