You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Unang Markahan

Modyul 5:
MAKIKILAHOK AT MAKIKIISA
AKO
LAYUNIN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang
mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Napatutunayan na mahalaga ang pagkaka-isa sa pagtatapos ng


gawain.
2. Nailalahad ang kahalagahan ng pagkakaisa
3. Naipapakita ang mga paraan ng pagpapakita ng pakikiisa sa
pagtatapos ng gawain.
4. Naisasabuhay ang mga gawain na nagpapakita ng pagkikiisa sa
pagtatapos ng gawain.
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Iguhit ang kung sang-ayon sa ipinahahayag ng
pangungusap at kung di sang-ayon sa pangungusap.

______ 1. Maging magulo kapag may nag-uusap sa oras ng


pagpupulong.
______ 2. Iginagalang ko ang desisyon ng nakakarami.
______ 3. Tumahimik lamang at makinig sa oras ng
pagpupulong.
______ 4. Makibahagi sa talakayan sa pagpaplano ng proyekto.
______ 5. Ipinipilit ko palagi ang gusto ko sa oras ng
pagpupulong.
Tayo’y Makilahok...... Makilahok
ALAMIN MO
Tayo’y makilahok sa lahat ng gawain
Sa ating samahan lalo na’t mayusapin
Pagkat ang desisyon sa bawat gagawin
Ay dapat maging mabuti ang simulain.

Saan man dumako ang usapan


Sumali palagi sa plano ng samahan
Pagkat desisyon ng lahat ay kailangan
Kaya makisama sa lahat ng talakayan.

Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina


Upang di tayo magmistulang tanga
Kapag may nangyari tayo’y may alam na
At di magtatanong na tila ibang-iba.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?


2. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawain ng
samahan?
3. Ipaliwanag: ”Tayo’y makilahok sa tuwi-tuwina upang di
tayo magmistulang tanga.”
4. Bakit mahalaga ang paglahok sa pagpaplano ng proyekto
ng samahan?
5. Ipaliwanag: “Ang pasya ng nakararami ay dapat na
mamayani”.
ISAGAWA MO
Gawain 2: Panuto: Basahin at suriing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Bigyan ito ng
mabuting desisyon bago gumawa ng anumang hakbang. Sagutan ang sitwasyon sa ibaba.

1. Ano ang una ninyong dapat pag-usapan?


2. Ang ang inyong naisip na plano para makaipon ng pondo?
3. Ilang komite ang inyong bubuuin? Bakit?
4. Sinu-sino ang mamahala ng bawat komite?
5. Isulat ang inyong napag-usapan. Ano ang masasabi mo sa inyong
napag-usapan? Bakit?
Gawain 3: Panuto: Gumuhit ng isang puso gamit ang construction paper na kulay pula Sa
loob nito, gumawa ng isang maikling sulat para sa isang tao na alam mong nagpakita ng
pakikiisa upang matapos ang isang gawain. Sabihin mo sa kanya kung ano naman ang maari
mong gawin upang masuklian ang ginawa niya. Maari mong gawing halimbawa ang nasa
ibaba. Ipadala mo ito sa kanya.
ISAPUSO MO
Gawain 4: Panuto: Matapos nating ipakita ang magandang dulot ng pagkakaisa sa
pagtatapos ng gawain, sabay-sabay tayong umawit at unawain ang mensahe ng
awitin.
Makilahok

(awit sa tono ng I have two hands)

Halina kayo
Sa ‘ting talakayan
Upang isipa’y
Magiging buhay
Pumalakpak 1,2,3
At utak natin ay titindi.
Makiplano
Sa talakayan
Upang isipa’y humusay
Pumalakpak 1,2,3
At utak natin ay titindi.
ISABUHAY MO
Gawain 5: Panuto: Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na
mga tanong:
Ano ang dapat mong gawin kung.....

1. mainit na ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa


seremonya sa Watawat ng Pilipinas.
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong mga
kapatid.
3. natanggal ang bubong ng inyong bahay at nabasa ang inyong
mga kagamitan.
SUBUKIN MO
Panuto: Sa ginawa ninyong pagpupulong, lagyan ng √ ang iyong
ginawa.
PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang Tama kung sang-ayon sa pahayag ng
pangungusap at Mali kung di sumasang-ayon.

TAMA 1. Palaging makilahok sa oras ng pagpupulong o talakayan ng


samahan.
MALI 2. Gawin ang proyekto o gawain kahit walang naganap na
pagpupulong.
TAMA 3. Gumawa ng mga komite upang maging matagumpay ang
proyekto ng samahan.
TAMA 4. Ang pasya ng nakararami ay dapat na mamayani.
MALI 5. Palaging ipilit ang gusto lamang sa pagpaplano ng samahan.
THANK
YOU AND
STAY SAFE
EVERYONE!

You might also like