You are on page 1of 1

Person 1: Edukasyon. Ito ang susi patungo sa pagkamit ng magandang kinabukasan.

Ito ang
nagdudulot upang ating maabot ang ating mga pangarap. Mga pangarap na tila ba kay hirap
makamtan lalo na kung ikaw ay isa sa mga salat at naiiwan. Kaya, marami sa atin ito ang idinarasal.
Ipinnagdarasal na sana’y mabigyan ng kaparehong oportunidad, ang makapag-aral magsumulat,
bumilang at bumigkas ng sa ganoy mamulat at matuto ring mangarap. Ngunit bakit tila kaguluhan
ang dalang oportunidad sa aming Sitio na malayo sa syudad?
Person 2: Eh! Sino ba naman ang hindi tututol kung ang programang itataguyod ang para lamang sa
mga piniliing lumad. Paano naman kami? Kaming magulang ay nangangarap ring mabigyan ng
magandang kinabukasan ang aming mga Kabataan. Nais rin naming umahon sa hirap at mamuhay
ng may kaalaman. Kaya, tutol talaga kami kung sila lang naman pala ang papaboran!
Person 1: Huminahon muna tayo aking kasitio. Siguro naman may eksplinayon ang ating ginagalang
na Datu!
Person 3: Aking mahal na nasasakupan, nais kung humingi ng kapatawaran dahil sa itong di
pagkakaintindihan. Dahil kung mamarapatin pede natin tong mapag-usapan ng mahinahon lamang.
Person 2: Nais lang naman naming ipaglaban ang aming Karapatan. Lalo na’t program pala ito ng
gobyerno. Hindi namin nais ng kaguluhan ngunit hagad lamang nami’y maging pantay kayo sa
sayong nasasakupan!
Person 3: Lubos kong naiintindihan ang iyong hinaing sapagkat alam kong edukasyon sa lahat ang
tunay nating mithiin. Ang programang pagpapatayo ng mga classroom sa ating Sitio ay hindi lamang
para sa mga Talaandig, ngunit para sa sinumang nagnanais. Ang mga kuro-kurong nagkakalat na ang
CCL project ay para lamang sa mga piniling lumad, ay walang katuturan dahil hangad natin ang
kabutihan para sa kapakanan ng lahat. Ang iisang nais ko lamang ay ang ating pagtutulungan.
Tulungan natin ang isat isat sa pagtaguyod nitong programa. Itong program na magbibigay solusyon
sa ating problema. Alam kong matagal na natin itong pangarap kaya tayo ay nagkalap ng mga
oportunidad at lubha tayong pinagpala dahil dininig itong ating gunita. Dahil dito, sana sa halip na
tayo’y magkagulo, ating intindihan at huwag lamang makiusyoso nang sa ganon ay maiwasan ang di
pagkakaintindihan at ituon ang atensyon sa program ana may determinasyon.
Person 2: Ipagpatawad aming mahal na Datu sapagkat kami ay napangunahan ng aming emosyon.
Kami lamay nangamba na baka kami ay ipagwalang bahala. Paano nalang ang aming mga
Kabataan? Ayaw naming mawalan ng saysay ang kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay.
Ngunit ngayong alam na naming ang tunay na mithiin. Kami ay susuporta ng walang pag-aalinlangan
at makikiisa para sa matagumpay na pagpapatayo ng classroom para sa buong Sitio Tigbaw.
Maraming Salamat Datu!
Person 3: At sa wakas, ang di pagkakaintindihan ay atin nang natuldukan. Tandaan na kapag tayo ay
may iisang mithiin, iisang hangarin at iisang pangarap para sa lahat, sa pamamagitan ng
pagtutulungan at pagkakaintindihan ito ay tunay na makakamtan. Naway sa pamamagitan ng
edukasyon sama-sama nating maabot ang tagumpay ng lahat!

Tayo’y mga anak na may pangarap, Ang makahon sa hirap, Ang hiyas ng ating mga magulang, Magniningning sa buong kapuluan

May taglay tayong determinasyon, Sa ating pangarap magtataguyod, Maging sino ikaw ako at siya, May edukasyon na makakamtan.

You might also like