You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department Of Education
REGION II CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
RIZAL REGION NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY LEARNING PLAN

Teacher: EMYLOU DEZEREE R. MANONGDO Learning Area: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Quarter: 1 Grade Level: 8

Week: 4 Dates Covered: Sept. 14 & 16, 2022

 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.
(EsP8PB-Ia-1.1)
MELCS:  Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili. (EsP8MP-la-1.2)
 Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.
(EsP8MP-lb-1.3
)

LAYUNIN/ KASANAYAN SA ARALIN/GAWAIN


ARAW PAKSA
PAGKATUTO

1 1. Natutukoy ang mga Impluwensyang Hatid ng BALIK – ARAL SA NAKARAANG ARALIN AT


gawain o karanasan sa Pamilya /O PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN:
sariling pamilya na Gamit ang slide presentation ipabasa ang mga konsepto at tatawag ng ilang
kapupulutan ng aral o mag-aaral na magpapaliwanag ukol dito.
may positibong Hilig, Pamilya, Pagpapasiya, Talento, Sekswalidad, Pagpapahalaga sa
impluwensya sa sarili. pag-aaral
2. Nabibigyang halaga ang PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN:
kontribusyon ng bawat Babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
kasapi ng pamilya sa loob
ng tahanan at sa PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN:
lipunang kinabibilangan Ipamahagi sa mga mag-aaral ang kopya ng tula at ipabasa ng sabayan. Pasagutan
nito. ang katanungan sa ibaba.
3. Nakabubuo ng iba’t ibang Ang Aking Pamilya
pakahulugan tungkol sa ni: Julie Ann F. Rosario
pamilya gamit ang iba’t
ibang malikhaing Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
pamamaraan. Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
4. Natutukoy ang mga Sa mundong puno ng lungkot at problema,
gawain o karanasan sa Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.
sariling pamilya na
kapupulutan ng aral o Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,
may positibong Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
impluwensiya sa sarili. Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga


Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kuwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.


Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina.


Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.

1. Anong mga katangian ng isang pamilya ang isinasabuhay sa tula?


2. Ano-ano ang mga gampanin ng mga magulang ang isinasabuhay sa tula? Ano-ano
ang mga gampanin ng mga anak?

PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT BAGONG KASANAYAN:


Ako ay Ako Dahil sa Aking Pamilya
Panuto:
1. Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng
aral o nagkaroon ng positibong impluwensiya sa iyong sarili.

PAGLINANG SA KABIHASAAN
(TUNGO SA FORMATIVE ASSESSMENT):
 Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa notbuk.
1. Ano ang iyong nahinuha sa nakaraang gawain tungkol sa iyong pamilya?
2. Anong isang salita ang maglalarawan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang magampanan ng bawat miyembro ng iyong pamilya ang
kanilang kontribusyon o gampanin?

PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY:


 Bilang isang anak na bahagi ng isang pamilya, magtala ng limang gampanin o
kontribusyon sa loob ng iyong tahanan na lubos na nakatutulong upang mas
mapalago ang samahan ng iyong pamilya.

PAGLALAHAT:
Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan
ng ama’t ina na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya
ay may mga bahaging ginagampanan na makatutulong upang mapalago at
mapanatiling matatag ang kanilang samahan.

PAGTATAYA:
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. (pp. 16, ESP 8 SLM)
2 1. Napatutunayan kung Pag-iisip at Pagkilos ng Tao, BALIK – ARAL SA NAKARAANG ARALIN AT
bakit ang pamilya ay Magkaugnay /O PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN:
natural na institusyon ng Magbigay ng isang natatanging karanasan kasama ang iyong pamilya na sa
pagmamahalan at kasalukuyan ay patuloy na nakaiimpluwensiya sa iyong pagkatao tungo sa
pagtutulungan na pakikipagkapwa. Ibahagi ito sa harap ng klase.
nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN:
tungo sa makabuluhang  Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
pakikipagkapwa.
2. Natatalakay ang mga PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN:
dahilan kung bakit  Basahin ng tahimik ang tula at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
itinuturing na institusyon NOON AT NGAYON Ni: NDCM
ang pamilya. I. Puspusang paggabay at pagdidisiplina
3. Naibabahagi nang wasto Ang kay Itay at Inay noo’y makukuha
ang mga dahilan kung Batas na totoo ang turing sa salita nila
bakit itinuturing na Sa panahon ngayon tila ba nag-iiba na
intitusyon ng lipunan ang Tagasubaybay sa anak ay media at yaya
pamilya. Patitiwala’y lubos ng magulang na abala.

II. Tuwing linggo noon ay sama-sama


Buong pamilya at kamag-anakan pa
Kamustahan sadyang ligaya na.
Ngunit ngayon sa paglilibang nila
Lumilisan, namamasayl, kanya-kanya
Sa computer at dota doon sila abala.

III. Noon ang haligi at ilaw ay nadadatnan


Kahit dampa lang ay may pagmamahalan
Hindi ipagpapalit sa anumang kayamanan
Si Itay at Inay magpasyang maghanapbuhay
Sa ibang bansa para daw sa kinabukasan
Totoo nga konkreto na ang aming bahay….
Ngunit salat naman sa aral at paggabay.
Pagkatapos basahin ng tahimik ang kathang tula, suriin ito at sagutin ang mga
tanong kasunod nito:
1. Ano ang inilalarawan ng tula?
2. Ibigay ang mga pagbabagong nararanasan ng pamilyang Pilipino?
3. Anu-ano ang mga kadahilanan ng mga pagbabagong ito?
4. Paano naaapektuhan ang pag-uugnayan at samahan ng pamilyang Pilipino ng
mga pagbabagong ito?
5. Bilang miyembro ng pamilya, paano dapat harapin ang mga pagbabagong ito?

PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT BAGONG KASANAYAN:


 Gamit ang powerpoint presentation, ilalahad at tatalakayin ng guro ang iba’t
ibang kahulugan ng pamilya at ang pitong dahilan kung bakit itinuturing na
institusyon ng lipunan ang pamilya.
PAGLINANG SA KABIHASAAN
(TUNGO SA FORMATIVE ASSESSMENT):
 Gamit ang graphic organizer buuin ang mahalagang konseptong nahinuha mula
sa mga nagdaang gawain. Isulat ito sa isang buong papel.

PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY:


“Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya ay nakaka-impluwensya
sapakikitungo sa kapwa.” Paano mo isasabuhay ang mga natutunan sa araling ito?
Magbigay ng isang halimbawa o sitwasyon kung sakaling naranasan na ito.

PAGLALAHAT:
Ang pamilya ay maituturing na isang likas na institusyon sapagkat (1) Ang pamilya ay
pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at
pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan, (2) Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng
isang lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at magsama nang habangbuhay, (3)
Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon at
patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay, (4) Ang
pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal, (5) Ang pamilya ang una at hindi
mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay, (6) May panlipunan at
pampolitikal na gampanin ang pamilya at (7) Mahalagang misyon ng pamilya ang
magbigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya.

PAGTATAYA:
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem at piliin ang titik ng
pinaka-angkop na sagot.
1. Ano ang ibig ipahiwatig ng talatang ito: “Matatag na pamilya, matatag na bansa”?
a. Maihahalintulad ang pamilya sa kasabihang ito: “Kung ano ang puno, siya rin
ang
bunga”.
b. Dahil ang matibay na samahan ng pamilya ang siyang nagpapatibay ng
samahan sa lipunan.
c. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan dahil ito ang pinakamaliit na yunit ng
lipunan.
d. Sinasalamin ng isang bansa kung ano ang makikita sa isang pamilya
2. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa-tao.”
Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang
pakikipagkapwa-tao
b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyonan_ang
problema
c. c.Ang maayos na samahan sa pamilya ay ngtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang
kinabibilangan
3. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos na pamilya?__________
a. Mga patakaran sa loob ng bahay
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pagtatanggol sa karapatan ng pamilya
d. Kasal ng mga magulang
4. Ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang
dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya
c. Dahil sa pagmamahalan ng dalawang tao na nagpasiyang magpakasal at
magsama
habambuhay
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikpag-ugnayan at pagpapahalaga sa
kapwa.
5. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga
institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng
lipunan?
a. Paaralan c. Pamahalaan
b. Barangay d. Pamilya

Inihanda ni: Itinala ni:

EMYLOU DEZEREE R. MANONGDO JULIETA M. DOMINGO, EdD


Teacher III Principal IV

You might also like