You are on page 1of 1

Lagom ng Sining

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng pananaw at opinyon ng mag-aaral tungkol sa


epektong dulot ng paggamit ng gadgets sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng unang taon sa
koliheyo sa Daraga Community College.

Tinukoy na paksa sa pananaliksik na "Epekto ng paggamit ng Gadgets sa Akademikong pag-aaral ng


mag-aaral ng Unang taon sa Koliheyo sa Daraga Community College" ay may malaking kaugnayan sa
pag-aaral na isinagawa. Ang mga ideya ng mga awtor na ito ay nagbigay ng malaking tulong sa
pagpapayaman ng kaalaman at nagsilbing gabay sa nasabing pag-aaral.

Ayon sa kina Gergimar John Alinsangao, Ryan Nawal, Renan Sansait at Clark Lachica (2013)
Nakapagdudulot ang mga ito ng kasiyahan at nagpapadali sa mga gawaing akademiko at propesyonal.
Mas napapadali ang komunikasyon at marami na ring mga paraan upang makakuha at makapagbigay ng
impormasyon." Sa mga nabanggit, nakikita natin ang pagkakatulad nito sa aming gustong pag-aaral dahil
sa makabagong teknolohiya, nagkaroon ng malaking pagbabago mula sa dating pamumuhay. Ang mga
dating mahirap at mabibigat na gawain ay napapagaan ng mga makabagong teknolohiya at siyensya. Isa
sa mga ito ay ang mas mabilis na pakikipagkomunikasyon mula sa malalayong lugar.

Dahil sa gadgets at tulong nadin ng teknolohiya, nagiging mas organisado at mas madali ang mga
gawain sa paaralan, lalo na para sa mga mag-aaral na naghahangad ng mataas na kalidad na
edukasyon. Sa mga tala na nabanggit, malinaw na maraming benepisyo ang teknolohiya na nakatulong
sa buhay ng mga estudyante at propesyunal. Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Mc Lester Acurin tungkol
sa Epekto ng Gadgets at Teknolohiya sa mga Mag-aaral sa Unang Taon (2016), "ang teknolohiya ay
malaki ang naitutulong sa buhay ng mga mag-aaral sa eskwelahan, maging ito man ay sa aspektong
akademiko o sa libangan".

Samantala dagdag pa rito ay ideya sa Ayon pa din kina sa Gergimar John Alinsangao, Ryan Nawal,
Renan Sansait at Clark Lachica (2013) Sa kabila ng mga pakinabang na ito’’, may mga salik din na
nagiging daan upang maging masamang impluwensya ang mga gadgets tulad ng may mga bagay na
hindi maiiwasan at nakakaabala sa pag-aaral. Ang popularidad ng Facebook at iba pang social
networking sites ay nagiging bahagi na ng buhay ng isang estudyante. Ang oras sa pag-aaral kung gabi
ay nauubos sa pagfe-Facebook. Nagiging dahilan din ito upang mawala sa pokus sa pag-aaral. Umaasa
na lamang sila sa mga impormasyon sa internet at kadalasan ay "copy-paste" na lamang ang ginagawa.
Nagiging limitado na lamang ang kakayahang intelektwal ng mga mag-aaral sa ganitong paraan. Sa oras
ng klase ay hindi na nakikinig sa guro dahil mas inuuna ang pagtext. Minsan, nauubos ang pera sa
paglalaro ng online games sa internet cafe. Minsan nama’y inuumaga sa pagtulong dahil sa panonood ng
movies.

Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng teknolohiya sa mga mag-aaral, at malaki ang
maitutulong nito upang masagot ang tanong kung gaano ba talaga kahalaga ang teknolohiya at kung
gaano kalaki ang epekto nito sa buhay ng mga mag-aaral ng Unang Baitang sa Daraga Community
College, kung saan ang mga napiling baitang ay magiging bahagi ng pananaliksik na ito. Katulad ng iba
pang mga kaugnay na literatura at pag-aaral, karamihan sa mga ito ay nakakatulong upang mapadali ang
pag-aaral.

You might also like