You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-CALABARZON
Division of Rizal
DISTRICT OR RODRIGUEZ RIZAL I-A
BURGOS UNIT 1 ELEMENTARY SCHOOL

Lesson Exemplar in: EsP 2

SDO RIZAL Grade 2


level
Name of CATHERINE Learnin EsP
LESSON Student Teacher Q.MANAYAM g Area
EXEMPLAR
Teaching Date March 28,2023 Quarter Third
and Time 12:00 pm to 12:30 pm

I. LAYUNIN Ipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng


A.Pamantayan Pangnilalaman kamalayan sa karapatang pantao ng bata, pagka-
masunurin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng
kapaligiran at ng bansang kinabibilangan.

B.Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagsunod sa iba’t ibang paraan


ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa
pamayanan at bansa

C.Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagpapakita ng pagmamahal sa kaayusan at


(MELC) (Kung mayroon, isulat ang kapayapaan EsP2PPP- IIIi– 13
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC
II. NILALALAMAN Pagpapakita ng Kaayusan at Kapayapaan sa iba’t
ibang Paraan
III.KAGAMITAN PANTURO

A.Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC K-12 EsP2PPP- IIIi– 13 p.68

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- PIVOT 4A Learner’s Material EsP pp.31-39


aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ANG BATANG MALINIS


ng Learning Resource ANG BATANG MALINIS- Awit - YouTube
B.Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at mga larawan, laptop, video at visual
Pakikipagpalihan
Integrasyon Araling Panlipunan
IV.PAMARAAN
A. Panimulang Gawain 1.Balik-aral

Bakit mahalagang sumunod sa mga programang


ipinapatupad ng isang pamayanan?

2. Pagganyak

Panuto: Pakinggan natin ang kanta tungkol sa


batang malinis.

ANG BATANG MALINIS- Awit - YouTube

B. Teaching/Modeling Sa nakaraang aralin ay iyong napag-aralan ang


halaga ng kalinisan at kaayusan sa isang
pamayanan. Natutuhan mo ang iba’t ibang
programa ng iyong barangay na tutulong sa
pagkamit nito sa inyong lugar. Ngayon naman,
ating mas palalawakin ang iyong kaalaman sa kung
paano mo pa maipakikita ang kaayusan at
kalinisan sa paraang kaya mo.

Ginagawa mo din ba ang mga gawaing ipinakikita


sa mga larawan?

Ang pag-aalaga at pagiging malinis sa kapaligiran


ay lagi munang mag-uumpisa sa pagiging malinis
at maayos sa sarili. Ang pagiging malinis sa
katawan, pagiging maayos sa mga gamit, at pag-
aalaga sa ating kalusugan ay malaki ang
maitutulong upang tayo ay magkaroon ng malinis
at maayos na pamayanan.

Bago ka makatulong sa paglilinis at pagsasaayos


ng ating paligid, mahalaga din na magsimula ka
muna sa iyong sarili. May kasabihan na, “Ang
batang malinis sa katawan ay malayo sa
karamdaman.” Ang kalinisan at kaayusan sa iyong
katawan at gamit ay hindi mo dapat na
nakalilimutan. Kapag malinis ka at maayos sa
iyong katawan at gamit, malalayo ka sa mga sakit
o karamdaman. Ito rin ay iyong madadala at
maipakikita saan ka man magpunta. Malinis at
maayos ka ba sa iyong katawan at kagamitan?

Ang kalinisan at kaayusan ay makakamit lamang


kung ang bawat isa sa atin ay handang sumunod
at tumulong ng may pagmamahal. Isa sa mga
maaari mong gawin upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan sa ating pamayanan ay ang
pagtatapon nang wasto ng iyong mga basura sa
tamang basurahan. Lahat tayo ay hinihikayat na
mag-RECYCLE, REUSE, at REDUCE.

Recycle
Paggamit ng mga
bagay na patapon na sa
panibagong paraan.
Reuse
Paggamit ng mga
bagay nang maraming
beses bago ito palitan.
Reduce
Ang pag-iwas sa paggamit ng mga bagay na hindi
maganda sa kapaligiran katulad ng plastic.

C. Ginabayang Pagsasanay Panuto: Pumili ng isang larawan sa kahon na


nagpapakita ng pagiging malinis sa katawan at
ipaliwang kung bakit ito ang napili mo.

A. Isahang Pagsasanay Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay


makakabuti at HINDI kung hindi makakabuti.

1.Palagi kong nililinis ang aking kwarto.


2.Hindi ko pinapansin ang aking kapatid kahit na
nakikita ko itong nagkakalat.
3.Sinusulatan ko ang mga pintuan sa amin.
4.May nakita akong matandang natawid at
tinulungan ko ito.
5.Ginagamit ko ang sepilyo ng aking kapatid.

B. Paglalahat Ang pag-aalaga at pagiging malinis sa kapaligiran


ay lagi munang mag-uumpisa sa pagiging malinis
at maayos sa sarili. Ang pagiging malinis sa
katawan, pagiging maayos sa mga gamit, at pag-
aalaga sa ating kalusugan ay malaki ang
maitutulong upang tayo ay magkaroon ng malinis
at maayos na pamayanan

Ang kalinisan at kaayusan ay makakamit lamang


kung ang bawat isa sa atin ay handang sumunod
at tumulong ng may pagmamahal.
V.PAGTATAYA Iguhit ang puso kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kapayapaan at
broken heart naman kung hindi, gawin ito sa
sagutang papel.

VI.TAKDANG-ARALIN Panuto: Sa tulong ng inyong mga magulang ay


magtala ng 3 paraan kung papaano ninyo
mapapangalagaan ang inyong mga sarili.

You might also like