You are on page 1of 3

Banyagang literatura

Ayon sa konsepto ng curfew na mababasa sa pros ng debatabase book by the


editors of IDEA (2007). Ang pamamaraan na ito ay nakakabawas at nakakapigil sa
bantang paglaki ng krimen na may kinalaman sa mga kabataan. Bagamat ang mga
responsableng magulang ay hindi hinahayaan ang kanilang mga anak na lumabas ng
hatinggabi, hindi ito nangangahulugang lahat ng magulang ay responsable.

Ang ating lipunan ay kailangang masiguro na ang mga kabataan ay maibalik ng


ligtas sa kanilang mga tahanan at mabigyang pansin ng mga magulang ang kanilang
pangangailangan. Ang curfew ay maaaring makatulong para mabago ang sitwasyon ng
mga kabataang naging biktima at maaaring maging biktima ng masamang kultura tulad
ng pag-anib sa mga gangs na maaring magbunga ng masamang dulot tulad ng riot sa
isang partikular ng lugar.

Walang sapat na dahilan ang mga menor de edad na manatili sa labas ng kanilang
mga tahanan. Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras ng mga kabataan sa kanilang mga
magulang at pagbibigay pansin sa mga positibong aktibidad tulad ng sports, itoy
nagbibigay kulay at pansin sa mga magagandang bungang dulot ng curfew.
Ang Curfew ay hindi bagong ideya, Itoy ginamit na bilang pamamaraan sa
pagkontrol at pag oorganisa sa mga mamamayan at oras ng pagpapahinga lalo na ng mga
sundalong may karangalan noong panahon ng digmaan. (A brief history of curfews,
2002).

Ayon kay Mrs. John Townsend (1896) ang pag-iwas sa krimen ay mas maigi
kaysa lunas sa maaaring maging krimen at kaniyang tinanong kung bakit hindi natin
sinusuportahan ang curfew para sa mga kabataan gayong kailangan natin ito.

Lokal ng Literatura
Ayon kay Quennie N. Quiobe, Ken M. Galvez (2010). Isa sa pinamakatinding
pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problema sa ilegal na
droga. Maaaring maging sagabal ang mga menor de edad sa mga operasyon na maaaring
paghandaan ng ating kapulisan tuwing hatinggabi.
Matapos lagdaan ng ating dating Pangulong Arroyo ang batas na "The Juvenile
Justice and Welfare Act" na inakda ni Sen. Francis Pangilinan (2006) na magbibigay
proteksiyon sa mga menor-de-edad upang makuha ang tamang hustisya mula sa anumang
panggigipit dahil na rin sa kinakaharap na kaso at maaaring maging kasangkapan ng mga
terorista at maging banta sa anumang operasyon na isasagawa ng ating kapulisan. Sa
ilalim ng The Juvenile Justice Welfare Act, ang mga bata na nahuhuling gumawa ng
krimen ay dapat agad na maibigay sa pangangalaga ng welfare council na itatatag at nasa
pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Lambino (2007). Bago matapos ang pagkaluklok sa pwesto ng dating
Pangulong Ferdinand Marcos noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Siyay nagpatupad ng
kautusang curfew sa ilalim ng batas militar. Sinundan ito ng dating Pangulong Arroyo
(Philstar, 2006) at ngayoy mahigpit na ipinapatupad ng ating Pangulong Rodrigo Duterte
(Rappler,2016).
Ayon sa Rappler (2016). Sinang ayunan ng ating kasalukuyang Pangulong Duterte
ang nasabing patakaran ukol sa curfew sapagkat itoy kailangan. Ang dating Mayor na
ngayoy kasalukuyang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay dumaan sa pitong termino
bilang datingh Mayor sa syudad ng Davao. Sa Davao, 18 pababa ay hindi
pinahihintulutang gumala sa lansangan sa mula 10pm hanggang 5am maliban nalang
kung may kasamang magulang o legal guardian. Ayon sa batas, ang mga batang wala pa
sa wastong gulang ay hindi maaaring arestuhin ngunit ang mga magulang ay dapat
managot at hulihin dahil sa kapabayaan sa kanilang mga anak at ang pulis na lalabag ay
maaaring masuspensyon dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Source
The Debatabase Book: A Must-Have Guide for Successful Debate 3rd edition by the
editors of idea (2007) international Debate Education Association:
America's Curfew Debate Author(s): Heather Olsen, The North American Review, Vol.
294, No. 5 (SeptOct, 2009), p. 48Published by: University of Northern Iowa Stable
URL: http://www.jstor.org/stable/20697848 .Accessed: 18/06/2014 11:33
Ang bawal na gamot, sa buhay ng isang kabataan: Isang Pag-aaral Partido State
University Laboratory High School Goa, Camarines Sur A/Y 2009-2010
Websites
http://www.philstar.com/bansa/337080/15-anyos-pababa-%C2%92di-na-pwedengikulong
http://www.rappler.com/nation/133281-duterte-curfew-minors-karaoke-sessions
http://scholarworks.umb.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1402&context=masters_theses

You might also like