You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

REDEEMED IN CHRIST SCHOOL


265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Negatibong Epekto ng Paggamit ng Internet sa Pag-aaral ng

Ika-Siyam at Ika-Sampung Baitang ng

Redeemed In Christ School

Isang pananaliksik
na Inihandog para sa mga
Guro sa Departamento ng
Senior High School ng
Redeemed In Christ School

Bilang bahagi ng pagtupad sa


Asignaturang Filipino II
Pagbasa at Pagsulat sa
Pananaliksik

Nina.
BAE, Maria Theresa Mae P.
ROXAS, Anthony Joshua M.
.
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng pagtupad sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik ng Senior High School,

ang pananaliksik na may paksang, NEGATIBONG EPEKTO NG PAGGAMIT NG INTERNET SA

PAG-AARAL NG IKA-SIYAM AT IKA-SAMPUNG BAITANG NG REDEEMED IN CHRIST

SCHOOL. ay inihanda at ipinasa nila BAE , MARIA THERESA MAE P. , ROXAS , ANTHONY

JOSHUA M.,na pinapayagang makapaglahad ng kanilang nabuong paninindigan para sa pananaliksik sa

isinasagawa.

Oktubre 23, 2018 Bb. Genevieve Yanong Plasus

Petsa Gurong Tagapayo

Ito ay pinagtibay ng katuparan na kinakailangan para sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik.

Gng. Narcisa E. Perez Bb. Jean Eunice Templo Bb.Nathalia Malaga

Panelist Panelist Panelist


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa “Negatibong Epekto ng Paggamit ng Internet

sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng Redeemed In Crist School sa taong 2018-2019”. Ang

mga magiging respondente ng pag-aaral na ito ay magmumula sa ika-siyam at ika-sampung

baiting. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong pamamaraan sa pagkalap ng

kasagutan na kung saan ay may kabuuang 38 na respondente.

Ang pag-aaral na ito nag lalayong malaman ang mga negatibong epekto ng

paggamit ng internet sa kanilang pag-aaral. At ninanais na malaman ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang gadget na madalas gamitin ng mga mag-aaral sa pag-aaral?

2. Ano-ano ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit ng internet sa pag-aaral?

3.Paano nakaaapekto ang mga dahilan sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit ng

internet?

4. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng paggamit ng internet sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

Gumamit ang mga mananliksik ng sarbey upang mabigyang kasagutan ang mga

katanungan. Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga negatibong epekto ng paggamit ng internet

sa pag-aaral ng mag-aaral ng Redeemed In Crist School.


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

DAHON NG PASASALAMAT

Buong puso naming ipinapaabot ang pasasalamat sa mga sumusunod na inibidwal, tanggapan, at

sa mga nakiisa at nakibahagi sa aming pananaliksik, para sa kanilang sikisk, lig-lig at umaapaw na tulong,

suporta, kontibusyon upang maisagawa ng matagumpay at maayos an gaming pananaliksik.

Sa gumagawa ng langit at lupa, ang perpekto sa lahat walang iba kung hindi ang ating mahal na

Panginoon na syang nagbigay ng kalakasan, katalinuhan, katatagan, insporasyon at nagging sandigan

namin sa panahong napanghihinaan kami ng loob, sa oras na nangangailangan kami ng tulong, sa oras na

nahihirapan kami, at sa pagtupad sa aming hiling para matagumpay na maisagawa ang pananaliksik o

pag-aaral na ito.

Kay Bb. Genevieve Y. Plasus sa kanyang naguumapaw na suporta, gabay, inspirasyon, at

pagtulong sa amin upang maisakatuparan at matagumpay na maisagawa ang pananaliksik o pag-aaral na

ito.

Sa kagawaran ng Redeemed In Christ School sa pagpapahintulot at sumuporta upang maisagawa

ng matiwasay ang pag-aaral na ito.

Sa mga nagpipitagang mga guro, sa kanilang umaapaw na pag-unawa at paggabay sa aming

isinasagawang pananaliksik.

Sa pinakamamahal naming mga magulang, na walang kapantay nilang suporta, gabay lalo na sa

pinansiyal, sa pagbibigay inspirasyon at pagmamahal sa amin.

Muli, siksik, liglig at umaapawa kaming nagpapasalamat sa inyo nawa pagpalain tayo ng ating

mahal na Panginoon.

Sa mga panel na gumabay at tumulong sa amin para maisagawa ang pag-aaral na ito.
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

DAHON NG PAGHAHANDOG

Ihinihahandog ito ng mga mananaliksik ng buong puso at pagmamahal ang pag-aaral na ito sa

mga taong nakibahagi, tumulong, gumabay, inspirasyon at nakiisa sa pag-aaral na ito para maisagawa ng

maayos at malinis ang pananaliksik na ito;

Sa mahal naming Panginoon na siyang nagbigay ng katalinuhan, gabay, kalakasan at biyaya para

maisagawa ng matiwasay ang pananaliksik o pag-aaral na ito;

Sa aming mga mahal at walang kupas na magulang na walang pagod na sumuporta, umunaw at

naging sandigan namin para maisakatuparan ang pag-aaral na ito;

Sa aming tagapayo sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Bb. Genevieve Yanong Plasus

na siyang tumulong, gumabay, umunawa at naging tulay upang maisagawa ang pag-aaral na ito;

At sa mga nagpipitagang mga guro at mga minamahal kong kamag-aral na tumulong, gumabay,

at naging bahagi upang matagumpay naming maisagawa an gaming pananaliksik.


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

TALAAN NG NILALAMAN

NASAAN ANG PAGE NUMBER???

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

a) Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………………
b) Abstrak…………………………………………………………………..
c) Dahon ng Pasasalamat…………………………………………………..
d) Dahon ng Paghahandog…………………………………………………
e) Panimula…………………………………………………………………..
f) Saligan ng Pag-aaral………………………………………………………
g) Balangkas teoretikal………………………………………………………
h) Paglalahad ng suliranin …………………………………………………
i) Kahalagahan ng pag aaral………………………………………………...
j) Saklaw at limitasyon…………………………………………………….
k) Kahulugan ng mga salita………………………………………………….

KABANATA II: KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

a. Kaugnay na literature………………………………………………………
b. Kaugnay na pag-aaral………………………………………………………

KABANATA III PAMA: MARAAN NG PANANALIKSIK

a. Disenyo at metodolohiya…………………………………………………..
b. Papulasyon at lugar ng pananaliksik……………………………………….
c. Talatanungan………………………………………………………………

KABANATA IV: PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS

KABANATA V: LAGOM KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

KABANATA I

SULIRANIN AT SALIGAN NITO

PANIMULA

Ang sobra ay nakasasama. Ang ating henerasyon ay nakapaloob sa teknolohiya na kung

saan marami na ang mga kabataan na nahuhumaling na gumamit ng internet sa paggawa ng mga

takdang aralin at iba. Ang mga mananaliksik ay nakatuon kung ano nga nga ba ang posibleng

negatibong epekto ng sobrang paggamit ng internet sa mga mag-aaral.

Ano nga ba ang posibleng negatibong epekto ng paggamit ng internet? Ang mga

mananaliksik ay may layunin na alamin kung ano ang masamang epekto ng makabagong

teknolohiya. Sapagkat tunay ngang nagbago na ang ating henerasyon. Noon ang mga kabataan

ay may tiyaga sa paggamit ng aklat sapagkat wala pa noong internet at ito ay may magandang

naiidudulot sa kanila katulad ng natutuo silang maging tamad sa pagkalap ng impormasyon.

Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto ang Internet

sa kabataan. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga kabataan,ang Internet lalo

na, sa kanilang mga research papers,mga proyekto at mga takdang aralin. Halos lahat na ng

kailangan ng isang tao ay masasabi nating nasa Internet na o masasagot na sa Internet sa isang

pindot lamang. Pero dahil sa pagiging kampante na nasa Internet naman lahat ang dapat

kailanganin, tatamarin na ang mga kabataan na aralin ang kanilang mga leksyon.

Hindi lahat ng mga impormasyon na nakalagay o nahahanap sa internet ay reliable o

mapagkakatiwalaan. May mga websites na akala mo tama iyong binibigay na impormasyon iyon

pala kathang isip lamang o kaya ay hindi maikokonsiderang isang fact dahil wala naman itong
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

basehan. At ang iba naman na mga websites ay ginagamit upang makapangloko ng ibang tao

upang perahan sila dahil sa sobrang hirap ng buhay ngayon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Negatibong epekto ng internet sa mga mag-

aaral”. Hindi masamang gumamit ng internet kung ito ay gagamitin sa tamang oras at

pamamaraan. Pero sa panahon ng mga kabataan ngayon kumuha na sila ng kanilang mga

takdang aralin o mga impormasyon dahil isang pindot lamang ay makukuha na nila ito. Pero

hindi lingid sakanilang kaalaman na ito ay may negatibong epekto,isa na dito sa mga halimbawa

ang hindi nila niintindihan ang kanilang mga nakukuha impormasyon dahil sa “copy and paste”.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang negatibong epekto sa mga mag-aaral

sa paggamit ng internet at sa kanilang pag-aaral.

Tiyak na layunin ng mananaliksik ang mga sumusunod na ito

1. Ano ang gadget na madalas gamitin ng mga mag-aaral sa pag-aaral?

2. Ano-ano ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit ng internet sa pag-aaral?

3.Paano nakaaapekto ang mga dahilan sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa paggamit ng

internet?

4. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng paggamit ng internet sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

BALANGKAS KONSEPTUWAL

INPUT PROCESS OUTPUT


1. Ano-ano ang dahilan ng
paggamit ng internet sa 1. Pagbabasa ng mga 1. Nagkaroon ng
pag-aaral? kaugnay na literatura panibagong kaalaman
2. Paano nakaaapekto ang ang mga magulang at
mga dahilan sa 2. Paggawa ng mga mag-aaral tungkol sa
pagkahumaling ng mga katanungan o mga posibleng
kwestyuneyr. negatibong epekto ng
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang magkaroon ng kaalaman ang

mga mag-aaral ng ika – siyam at ika - sampung baiting sa Redeemed in Christ School tungkol sa

mga negatibong epekto ng pag-gamit ng Internet. Makikita sa Balangkas Konseptuwal na ito

ang suliraning kinakaharap at mga prosesong ginamit upang matugunan at mabigyan ng

kaukulang kasagutan ang nasabing suliranin.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa mga sumusunod na indibidwal:

Para sa mga Mag-aral. Mahalaga sa mga mag-aaral ang malaman ang negatibong epekto ng

paggamit ng internet upang mas maunawaan ang tamang pamamaraan ng paggamit nito. Mabago

nito ang maling paraan ng mag-aaral sa paggamit ng internet.

Para sa mga Guro. Mahalaga din na magkaroon ng kaalaman ang mga guro upang,maibahagi

din nila sa kanilang mga estudyante ang tamang paraan ng paggamit ng internet at upang

mapaunawa sa mga mag-aaral ang negatibong epekto nito.


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Para sa mga Mananaliksik. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mananalikisik upang

magkaroon ng batayan sa pananaliksik.

Para sa mga Magulang. Mahalaga sa mga magulang na malaman ang mga negatibong epekto

nito upang magabayan nila ang kanilang anak sa paggamit nito. Magagabayan nila ang kanilang

mga anak sa paggamit ng internet at malimitahan ang mga ito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga negatibong epekto ng paggamit ng internet sa

pag-aaral ng mga mag-aaral ng Redeemed In Christ School. Tinatalakay sa pag-aaral na ito ang

mga dahilan kung paano nakaaapekto ang internet sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa tatlongpu’t walo(38) piling mag-aaral ng

baitang siyam (9) seksyon Mabini at baiting ika-sampu (10) seksyon Bonifacio ng Redeemed In

Christ School.Kaugnay sa paggamit ng internet at may layunin na malaman ng mga mag-aaral

ang mga negatibong epekto ng ng sobrang paggamit ng internet. Sila ang pinili ng mga

mananaliksik sa sapagkat sila ng lubos na makakatugon at makakatulong sa pag-aaral at sila ang

magiging instrumento ng pag-aaral na ito.

TERMINOLOHIYA

INTERNET. Ito ay ang mga magkakakabit na kompyuter network na ginagamit ng mga tao sa

pangangalap ng impormayson.
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

CELLPHONE/IPODS. Ito ay isang gadyet na kung saan gumagamit ng sityong selular (cell site) para sa

pakikipagtalastasan.

WORLD WIDE WEB. Ito ay isang sistema na magkakabit ng dokumento na makukuha sa internet.

TEKNOLOHIYA. Tumutukoy ito sa agham o pag-aaral sa praktikal o pang-industriyang sining.

GADGET. Ito ay mga bagay na guamgana sa pamamagitan ng elektroniks.

WIFI. Ito ay isang markang pagkakilanlan o pagkalakal ng mga grupo ng products compatibility

standards para sa mga Wireless Local Area Network (WLAN).

RESEARCH. Ito ay isang sistematikong pag-aaral batay sa layuning masagot ang mga katanungan ng

isang mananaliksik.

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

KAUGNAY NA LITERATURA
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

LOKAL

Ayon sa isang artikulo na pinamagatang “Negatibong epekto ng paggamit ng internet at social

media” (Feb 11, 2012). Sinabi ni Prof. Gerald Abergros na isang sociologist na ang sobrang paggamit

ng internet ay maaring magdulot ng depresyon. Ito ay kaugnay sa pag-aaral na ito dahil ang nasabing

depreyon ay isa sa mga maaring maging negatibong epekto ng paggamit ng internet sa mga mag-aaral.

Ayon kay Dr. Keith Aguiler na isang sleep specialist (Feb 18, 2018). Sinabi niya na ang isa sa

mga negatibong epekto ng paggamit ng internet ay ang pagpupuyat na madalas nagdudulot ng pananakit

ng katawan. Ang nasabing pagpupuyat ay kaugnay sa pag-aaral na ito dahil ito ay isa sa mga negatibong

epekto ng paggamit ng internet na karaniwang nangyayari sa mga kabataan kapag nasososbrahan ng

paggamit nito na maaraing magdulot ng karamdaman.

Ayon kay Lynne Osias (2010) na isang blogger at nagtapos ng kolehiyo sa University Of Santo

Tomas. “Noon ang ng tao ay gumagamit ng internet upang magsaliksik,makipag-ugnayan sa

pamamagitan ng email,pag-aaral at upang matuto. Subalit ngayon maari ng makapanuod,

makapagkwentuhan at makipagtagpo sa mga tao na hindi lubusang kakilala. Mas nagiging mapusok na

ang mga kabataan sa paggamit ng internet sapagkat hindi na lamang pag-aaral ang ginagawa kundi

ginagamit rin nila ito upang makapagsaliksik ng mga hubad na larawan,at mga video na maseselan”.

Ang mag-aaral ay ginagamit ang internet sakanilang pag-aaral subalit sa pagkakahumaling sa

paggamit nito nagreresulta ito ng negatibong epekto katulad ng nagkakaroon sila ng pagkakataon upang

makapagsaliksik ng mga maseselang impormasyon,larawan at pornograpiya.

BANYAGA
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Ayon rin sa blog ni Justine Henderson (2010). Ang Kaiser Family Foundation na isang

organisasyon sa San Francisco, California ay mas maraming oras ang paggamit ng mga cellphone at Ipods

kesa sa oras na ginugugol sa pagbabasa o pag-aaral ng mga kabataang estudyante. Ayon sa saliksik ang

mga kabataang labis na nakatuon sa internet ay mas nakakakuha nang mas mababang grado,dahil hindi

na sila nakakapag-aral o hindin nababasa ang impormasyong nakalap sa internet.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral ni Justine Revilla (2016) na isang mag-aaral sa Ateneo de Manila University.

Ang pangunahing di-mabuting epekto kaugnay sa pag-aaral ng mag-aaral ay ang nagiging tamad,inaasa

lahat sa internet,nagdudulot ng adiksyon,nakakasira ng kalusugan,hindi nagiging aktibo sa pisikal na

gawain at hindi ginagamit ng tama (pag-aabuso,panonood ng pornograpiya). Umuugnay ito sa paksa ng

pag-aaral na ito na kung saan ang mga nabanggit ay kabilang sa mga “Negatibong Epekto ng Paggamit ng

Internet sa Pag-aaral ng Mag-aaral”.

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

METODOLOHIYA
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraang ng pananaliksik na kung saan

sarbey ang ginamit namin upang makakuha ng bilang ng mga respondente. Napili namin ang Junior High

School na ika-siyam (9) at ika-sampung (10) baiting upang mapadali ang pagkuha ng bilang datos ng

respondente.

PAKSA NG PAG-AARAL

“Negatibong Epekto sa mga Mag-aaral ng Ika-Siyam at Ika-Sampung Baitang ng Redeemed In Christ

School Kauganay sa Paggamit ng Internet Sa Mga Mag-aaral” .Napili ng mga mananaliksik ang pag-

aaral na ito upang maipabatid sa mga mag-aaral ang mga maaari nilang kahinatnan sa paggamit ng

internet.Ang lubos napaggamit ng internet ay maaaring magdulot ng pagkalabo ng paningin ng isang tao o

kaya naman ay pagpupuyat na maaaring makaapekto sa memorya at sa kalusugan ng isang tao. Layunin

ng mga mananaliksik ay ang mapagaan ang mga mag-aaral sa paggamit ng internet at upang maalala ng

mga ito na mayroon pang silid-aklatan kung saan mayroong mga impormasyong kanilang kailangan na

nakapaloob sa mga aklat. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral ngunit hindi lamang

sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga magulang na hinahayaan lang ang kanilang mga anak na

gamitin ang internet sa paggawa ng mga gawaing pang-eskwela.Kailangan malaman ng bawat isa ang

maaaring maging epekto ng lubos na paggamit ng internet sa ating kalusugan.Ang pag-aaral na ito ay

makakatulong upang maging handa ang lahat sa magiging epekto nito at upang maiwasan at malimitahan

na nila ang lubos na paggamit ng internet.Ang pag-aaral na ito ay naglalaman rin ng mga maaaring gawin

ng bawat isa upang magamit ang internet ng maayos.Ang internet ay isa sa mga bagay na nag papagaan at

nagpapadali sa ating mundong gainagalawan,ngunit kung ito ay aabusuhin ay pahihirapan tayo nito dahil

ang sobra ay nakakasama.

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Ang instrumento na gagamitin ng mananaliksik ay ang talatanungan at ang mga tanong na

sasagutin ng mga mag-aaral ng Redeemed In Christ School (RICS). Ang sarbey porms ay aming

ipapamigay sakanila upang ito’y masagutan nila at makuha namin ang datos ng impormasyon.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng serbey at kwestyuneyr upang mapatunayan ang mga dapat

ilahad sa paksa ng aming tatalakayin bilang isang pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos na

magagamit sa pag-aaral. Isinagawa ayon sa disenyo ng paamaraan ng kwantitatibo na pananaliksik.

Naglalayong alamin at suriing ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga respondente babae at lalaking

seksyon Mabini baitang ika-siyam (9) at seksyon Bonifacio ng ika-sampung (10) baitang ng paaralan ng

Redeemed In Christ School sa kung ano ang negatibong epektong paggamit ng internet,sa pamamagitan

ng pagtsek ng oo o hindi.

Pangalan:

Seksyon:
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Panuto: Lagyan ng tsek √ ang tatlong mga dahilan mo sa paggamit ng internet sa iyong pag-aaral.

Anong gadget ang madalas mong gamitin sa pangangalap ng impormasyon para sa iyong paksang-

aralin?

Cellphone Ipad Loptop

Computer Desktop Pisonet

Paano mo ginagamit ang internet sa iyong pag-aaral kauganay sa iyong paksang-aralin?

Ginagamit mo ba ang internet sa iyong takdang-aralin?

Ginagamit mo ba ang internet sa paglalaro?

Ginagamit mo ba ang internet upang mapadali ang pagkuha ng impormasyon para sa

iyong proyekto?

Ginagamit mo ba ang internet upang mapalawak ang iyong kaalaman patungkol sa

inyong paksang-aralin ?

Ginagamit mo ba ang internet para mag-advance learning para sa inyong tatalakayin na

paksang-aralin?

TALATANUNGAN
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

MGA TANONG OO HINDI


1. Ginagamit mo ba ang internet upang magkaroon ng kaalaman sa
mga aralin hindi pa naituturo?

2. Nalilihis ba ang iyong atensyon sa tuwing ikaw ay gumagamit ng


internet?

3. Nalilipasan ka ba ng gutom dahil sa pagkahumaling sa paggamit ng


internet?

4. Lahat ba ng impormasyon na kailangan mo ay nasa internet?


5. Sapat ba ang impormasyon na nakakalap mo sa internet?
6. Lahat ba ng impormasyong sinasaliksik mo ay inaasa mo sa
internet?

7. Nawawala ba ang iyong konsentrasyon sa pag-aaral dahil sa labis


na paggamit ng internet?

8. Lubos mo bang nauunawaan ang mga impormasyong nababasa mo


sa internet?

9. Napupuyat ka ba sa tuwing ikaw ay gumagamit ng internet?


10. Madalas ka bang sa lumiliban sa klase dahil sa paggamit ng internet
para sa paggawa ng pananaliksik?

11. Nakagagawa ka pa bang mga takdang-aralin kasabay ng paggamit


internet?

12. Lumalabo na ba ang iyong mata dahil sa labis na paggamit ng


internet?

13. Humihina naba ang iyong memorya dahil sa madalas na paggamit


ng internet?

14. Nagiging tamad ka na ba sa pag babasa ng mga nakuha mong


impormasyon kung kaya’t ginagawa mo ang “copy and paste”?

15. Nakukuntento ka na ba sa unang impormasyong iyong nakita ?

KABANATA IV
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS

Ang kabanata na ito naglalaman ng analisasyon at interpretasyon ng mga datos. Makikita dito ang

bilang at bahagdan ng mga nakalap na mga datos.

TALAHANAYAN 1

Pagkakakilanlan ng mga Respondente

BAITANG POPULASYON RESPONDENTE BAHAGDAN

GRADE 9 & 10 38 38 100%

Pinapakita sa talahanayan na ito ang kabuuang bilang ng respondente at baitang ng pag-aaral na ito.

Pigura 1

Bahagdan ng mga Gadget na madalas gamitin ng


mga Mag-aaral
120%

100%
97%
80%
74%
60%
Bahagdan

40%
39%
20%
18% 8%
0%
Cellphone Computer Pisonet Ipad Laptop

Batay sa mga nasuring datos ng mga mananaliksik. Ang pigurang ito ay naglalarawan ng

bahagdan ng gumagamit ng bawat gadget. Ang cellphone ang nakakuha ng pinakamataas na bahagdan na
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

97%, nangangahulugan ito na ang cellphone ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa pangangalap

ng impormasyon para sa kanilang mga paksang-aralin.

PIGURA 2

Bahagdan ng mga Dahilan ng Paggamit ng


Internet ng mga Mag-aaral
80%
70% 74%
60%
50%
50%
40% Bahagdan ng mga Dahilan ng
42%
Paggamit ng Internet ng mga
30%
32% Mag-aaral
20%
10% 18%

0%
Takdang Proyekto Paglalaro Mapalawak Advance
Aralin ang Isip Reading

Ipinapakita sa pigurang ito ang mga dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit ng internet. Nakakuha

ng pinakamataas na bahagdan ang paggamit ng internet para sa takdang-aralin. May 74 % ang dahilang

ito. Lumalabas na madalas gamitin ng mga mag-aaral ang internet dahil sa paggawa ng mga takdang-

aralin. Ang dahilan na nakakuha ng pinakamababang bahagdan na 18% ay ang paggamit ng internet

upang mag-advance learning para sa kanilang tatalakayin ng paksang-aralin. Ipinapahiwatig lamang na

iba’t iba ang dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit ng internet.

Pigura 3
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Mga Negatibong Epekto ng Paggamit ng Internet sa Pag-aaral

Mga Negatibong Epekto ng Paggamit ng


Internet sa Pag-aaral
90%
80%
70%
60%
Bahagdan

50%
40%
30%
20%
10%
0%
Lahat ng
Lumalabo Nalilihis ang Nagiging Nalilipasan Imporamsyo
Napupuyat
ang Mata atensyon Tamad ng Gutom n nasa
Internet
OO 82% 66% 61% 58% 50% 45%
HINDI 39% 34% 39% 42% 50% 55%

Ipinapakita sa pigura na ito na ang may pinakamataas na bahagdan na sumagot ng oo ay

ang epekto na pagpupuyat na may 82% ang sumagot ng oo at 39% ang sumagot ng hindi. Ang

pumapangalawa naman na pinaka mataas na sumagot ng oo ay ang epekto na lumalabo ang mata na may

66% at 34% naman ang sumagot ng hindi. At ang may pinakamababang bahagdan na sumagot ng oo ay

ang epekto na lahat ng impormasyon ay nasa internet na may 45% at 55% ang sumagot ng hindi.

Pinapakita dito na mayroong negatibong epekto ang paggamit ng internet sa mga mag-aaral sa kanilang

pag-aaral at gayundin sakanilang kalusagan.

KABANATA V
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng paglalagom,kongklusyon at rekomendasyon ng


isisagawang pag-aaral tungkol sa “Negatibong Epekto ng Paggamit ng Internet sa Pag-aaral
ng Ika-siyam at Ika-sampung Baitang ng Redeemed In Christ School sa Taong 2018-2019”.

Kabuuang Bahagdan ng Negatibong Epekto


ng Paggamit ng Internet ng mga Mag-aaral

HINDI
OO
48%
52%

Batay sa pigurang ito pinapakita na hindi masyadong nakakaapekto ang paggamit ng

internet sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Pinapakita sa pigurang ito na 4% na bahagdan

lang ang pagitan ng kabuuang bahagdan ng negatibong epekto sa positibong epekto.

LAGOM

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga negatibong epekto ng paggamit ng

internet ng mga mag-aaral ng Redeemed In Crist School sa kanilang pag-aaral. Ang mga

lumahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng ika-siyam at ika-sampung baiting ng

Junior High School. Ang sinaklaw ng pag-aaral na ito ay kung ano ang negatibong epekto ng

paggamit ng internet sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng mga seksyon ng Mabini at Bonifacio.


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungang pamamaraan ng pananaliksik.

Nakalap ng mga mananaliksik ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasarbey sa piling baiting.

Batay sa datos na nakalap,ang internet ay may negatibong epekto. Ang paggamit ng internet ay

may negatibong epekto din sa pag-aaral ng mga gumagamit ng internet.

KONKLUSYON

Batay sa pag-aaral na ito natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Ang mga mag-aaral ng ika-siyam at ika-sampung baitang ay mas pinipiling gamitin ang

selpon sa pangangalap ng impormsyon para sa kanilang takdang –aralin.

2. Ang mga mag-aaral ng ika-siyam at ika-sampung baitang ay hindi ginagamit ang internet

upang makapag advance learning.

3. Natuklasan ng mga mananaliksik na sa kabila ng mga negatibong epekto ng internet sa

kanilang kalusagan pinipili parin nilang gamitin ito.

4. Marami ang mga mag-aaral na nagiging tamad dahil sa internet.

5. Marami din ang mga mag-aaral na kadalasang nalilipasan ng gutom dahil sa labis na

paggamit ng internet.

REKOMENDASYON

Ang mga mananaliksik ay nirerekomenda sa mga mag-aaral na bigyang limitasyon ang

paggamit ng internet bagkus dapat na magkaroon ang bawat mag-aaral ng time management sa

paggamit nito. At mas bigyang pansin ang mga aklat sa silid aklatan upang mas mapalahawak

ang kaisipan,magkaroon ng tiyaga sa pagbabasa at maiwasan ang mga negatibong epekto ng

internet sa kanilang pag-aaral at kalusugan.


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Ang mga mananaliksik ay inirerekomenda sa mga magulang na bigyang limitasyon o

oras ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet upang maiwasan ang hindi magandang

epekto nito sa kanila. Bigyang pansin ang bawat pamamamaraan ng kanilang anak sa paggamit

ng internet at gabayan sa paggamit nito.


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

BIBLIYOGRAPIYA
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Curriculum

Vitae
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

MGA DAHONG DAGDAG

CURRICULUM VITAE

Personal Information:

Date of Birth: August 8, 2001

Place of Birth: Marikina City

Nationality: Filipino ROXAS, ANTHONY JOSHUA M.

Civil Status: Single #75 Santan St.Brgy.Fortune, Marikina City

09216249423
Educational Background:
iari_monteverde@yahoo.com
Elementary: Fortune Elementary School S.Y 2014-2015

Junior High School: Fortune High School S.Y 2017-2018

Senior High School: Redeemed In Christ School S.Y 2018-2019

Personal Information:

Date of Birth: October 28,2001

Place of Birth: Marikina

Nationality: Filipino BAE, MARIA THERESA MAE P.

Civil Status: Single #129 Molave St.Parang,Marikina City

09385812907

Educational Background: baema.teresa@yahoo.com.ph

Elementary: Parang Elementary School S.Y 2014-2015

Junior High School: Parang High School S.Y 2017-2018

Senior High School: Redeemed In Christ School S.Y 2018-2019


Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Apendiks A
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Pangalan:

Seksyon:

Panuto: Lagyan ng tsek √ ang tatlong mga dahilan mo sa paggamit ng internet sa iyong pag-aaral.

Anong gadget ang madalas mong gamitin sa pangangalap ng impormasyon para sa iyong paksang-

aralin?

Cellphone Ipad Loptop

Computer Desktop Pisonet

Paano mo ginagamit ang internet sa iyong pag-aaral kauganay sa iyong paksang-aralin?

Ginagamit mo ba ang internet sa iyong takdang-aralin?

Ginagamit mo ba ang internet sa paglalaro?

Ginagamit mo ba ang internet upang mapadali ang pagkuha ng impormasyon para sa

iyong proyekto?

Ginagamit mo ba ang internet upang mapalawak ang iyong kaalaman patungkol sa

inyong paksang-aralin ?

Ginagamit mo ba ang internet para mag-advance learning para sa inyong tatalakayin na

paksang-aralin?
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

TALATANUNGAN

MGA TANONG OO HINDI


1. Ginagamit mo ba ang internet upang magkaroon ng kaalaman sa
mga aralin hindi pa naituturo?

2. Nalilihis ba ang iyong atensyon sa tuwing ikaw ay gumagamit ng


internet?

3. Nalilipasan ka ba ng gutom dahil sa pagkahumaling sa paggamit ng


internet?

4. Lahat ba ng impormasyon na kailangan mo ay nasa internet?


5. Sapat ba ang impormasyon na nakakalap mo sa internet?
6. Lahat ba ng impormasyong sinasaliksik mo ay inaasa mo sa
internet?

7. Nawawala ba ang iyong konsentrasyon sa pag-aaral dahil sa labis


na paggamit ng internet?

8. Lubos mo bang nauunawaan ang mga impormasyong nababasa mo


sa internet?

9. Napupuyat ka ba sa tuwing ikaw ay gumagamit ng internet?


10. Madalas ka bang sa lumiliban sa klase dahil sa paggamit ng internet
para sa paggawa ng pananaliksik?

11. Nakagagawa ka pa bang mga takdang-aralin kasabay ng paggamit


internet?

12. Lumalabo na ba ang iyong mata dahil sa labis na paggamit ng


internet?

13. Humihina naba ang iyong memorya dahil sa madalas na paggamit


ng internet?

14. Nagiging tamad ka na ba sa pag babasa ng mga nakuha mong


impormasyon kung kaya’t ginagawa mo ang “copy and paste”?
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

15. Nakukuntento ka na ba sa unang impormasyong iyong nakita ?

Apendiks B
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Oktobre 23, 2018

Gng. Narcisa Perez

Guro

Sa Paaralang Ito:

Binibini

Mabuhay!

Ang huling depensa sa pananaliksik na pinamagatang, “NEGATIBONG EPEKTO NG


PAGGAMIT NG INTERNET SA PAG-AARAL NG IKA-SIYAM AT IKA-SAMPUNG BAITANG
NG REDEEMED IN CHRIST SCHOOL SA TAONG 2017-2018” ay nakatakdang isagawasa ika-13
ng Oktubre 23, 2018. Bilang bahagi ng pag-tupad ng asignaturang Filipino I “Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik” kami po ay obligadong magkaroon ng isang pagdedepensa lamang.

Kami po ay humihingi ng pahintulot na kayo ay maging panelist ng aming pananaliksik.

Inaasahan po namin ang inyong pagtugon.

Salamat po!

Lubos na gumagalang,

ROXAS,Anthony Joshua M.

BAE,Maria Theresa Mae P.

Sa pahintulot ni:

Bb. Genevieve Yanong Plasus

Tagapayo
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Inaprubahan ni:

Gng. Narcisa Perez

Panelist

Oktobre 23, 2018

Bb. Eunice Templo

Guro

Sa Paaralang Ito:

Binibini

Mabuhay!

Ang huling depensa sa pananaliksik na pinamagatang, “NEGATIBONG EPEKTO NG


PAGGAMIT NG INTERNET SA PAG-AARAL NG IKA-SIYAM AT IKA-SAMPUNG BAITANG
NG REDEEMED IN CHRIST SCHOOL SA TAONG 2017-2018” ay nakatakdang isagawasa ika-13
ng Oktubre 23, 2018. Bilang bahagi ng pag-tupad ng asignaturang Filipino I “Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik” kami po ay obligadong magkaroon ng isang pagdedepensa lamang.

Kami po ay humihingi ng pahintulot na kayo ay maging panelist ng aming pananaliksik.

Inaasahan po namin ang inyong pagtugon.

Salamat po!

Lubos na gumagalang,

ROXAS,Anthony Joshua M.

BAE,Maria Theresa Mae P.

Sa pahintulot ni:

Bb. Genevieve Yanong Plasus

Tagapayo
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Inaprubahan ni:

Bb. Eunice Templo

Panelist

Oktobre 23, 2018

Bb. Nathalia Malaga

Guro

Sa Paaralang Ito:

Binibini

Mabuhay!

Ang huling depensa sa pananaliksik na pinamagatang, “NEGATIBONG EPEKTO NG PAGGAMIT


NG INTERNET SA PAG-AARAL NG IKA-SIYAM AT IKA-SAMPUNG BAITANG NG
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL SA TAONG 2017-2018” ay nakatakdang isagawasa ika-13 ng
Oktubre 23, 2018. Bilang bahagi ng pag-tupad ng asignaturang Filipino I “Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik” kami po ay obligadong magkaroon ng isang pagdedepensa lamang.

Kami po ay humihingi ng pahintulot na kayo ay maging panelist ng aming pananaliksik.

Inaasahan po namin ang inyong pagtugon.

Salamat po!

Lubos na gumagalang,

ROXAS,Anthony Joshua M.

BAE,Maria Theresa Mae P.

Sa pahintulot ni:

Bb. Genevieve Yanong Plasus

Tagapayo
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

Inaprubahan ni:

Bb.Nathalia Malaga

Panelist

Apendiks C
Republic of the Philippines
REDEEMED IN CHRIST SCHOOL
265 C.M. Recto St., Parang, Marikina City

You might also like