You are on page 1of 29

PAGGAWA NG M AB U T I SA

KAPWA
PAGPAPALALIM
KALIGAYAHAN, KABUTIHAN, O KAGANDAHANG-LOOB AYON
SA ETIKA NI ARISTOTELES
Isa sa mga etikang naisulat ni Aritoteles ay ang Etika
Nikomakiya. Dito sa
nabanggit na etika ay tinalakay niya ang kaligayahan.
Bago niya pinalawig ang
tungkol sa kaligayahan, binigyang-diin niya kung ano ang
pagpapakatao. Ayon sa
kaniya, hindi ang pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang
pagiging tao na tao. Ang
pagpapakatao ay nag-uugat sa kalikasan niyang
magpakatao at ang pagkilos na
may layunin (telos)
KALIGAYAHAN, KABUTIHAN, O KAGANDAHANG-LOOB AYON
SA ETIKA NI ARISTOTELES

Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin


ng tao ay ang kaligayahan. Pero saan ba natin
matatagpuan ang kaligayahan? Ang kaligayahan ay
maaaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa
buhay. Ito ay nasa karangalan na maibibigay ng ibang tao.
At ang kaligayahan ay maaaring nasa birtud na moral.
Kailangan ba natin ang mga ito?
KALIGAYAHAN, KAGANDAHANG-LOOB/KABUTIHAN AT
PAGKATAO NG TAO
Dayagram 1.
Ugnayan ng Loob, Kabutihan o Kagandahang-Loob, Pakikipagkapwa
at Kaligayahan

Suriin ang dayagram sa itaas. Ipinakikita rito ang ugnayan ng loob o inner
self ng tao, ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob sa
pakikipagkapwa at
kaligayahan.

Ang kabutihan o kagandahang-loob ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa


kaniyang pagkatao. Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may
paniniwala na ang lahat ng nilikha ng Diyos ay kaaya-aya, maayos at may
angking
kabutihan. Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng mga
nilalang
dito sa sanlibutan
KALIGAYAHAN, KAGANDAHANG-LOOB/KABUTIHAN AT
PAGKATAO NG TAO

Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino ay indibidwal na
maaaring tumindig sa sarili niya dahil sa kaniyang kamalayan at kalayaan.
Ang tao dahil siya ay persona ay origihal ang kabutihan at ang paggawa ng
mabuti ay pagpakapersona o pagpapakatao (Dy, 2012 ).
KALIGAYAHAN, KAGANDAHANG-LOOB/KABUTIHAN AT
PAGKATAO NG TAO

Ang angking kabutihan o kagandahang-loob ng tao ay nakaugat sa


kaniyang loob. Ang loob ng tao ang siyang nagsisilbing munting tinig na
gagabay o gumagabay sa bawat kilos nito. Ang pagkakaroon ng likas na
kagandahang-loob ang magbibigay-daan para sa pakikipagkapwa. At ang
pakikipagkapwa-tao ang siyang magbibigay ng kaligayahan sa tao na siyang
huling layunin o hantungan niya.
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB BILANG EKSPRESYON NG MAGANDANG BUHAY
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB BILANG EKSPRESYON NG MAGANDANG BUHAY
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB BILANG EKSPRESYON NG MAGANDANG BUHAY
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB BILANG EKSPRESYON NG MAGANDANG BUHAY
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB SA KAPWA
TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

• 1. BAKIT MAHALAGA ANG PAGGAWA NG KABUTIHAN SA KAPWA?


• 2. PAANO NALILINANG ANG PAGKATAO NG BAWAT INDIBIDWAL SA PAGGAWA NG
KABUTIHAN?

• 3. MAY HANGGANAN BA ANG PAGGAWA NG KABUTIHAN? IPALIWANAG.


• 4. ANO ANG EPEKTO NG PAGGAWA NG KABUTIHAN ATING BUHAY?
PAGHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO
Panuto: Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutuhan
sa aralin? Isulat ang sagot sa mga kamay sa ibaba

Batayang Konsepto:

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

You might also like