You are on page 1of 2

Sanayang Papel sa Filipino 001

Sining ng Pakikipagtalastasan
Pagsasanay 3: Kahalagahan ng Pakikipagtalastasan

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay sa bilang Portfolio na inyong ipapasa sa inyong guro sa
takdang oras na itatalaga sa inyo.

Simulan mo!
Panimulang Gawain:
Bumuo ng dayalogo o usapan na nagpapakita ng situwasyon ng kadalasan sanhi ng hindi
pagkakaunawaan.
 Ano-ano ang mga pangunahing dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap?
Ang tunguhin para sa araw na ito:
Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan.
Alam mo ba?
Ilan sa Mga Kahalagahan ng Pakikipagtalastasan:

1. Kung walang pakikipagtalastasan ay walang pagkakaunawaan at kung walang pagkakaunawaan


ay mawawalan ng pagkakataon ang bawat isa na gumawa nang sama-sama kaya’t walang
mabubuong anuman.
2. Sa pakikipag-usap o pakikipagtalastsan ay madali tayong makatagpo ng isang kaibigan.
3. Mahalaga rin ang pakikipagtalastasan sa lahat ng propesyon.
4. Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na
makapagpalitan ng kuru-kuro o ideya, impresyon at mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang
mga bagay at suliranin.
5. Higit sa lahat sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ay naipapahayag natin sa Diyos ang ating
saloobin at damdamin, ang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng kabutihan niya sa atin at ang
paghingi ng tawad sa lahat ng ating kasalanan.
Tandaan natin na ang wika na ginagamit natin sa pakikipagatalastasan ay isa sa katangi-tanging
bunga ng
katalinuhan ng tao kaya nararapat lamang itong gamitin sa matalino at masining na pamamaraan upang
madaling magkaunawaan ang bawat isa. Makatutulong ito nang malaki sa ating paggawa,
pakikipagkapwa, pakikisalamuha sa lipunan at nakapagdaragdag ng sigla at kaligayahan sa bawat sandali
ng buhay.
Magtulungan tayo!
Magbigay ng iyong sariling karanasang na hindi pagkakaunawaan ng iyong kapwa at ginawa para
maibsan ito.

Magagawa mo!
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng salita
para mabuo ang
diwa ng talata.
Kung walang 1.(nastasalatgapikikap) ay walang pagkakaunawaan at kung walang
pagkakaunawaan ay mawawalan ng pagkakataon ang bawat 2. (asi) na gumawa nang sama-
sama kaya’t walang mabubuong anuman. Sa pakikipag-usap o pakikipagtalastsan ay madali
tayong makatagpo ng isang 3.(nagibiak). Mahalaga rin ang pakikipagtalastasan sa lahat ng
propesyon. Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao
na makapagpalitan ng kuru-kuro o ideya, impresyon at mga 4.(noysamropmi) tungkol sa iba’t
ibang mga bagay at suliranin. Higit sa lahat sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan ay
naipapahayag natin sa 5. (soyid) ang ating saloobin at damdamin, ang pagtanaw ng utang na
loob sa lahat ng kabutihan niya sa atin at ang paghingi ng tawad sa lahat ng ating kasalanan.

Sanggunian:
Soriano, Zenaida S. Sining ng Pakikipagtalastasan

You might also like