You are on page 1of 7

Republic Colleges of Guinobatan Inc.

G. Alban Street, Guinobatan, Albay

EXAMINATION

1. Ito ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at


nagpapagabago sa kalagayan ng gating pamayanan, bansa, o mundo sa
kasalukuyang panahon.
a) Kontemporaryong Isyu
b) Temporaryung Isyu
c) Pambansang Isyu
d) Kasalukuyang Isyu
2. Alin sa sumusunod na Kontemporaryong Isyu ang hindi nabibilang?
a) Abortion
b) Suicide
c) Pagmamalasakit sa kapwa
d) Child Abuse
3. Ito ang uri ng sanggunian na kumukuha ng impormasyon mula sa mga orihinal
na tala ng pangyayaring isinulat ng mga taong nakaranas nito.
a) Primaryang Sanggunian
b) Secondaryang Sanggunian
c) Almanac
d) Atlas
4. Ito ay tinatawag na kuro-kuro, palagay, o haka haka. Ano ito?
a) Katotohanan
b) Opinyon
c) Pahayagan
d) Hinuha
5. Ito ay mahalagang sanggunian tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa loob ng
mahigit 200 na taon.
a) Pahayagan
b) Kongklusyon
c) Hinuha
d) Primaryang Sanggunian
6. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa
matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o
natural na kalamidad?
A. Deforestation
C. Illegal Logging
B. Fuel wood Harvesting
D. Migration
7. Ito ang tawag sa pagyanig ng lupa at pagkasira ng mga gusali at mga kabahayan
a) El Niño
b) Tsunami
c) Lindol
d) Flashflood
8. Ito ang pinakamatinding bagyo na rumagasa sa ating bansa. Nanalasa ito sa Rehiyon I
hanggang VI at NCR kung saan marami ang nasawi, nasirang bahay at mga gusali. Ano
ito?
a) Super Typhoon Yolanda
b) Bagyong Uring
c) Bagyong Sisang
d) Bagyong Ondoy
9. Alin sa mga sumusunod ang mga dapat gawin tuwing may paparating na bagyo?
a) Maglaro ng mobile games hanggang lumipas ang bagyo pagka’t ito ay nakikiraan
lang.
b) Makipag kwentuhan sa kapitbahay kung gaano kalakas ang bagyo.
c) Bumili ng maraming snacks upang hindi magutom sa oras na dumating na ang bagyo
d) Makinig sa radyo o manood sa telebisyon tungkol sa paparating na bagyo at
maghanda sa pagdating nito.
10. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin tuwing may baha maliban sa:
a) Mag ingat sa mga lugar na lubog sa tubig kung hindi nakasisiguro kung gaano ito
kalalim
b) Huwag maglalaro sa baha dahil marumi ang tubig
c) Hikayatin ang mga kalaro na maghabulan sa baha pagka’t ito ay masaya tuwing
maulan
d) Huwag lumusong o tumawid sa baha, ilog o sapa kapag mabilis ang daloy ng tubig.
11. Halimbawa ay lumindol sa inyong paaralan. Ano ang mga maaari mong gawin habang
lumilindol upang makaiwas sa disgrasya?
a) Maging kalmado at alerto
b) Magtago sa isang matibay na mesa at manatili doon
c) Kung malapit na sa labasan ng gusali ay pumunta sa isang open area
d) Tama ang lahat ng nabanggit.
12. Ito ang departamento na namamahala sa mga programa ng pamahalaan para sa
paglilingkod sa lipunan lalo na sa mahihirap. Ano ito?
a) Department of Interior and Local Government
b) Department of Social Welfare and Development
c) Department of Education
d) Departmment of Environment and Natural Resources
13. Ito ay isa sa mga pinamamahalaan ng Department of Interior and Local Government na
mga yunit na lokal ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng badyet, pananatili
ng kaayusan at katahimikan, pagpapatupad ng ordinansa at iba pa. Alin ito sa
sumusunod?
a) Bayan
b) Pamilya
c) Bahay ampunan
d) Paaralan
14. Ang climate change ba ay itinuturing na malaking isyu dahil sa epekto nito?
a) Oo, dahil nagdudulot ito ng matinding bagyo at baha na nagdudulot ng sakit at
pagkasira ng kapaligiran
b) Hindi, dahil nakakatulong ito sa mga magsasaka pagkat mas madalas nadidiligan
ang mga palay tuwing umuulan
c) Maaaring tama, dahil marami itong naidudulot na mabuti sa kalikasan
d) Maaaring mali, dahil wala naman pumapansin sa pagbabago ng panahon
15. Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng climate change sa mga tao maliban
sa:
a) Heat Stroke
b) Diarrhea
c) Blister
d) Skin cancer
16. Ano ang pinakamadali at pinakamabisang paraan ng paglutas ng suliranin sa climate
change?
a) Pagpapanatiling malinis ng kapaligiran
b) Pag-iwas o pagbawas ng pagsusunog ng mga basura
c) Pagresiklo ng mga patapon ng bagay
d) Lahat ng nabanggit ay tama
17. Alin sa mga sumusunod ang sanhi ng climate change maliban sa:
a) Labis na paggamit ng enerhiya
b) Matinding polusyon
c) Paggamit ng mga produkto na nagpaparami ng greenhouse gasses
d) Pagtatanim ng mga puno at halaman
18. Sa paanong paraan ka mas makakatulong sa pag lutas ng mga problema hinggil sa
suliraning pangkapaligiran sa inyong paaralan
a) Sumali sa mga protesta laban sa mga nagpapagawa ng mga pabrika na nagdudulot
ng polusyon
b) Makinig sa mga lesson ng guro batay sa paglutas sa mga suliraning pangkalikasan
c) Sumali sa mga organisasyon sa paaralan na gumagawa ng mga aktibidad sa
paglutas ng mga suliraning pangkalikasan
d) Magsaliksik tungkol sa paglutas ng climate change
19. Ito ang tawag sa kawalan ng trabaho ng mga taong nasa wastong gulang at mabuting
pangangatawan na may kakahayang magtrabaho. Ano ito?
a) Underemployment
b) Unemployment
c) Lakas-paggawa
d) Wala sa nabanggit
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan sa kawalan ng trabaho sa ating bansa?
a) Job fair para sa mga estudyanteng magtatapos
b) Paglaki ng populasyon
c) Hindi tugma ang pinagaralan o kwalipikasyon
d) Kawalan ng lakas ng loob sa pag apply
21. Ito ay mga dahilan kung bakit maraming mga bakanteng establasyemento ang mahirap
punan ng manggagawa. Alin sa mga ito ang pinakamarami ang kakulangan?
a) Kakulangan sa kakayahan at husay sa nasabing tabaho
b) Kakulangan sa taon ng serbisyo
c) Walang propesyonal na lisensya o TESDA skills
d) Karamihan ay gusting magtrabaho sa ibang bansa
22. Alin sa mga sumusunod ang epekto sa kawalan ng trabaho ng mga Pilipino?
a) Kahirapan
b) Mataas na antas ng krimen
c) Mahirap na proseso para makapagnegosyo
d) Lahat ng nabanggit ay tama
23. Alin sa mga sumusunod ang solusyon ng unemployment sa ating bansa?
a) Pagbibigay ng mga libreng kurso sa TESDA
b) Pagsali sa mga organisasyong naghihikayat para kumita ng pera
c) Mang utang sa mga kakilala upang magtayo ng negosyo
d) Wala sa nabanggit ang tamang sagot
24. Si Jose ay nagtapos ng BS in Mechanical Engineering gusto niyang makakuha agad ng
trabaho. Alin sa mga sumusunod ang kailangan niyang gawin maliban sa isa?
a) Maghanap ng mga job posters sa mga establisyemento at tignan kung naaayon sa
kanyang kwalipikasyon
b) Gumawa ng resume at isumite sa mga legit online websites na hanapan ng trabaho
c) Magtanong tanong sa mga kakilala kung may alam silang pwedeng mapasukan na
trabaho batay sa kursong tinapos ni Juan
d) Antayin na magyaya ang mga kaklase na maghanap ng mapapasukan trabaho
25. Halimbawa ay ilang beses ka ng nabigo sa paghahanap ng trabaho at lahat ng
kasamahan o kaibigan mo ay nakakuha na ng trabaho, ano ang dapat mong gawin?
a) Sumuko at umiyak nalang
b) Magreklamo kung bakit hindi tinanggap sa mga inapplyan ng trabaho
c) Lakasan ang loob at wag sumuko sa paghahanap
d) Wala sa mga nabanggit ang tamang sagot
26. Ito ang tawag sa Malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig
sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at marami pang iba. Ano ito?
a) Komunikasyon
b) Globalisasyon
c) Paglalakbay
d) Ekonomya
27. Ito ang tawag sa pagkubli o pagtakip sa tunay na pinagmulan ng pera. Ano ito?
a) Globalisasyon
b) Komunikasyon
c) Money laundering
d) Ekonomiya
28. Ito ang tawag sa papupulong ng mga United nations sa Stockholm, Sweden noong
1972. Ano ito?
a) Stockhelm Meeting
b) Stockholm Meeting
c) Stockholm Sweden Meeting
d) Stock Meeting
29. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa mga aspekto ng likas –kayang
kaunlaran?
a) Pang-ekonomiya
b) Pangkapaligiran
c) Panlipunan
d) Wala sa nabanggit
30. Ayon kay Jonathan Haris ang tunay na likas kayang kaunlaran ay nangangailangan ng
malakihang pagbabago sa mga paraan ng produksyon sa sumusunod na mga larangan,
Alin sa mga sumusunod ang tama?
a) Agrikultura
b) Enerhiya
c) Industriya
d) Lahat ng nabanggit ay tama
Answer Key
1) A
2) C
3) B
4) B
5) A
6) A
7) C
8) D
9) D
10) C
11) D
12) B
13) A
14) A
15) B
16) D
17) D
18) C
19) B
20) A
21) A
22) D
23) A
24) D
25) C
26) B
27) C
28) B
29) D
30) D

You might also like