You are on page 1of 2

“Upang magtagumpay, kailagan muna nating paniwalaan na

kaya nating magtagumpay”, wika ni Nikos Kazantzakis. BUnga


ng pag-iibigan ng mga magulang ko na si Albert O. Compra at
si Jennifer C. Compra, ako ay isinilang sa mundong ito, at ang
kamay nina Mama at Papa ay ang aking ilaw.

Mula noon, hanggang ngayon, hindi nagkukulang ang kanilang


pagmamahal sa akin at sa dalawa kong kapatid, sina Patricia
May C. Compra at si Patrick Albert C. Compra. Pantay-pantay
ang kanilang pagtingin sa aming talong magkakapatid. Walang
kulang, walang sobra.

Isang araw, hindi namin inaasahang ang lola ko ay


magkasakit. Kinailangan niyang pumunta ng dalawang beses
sa isang linggo at gamitin ang mga makina sa Dialysis Clinic
upang ang kanyang buhay niya’y tatagal pa. Ang gastos namin
tuwing session ay 5000 pesos. Dahil dito, kami ay naghihirap.
Ang Budget namin, ang mga gastusin ay mas maliit kesa sa
dati.

Ngunit sa kabila ng paghihirap na ito ay hindi sumusuko ang


mga magulang ko, patuloy pa rin kami sa pag-aaral at
sinusuportahan kami sa mga bilihin para sa mga proyekto na
ibinigay ng paaralan.

Sa kabutihang palad, naka pag-apply ang mga magulang ko sa


FJC, “Father John Clifford” Scholarship, at ako ay natanggap.
Napaisip ako na ginagawa ng mga magulang ko ang kanilang
dapat gawin, kayadapat din akong magsisikap.

Nagkaroon ako ng inspirasyon. Araw-araw, gabi-gabi, ako ay


nag-aaral ng mga aralin ko. Minsan, ako ay nagpupuyat upang
makagawa ng mga proyekto na hinihingi ng guro. Naging
matiyaga ako at hindi ko akalang nagbunga ito.

Naging consistent achiver ako. Nakita ko ang ngiti ng mukha


ng mga magulang at ito ang pinaka magandang tanawin sa
buong mundo.
Aral: Ang pagiging matiyaga ay isang daan upang magkaroon
ka ng magandang kinabukasan. Ang kahirapan ay hindi ang
tanging rason upang ikaw ay sumuko, ito ay nagsisilbing
inspirasyon upang magtagumpay at maabot ang pangarap mo
sa buhay

Tiyaga
at Bukas
Ipinasa kay : Mrs. Rosell
Ipinasa ni : Pat Anthony C. Compra

You might also like