You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Grade 10 Silver

MELVIN M. ABOLOC Agosto 15, 2019

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
a. Naipaliliwanag ang kahulugan ng migrasyon
b. Natutukoy ang mga dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa.
c. Napahahalagahan ang dahilan ng migrasyon.

II. PAKSANG ARALIN


Paksang aralin: Migrasyon: Mga Dahilan
Sanggunian:
https://www.academia.edu/36410938/Masusing_Banghay_Aralin_sa_Araling_Panlipunan_10
Kagamitang Panturo: Laptop, projector, felt tip pens, manila paper, neon
paper, scissor, paper tape

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
- Pananalangin
- Pagtsetsek ng Attendance

B. Pagbalik aral sa mga paksang natalakay


- Ano ang natutuhan sa huling paksa na napag-aralan?

C. Pagganyak
- Magpakita ng mga larawan tungkol sa migrasyon (4 pic 1 word
game).
- Hayaan silang hulaan ang paksa ng pag- aaralan.

D. Aktibidad
- Hatiin ang klase sa limang (5) grupo.
- Ipabasa ang pamantayan sa gawain.
- Ipaintindi ang panuto/tagubilin sa gawain.
- Pangasiwaan ang gawain ng bawat grupo at ipadikit sa pisara kung
tapos na.

E. Pagsusuri
- Ano ang nararamdaman ninyo matapos ang gawain?
- Paano ninyo sinagot ang gawain?
- Ano ang ginawa ninyo para mabuo ang mga sagot?
F. Pagbubuod
- Ipakita ang kahulugan ng migrasyon at isa-isahin angmga dahilan
ng migrasyon.
- Kasabay nito ay itama ang kanilang mga sagot sa gawain.
- Irekord ang kanilang iskor.
- Tanungin kung may mga paglilinaw sa aralin.
IV. PAGTATAYA
G. Aplikasyon

Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa kalahating papel. Sagutan


ito ng hanggang tatlo at higit pang pangungusap.

1. Makatuwiran bang tawaging mga “bagong bayani” ang Oversees Filipino


Workers (OFWs)? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Masasabi bang walang nasyonalismo ang isang taong nanirahan na nang
permanente sa ibang bansa? Panindigan.

V. TAKDANG ARALIN
1. Ano-ano ang mga at epekto salik ng migrasyon?
2. Ano ang pagkakaiba ng “immigrant sa emigrant”
3. Magsuri sa mga datos at kalagayan ng migrasyon sa buong
mundo.

Ipinasa ni:

MELVIN M. ABOLOC
Guro sa Araling Panlipunan

Binigyang- suri ni:

MARIDEL D. HUELMA
Critic Teacher/Master Teacher 1

Binigyang-suri ni:

ALMA D. PLAZA
Punong Guro

You might also like