You are on page 1of 7

DIVISION UNIFIED TEST

ARALING PANLIPUNAN 10

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:_____________________Iskor:______

Panuto: Basahin at unawain ang katanungan sa bawat bilang. Itiman ang bilog na tugma sa letra ng

tamang kasagutan.

A B C D 1.) Ano ang tawag sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga?
a) lipunan b) simbahan c.) sambahayan d) pamahalaan
A B C D 2.) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may
nagkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan?
a) status b) institusyon c) migrant d) social group
A B C D 3.) Ito ay tumutukoy sa isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa
paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan;
a) kultura b) gampanin c) institusyon d) social group
A B C D 4.) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan?
a) Ang isyung personal ay mababaw habang ang isyung panlipunan ay mabigat.
b) Ang isyung personal ay mabigat habang ang isyung panlipunan ay magaan lamang.
c) Ang isyung personal ay nakaapekto sa isa habang ang isyung panlipunan ay sa karamihan.
d) Ang isyung personal ay pang-ekonomiya lamang habang ang isyung panlipunan ay pangkapaligiran.
A B C D 5) Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay na nakakaapekto hindi lamang sa isang
tao, kung hindi ay sa lipunan sa kabuuan. Bakit dapat tayong magkaroon ng kamalayan sa mga isyu at hamong
panlipunan na ating kinabibilangan?
a) upang maging mulat sa mga isyu at hamong kinakaharap
b) upang may mapuna sa mga namamahala sa ating lipunan
c) upang makibahagi sa pagtugon sa isyu at hamong kinakaharap
d) upang hindi maging mangmang sa mga pangyayari sa ating lipunan
A B C D 6.) Ano ang tawag sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersiyal na establisimyento,
mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang
hindi nakalalason?
a) humus b) recycled c) solid waste d) biodegradable
A B C D 7.) Ano ang tawag sa katas ng basura mula sa mga dumpsites na umaagos sa ilang ilog ng
Maynila na nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa buhay ng tao?
a) Leachate b) Digoxin c) Nicotine d) Strychnine
A B C D 8) Anong batas ang ipinapatupad ng pamahalaan upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-
ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
a) Republic Act 6003 b) Republic Act 7003 c) Republic Act 8003 d) Republic Act 9003
A B C D 9.) Aling suporta ang nanggagaling sa NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa
pamamagitan ng pagtulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay?
a) Greenpeace b) Bantay Kalikasan c) Clean and Green Foundation d) Mother Earth Foundation
A B C D 10.) Sa kasalukuyan, ang likas na yaman ng bansa ay patuloy na nasira. Ano ang dahilan sa
pagkasira ng ating mga likas na yaman?
a) Tumataas na demand ng lumalaking populasyon
b) Mapang-abusong paggamit at natural na kalamidad
c) Hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga ng kalikasan
d) Lahat ng Nabanggit
A B C D 11.) Ito ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t-ibang
gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad. Ano ito?
a) Deforestation b) Reforestation c) Kaingin system d) Illegal Logging
A B C D 12.) Ano ang tawag sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran,
at mga gawaing pang-ekonomiya?
a) Hazard b) Disaster c) Resilience d) Vulnerability
A B C D 13.) Ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat
gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya
ng pamahalaan:
a) Political Approach b) Scientific Approach c) Top-Down Approach d) Bottom-up Approach
A B C D 14.) Ano naman ang tumutukoy sa sitwasyon kung saan nagsisimula sa mga mamamayan at iba
pang sektor ng lipunan ang mga hakbang, sa pagtukoy, pag aanalisa, at paglutas ng mga suliranin at hamong
kapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan?
a) Community Approach b) Traditional Approach c) Top-Down Approach d) Bottom-up Approach
A B C D 15.) Ano ang tawag sa isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard
at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtulong, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk
na maaari nilang maranasan?
a) Agency Based- Disaster and Risk Management
b) Community Based- Disaster and Risk Management
c) Community Based- Devastation and Risk Management
d) Community Based- Disaster and Response Management
A B C D 16.) Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng sa mga hakbang sa paggawa ng CBDRRM?
1- Disaster Response
2- Disaster Prevention and Mitigation
3- Disaster Rehabilitation and Recovery
4- Disaster Preparedness
a) 1234 b) 3214 c) 2413 d) 4132
A B C D 17) Ang mga mamamayan ay binibigyan ng paalaala at babala bago tumama at sa panahon ng
kalamidad. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagsagawa nito?
a) pagbigay impormasyon b) pagbibigay ng payo c) pagbibigay ng panuto d) pagbibigay ng medical
mission
A B C D 18.) Ano ang tawag sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar
kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon?
a) Hazard Assessment b) Calamity Assessment c) Damage Assessment d) Financial Assessment
A B C D 19.) May ilang mga tao na walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang
pamahalaan, hindi alam ng mga taong ito ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ano ang
tawag sa mga taong ito?
a) victims b) displaced c) evacuees d) vulnerable
A B C D 20.) Ang Disaster Risk Management ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang
pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagsagawa ng Risk
Assessment?
a) nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos
b) pagsasaayos sa mga nasisirang pasilidad at istruktura
c) nagiging batayan sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction
d) pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan prayoridad

A B C D 21.) Ang Needs Assessment, Damage Assessment, at Loss Assessment ay napapaloob sa anong
yugto ng Disaster Management Plan?
a) Disaster Response c) Disaster Prevention and Mitigation
b) Disaster Preparedness d) Disaster Rehabilitation and Recovery
A B C D 22.) Anong DepEd Order ng 2008 kung saan dito ay binuo ang Disaster Risk Reduction Resource
Manual upang magamit ang mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga
pampublikong paaralan?
a) DepEd Order No. 55 b) DepEd Order No. 65 c) DepEd Order No. 75 d) DepEd Order No. 85
A B C D 23.) Si Mang Canor ay isa sa natanggal sa trabaho sa pagawaan ng plywood dahil nagbawas ang
kompanyang kanyang pinapasukan ng mga manggagawa dahil sa maliit na lamang ang suplay ng kahoy dahil
sa pagkasira ng kagubatan. Batay sa pahayag, ano ang epekto ng isyu sa hamong pangkapaligiran na ito kay
Mang Canor?
a) nawalan siya ng kabuhayan c) nawalan siya ng lakas ng loob
b) nawalan siya ng pakinabang d) nawalan siya ng pagkakakilanlan
A B C D 24.) Ang Pilipinas ay apat sa sampung bansa na pinakanaapektohan ng Climate Change ayon sa
edisyon ng Global Climate Risk Index noong 2016. Isa sa mga sanhi ng Climate Change ay ang Global
Warming na gawa ng tao. Ano ang mahihinuha natin sa pahayag na ito?
a) malaki ang pakinabang ng tao sa kalikasan
b) malaki ang responsibilidad ng tao sa kanyang kapwa tao
c) malaki ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa mga baha at bagyo
d) malaki ang kinalaman ng tao sa kalagayan ng kanyang kapaligiran
A B C D 25.) Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang grupo ng tao na may kani-kaniyang kultura. Anong
mahalagang bagay ang dapat gawin ng bawat pangkat upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at
kaguluhan sa pagitan ng mga pangkat?
a) respeto b) katapatan c) kayamanan d) kapangyarihan
A B C D 26.) Bawat isa sa atin aymay isyung kinakaharap. Papaano nagkakaiba ang isyung personal at
panlipunan?
a) ang isyung personal ay madali habang ang panlipunan ay mahirap
b) ang isyung personal ay mababaw habang ang panlipunan ay malalim
c) ang isyung personal ay nalulutas ng pera habang ang panlipunan ay hindi
d) ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang habang ang panlipunan ay sa marami

A B C D 27.) Isa sa mga hamong panlipunan na nararanasan natin sa kasalukuyan ay ang mga pagbaha.
Sa simpleng pamamaraan, papaano ka nakakatulong sa pagharap sa hamong ito?
a) pagbibigay-tulong sa mga nabiktima
b) pagpopost sa social media ng mga larawan
c) pagiging volunteer na rescuer ng inyong pamayanan
d) pagbibigay-kaalaman sa inyong pamilya at kapitbahay sa dapat na gawin
A B C D 28.) Ang pagkakaroon ng tambak na basura ang isa sa naging dahilan sa pagkakaroon ng mga
pagbaha. Ano ang dapat nating gawin upang maiwasan ang pagdanas sa suliraning ito?
a) tumulong sa paglinis ng mga kanal
b) magsagawa ng proper waste segregation
c) irecycle ang iba pang gamit na mapakinabangan
d) lahat ng nabanggit
A B C D 29.) Sa kapabayaan at pag-aabuso ng ilan sa ating mga kababayan sa kapaligiran, unti-unti itong
nasisira. Isa sa mga nagiging bunga nito ay ang pagliit ng ating mga hilaw na materyal na nakukuha mula sa
ating mga likas na yaman. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto nito sa ating ekonomiya?
a) mababawasan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b) hihina ang produksiyon na magbubunga ng pagtaas ng unemployment
c) lalakas ang ekonomiya ng bansa dahil sa ating pag-angkat ng mga hilaw na materyal
d) nagkulang ang suplay ng produkto na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
A B C D 30.) Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang programa at pagkilos na isinagawa upang mapangalagaan
ang ating kapaligiran. Alin ang nagpapakita sa bunga ng mga programa at pagkilos na ito?
a) pagkatalaga ng kalihim ng DENR
b) pagkakaroon ng mga protected areas ng bansa
c) pagbabawal sa paggamit ng ating likas na yaman
d) pakikipag-ugnayan natin sa mga dayuhang bansa
A B C D 31.) Sa mga kalamidad na dumating sa Pilipinas, halimbawa ng baha at bagyo kung saan ay
maraming buhay ang nasawi gaya ng sa Yolanda- 6340, Ondoy- 710, Flash Flood- 4,000 (1991) atbp. Ano ang
masasabi natin sa ating kalagayang pangkapaligiran?
a) wala tayong suliraning pangkapaligiran c) malaki ang ating suliraning pangkapaligiran
b) maliit ang ating suliraning pangkapaligiran d) hindi tiyak ang ating suliraning pangkapaligiran

A B C D 32.) Ang Bottom-Up Approach at Top-Down Approach ay maaaring magdulot ng holistic na


pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad, ngunit sa anong bagay nagkakaiba ang dalawang
approaches na ito?

a) sa hamong pangkapaligiran na kanilang kinakaharap o mararanasan

b) sa mga taong gumagawa at involved sa dalawang uri ng approaches

c) sa layunin na hindi mahaharap sa hamong pangkapaligiran ang kanilang pamayanan

d) sa hakbang na kanilang ginagawa sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran

A B C D 33.) Palaging nakakaranas ng pagbaha ang isang barangay na malapit sa isang ilog at dahil dito,
nagsagawa ng pagpupulong ang mga tao roon at aktibo nilang sinimulan ang pagsagawa ng plano kung ano
ang dapat nilang gawin bago pa man at sa tuwing may pagbaha sa kanilang lugar. Tinitingnan nila ang mga
maaaring mangyari at tinutugunan nila ito. Dahil nito ay naiwasan ang malawakang pagkasira tuwing may
pagbaha hindi lamang sa kanilang ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, ang pagkawala ng buhay. Batay sa
pahayag, ano ang mabisang paraan sa pagharap ng hamong pangkapaligiran?

a) paglaan ng malaking pondo c) pagtalaga ng mga magagaling na pinuno

b) paghingi ng tulong sa ibang bansa d) pagtutulungan ng mga mamamayang apektado

A B C D 34.) Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang palaging nakakaranas ng mga kalamidad gaya ng
bagyo, pagbaha, landslide at iba pang uri ng kalamidad. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga ito?

a) pakikinig ng mga news update c) paghingi ng tulong sa mga dayuhan

b) pagbili ng mga pagkain at gamot d) paglikas sa mga tahanan kung kinakailangan

A B C D 35.) Ang barangay Mahayag ay bihira lamang makaranas ng pagbaha. Ang mga tao dito ay
nagsagawa ng proper waste segregation. At bawat Linggo ay nagtitipon-tipon sila upang linisin ang kanilang
mga kanal. Anong mabuting katangian ang nakikita natin dito sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran?

a) disiplina at kooperasyon c) kayamanan at katanyagan

b) katapatan at katalinuhan d) katatagan na pananalig sa Maykapal

A B C D 36.) Sa Community Based- Disater and Risk Management, ang pamayanang may banta ng hazard
at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtutulong, pagsuri at pagtugon, pagsubaybay at pagtataya ng mga
risk na maari nilang danasin. Ano ang implikasyon nito?

a) mahalaga ang mga batas at programang nangangalaga sa kalikasan

b) mahalaga ang papel ng pamahalaang lokal sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran

c) mahalaga ang papel ng buong pamayanan sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran


d) mahalaga ang pagbibigay ng tulong sa mga pamayanang nahaharap sa mga hamong pangkapaligiran

II- Panuto: Sagutin ang katanungang ito (4 points)

Ano ang pangunahing isyu o hamong pangkapaligiran ang karaniwang kinakaharap ng


inyong pamayanan? At bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyon, ano-ano ang mga hakbang na
iyong gagawin bilang tulong sa pagtugon sa nasabing isyu o hamon?

RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG MARKA

4 3 2 1

Nakapagbigay ng isang Nakapagbigay ng isang Nakapagbigay ng isang Walang kaugnayan sa


isyu o hamon na may isyu o hamon na may isyu o hamon na may kapaligiran ang kanyang
kinalaman sa kapaligiran kinalaman sa kapaligiran kinalaman sa kapaligiran isyu o hamong naibigay.
na kanilang kinakaharap ngunit hindi naipahayag ngunit hindi naipahayag
at naipapahayag nang nang lubos ang kanyang ang kanyang maitutulong
lubos ang kanyang maitutulong sa pagtugon sa pagtugon sa isyu o
maitutulong sa pagtugon sa isyu o hamong hamong naibigay.
sa isyu o hamong naibigay.
naibigay.

GOOD LUCK and G O D B L E S S. . . . . . .


ANSWER KEY

DIVISION UNIFIED TEST

ARALING PANLIPUNAN 10

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

S.Y. 2018-2019

1. A
2. D
3. A
4. C
5. C
6. C
7. A
8. D
9. D
10. D
11. A
12. B
13. C
14. D
15. B
16. C
17. D
18. A
19. D
20. B
21. A
22. A
23. A
24. C
25. A
26. D
27. D
28. D
29. B
30. B
31. C
32. B
33. D
34. C
35. A
36. C

Note: Item number 37-40 (Open-ended question)

You might also like