You are on page 1of 2

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EPP 5

HOME ECONOMICS

Panuto: Isulat ang “X” sa patlang bago ang bilang kung maling hakbang ang
ipinakikita. Isulat naman ang “ ” kung ito ay tama.
_________ 1. Pahanginan ang damit na basa ng pawis.
_________ 2. Ihanger ang mga malinis na damit panlakad.
_________ 3. Kung nasira ang damit, labhan muna ang mga ito bago kumpunihin.
_________ 4. Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo o maaari itong lagyan
ng sapin.
_________ 5. Kung namantsahan ang damit huwag na muna itong labhan. Isabay
na lamang ito sa araw ng paglalaba upang makatipid.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
6. Alin sa mga sumusunod ang dapat na isinusuot bilang pantulog?
A. damit pangsimba
B. gown
C. maong at polo
D. pajama
7. Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang
uniporme?
A. Ibuka ang palda
B. Ipagpag muna ang palda
C. Basta nalang umupo
D. Ayusing ang pleats ng palda
8. Si Mang Tomas ay naghahanda ng kanyang sa sarili para sa pagpasok sa
construction work. Anong kasuotan ang dapat niyang gamitin?
A. Damit pantulog
B. Damit pambahay
C. Damit panlakad
D. Damit pantrabaho
9. Araw ng Sabado, kaya walang pasok sa paaralan si Jerry. Anong tamang
kasuotan ang dapat niyang gamitin?
A. maong at polo
B. panlakad
C. sando
D. Uniporme
10. Bakit mahalaga na pangangalagaan ang ating mga kasuotan?
A. Upang maiwasang maluma ang damit
B. Upang mapansin at mapuri ng mga tao
C. Upang maiwasang mapagalitan ni Inay
D. Upang mapanatili ang kagandahan at mapakinabangan ang damit sa
loob ng mahabang panahon
11. Ano ang dapat isuot ni Linda kung pupunta siya ng simbahan?
A. damit pantulog B. damit pangsimba C. gown D. uniporme
12. Anong uri ng kasuotan ang polo shirt at maong na pantalon
A. damit panlakad
B. damit pantulog
C.damit pambahay
D. damit pantrabaho
13. Alin ang dapat gawin upang mapangalagaan ang kasuotan?
A. Isampay ang damit kahit saan
B.Maaaring isuot muli ang mga damit na pinawisan na.
C.Tiklupin kaagad ang isinampay na uniporme at ilagay sa cabinet
D.Plantsahin at ihanger ang mga damit panlakad, uniporme at pansimba.
14. Damit na dapat gamitin sa pagpasok sa paaralan
A. daster
B. pajama
C. shorts
D. uniporme
15. Ano ang dapat gawin sa mga damit na pinagpawisan?
A. Tiklupin at ilagay sa cabinet
B. Ihalo sa mga putting lalabhan
C. Ilagay sa basket para sa maruruming damit
D. Pahanginan o isampay muna ang damit na pinagpawisan bago ilagay sa
basket

Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ito ay dapat gawin at Mali kung hindi.
____16. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglalagay ng
mga ito sa tamang lagayan.
____17. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pagdating sa bahay
upang hindi ito lumaki.
____18. Dapat masikip na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa sa katawan.
____19. Gamitin ang hindi naaayon na bleach sa kulay ng damit.
____20. Huwag gawing panlaro ang damit na pamasok.

Panuto: Isulat ang WASTO kung ang pahayag ay tama, DI-WASTO kung hindi.
_____21. Mahalagang sundin ang paalalang taglay sa etiketa ng kasuotan bago ito
plantsahin.
_____22. Unang plantasahin ang mga hugpungan at kwelyo.
_____23. Maigi na mamalantsa sa gabi upang makatipid ng kuryente.
____24. Ang mga telang koton ay ginagamitan ng mababang temperatura.
____ 25. Pinupunasan ni Nene ang ilalim ng plantsa ng malinis na basahan bago siya
nagsimulang mamamalantsa.
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi.
______26. Plantsahin ang kasuotan bago gamiting muli.
______27. Isaksak ang plug ng plantsa kahit basa ang kamay.
______28. Ang paglalaba at pamamalantsa ay mga gawain para sa mga babae at lalaki.
______29. Mas madaling plantsahin ang mga kumot kaysa mga panyo.
_____30. Tungkulin ng lahat ng miyembro ng pamilya na pangalagaan ang kanilang kasuotan.

You might also like