You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA E.P.P.

4
EDUKASYONG PANTAHAN

Pangalan:___________________________________________________ Iskor: _____________


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin ang paglilinis ng katawan mula sa buhok hanggang sa paa?
A. Paliligo C. Pagsusuklay
B. Paghihilamos D. Pagpupunas

2. Alin ang unang hakbang sa pagsisipilyo ng ngipin?


A. Unahin ang mga galagid.
B. Magmumog ng malinis na tubig.
C. Ikusos ang sipilyong may toothpaste sa mga ngipin.
D. Maghanda ng isang basong tubig, hugasan ang sipilyo at lagyan ng toothpaste.

3. Ang paglilinis at pagsasaayos ng sarili ay gawaing _________.


A. panglingguhan
B. pang araw-araw
C. dalawang beses isang lingo
D. pang-umaga lamang dalawamg beses isang lingo

4. Ano ang hindi dapat ugaliing gawin ng isang bata?


A. Gumamit ng sariling bimpo at tuwalya.
B. Hindi iniiwanang nakababad ang sabon.
C. Nakasara ang gripo habang sinasabon ang kamay
D. Hinahayaang nakabukas ang gripo habang nagsisipilyo.

5. Ano ang dapat gawin pagkagising sa umaga?


A. Kunin ang iyong laruan at maglaro.
B. Buksan ang t.v. at manood ng paborito mong palabas
C. Umupo sa isang tabi at panuorin ang pagluluto ni nanay.
D. Maligo, magsipilyo ng ngipin, at magbihis ng malinis na damit,

6. Ano ang dapat gawin sa mga maruruming damit?


A. Isampay C. Plantsahin
B. Labhan D. Tahiin
7. May sira ang iyong uniporme, ano ang iyong dapat gawin?
A. Isampay C. Plantsahin
B. Labhan D. Tahiin

8. Alin sa mga ito ang sinusuot bilang pantulog?


A. Bistida C. Palda
B. Padyama D. Pantalon

9. Anong katas ang ginagamit ito sa pag-aalis ng matsa sa ating mga damit.
A. Katas ng suha C. Katas ng kalamansi
B. Katas ng kamyas D. katas ng kalamunggay

10. Saan dapat ilagay ang malilinis na damit?


A. Sa cabinet C. Sa labas ng bahay
B. Sa plastic D. Sa sulok ng bahay

11. Ano ang unang dapat gawin sa mga damit bago ito labhan?
A. Itupi ang mga damit.
B. Unahin ang mga de-kolor sa paglalaba.
C. Pagsamahin ang mga puti at de-kolor na damit.
D. Paghiwalayin ang mga puti at de-kolot na damit.

12. Anong kasuotan ang ginagamit sa pagpasok sa paaralan?


A. Bistida C. Sando
B. kamiseta D. Uniporme

13. Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
A. Ibuka ang palda C. Ipagpag muna ang palda.
B. Ayusin ang pleats ng palda. D. Basta na lng umupo.

13. Ang laman nito ay buhangin o durog na plato. Dito tinutusok ng paulit-ulit ang aspili at karayom
upang mapanatiling matulis at hindi kalawangin.
A. Didal C. Emery bag
B. Medida D. Pin Cushion
14. Ito ay may lamang bulak, kusot o buhok nagsisilbing tusukan ng aspili at karayom.
A. Didal C. Pin Cushion
B. Emery bag D. Medida

15. Ito ay ginagamit na pamputol ng sinulid at panggupit ng tela.


A. Gunting C. Medida
B. Didal D. Emery bag

16. Tinatanggal ang dumu sa damit.


A. Paglalaba C. Pamamalantsa
B. Pananahi D. Pagkukula ng damit

17. Inaalis ang mga gusot sa damit.


A. Paglalaba C. Pamamalantsa
B. Pananahi D. Pagkukula ng damit

18. Kinukumpuni ang mga sirang kasuotan.


A. Paglalaba C. Pamamalantsa
B. Pananahi D. Pagkukula ng damit

20. Nilalagay sa cabinet ang mga damit.


A. Paglalaba C. Pamamalantsa
B. Pananahi D. Pagkukula ng damit

You might also like