You are on page 1of 2

Pasasalamat

Walang hanggan at taos puso ang aming pasasalamat sa mga

taong tumulong sa amin upang mapagtagumpayan at maging epektibo

ang aming ginawang pananaliksik .

Nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi namin ito

magagawa at matatapos kungwala ang kanyang patnubay, binigyan

niya din kami ng lakas ng loob at lakas ng pangangatawan sa lahat

ngaming ginagawa, nandoon prati ang kanyang presensya.

Sa aming mga magulang na walang sawang sumusuporta sa aming

mga pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pangpinansyal at

oras na binigay sa amin upang magawa ang aming pananaliksik.

Sa aming matulungin at butihing guro na si Mr.Klenton

Sibelina na aming propesor sa Filipino, na walang sawang gumabay,

tumulong, at kalian man ay hindi kami pinabayaan, a t nagbigay ng

mga basehan sa aming pag-aaral.

Sa aming mga kamag-aral na tumulong magbigay ng impormasyon

tungkol sa aming paksa. lubos ang aming pasasalamat dahil kung

wala ang mga taong ito, Hindi magiging epektibo, kasiya-siya,

makabuluhan, maayos, organisado, at kapani-paniwala ang aming

pamanahong papel.

Sa mga katiwala ng aklatan ng Filamer Christian University

sa kanilang pag-gabay at mga mungkahi patunkol sa pag-buo ng


aming pananaliksik, sa pag papahiram ng mga nailimbag nang mga

manuskriptong pananaliksik na nakatulong maipatupad itong aming

pananaliksik.

Kay Ms. Ma Shenilyn Bayhon, sa kanyang pagturo kung papaano

buohin ang aming pananaliksik.

You might also like