You are on page 1of 69

z

PAGSULAT
z
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
▪ Ang pagsulat ay ang proseso ng pagsasalin ng kaisipan ng
sa isang makinis na bagay sa layuning maibahagi ang mga
kaisipan sa ibang tao nang hindi direktang nakikipag-usap
dito.

▪ Ayon kay Tumangan sa aklat nina Tanawan, Dolores et.al.


(2004), ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng
pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng mga
simbolo ng mga tunog ng salita
z
Kahalagahan ng Pagsulat

1. Ginagamit bilang behikulo ng


pakikipagkomunikasyon
2. Pagbabahagi ng mga impormasyon
mula sa iba’t ibang larangan
3. Tagapagpaalala ng mahahalagang
impormasyon
z
Uri ng Pagsulat
1. Pinatnubayan

Isinasagawa sa loob ng silid-aralan sa patnubay ng


guro upang maisulat ang iniisip at nadarama.

Ito ay ginagawa sa pagsulat ayon sa balangkas,


pagsagot sa mga tanong na may maayos na
pagkasunod-sunod at paggawa ng semantic mapping.
z
1.1 Paggawa ng Balangkas
a. Balangkas na Papaksa

Bahagi ng Pananalita
I. Salitang Pangnilalaman
A. Nominal

1. Pangngalan

2. Panghalip

B. Pandiwa
C.Panuring
z
1.1 Paggawa ng Balangkas
b. Balangkas na Pangungusap

Ang mga Guro ay Patnubay ng mga Kabataan

I. Ang mga guro ay Nagsisipagturo sa Iba’t Ibang Antas ng


Karunungan

a. Ang mga gurong nagtapos ng B.S.E. ay nagsisipagturo sa


mababang paaralan.

b. Ang mga gurong nagtapos ng B.S.E. ay nagsisipagturo sa


mataas na paaralan.
z
1.2 Tanong ayon sa Pagkasunod-sunod

Sino Ako?

1. Ano ang pangalan mo?

2. Saan at kalian ka ipinanganak?

3. Ano ang pangalan ng mga magulang mo?

4. Ilan kayong magkakapatid?

5. Ano ang mga gusto at ayaw mo?


z
1.3 Paggawa ng Semantic Mapping
Lokasyon

Hanapbuhay Ang Lungsod Klima


ng Baguio

Tao
z
2. Malayang Pagsulat

▪ Pagpapahayag ng kaisipan ng mga


estudyante sa pagsulat na walang patnubay
ang guro. Tumutulong lamang ang guro sa
pagpaplano, paggawa ng pamagat, at
pamimili ng paksa.
z
3. Pamahayagang Pagsulat Pagsulat/
Journal Writing
▪ Tinatawag ding investigative writing.

▪ Pagbibigay linaw o pag-atake sa isang


napapanahong isyu o usapin.
z
4. Malikhaing Pagsulat

▪ Nabibigyan nito ng personalidad ang isang sulatin sa


pamamagitan ng malikhaing paggamit ng mga lenggwahe.

▪ Ang pagsusulat ay maaaring maging kabagut-bagot(boring),


malungkot, masaya, masigla, mayabang, mapanukso at
mapanghamon kagaya ng personalidad ng isang taon.

▪ Ang pagsulat ay repleksyon ng manunulat.


z
Proseso ng Pagsulat

▪ Pagtatanong at Pag-uusisa.

➢ Sinasabing madalas sa mga mag-aaral sa kolehiyo ang tanong na,


“Paano kaya ako magsisimula?” Sa pagbubuo ng isang sulatin sa
kolehiyo, dapat magsimula ito sa isang pagtatanong-tanong ng guro o
ng mag-aaral upang magawang pakilusin ng manunulat ang kanyang
kaisipan. Sa pamamagitan nito, matutulungan ng guro ang mag-aaral na
mapalabas ang mabubuting kaisipan ng mga nagsisimula pa lamang
magsulat
z

▪ Pala-palagay.

➢ Kung ang mag-aaral ay mayroong tiyak na tanong para sa


kanyang susulating akda, mabuting pagawin ng balangkas
ang mag-aaral sa kanyang naiisip na tatalakaying may
kaugnayan sa paksa. Huwag munang isaalang–alang sa
bahaging ito ang mga pormal o pananaliksik kundi ang
malayang istratehiya ng mag-aaral na mag-isip.
z

▪ Inisyal na Pagtatangka.

➢ Sa bahaging ito, dapat limitahan ng mag-aaral ang


saklaw ng kanyang isusulat. Maaring lumabas ang
napakaraming paksa sa pagsusulat ng balangkas
subalit kailangang limitahan ito para mapadali ang
pagsusulat. Ipinapayong pagawing muli ng pormal na
balangkas ang mag-aaral upang bigyan ng bagong
direksyon ang kanyang panulat. pagkatapos nito’y
isasangguni ng mag-aaral ang kanyang awtput sa guro
upang mabigyang kumento.
z

▪ Pagsulat ng Burador.

➢ Ang burador ay pagtatangkang isulat ng mag-aaral


ang kanyang talakayan sa paksa. Sa bahaging ito,
hayaang ang mag-aaral ay magsulat nang
magsulat ayon sa kanyang inihandang pormal na
balangkas nang walang pag-aalinlangan kung tama
o mali ang pormat, gramar at mekaniks sa
pagsulat.
z

▪ Pagpapakinis o Pagsasaayos sa Burador.

➢ Kapag tapos ng isulat ang unang burador, kailangan


itong pakinisin at isaayos ng mag-aaral. Mula sa
kanyang sulatin, pipiliin nito ang pinakawastong
pahayag o bahagi na mapapabilang sa pinal na
burador. Kinakailangang basahin ito ng ilang beses
upang makita ang maling baybay, wastong balarila,
mekaniks at iba pa.
z

▪ Pinal na Papel.

➢ Kapag nasuri at nakita nang mabuti ng mag-aaral


ang lahat ng aspetong teknikal ng kanyang panulat,
maari na niya itong isapinal upang maipasa sa guro
at mabigyan ng kaukulang komento. Ito ang
pinakahuling bahagi ng pagsusulat.
z
Proseso ng Pagsulat ayon kay
Raines(1976)

▪ Ituon ang atensiyon sa isnag tiyak na idea at hindi sa isang paksa lamang

▪ Pagpasyahan ang tiyak na layunin ng pagsulat

▪ Mgangalap ng mga impormasyong makatotohanan

▪ Planuhin ang papel at pumili ng mga materyales mula sa mga nakalap na


impormasyon

▪ Gumawa ng burador o rough draft

▪ Baguhin o irebisa ang burador


z
PAGSULAT
z

Binubuo ng apat na karakter sa wikang


Tsino ang salitang pakikinig at ito ay
binibigkas na Ting na kinakatawan ng puso,
isip, tenga at mata.
z
▪ Ang zPakikinig ay isang aktibong proseso ng
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
sangkap sa pandinig at pag-iisip. (Arrogante et
al, 2001).
▪ Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa
mensaheng nais ipabatid ng tagapadala ng
mensahe.
▪ Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas
at gumagana kahit pa mayroon tayong ibang
ginagawa.
Mga elementong nakaiimpluwensiya
z

sa pakikinig
1. Edad o Gulang
2. Oras
3. Kasarian
4. Tsanel
5. Kultura
6. Konsepto sa sarili
7. Lugar
z
Mga uri ng tagapakinig
z

A. Eager Beaver- ngiti nang ngiti o patangu- tango,


nagkukunwaring nakikinig subalit hindi naman niya
ito ganap na naunawaan.
z

B. Sleeper- karaniwang matatagpuan ang ganitong uri


ng tagapakinig ng kundi man literal na natutulog ay
tulog ang kaniyang diwa sa pakikinig at walang tunay
na intensyong making sa nagsasalita.
z

C. Tiger- matamang nakikinig ngunit laging


nakapokus sa kamailan ng nagsasalita. Handang
magreak sa inaakalang mali ng nagsasalita.
z

D. Bewildered- walang maintindihan sa naririnig.


Mapapansin sa kaniya ang pagkunot ng noo,
nakasimangot at wari’y nagtataka o nagtatanong
z

E. Frowner- tipo ng tagapakinig na tila ba lagging may


tanong o pagdududa. Hindi lubos na nakikinig, naghihintay
lamang ng pagkakataong makapagtanong upang makapag-
impres.
z

F. Relaxed- lagging nakatuon ang kaniyang atensyon sa


ibang bagay at hindi kababakasan o kakikitaan ng
reaksyon, positibo man o negatibo.
z

G. Busy Bee- laging abala sa ibang gawain tulad ng


pagsususlat, pakikipagkwentuhan sa katabi, pagseselpon o
anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig
z

G. Two-Eared Listener- lahat ng positibong


bagay ukol sa pakikinig ay nasa kaniya
Mga uri ng pakikinig
z

1. Deskriminatibo- may layuning matukoy ang pagkakaiba ng pasalita sa


di- pasalitang paraan ng komunikasyon.
2. Komprehensibo- nakatuon sa nilalaman o konteksto ng mensahe
kaysa sa nagpapahayag nito
3. Paglilibang- ginagawa ang pakikinig na ganito sa layong maglibang o
magdala ng kaaliwan para sa sarili
4. Paggamot- layon ng tagapakinig na dinggin ang mga hinaing o
suliranin ng nagsasalitaupang makapagbigay kagaanan ng loob gawa
ng pakikisimpatiya at pagdamay
5. Kritikal- gumagamit ng malalim na pag-aanalisa at pag-iisip upang
makabuo ng mainam na hinuha o reaksyon
z
Kahalagahan ng makrong kasanayang pakikinig

▪ Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng


pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pangbabaan.

▪ ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay


magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.

▪ Sa pakikinig, kinakailangan ang konsentrasyon sa pag-


unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
z
PAGSASALITA
z
Panimula
▪ Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong
di berbal ang kakayahan sa larangan sa pagpapahayag ay lagi ng
nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag ay nakasalalay ang
linaw mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang ang
Tao ay mag-angkin ng mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag
tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon. Nararapat na
paunlarin ang kanyang kasanayang pang wika. Ang kanyang
kasanayang pangwika ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang
tao para sa mabisang mailahayag ang kanyang mensaheng ipaabot.
z

Kahulugan at Kahalagahan
ng Pagsasalita
z
Kahulugan at kahalagahan ng pagsasalita

▪ Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan


ng mga tao
▪ Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan
ng mga tao
▪ Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at
damdaming niloloob ng nagsasalita
z
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsasalita

▪ Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng


mga tao
▪ Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at
damdaming niloloob ng nagsasalita
▪ Ang pagsasalita ay ang pagsambit ng mga salita o
mga nauunawaang tunog upang
makapagpahayag ng damdamin, opinyon o
kaisipan.
z

Mga salik sa Mabisang


Pagsasalita
z

Ang mabisang pagsasalita ay


pagsasalitang nakapagpapasang – ayon,
nakapagpapakilos tungo sa isang layunin o
mithiin, at/o nakapagpapabago ng
kaisipan.
z

• Paggamit ng simple ngunit naayong mga salita

• Paghawak sa emosyon

• Pagiging epektibong tagapakinig

• Pagtitiyak sa pang – unawa ng tagapakinig


z
Mga Katangian ng Isang Mahusay na
Tagapagsalita

▪ Kailangan ng isang tao ang kahusayan


sa pagsasalita at ang kahusayang ito
ay nabibigyang – buhay kung taglay
ng taong ito ang mga KATANGIAN
upang maging isang mahusay na
tagapagsalita.
z

▪ Kaalaman
▪ Kasanayan
▪ Tiwala sa Sarili
▪ Kahandaan
z
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

Tatlong Salik ang kailangan upang makapagsalita ang


isang tao :
1. pinanggagalingan ng lakas o “enerhiya”

2. pumapalag na bagay o “artikulador”

3. patunugan o “resonador”
z
z

Lakas at Uri ng tinig


▪ Ang lakas at uri ng tinig ay mahalaga kung
nagsasalita.
Malinaw na bigkas
▪ Ang wastong “pagpapatunog” ng titik ay sangkap
din sa pagsasalita.
z

Kaakit-akit na Personalidad

-Makatawag-pansin ang mananatiling nakatayo o nakatindig


nang tuwid at nagpapakita ng tiwala sa sarili.

Naangkop na kilos at kumpas

-Nakadaragdag sa pagkuha at pagpapanatili sa interes ng mga


tagapakinig ang pagkilos at pagkumpas ng mananalita.
z
Mga Kasanayan sa Pagsasalita
Ang kagalingan ng tagapagsalita ay nabibigyang – diin kung
naipakikita niya sa iba’t ibang kasanayan sa pagsasalita. Kadalasan,
nakatuon ang kagalingang ito sa kahusayan ng tagapagsalita sa
paggamit ng wika sa iba’t ibang larangan.

Pakikipag – usap
Ang pakikipag – usap o conversation ay isang prosesong
pangkomunikasyon na nilalahukan ng dalawa o higit pang
indibidwal.

Madalas ang kalagayan ng ganitong pagsasalita ay impormal at


walang balangkas.
z
Pangkatang talakayan

Ang pangkatang talakayan ay usapang


nagaganap sa pagitan ng pangkat na may
pinuno at mga kasapi. Nararapat na may
magkakatulad na interes o paniniwala ang
mga kasapi ng pangkat upang mapanatili
ang samahan.
z
Mga dapat isaalang – alang upang maging
mahusay na kausap

▪ Pagtingin sa kausap
▪ Pagtingin sa sarili
z
Talumpati
A pagtatalumpati ay isang sining kaya’t nararapat lamang
na masining itong maitanghal.

Iba ito sa tinatawag na deklamasyon.

Ang nagsasalita sa deklamasyon ay isang “ artista “ ;


samantalang ang nagsasalita sa isang talumpati ay
mananalumpati.
z
May mga tiyak na layunin ang
pagtatalumpati
Magturo

Layunin ito ng pagtatalumpati na ibigay ang wasto at nararapat na konsepto


o kaisipan ukol sa isang paksa, o pagbibigay ng wastong paraan upang
makabuo ng isang bagay.

Magbigay - kabatiran

Layunin ito ng pagtatalumpati na ibigay ang mga kaalaman o impormasyon


ukol sa isang paksa na hindi pa nalalaman ng mga tagapakinig.
z

Magbigay – papuri
Layunin ito ng pagtatalumpati na papurihan ang tao o
ahensiyang nagbigay ng kaaya –aya karanasan sa
tagapagsalita.

Magbigay – puna
Layunin ito ng pagtatalumpati na ibigay ang mga maling
kaganapan sa lipunang ginagalawan ng mga tagapakinig.
Manghikayat
z

Layunin ito ng pagtatalumpati na makapanghimok


tungo sa positibong pagpapakilos ukol sa isang
paniniwala o hangarin.

Manlibang
Layunin ito ng pagtatalumpati na makapagbigay – aliw
at maging kawili – wili sa mga tagapakinig.
z
Mga dapat isaalang-ala sa talumpati.

Ang Mananalumpati

▪ Dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang


sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang
paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang
pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng
kamay; at lagging dapat tandan na siya ay nasa harap
at pinakikinggan at pinanonood ng mga Tao.
z
Ang Talumpati

▪ Kailangang isaalang-ala ang nilalaman ng


talumpati upang matukoy ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pagbigkas
nito at higit sa lahat dapat matukoy ang
layunin at kaisipang bais iparating ng
talumpati upang maipaabot ito ng
malinaw sa mga tagapakinig.
z
Ang Tagapanood / Tagapakinig

▪ Higit na mabuting malaman ng isang


mananalumpati ang uri at antas ng
kanyang tagapakinig upang makapag-isip
siya ng mabuting paraang gagamitin na
makapukaw sa atensyon ng mga ito at
ang mahikayat ang mga ito na making
hanggang sa wakas ng talumpati.
z
Pakikipanayam

▪ Ang pakikipanayam ay tila pakikipag – usap subalit


higit na pormal at planado.

▪ Ito ay isinasaayos upang matugunan ang mga


katanungan sa isipan ng kakapanayam na ang
kasagutan ay makukuha lamang sa
kakapanayamin.
z
Pakikipagdebate o Pakikipagtalo

Ang debate ay hindi lamang karaniwang


pagpapaliwanagan o pagpaparunggitan.

Ito ay pormal, tuwiran at may pinagtatalunang isyu


sa itinakdang panahon.

Kinakailangan dito ng pagtitimpi upang hindi


humantong sa gulo o away ang mga nagdedebate.
z
Dalawang Uri ng Debate

▪ Impormal

▪ Pormal
z
Ang Takot sa Pagsasalita

▪ Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay


tinatawag na “ xenophobia “ o stage fright. Ito
ang takot na mapagtawanan bunga ng maling
balarila o salita, maling bigkas, hindi kaaya –
ayang tindig o tayo sa harap ng madla, masakit
sa taingang tinig, kakaibang ideya o hindi
kabisadong sasabihin.
z
Iba’t ibang dahilan sa stage fright
▪ Takot sa Malaki at di pamilyar na madling tagapakinig.

▪ Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla

▪ Kakulangan o kawalan sa karanasan sa pagsasalita sa harap


ng maraming tao.

▪ Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong


pisikal.

▪ Kakulangan o kawalan ng kahandaan.

▪ Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.


z
Kahinaan sa pagtatalumpati
▪ Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag
nakaharap sa maraming tao.

▪ Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang


pansin sa mga nakikinig.

▪ Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman


at katotohanan ng bawat salitang binibitawan.

▪ Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig


ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati.
z
Mga mungkahi kung paano makakapagsalita
ng maayos sa harap ng madla
▪ Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap
ng madla.

▪ Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa


madla.

▪ Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong
kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isisping
maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay.

▪ Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na


tagapagsalita
z

▪ Harapin mo ang takot, huwag mong takas an. Hindi ka


magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan.

▪ Magpraktis ka ng magpraktis.

▪ Isipin na ang mga madling tagapakinig ay palakaibigan at hindi


mapanghusga.

▪ Magdasal at humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.


z
Tips sa mabisang pagsasalita

Ang pagsasalita ay kinapapalooban ng maraming


salik upang maayos at mabisa itong maisagawa.

Ilan sa mga dapat tandan tungo sa mabisang


pagsasalita ay ang mga sumusunod:
z
1. Kaayusan ng buong kilos o galaw na inihahatid ng ispiker

2. Pagiging alerto ng katawan at isipan ng isang ispiker kaugnay sa


pagsasalita at interaksyon niya sa kanyang awdyens.

3. Paminsan-minsan, gawing kontrolado ang kilos gayon din ang pagsasalita.

4. Ang tuwirang pagtingin sa mata ng mga awdyens ay mahalagang salik din


dahil nakikita rito ang sinseridad ng ispiker.

5. Ang kalinawan, pagiging kaaya-aya at kumbersyonal na anyo ng


pananalita ay nararapat ding isaalang-ala.

6. Siguraduhing nagtataglay ng malakas na impak ang iyong mensahe at


paraan ng pagsasalita.
z

7. Maging tuwiran sa nais mong sabihin.


Iwasan ang paulit-ulit na pagpapaliwanag.
8. Tiyaking malinaw na mailalahad ang iyong
mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salita at simpleng paliwanag.

You might also like