You are on page 1of 8

ESP 5

Jay D. Bolano
Teacher
Pagkatapos ng aralin ay inaasahan kong nakapagpapatunay
na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain.

ALAMIN NATIN!!!

Bakit mahalaga ang pagkakaisa


kapag may pangkatang gawain?
Ang tagumpay ng isang proyekto ay
nakasalalay sa maraming bagay. Ang ilan sa
mga bagay na ito ay ang pagkakaroon ng
kakailanganing gamit, pagkakaroon ng
maayos na plano, pagkakaroon ng mahusay na
pinuno, at ilan pang mga bagay. Ngunit ang
pinakamahalagang pangangailangan
ay ang pagkakaisa ng bawat miyembro
ng pangkat at pagtutulungan ng bawat isa.
BASAHIN NATIN!!!
Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng tula.

Tayo’y Makilahok...... Makilahok

Tayo’y makilahok sa lahat ng gawain


Sa ating samahan lalo na’t may usapin
Pagkat ang desisyon sa bawat gagawin
Ay dapat maging mabuti ang simulain.
 
Saan man dumako ang usapan
Sumaling palagi sa plano ng samahan
Pagkat desisyon ng lahat ay kailangan
Kaya makisama sa lahat ng talakayan.
 
Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina
Upang di tayo magmistulang nawawala
Kapag may nangyari tayo’y may alam na
At di magtatanong na tila ibang-iba.

Sagutan ang mga tanong:


1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?
2. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain ng samahan?
3. Ipaliwanag: “Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina upang di tayo magmistulang nawawala.”
4. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano ng proyekto ng samahan?
5. Ipaliwanag: “Ang pasya ng nakararami ay dapat na laging mamayani.
TANDAAN NATIN!!!
Ang pakikiisa, lalo na sa pagpaplano at pagpapasya ay
nagkakamit ng ginhawa at tagumpay ng bawat isa.
Para sa ikatatagumpay ng anumang gawain, kailangan
ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng isang pangkat.
Maliit at malaki man ang gawain, pagkakaisa ng bawat
isa ang susi sa ikatatagumpay nito.
Ang anumang gawain ay dagling gumagaan kapag
namamayani ang diwa ng pagkakaisa sa pangkat. Dapat
ipabatid sa kabataan na ang bawat miyembro ay may
mahalagang gampanin na dapat gawin. At ang
nagkakaisang paggawa ng isang proyekto ay gawaing dapat
matutuhan ng mga kabataan. Maaari itong ipakita sa iba’t
ibang pagkakataon.
PAGYAMANIN NATIN!!!

I.Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay


nagpapakita ng pakikiisa sa gawain at MALI naman kung hindi.

______1. Mahalagang bahagi ng ikatatagumpay ng isang proyekto ang


pagkakaisa ng mga miyembro ng pangkat.
______2. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti
sa lahat.
______3. Dapat na lider ng pangkat ang laging nasusunod.
______4. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
______5. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro
II. Sa isang construction paper, gumuhit ng isang puso. Sa loob nito ay
gumawa ng isang maikling sulat para sa isang taong alam mong nagpakita ng
pakikiisa upang matapos ang isang gawain. Sabihin mo sa kanya kung ano
nman ang maaari mong gawin upang masuklian ang ginawa niya. Maaari mong gaw-
ing halimbawa ang nasa ibaba.

Ana,
Nais kong magpasalamat sa gi-
nawa mong pakikiisa sa ating natapos na
gawain sa ESP at dahil lahat ng miyem-
bro ng pangkat ay nagkaroon ng
pagkakaisa.

You might also like