You are on page 1of 8

Date: February 26, 2024 Day: Monday

Grade and Section: I-PO Time:

HOLIDAY
DIA DE ZAMBOANGA
Date: February 27, 2024 Day: Tuesday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Music
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
- Nakapapalakpak, nakatatapik, nakakaawit at nakatutugtog ng instrumentong pangmusikasa pagtugon sa tunog na may
wastong ritmo.

II. Paksa: Rhythm


Batayan: Music Teaching Guide pah.1-2
Music teacher’s Module pah. ___
Music Acitivity Sheet pp. ____
Kagamitan: tsart ng awit

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Echo Clapping: Twinkle, Twinkle
2. Pangganyak:
Bumati gamit ang SO-MI na Pagbati

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipaawit ang Jack at Jill at hayaang ipalakpak ang mga bata ang kumpas habang umaawit.

Jack at Jill
Si Jack at Jill naglalaro sa bukid na malayo
Ngunit nawala si Jill matapos na magtago
Tralalalalalala
Tralalalalalalala
Nang si Jack ay umuwi si Jill ay hinahanap
At si Jack ay umiyak si Jill di mahagilap
Tralalalalalala
Tralalalalalalala

2. Ipatukoy ang malakas na kumpas/mahinang kumpas sa awit.


3. Madali ba o mahirap hanapin ang malakas na kumpas sa awit?

IV. Pagtataya:
Pangkatang ipaawit ang” Jack at Jill” at hayaang ipalakpak ang mga bata ang kumpas habang umaawit.

V. Kasunduan:
Lakipan ng kilos-lokomotor ang malakas at mahinang kumpas sa awit. Humandang ipakita ito sa klase sa susunod na
pagkikita.

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II
Date: February 28, 2024 Day: Wednesday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralin sa ART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
1.Nasasaliksik ang kahulugan ng palawit (pendant) at anting-anting para sa mga Pilipino.
2.Naipaliliwanag ang art vocabulary.
3.Nakagagawa ng palawit.

II. Paksang Aralin: Paggawa ng Pendant/Palawit

A. Talasalitaan
Form,Religious Artifact, Pendant or Charm, Talisman or Amulet

B. Elemento at Prinsipyo
form, texture

C. Kagamitan
pencil, crayon

D. Sanggunian: K-12 Art


Curriculum Guide in Arts pp.11-12
Teacher’s Guide pp.3-6

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang maari nating gawn mula sa lumang bote o baso?

2. Pagganyak:
Magpakita ng diwata.
Itanong: Ano mayroong ang isang diwata?
Totoo ba na may kapangyarihan ang isang diwata?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipakita angmga palawit tulad ng krus, scapular at iba pang isinusuot ng mga Pilipino.
Bakit nagsusuot ang mga tao ng ganitong mga bagay sa kanilang katawan?
Ano kaya ang nagagawa ng mga ito para sa taong may suot ng mga ganitong bagay?
Ang mga bagay na ito ay mga eskultura rin.

Ang tawag sa mga ito ay relihiyosong palawit (religious artifacts)


1. Gawain:

Ngayon ay susubukin nating gumawa ng pendant.


2. Paghahanda ng mga kagamitan:
salt-dough
3. Pagsasagawa sa gawain.

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Paanokayo nakalilikha ng eskultura?
2. Kanino mo gusting ibigay ang nagawa mong pendant.

IV. Pagtataya:
Paupuin nang pabilog ang mga bata pagkatapos ng gawain.
Pag-usapan ang mga disenyo na nagawa ng mga bata ukol sa kulay, linya, hugis at balance.

V. Kasunduan:
Alamin ang mga pendant na ginagamit ng mga local na superheroes sa TV at pelikula
1. Darna
2. Kapten Barbel

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II
Date: February 29, 2024 Day: Thursday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralin sa EDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin:
- Naipapakita ang wastong interpretasyon ng mga awit na may kilos.
- Naisasagawa nang may wastong interpretasyon ang mga awit na may kilos.

II. Paksa: Rhythms


Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I pah. 1-2
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng lokomotor at di-
lokomotor
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ikaw ba ay marunong umawit?
Umaawit ka ba ng may kilos?
Sino ang nagturo sa iyo?
Paano mo ito ginagawa?

2. Pagganyak
Magparinig ng isang masiglang tugtog.
Ano ang ibig mong gawin kapag may naririnig kang masiglang tugtog?

B. Panlinang na Gawain
Ipabasa ang awit: Paa, Tuhod, Balikat Ulo
Napag-aralan na natin ang tungkol sa paa, tuhod, balikat at ulo. Alam na natin kung paano ikilos ang mga
bahaging ito ng ating katawan.
Ang ating gagawin ay ang umawit. Isasabay natin sa pag-awit ang paghawak sa bahagi ng katawang sinasabi sa
awit.
Pag-awit ng mga bata na may angkop na kilos.

C. Paglalahat:
Paano isinasagawa ang awit na may kilos?
Masaya ba kayo?

Tandaan:
Ang awit na may kilos ay masayang gawain nating mga bata. Tayo ay umaawit habang ikinikilos natin ang
sinasabi sa awit.
Kumikilos tayo sa tiyempo ng awit.
Napakasaya ng awit na may kilos.

IV. Pagtataya
Pagdugtungin ng guhit ang mga larawan at mga salita.
1. Nagpalakpakan
2. Balikat
3. Tuhod
4. Ulo
5. Paa

V. Kasunduan
Pag-aralan ang natutuhang kilos sa bahay.
REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II
II
Date: March 1, 2024 Day: Friday
Grade and Section: I-PO Time: 1:50-2:30

Banghay Aralin sa HEALTH EDUCATION


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo
(IkalimangAraw)

I. Layunin:
- Naipaliliwanag ang kahalagahan ng ilong.

II. Paksa: Personal Health


A. Health Habits and Hygiene:
Pangangalaga sa Ilong
B. Kagamitan: larawan ng ilong, bote ng alcohol, pabango, bawang, kalamansi
C. Sanggunian: K-12 Health Curriculum Guide p. 9
Teacher’s Guide pp. 8-9

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Paano natin mapangangalagaan ang ating mga tenga?

2. Pagganyak:
Awit:
Little Nose
Little nose be careful what you smell
For the Good Lord above
Is looking down with love
Little nose be careful what you smell.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Papikitin ang mga bata
Sabihin: Habang kayo ay nakapikit, iikot ako at may mga bagay na ipaamoy sa inyo. Tingnan ko kung matutukoy
ninyo ang bagay na inyong inamoy.
2. Pagtalakay:
Ano ang inyong naamoy?
Alin ang ginamit ninyo para maamoy ang mga bagay na ipinaamoy ko sa inyo?
Mahalaga ba ang ilong? Bakit?
Ano pa ba ang ibang gamit ng ating ilong?

C. Paglalahat:
Bakit mahalaga ang ating ilong?
Tandaan:
Ang ating ilong ay mahalagang bahagi ng ating katawan na dapat nating pangalagaan.
Dahil sa ating ilong naamoy natin ang mga iba’t ibang bagay sa ating paligid.

D. Paglalapat:
Sabihin kung kaaya-aya o di-kaaya-aya ang amoy
pritong manok
usok ng dyip
bulaklak
gaas
patay na daga

IV. Pagtataya:
Lagyan ng √ ang nagpapakita ng kahalagahan ng ilong.
___1. Panghinga
___2. Pang-amoy sa mga bagay
___3. Tumutulong sa ating pagsasalita at panlasa.
___4. Lalagyan ng sipon
___5. Nakatutulong sa pagdinig ng mga musika

V. Kasunduan:
Iguhit ang ilong.

REMARKS:
SECTION NO. OF PUPILS WITHIN THE NEEDS NEEDS
MASTERY LEVEL ENRICHMENT REMEDIATION
I-PO 43

Prepared by: Checked by: Noted by:

CARMEL T. PO NERWISA A. BUHAYAN EVELYN S. CABANIERO


CIass Adviser Master Teacher II Principal II

You might also like