You are on page 1of 3

Kabutihan ay hango sa salitang buti na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan at kabaitan.

Kagandahang-loob ay hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob.


loob ay tumutukoy sa inner self o real self, na tinatawag na kakanyahan ng tao.
Dito makikita ang tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao.

ETIKA NIKOMAKIYA - Isinulat ni Aristoteles ang kung saan niya tinalakay ang
kaligayahan. Ngunit bago ito, binigyang-diin muna niya kung ano ang pagpapakatao.

Ayon sa kaniya, hindi ang pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang pagiging tao ng tao. Ang
pagpapakatao ay nag-uugat sa kalikasan niyang magpakatao at ang pagkilos na may
layunin (telos).

Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan.

Pero saan ba natin matatagpuan ang kaligayahan? Ang kaligayahan ay maaaring nasa
kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay nasa karangalan na maibibigay ng ibang tao.

Kinakailangan pa rin ng tao ang kasarapan, karangalan at moral na birtud ngunit isaisip na
ang kaligayahan ay may angking katangian.

Katangian ng Kaligayahan :
 pagmatagalan,
 may kasarinlan,
 aktibo
 panghabang-buhay.

Ang layuning makagawa ng Maganda o Mabuti ay ang magbibigay ng kaligayahan

Magiging lubos ang pagpapakatao ng tao kung siya ay makikipagkapwa-tao

Ang kabutihan o kagandahang-loob ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa kaniyang


pagkatao

Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may paniniwala na ang lahat ng
nilikha ng Diyos ay kaaya-aya, maayos at may angking kabutihan.

Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng mga nilalang dito sa sanlibutan.

Ang angking kabutihan o kagandahang-loob ng tao ay nakaugat sa kaniyang loob.

Ang loob ng tao ang siyang nagsisilbing munting tinig na gagabay o gumagabay sa
bawat kilos nito
Ang pagkakaroon ng likas na kagandahang-loob ang magbibigay-daan para sa
pakikipagkapwa.
At ang pakikipagkapwa-tao ang siyang magbibigay ng kaligayahan sa tao na siyang
huling layunin o hantungan niya.
Ang Kabutihan o Kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay
 Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha.
 Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at magandang
pag-iisip, damdamin, at gawa ng tao habang namumuhay ito nang matiwasay.
 Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi ito
maipamamalas sa iba.
 Ang kabutihan o kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas ng
kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba talaga ang mabuti.

Ang kagandahang-loob ay hindi patungkol sa sarili lamang. Sa halip, ito ay patungo sa


kabutihang panlahat.

Ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob ay nangangailangan ng


pagsasakripisyo. Dumarating sa punto na kailangang kalimutan mo ang sarili alang-alang sa
ikabubuti ng iba.

Ang kagandahang-loob ay matutunghayan sa:

 pagmamahal at pagkalinga sa kapwa


 maayos at mapayapang pamumuhay o pakikitungo sa kapitbahay at iba pang kasapi ng
pamayanan
 pagmamalasakit sa mga palaboy sa lipunan
 pag-aaruga sa ating kalikasan

Dahil likas ang kagandahang-loob sa isang nilalang, walang hanggan ang paggawa nito
sa kapwa.
Ang magiging daan ng isang indibidwal para hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti
ay ang kaniyang “transcendent self”.
Sa Pilosopiya, ang transcendence ay nangangahulugang “going beyond”.
Ang isang tao ay may kakayahang malampasan ang anumang pagsubok o tukso na
darating dahil may talino at lakas na nagmumula sa kaniyang kalooban.

“unconditional love” o pag-ibig na walang pinipili o pasubali.

kabutihan o kagandahang-loob na ang sanhi kung bakit narito ang sangkatauhan. Ito ay
dahil sa kabutihan ng ating Manlilikha. Ang kabutihan o kagandahang-loob Niya ay nag-
uugat sa pagmamahal. Ang Diyos ay nagtataglay nang walang kapantay na
pagmamahal.
Ipinakita rin Niya ang kagandahang-loob sa mga taong makasalanan at itinakwil ng
lipunan.

You might also like