You are on page 1of 1

Dahon ng Pasasalamat

Ang pagsasalamat ay isang ugali ng pagtanaw ng utang na loob kaya’t


kami ay lubusang nagpapasalamat sa lahat ng taong naging parte at
tumulong sa amin upang matapos namin ang aming ginawang proyekto.

Unang-una sa lahat ay ang ating Panginoon. Kami ay nagpapasalamat


sa Panginoon dahi kung hindi dahil sa kanya ay hindi namin magagawa at
matatapos ang aming proyekto kung hindi niya kami binigyan ng lakas na
loob, kakayahan at kung hndi niya kami ginabayan sa lahat ng aming
ginagawa. Pangalawa ay ang aming mga magulang na patuloy lang sa
pagsuporta sa amin at patuloy lang sa pag intindi sa amin dahil sa pagiging
abala namin na matapos ang proyektong ito at sa kanilang tulong
pinansyal. Sila ang nagsisilbi naming inspirasyon sa lahat ng bagay kaya
nagpapasalamat kami ng marami sa kanila. Pangatlo, nagpapasalamat
kami kay Ginoong Flores na aming professor sa Filipino 10 na patuloy pa
rin sa pagbibigay sa amin ng karagdagang kaalaman at sa paglalawak sa
aming kaalaman at sa pagbibigay kasiyahan sa amin. Nawa’y ipagpatuloy
mo ang paglalawak ng aming kaalaman at pagbibigay sa amin ng
kasiyahan kaya’t nagpapasalamat kami sa iyo sa lahat ng ginawa mo sa
amin upang kami ay may matutunan. Panghuli ay nagpapasalamat kami sa
mga naging bahagi ng proyektong ito dahil ibinigay ng bawat isa ang
makakaya upang matapos ang proyektong ito at naniniwala kami sa
kasabihan na “ Makakamit ang tagumpay kung lahat tayo ay
magtutulungan”.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng taong naging parte ng


proyektong ito dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi namin matatapos
ang proyektong ito at hindi rin kami magtatagumpay Nagpapasalamat
kami sa Panginoon na siyang nagbibigay sa amin ng lakas at kakayahan
upang matapos ang proyektong ito. Muli, maraming salamat.

You might also like