You are on page 1of 5

Mother Barbara Micarelli School, Inc.

San Miguel, Sto. Tomas, Batangas


School Year 2022-2023
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING
PANLIPUNAN 10
MODESTY _____________________________________________________________
Last Name First Name MI
COMPASSION _____________________________________________________________
Last Name First Name MI

PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.
Panatilihing malinis ang talaan ng mga tanong at ang sagutang papel.
Gumamit ng itim o asul na panulat lamang.

STEM OPTION VARIETY. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu?

A. Mga nagdaang kalamidad sa bansa


B. Uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno
C. Kabuhayan ng isang maliit na komunidad
D. Kasalukuyang sitwasyong politikal sa bansa
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagbibigay-impormasyon tungkol sa kontemporaryong isyu?
A. internet B. telebisyon C. pahayagan D. lumang pelikula
3. Ang mga nasa ibaba ay karaniwang sumasakop sa kontemporaryong isyu maliban sa isa. Ano
ito?

A. politika B. lipunan C. pangkapaligiran D. sariling katangian

4. Ating napag-aralan ang mga aktibong bulkan na mayroon tayo sa Pilipinas. Ano ang nagiging
sanhi ng pagputok ng bulkan sa Plipinas?
A. Ito ay isang archipelago.
B. Ito ay malapit sa equator.
C. Ito ay nasa Pacific Ring of Fire.
D. Ito ay madalas tamaan ng lindol at bagyo.
5. Anong uri ng gas ang nalilikha sa pamamagitan ng pagsusunog ng fossil fuel at pag-aararo sa mga
lupain sa pagsasaka?
A. methane C. ozone
B. nitrous oxide D. sulphur hexafluoride

6. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor
sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sector sa pagsugpo
sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga
suliraning pangkapaligiran.

7. Anong uri ng gas ang nalilikha sa pamamagitan ng pagmimina ng carbon, mga nabubulok na
organikong bagay, at hayop?
A. methane C. ozone
B. nitrous oxide D. sulphur hexaflouride

8. Anong sanhi ng unemployment ang tinutukoy kapag madalas ang pagkuha ng mga kabataan sa in-
demand na kurso subalit kapag nakatapos ay hindi ito ang tunay na demand sa mga industriya kaya
iba ang nagiging trabaho?
A. diskriminasyon sa lahi C. mismatch sa trabaho
B. paglaki ng populasyon D. ekonomikong implasyon

9. Bakit sinasabing may malaking napagkukunan ng enerhiya ang bansa?


A. Suplayer ang bansa ng langis.
B. Kilala ang Pilipinas ng mga kalapit na bansa na mayaman sa enerhiya.
C. Ang bansang Pilipinas ay isa sa may pinakamalaking pinagkukunan ng enerhiya.
D. May pinakamataas na porsyento na naisusuplay na enerhiya sa ibang bansa.

10. Paano kaya patuloy na masusuportahan ng pamahalaan na mapanatili ang kaunlaran ng


pinagkukunang enerhiya sa bansa?
A. Magtatag ng mga programa ukol sa pag-unlad pa nito.
B. Magtalaga ng mga naaayon na batas na magpapanatili sa kaayusan at sapat na suplay ng
industriya ng enerhiya.
C. Maging matipid sa lahat ng ahensya at bigyang pansin ang industriya ng enerhiya na kung saan
nagbibigay ito ng malaking halaga ng pera para sa bansa.
D. Maglaan ng malaking pondo para sa industriya ng enerhiya upang patuloy na matugunan ang mga
kailangan sa mga planta.
11. Bakit natin kailangan pag-aralan ang climate change?
A. upang maunawaan ang mga sanhi nito
B. upang maplano natin ang ating mga paglalakbay
C. upang malaman kung paano natin maiibsan ang epekto nito
D. upang masuportahan natin ang mga programa ng pamahalaan
12. Bakit mahalagang makinig o manood sa mga ulat ng panahon?
A. upang madagdagan ang ating kaalaman
B. upang maging handa sa anumang kalamidad
C. upang maplano nang maayos ang ating pananamit
D. upang maging mulat sa mga kontemporaryong isyu
13. Paano nakapagpapalala sa suliranin ng climate change ang mataas na produksiyon ng
enerhiya?
A. Ang mataas na demand sa enerhiya ay sanhi ng pagdami ng mga halaman.
B. Ang mataas na demand sa enerhiya ay nagpapalamig sa temperature ng mundo.
C. Ang mataas na paggamit ng hydropower ay nagpapababa sa suplay ng tubig sa buong mundo.
D. Ang produksiyon ng enerhiya ay nangangailangan ng fossil fuel na nagpaparami sa greenhouse
gases.
14. Ano ang minamandato ng Republic Act No. 9729?
A. Pagtatag ng Climate Change Commission
B. Pagbuo ng Local Climate Change Action Plan (LCCAP)
C. Pagbuo ng National Climate Change Action Plan (NCCAP)
D. Pagbuo ng National Strategic Framework on Climate Change
15. Sa iyong palagay, bakit nagkaroon ng butas ang ozone layer sa stratosphere ng ating mundo?
A. madalas na paggamit ng enerhiya ng mga industriyalisadong lugar sa bansa
B. kagustuhang makasabay sa globalisasyon na nangyayari sa bawat bansa
C. walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao
D. wala sa nabanggit

Unawaing mabuti kung tama o mali ang isinasaad ng mga sumusunod na mga pangungusap.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

A – kung ang unang pangungusap (i) ay TAMA at ang ikalawang pangungusap (ii) ay MALI

B – kung ang (i) ay MALI at ang (ii) ay TAMA

C – kung ang dalawang pangungusap ay TAMA

D – kung ang dalawang pangungusap ay MALI

16. i. Ang lipunan ay tumutukoy sa taong sama-samang naninirahan sa isang


organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
ii. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang
bumubuo, ugnayan, at kultura ng isang lipunan.

17. i. Ang unemployment ay isang kalagayan kung saan ang mga mamamayan ay
may trabaho na higit na mababa kaysa sa kursong kanilang natapos at kwalipikasyon.
ii. Ang underemployment ay isang kalagayan kung saan ang mga mamamayan
ay walang mapasukang trabaho.

18. i. Tumataas ang bilang ng nagaganap na krimen tuwing bumabagsak ang


ekonomiya.
ii. Nakapagtitipid ang pamahalaan kung nababawasan ang krimen.

19. i. Ang workforce ay bahagi ng populasyon ng bansa na nasa tamang edad upang
magtrabaho.
ii. Ang migrasyon ng mga OFWs ay bunga ng kakulangan ng trabaho sa Pilipinas.

20. i. Ang tsunami ay isang bayolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin


na dumarapo o sumasayad sa kalatagan ng lupa.
ii. Ang flashflood ay maaaring maging bunga ng pagkakalbo ng bundok.
ANALOGY. Piliin ang titik ng tamang sagot na bubuo sa bawat konsepto.
21. Isyu sa karapatang pantao : prostitusyon ::
Isyung pang-ekonomiya : ____________
A. corruption B. gender C. globalisasyon D. graft

22. Isyung pang-edukasyon : K to 12 Program ::


Isyung politikal at pangkapayapaan : ____________
A. kasarian B. migrasyon C. unemployment D. sustainability

23. PAGASA : Nagbibigay ng real-time sabay sa kasalukuyang update ng mga babala


NDRRMC : ____________
A. surian sa bukanolohiya at sismolohiya
B. nagbibigay ng mga babala ukol sa suplay ng kuryente
C. nagbibigay ng update sa lagay ng sistemang pangtransportasyon
D. responsible sa kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna

24. lindol : pagyanig ng kalupaan o karagatan na nagdudulot ng pagguho


____________: serye ng malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa tubig
A. buhawi B. flashflood C. landslide D. tsunami

25. DEPED : nagbibigay ng update ukol sa mga anunsiyong mula sa mga local na
pamahalaan tungkol sa pagsususpinde ng klase ::
____________ : tumitiyak sa pagbabahagi ng kaalaman na patungkol sa pagputok ng
bulkan
A. PHIVOLCS C. NGCP
B. DOTC D. MMDA

Contained Option Variety. Piliin ang titik na nagpapamali sa bawat pangungusap na may titik na A,
B, at C. Piliin ang titik D kung walang mali.

26. Ang hazard ay maaaring nag-iisa (gaya ng sunog), magkasunod o dulot ng isa pang
A B
Hazard (gaya ng lindol at tsunami) at kumbinasyon (gaya ng bagyo, baha, at landslide).
C
Walang Mali
D

27. Ang tubig-singaw ay ang pangalawang pinakamasaganang greenhouse gas sa mundo


A
na nakakarating sa atmospera sa pamamagitan ng mga natural na proseso tulad ng
B
pagsabog ng bulkan, paghinga ng mga hayop, at ang pagkasunog o pagkabulok ng
C
mga halaman at bagay. Walang Mali
D

28. Noong Marso 2007, ang European Union (EU) ay nagsagawa ng isang green summit
A

upang makabuo ng isang bagong internasyonal na estratehiya na tutugon sa global

warming. Walang Mali

C D
29. Sa Pilipinas, nilagdaan upang maging batas noong Oktubre 23, 2009 ang Republic Act
9729 A

o ang Climate Change Act of 2009 (dating kilala bilang SB 2583 o ang Climate Change Bill) na
B
may pangunahing layunin na bumuo ng Climate Change Commission. Walang Mali
C D

30. Ang Disaster Risk Mitigation (Disaster Risk Reduction) ay naglalayong mabawasan ang

pinsalang bunga ng mga sakuna, lalo na ng mga likas na panganib o kalamidad tulad
A B
ng lindol, baha, sunog at bagyo. Walang Mali
C D
GROUP TERM VARIETY. Piliin ang titik na hindi kabilang sa pangkat.

31. NATURAL NA KALAMIDAD


A. bagyo B. lindol C. oil spill D. storm surge
32. AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA TUMUTUGON SA PANAHON NG KALAMIDAD
A. BIR B. CAAP C. DSWD D. PAGASA

33. GREENHOUSE GAS


A. Atmosphere C. Methane
B. Carbon dioxide D. Water vapor

34. FLOOD PRONE


A. Caloocan B. Cebu C. Malabon D. Navotas

35. SANHI NG UNEMPLOYMENT


A. Ekonomikong Resesyon C. Limitadong Trabaho
B. Ekonomikong Implasyon D. Pagpapalit ng Teknolohiya

ESSAY. Ipaliwanag at patunayan ang iyong sagot.

(36-40). Ano ang globalisasyon? Ilahad ang mga kabutihang dulot at kasamaang naidudulot nito
sa makabuluhang pangungusap.

You might also like