You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-CALABARZON
Division of Rizal
DISTRICT OR RODRIGUEZ RIZAL I-A
BURGOS UNIT 1 ELEMENTARY SCHOOL

Lesson Exemplar in: EsP 2

SDO RIZAL Grade 2


level
Name of CATHERINE Learnin EsP
LESSON Student Teacher Q.MANAYAM g Area
EXEMPLAR
Teaching Date March 27,2023 Quarter Third
and Time 12:00 pm to 12:30 pm

I. LAYUNIN Ipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng


A.Pamantayan Pangnilalaman kamalayan sa karapatang pantao ng bata, pagka-
masunurin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng
kapaligiran at ng bansang kinabibilangan.
B.Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagsunod sa iba’t ibang paraan
ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa
pamayanan at bansa
C.Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagpapakita ng pagmamahal sa kaayusan at
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang kapayapaan EsP2PPP- IIIi– 13
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC
II. NILALALAMAN Pagpapakita ng Kaayusan at Kapayapaan sa iba’t
ibang Paraan
III.KAGAMITAN PANTURO

A.Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC K-12 EsP2PPP- IIIi– 13 p.68

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- PIVOT 4A Learner’s Material EsP pp.31-39


aaral ADM Module 8 EsP pp.1-8

c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal


ng Learning Resource
B.Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at mga larawan, laptop, video at visual
Pakikipagpalihan
Integrasyon Araling Panlipunan
IV.PAMARAAN
A. Panimulang Gawain 1.Balik-aral

Ano-ano ang mga program ana makakatulong sa


kaayusan at pagpapaganda ng ating pamayanan?

2. Pagganyak

Panuto: Tukuyin ang mga nasa larawan.

B. Teaching/Modeling Sa nakaraang aralin ay iyong napag-aralan ang


halaga ng kalinisan at kaayusan sa isang
pamayanan. Natutuhan mo ang iba’t ibang
programa ng iyong barangay na tutulong sa
pagkamit nito sa inyong lugar. Ngayon naman,
ating mas palalawakin ang iyong kaalaman sa kung
paano mo pa maipakikita ang kaayusan at
kalinisan sa paraang kaya mo.

Anong ginagawa ng mga bata sa larawan?


Ginagawa mo rin ba ito o nangyayari din ba sa iyo
to?

Ang pag-aalaga at pagiging malinis sa kapaligiran


ay lagi munang mag-uumpisa sa pagiging malinis
at maayos sa sarili. Ang pagiging malinis sa
katawan, pagiging maayos sa mga gamit, at pag-
aalaga sa ating kalusugan ay malaki ang
maitutulong upang tayo ay magkaroon ng malinis
at maayos na pamayanan.
Bago ka makatulong sa paglilinis at pagsasaayos
ng ating paligid, mahalaga din na magsimula ka
muna sa iyong sarili. May kasabihan na, “Ang
batang malinis sa katawan ay malayo sa
karamdaman.” Ang kalinisan at kaayusan sa iyong
katawan at gamit ay hindi mo dapat na
nakalilimutan. Kapag malinis ka at maayos sa
iyong katawan at gamit, malalayo ka sa mga sakit
o karamdaman. Ito rin ay iyong madadala at
maipakikita saan ka man magpunta. Malinis at
maayos ka ba sa iyong katawan at kagamitan?

Ang kalinisan at kaayusan ay makakamit lamang


kung ang bawat isa sa atin ay handang sumunod
at tumulong ng may pagmamahal. Isa sa mga
maaari mong gawin upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan sa ating pamayanan ay ang
pagtatapon nang wasto ng iyong mga basura sa
tamang basurahan. Lahat tayo ay hinihikayat na
mag-RECYCLE, REUSE, at REDUCE.

Recycle
Paggamit ng mga
bagay na patapon na sa
panibagong paraan.
Reuse
Paggamit ng mga
bagay nang maraming
beses bago ito palitan.
Reduce
Ang pag-iwas sa paggamit ng mga bagay na hindi
maganda sa kapaligiran katulad ng plastic.

C. Ginabayang Pagsasanay Panuto: Gumuhit ng larawan ng isang tahanan at


sa loob nito isulat ang paraan kung paano mo
pinapangalagaan ang iyong sarili at kulayan ito.
A. Isahang Pagsasanay Panuto: Isulat ang salitang OK kung ito ay
nakakatulong sa pagpapakita ng kalinisan ng iyong
sarili at DI-OK kung hindi.

1.Hindi naliligo si Ana kapag malamig ang tubig.


2.Palaging nagsisipilyo ng ngipin si Kim kaya siya
ay palaging naka ngiti.
3.Palagi si Ivo naglilinis ng katawan si Shamira
bago matulog.
4.Inaayos ni Rex ang kanyang mga libro
pagkatapos gamitin.
5.Natutulog si Julian kahit madumi ang kanyang
paa.
B. Paglalahat Ang pag-aalaga at pagiging malinis sa kapaligiran
ay lagi munang mag-uumpisa sa pagiging malinis
at maayos sa sarili. Ang pagiging malinis sa
katawan, pagiging maayos sa mga gamit, at pag-
aalaga sa ating kalusugan ay malaki ang
maitutulong upang tayo ay magkaroon ng malinis
at maayos na pamayanan

Ang kalinisan at kaayusan ay makakamit lamang


kung ang bawat isa sa atin ay handang sumunod
at tumulong ng may pagmamahal.

V.PAGTATAYA Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na


nagpapakita ng pagiging malinis sa sarili at sa
gamit. Isulat mo ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
____1. Naliligo ako araw–araw.
____2. Ako ay nagsesepilyo dalawang beses sa
isang araw.
____3. Maayos kong sinusuklay ang aking buhok.
____4. Inaayos ko ang aking higaan pagkagising sa
umaga.
____5. Inililigpit ko ang aking mga laruan
pagkatapos ko itong gamitin.
VI.TAKDANG-ARALIN Panuto: Gumupit ng 1 larawan na nagpapakita ng
pangangalaga sa iyong sarili.

You might also like