You are on page 1of 1

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay lubusang nagpapasalamat sa mga naging


bahagi ng aming pag-aaral na ito. Nang dahil sa kanila, mas napalawak ang
aming kaalaman at naging posible na magkaroon ng magandang resulta sa
pag-aaral na ito.

Kay Ginang Dulce Amor Loquias, ang aming mahal na guro sa


asignaturang Filipino, kami po ay lubusang nagpapasalamat dahil sa kanyang
walang sawang pagsuporta at pag-unawa sa amin sa paggawang aming
pamanahong papel sa pamamagitan ng pagtama at paggabay habang kami ay
gumagawang aming pananaliksik.

Kay Ginang Anadesi Buhisan, ang aming tagapayo sa silid-aralan, na


gumabay at pumupuna saamin sa paggawa ng aming pananaliksik. Maraming
salamat po.

Sa mga tagatugon na masigasig na nakilahok sa pagsagot sa aming


talatanungan ng tapat at buong puso. Maraming salamat po sa inyo.

Sa aming mga magulang na tumulong at umintindi sa amin dahil sa


pagiging abala naming sa paggawa nito at sa kanilang tulong pinansyal,
kaming mga mananaliksik ay nagpapasalamat sa inyo.

At higit sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil


kahit gaano kahirap ang aming dinanas ay nandiyan pa rin siya upang
palakasin ang aming loob na matapos ng maayos ang pananaliksik na ito.

You might also like