You are on page 1of 1

DAHON NG PASASALAMAT

Walang hanggan ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong sa amin upang
mapagtagumpayan at maging epektibo ang aming pagkolekta ng mga ginawang akademikong
sulatin.Una, nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi namin ito matatapos at magagawa
kung wala ang kanyang patnubay at gabay,binigyan niya din kami ng lakas ng loob at sa lahat ng
aming ginawa,nandoon ang kanyang presensya. Pangalawa, ang walang sawang suporta ng
aming mga magulang,pagbibigay saamin ng aming mga pangangailangan sa araw-araw lalo na
sa mga pangangailangan sa pag-aaral. Pangatlo, sa aming guro sa asignaturang Pagsulat sa
Filipino sa Piling Larangang-Akademik na si Ginoong Mark Joy Burce na walang humpay ang
paggabay sa aming mga gawain at pagbibigay ng mga tagubilin sa mga gawain. At sa pagbibigay
din saamin ng mga ideya upang mas mapalawak ang aming mga kaalaman sa paggawa ng
akademikong sulatin.Pang-apat, sa ibang grupo at group lider na nandiyan palagi kapag mayroon
kaming kailangan, mga katanongan at kailangan. Pang-lima , sa aking mga kagrupo na sina
Rona, Jeline, Jiro at Rafael na gumawa at nagtulongan para matapos at maisaayos ang mga dapat
mapasa sa takdang oras. Lubos ang aming pasasalamat dahil kung wala ang mga taong ito,Di
magiging matagumpay,epektibo, makabuluhan, maayos ,organisado at makatotohanan ang mga
akademikong sulatin na aming ginawa.

You might also like