You are on page 1of 1

Ipinapakita sa bahaging ito ang kasaysayan ng salita, mga pinagmulan, at kung sa

paanong paraan nabago ang paggamit, anyo, at kahulugan sa paglipas ng panahon ng


gamit sa salitang ‘equity’. Upang maipaliwanag ang paggamit ng salitang ‘equity’ sa
kasaysayan ng paggamit ng salitang ito, nakapaloob sa bahaging ito ang timeline ng
kahulugan ng ‘equity’ mula sa mga sanggunian ng Dictionary.com, Etymonline.com,
Grammarphobia.com

13th century: Ang equite ay hango sa wika ng Old French na ang Latin roots ay nangangahulugan na
patas, pantay, at makatarungan. (Etymonline.com)

1315: Pinakaunang kilalang paggamit ng equyte ay ayon sa sanggunian ng “domes [judgments] in


equyte” na galing sa isang tula ni William de Shoreham, vicar of Chart-Sutton.
(Grammarphobia.com)

1390s: Nakita ang isa sa mga unang gamit ng ‘equity’, kasama ang salitang equality sa classical 
Latin na aequus na isang pang-uri. (Grammarphobia.com)

1391: Nabanggit ang katulad na salita at depinisyon ng ‘equity’ sa aklat ni Geoffrey Chaucer na
pinamagatang A Treatise on the Astrolabe. Nabanggit ang mga parirala na “howres
equales” at “howres in-equales” na ang ibig sabihin ay patas na oras at hindi patas na
oras.

14th century: Ang unang naitalang gamit ng salitang equity ay may kahulugan ng hustisya ayon sa
natural na batas o karapatan. (Merriam-Webster.com Dictionary)
1590s: Galing sa Roman naturalis aequitas, na ang ibig sabihin ay pangkalahatang mga prinsipyo ng
hustisya na nakabatay sa legal codes.(Etymonline.com)

1591: Ang ‘equity’ ay pinaniniwalaang unang umiral sa mga sulatin sa taong ito. Ayon sa The
American Heritage Dictionary of the English Language, ang depinisyon sa paggamit ng
salitang equity sa panahong ito ay ang pagkakamit ng hustisya na hindi lamang
alinsunod sa mahigpit na mga sulatin ng batas ngunit alinsunod sa mga prinsipyo ng
hustisya at sa mga kaso. 

16th century: Nagkaroon ng bagong kahulugan na ginamit sa larang ng batas. Sa panahong ito,
ginamit ang salitang equity sa mga kasangkot sa pagtatalo ukol sa mga karapatan at
pag-angkit ng mga pagmamay-ari. (Dictionary.com)

20th century: Naunang ginamit ang salitang equity sa larang ng pananalapi o finance sa siglong ito.
Naging pangkaraniwang ang paggamit ng salitang ito sa mga tuntunin ng pagmamay-ari
ng asset at stock.(Dictionary.com)

1913: Itinatag ang Actor’s Equity Association, isang Amerikanong unyon na kumakatawan sa
pagganap ng teatro. Ang unyon na ito ay pinoprotektahan ang mga karapatan ng mga
aktor sa teatro.(Dictionary.com)

You might also like