You are on page 1of 1

"DISIPLINA ANG KAILANGAN NG MGA KABATAAN SA PAGTAHAK NG MAAYOS AT TUWID NA DAAN"

Johnmark Grecia

Ang curfew ay isang magandang batas para sa mga menor-de -edad na nasa langsangan
na pakalat-kalat.Nais ipatupad ng isang mambabatas ang curfew sa mga menor de edad sa buong bansa
upang mabigyang proteksyon at malayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo at malayo sila sa
krimen.Sa panukalang ito, ipinagbabawal ang mga batang 17 taon gulang pababa na gumala, maglibot, o
matulog sa lansangan nang walang kasamang nakakatanda, sa pagitan ng alas-10 ng gabi hanggang alas-
5 ng umaga.Marami mang nagtangkang tumutol ngunit hindi nanaig ang kanilang panig bagkus ngayon
ay naisabatas na ang natiowide na pagpapatupad ng curfew. Napakagandang ipatupad ang curfew sa
mga menor-de-edad dahil maraming menor-de-edad na pakalat-kalat sa oras ng hating gabi sa kalsada.

Kaya, ipapatupad ang curfew para hindi na makakagala ang mga kabataan sa mga oras na bawal na
lumabas. Dahil maraming menor-de-edad na naaksidente sa hindi tamang pag-uwi nila sa kanilang
bahay, minsan umaabot sila sa pag uwi ng umaga at naisama sila sa maling gawin. Marahil maraming
kabataan ang tutol o hindi sumang ayon sapagkat malilimitahan ang oras ng kanilang pag tambay gunit
taliwas ito sa mga naging desisyon ng mga magulan, ayon s kanila mas makabubuti umano sa kanilang
mga anak ang programa o batas na ito dahil mas mapapanatag ang loob nila sa tuwing sasapit ang gabi.

Para saakin ang curfew ay isang magandang daan o solusyon ng pamahalaan para sa mga menor de
edad na kabataan dahil simula noong ipinatupad ang curfew ay wala na halos pakalat kalat na kabataan
sa lansangan.

Ako'y pabor sa pag kakaroon ng Curfew nakakabuti ito sa mga kabataan na hindi nalamang lumabas ng
kani kanilang tahanan at maiwas sa mga anumang aksidente o dikaya ay gulo , nakakabuti rin ito sa mga
magulang ng mga kabataan na hindi na mag aalala sa kanilang mga anak sapagkat ito'y nakapirmi nalng
sa kanilang tahanan bunga ng pag kakaroon ng curfew sa mga baranggay tuwing gabi.

Ang Curfew ay talagang nakakabuti para sa lahat lalu na sa mga kabataan tulad ko kaya't ito ay ipag
patuloy pa sana upang ang bawat isa ay ligtas .

You might also like