You are on page 1of 2

\

Filipino

Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular


p

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 13.1. Paglaganap ng Popular na Babasahin sa


Internet
Simulan
1. Ano-ano ang mga salitang naiugnay mo sa katotohanan? Iba-iba ng magiging sagot
ang mga mag-aaral.
2. Bakit mo napili ang mga salitang ito? Iba-iba ng magiging sagot ang mga mag-aaral
subalit inaasahang ito ay dahil sa pagiging kasingkahulugan, kaugnay, halimbawa, o
paglalarawan sa salitang “katotohanan”.
3. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang katotohanan sa anomang aspekto? Ang
katotohanan ay ang dapat na maging batayan ng lahat. Mahalaga ang katotohanan
sa paggawa ng tamang desisyon at pagbuo ng makatuwirang pananaw. Ito ang
nagpapakita ng dapat at hindi dapat kaya naman kailangan ang kamalayan dito.

Sagutin Natin
1. Kailan agsisimula sa paggamit ng internet sa Pilipinas? Ang internet ay nakarating sa
Pilipinas noong Marso 29, 1884.
2. Ano-ano ang naging bentahe ng progresong ito ng teknolohiya sa mga popular na
babasahin? Sa tulong nga teknolohiya ng kompyuter at internet ay mas napabilis ang
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe at impormasyon. Nakapagdadala rin ito ng
teksto nang libre.
3. Ano-ano ang naging kahinaan ng progresong ito ng teknolohiya sa mga popular na
babasahin? Naging suliranin ito para sa industriya ng palimbagan. Bukod pa, hindi rin
ligtas sa aberya sa koneksiyon ang teknolohiyang ito. May mga karanasan din itong
hindi naibibigay sa mga mambabasa ng popular na babasahing nakalimbag na
nakasanayan na lalo’t higit para sa mga hilig talaga ang pagbabasa.

1
\

Filipino

Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

Subukan Natin
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagtitiyak ng pagkamakatotohanan ng impormasyon sa
internet? Mahalagang tandaan sa pagtanggap ng impormasyon sa internet na kailangan ang
masusing pagsusuri sa pinagmulan, nilalaman, at anyo nito upang matiyak ang kawastuhan
ng binabasa.

Isaisip Natin
Paano mo magagampanan ang iyong responsibilidad sa pagtatanggol at pagpapalaganap ng
totoo at mapagkakatiwalaang impormasyon? Magagampanan ito sa pamamagitan ng
pagiging masusi sa pagsusuri ng kinokonsumong impormasyon at sa pamamagitan ng
pagiging maingat sa pagbabahagi ng impormasyong ito. Bukod pa, maaari ding makilahok
sa mga kampanya kontra sa maling impormasyon at pagtulong sa pagpapalaganap ng
tamang balita.

Pag-isipan Natin
Paghambingin ang mga popular na babasahing nakalimbag at nakalathala sa internet.
Punan ang talahayan ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa.

Iba-iba ng magiging sagot ang mga mag-aaral.

You might also like