You are on page 1of 1

Suriin

Pagpapalalim:
Ang Ating Pananaw at Kahalagahan sa Pagtupad ng Gampanin sa Pamilya Mahalaga
ang pamilya. Masayang gunitain ang mga masasayang sandali at minsan naman ay
malulungkot na mga karanasan. Nakakalugod pag usapan ang mga masasayang ala-ala.
May mga sandali na nagbibiruan, nagtatawanan sa mga kalokohan,at nagtutulungan din sa
oras ng pangangailangan. Ang masasayang tawanan, pamamasyal lalo na sa bakasyon o
tuwing pasko at kahit simpleng sabayan at kuwentuhan lamang sa hapag kainan ay talagang
napakasaya. Ang mga okasyon at pagdiriwang o mga pagtitipon-tipon ay katibayan ng bigkis
na ito.
May pagkakataon ding napakalungkot katulad sa paglisan ng isang ama,ina o kapatid.
Pero ang pagdadamayan ang nagsilbing bigkis na nagpapatibay upang ang mga pagsubok ay
malalampasan. Minsan ay kay hirap lalo na sa kagipitan at paghihikahos. Dito nasusubok
ang tibay ng dibdib, lakas ng loob, pagtitimpi at pananampalataya sa Diyos. Dito rin
nasusubok ang lakas ng samahang pamilya, ang pagkukusa at ang pagtutulungan.
Sa mga magkaibigan na matagal nang hindi nagkita at biglang nagkasalubong, ay madalas
maririnig ang mga linyang, ikaw ba ‘yan? kumusta ka na? May asawa ka na ba?
Anong trabaho ng asawa mo? Ilan na ang mga anak ninyo? Lahat ba ay nakapagtrabaho na?
Ito ang iilang katibayan na likas ang mga Pilipino na makapamilya at nagmamahal ng pamilya.
Lahat ng tao ay may iba’t ibang karanasan kaya lahat ay may iba’t ibang pananaw o pagtingin
sa sariling pamilya depende kung anong klaseng pamilya meron ka at kung saan ka
napabilang. Iyan din ang nagpapakita kung bakit ang tao ay may iba’t ibang pagtingin o
reaksyon ng mga bagay bagay dahil na rin sa iba’t ibang pamilyang nakagisnan.
Ang bawat kasapi ng pamilya ay meron ding mahalagang papel na ginagampanan alang
alang sa ikabubuti ng lahat. May mga tungkulin ang bawat isa na ginagampanan.
Mahalagang maisabuhay at magampanan ito. Katulad ng pagtutulungan ng ama at ina upang
maibigay ang lahat ng pangangailangan at suporta sa isa’t isa bilang mag-asawa at tungkulin
din para sa mga anak ,hindi lamang sa pera o kaya sa pagtuturo ng mabuting pag uugali at
asal ng mga anak ngunit mahalaga rin ang pagiging malapit sa Diyos, paghubog ng
pananampalataya . Dahil kung hindi, hindi rin mararating ng pamilya ang kaganapan nito.
Maaaring may mga maraming problemang darating katulad ng hindi pagkakaunawaan at
pagkakaintindihan ng ama at ina at ng lahat ng mga kasapi na magbubunga na rin ng mas
maraming pang problema katulad ng pag-aaway, hindi naaagapan.pagkakaintindihan,
pagdrodroga ng mga anak na magdudulot ng mas marami pang kasamaan Kaya mahalagang
magampanan ng ama, ina at mga anak at lahat na kasapi ng pamilya ang kani-kanilang mga
tungkulin upang manatiling buo, matatag, maunlad at matiwasay ang pamilya, ang pamilyang
nagmamamahalan..

Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking
mundo ang pakikipagkapwa. Salangguhitan ang paraan ng paghahanda o pagtuturo na
ginawa ng magulang

You might also like