You are on page 1of 21

Distance Learning at Antas ng Motibasyon sa Asignaturang Filipino sa mga mag-

aaral ng Senior High School ng ACES Tagum College Incorporated

Isang Pag-aaral na Iniharap sa Lupon ng Pananaliksik


ng Institusyon ng Edukasyon
Aces Tagum College
Lungsod ng Tagum

Bilang Bahagi ng Katuparan sa mga Kinakailangan


para sa Programang Batsilyer ng Edukasyon - Filipino

Wayne Justin Tulod


Mary Jane Maute
Charlie Legaspi
Vanessa Gamil

Agosto 2021
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ma determina ang Distance Learning at

Antas ng Motibasyon sa Asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng Senior High School

ng ACES Tagum College Incorporated.

Sa pag-aaral ng ito ang mga mahahalagang katanungan na nabigyan ng tugon

ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang antas ng Distance Learning ayon sa;

1.1 Modular Distance Learning;

1.2 Online Distance Learning

2. Ano ang antas ng motibasyon sa pag-aaral ng asignaturang Filipino ayon sa;

2.1 1. Intrinsic Motivation

2.2 Extrinsic motivation

3. May makabuluhan bang pagkakaiba ang Distance Learning kung susuriin

ayon sa;

3.1 seksyon; at

3.2 kasarian?

4. May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng motibasyon sa

asignaturang Filipino kung susuriin ayon sa;

4.1 seksyon; at

4.2 kasarian?
5. May makabuluhan bang kaugnayan ang Distance Learning at Antas ng

motibasyon sa Asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng Senior High School ng

ACES Tagum College Incorporated.?

Mga Hinuha

Ang mga sumusunod na hinuha ay sinuri gamit ang 0.05 antas ng

makabuluhang pagkakaiba at pagkakaugnay.

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang Distance learning kung susuriin ayon

sa seksyon at kasarian.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang mga antas ng motibasyon sa

asignaturang Filipino kung susuriin ayon sa seksyon at kasarian.

3. Walang makabuluhang kaugnayan ang Distance Learning at Antas ng

motibasyon sa Asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng Senior High School ng

ACES Tagum College Incorporated.


Malayang Baryabol Di- Malayang Baryabol

Distance Learning Motibasyon sa asignaturang


Filipino
 Modular Distance
Learning  Intrinsic Motivation
 Online Distance  Extrinsic Motivation
Learning

 Seksyon
 Kasarian

Tagapagitang Baryabol
Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa konsepto ng teacherph.com (2020) na

kung saan ipinapaliwanag na ang Distance Learning ay uri ng pamamaraan sa -

pagtuturo ng guro sa mga mag-aaral na walang face to face na pagtuturo at

pagkatuto. Ang pamamaraan na ito ay ginagamitan ng modyul, pagtuturo at

pagkatuto gamit ang internet at iba pa. Sa mga paraang ito naipapatuloy ang

pag-aaral at pagkakatuto ng mga mag-aaral kahit lahat ay humaharap sa

pandemya na ipinagkait ang dating nakasanayan. Sa bagong normal nagagamit

ang mga makabagong estratehiya gamit ang teknolohiya, modyul, at iba pa at

dito nabibigyang kabuluhan pa rin ang edukasyon sa bansa. Ang teoryang

Connectionism ni Edward Lee Thorndike na ginamit bilang teorya ng pag-aaral.

Ito ay kinapapalooban ng dalawang magkaugnay na elemento sa pagkatuto, ang

pampasigla (stimulus) at ang tugon (response). Ang pagkakaugnay ng dalawa ay

nagiging isang gawi at maaaring palakasin o pahinain depende sa

kalikasan o uri at dalas ng pagtatambal ng stimulus at response. Ibig sabihin

na ang pagkatuto at ang pag-uugali ay mabubuo kung makahahanap ng

isang epektibong pamapasigla(stimulus) na magpatatag ng koneksyon sa

pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng estudyante upang

magkaroon ng isang makahulugang karanasan sa pagkatuto.


Sa pag-aaral na ito, ang Distance Learning na pamamaraan ay ang

malayang baryabol na kung saan sumailalim dito ang Modular Distance Learning at

Online Distance Learning na pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto. Ang mga

estratehiyang ito ang ginamit ng guro sa pagtuturo ng Filipino sa baitang-10 ng Mataas

na Paaralang Pambansa ng Mabuhay. Ang di-malayang baryabol ay ang Motibasyon sa

Pag-aaral ng asignaturang Filipino, at ito ay masusuri sa pamamagitan ng motibasyon

sa pag-aaral. Ang seksyon at kasarian naman ang tagapagitang baryabol upang

malaman kung may kaibahan ang antas ng Distance Learning at ang antas ng

motibasyon sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.

Katuturan ng mga Katawagan

Sa pakahulugan ng Merriam-Webster ang Distance Learning ay isang paraan ng

pag-aaral kung saan ang mga guro at mag-aaral ay hindi na nagkikita sa loob ng silid-

aralan. Sa halip, internet,e-mail, video conferencing apps, at modyul na ang gagamitin

sa pag-aaral.

Sa pakahulugan ni Cabanac(1992) ang Motibasyon ay siyang nagdidirekta ng

pag-uugali patungo sa isang partikular na mithiin na nagbubunga ng kasiyahan o di

kaya ay bawasan ang hindi magandang nakasanayan.


Sa pakahulugang naitala ng Balud Municipal college (2020) sa kanilang artikulo

na ang Modular Learning ay nakalimbag na materyal na maaring gamitin bilang

alternatibo sa face-to-face na klase. Ang module ay nakalimbag o printed na materyal

na katumbas ng isang aralin o leksyon sa isang asignatura.Ibig sabihin, ang isang mag-

aaral ay maaring matuto gamit lamang ang modyul kahit hindi niya kaharap o kasama

ang guro at kahit wala siya sa paaralan.

Sa pakahulugan ng Dep-Ed (2020) sa Online Distance Learning ito ay ang

pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang ibat-ibang teknolohiya

na mayroong internet access. Maaraing gumamit ng mga digital format katulad ng mga

CD, DVD, laptop, computer, o tablet, at (cellphone).

Sa pakahulugan ni Kendrea Cherry (2021) sa kanyang artikulo ang Intrinsic

Motivation ay tumutukoy sa pag-uugali na naghihimok o nagnanais ng panloob na

gantimpala.Nagiging kontento at masaya sa mga ginagawa. Halimbawa: mas

nasisiyahan at inaasam ang matuto kaysa sa pagkakaroon ng mataas na grado.

Sa pakahulugan ni Kendra Cherry (2021) sa kanyang artikulo ang Extrinsic

Motivation ay tumutukoy sa pag-uugalli na naghihimok o nagnanais ng panlabas na

gantimpala. Gaya na lamang ng mahahawakang gantimpala na pera at grado o kaya

mga hindi mahahawakang gantimpala tulad ng pagiging bantog at mga papuri. Mga

halimbawa: pagsali sa paligsahan dahil may gantimpalang tropiyo at pera. Gumagawa

ng mga gawain sa paaralan para sa kagustuhang makatanggap ng magandang grado


at pagkilala. Ginagawa ang mga bagay na hindi gusto para sa ninanais na gantimpala o

upang hindi mapatawan ng karampatang kaparusahan.


Kabanata1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Sanligan ng Pag-aaral

Simula nang lumaganap ang COVID-19 pandemya sa Pilipinas marami

ang nahihirapan isa na ang mga mag-aaral na nagbago ang stilo ng pagkatuto dahilan

ang pagbabawal na magkaroon ng face-to-face classes sa bansa. Isa sa paraan na

inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas upang maipatuloy ang pag-aaral ng

kabataan ay ang pagkakaroon ng Distance Learning na kung saan ang kabataang mag-

aaral ay mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ang modular distance learning at online

distance learning ay dalawa lamang sa apat na mga pamamaraan ng distance learning

na kung saan ang mga ito ang humalili sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Buhat nito, Isa

sa ikinababahala ngayon ng mga guro ay kung ang mga mag-aaral ba ay natututo

gamit ang makabagong pamamaraan ng pagkatuto at kung ano ba ang pinapairal

nilang motibasyon sa pagkatuto lalo na sa asignaturang Filipino. Kaya, Sa pagbuo ng

pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay naglalayon na madetermina ang antas ng

distance learning at antas ng motibasyon sa asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng

Senior High School ng ACES Tagum College Incorporated.

Sa global na pag-aaral, ayon nina Alexandra Usher at Nancy Kober (2012) Ang

motibasyon ay makakaapekto sa paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa

pangkalahatan, kung paano sila nauugnay sa mga guro, gaano karaming oras at

pagsisikap ang iniukol nila sa kanilang pag-aaral, gaano sila kasigasig kapag
nahihirapan sila, kung paano ba nila isinasagawa ang mga pagsusulit, at marami pang

ibang aspeto ng pag-aaral. Gaano man kabuti ang guro, kaayos na kurikulum o

paaralan kung walang motibasyon ang mga estudyante, mahirap, kung hindi imposible,

na pagbutihin nila ang kanilang akademikong pag-aaral,

Sa Pilipinas, ayon kay Cabigao (2014) isa ang guro sa mga nakapagbibigay ng

motibasyon sa mga mag-aaral upang mag-aral. Nahihikayat ang mga mag-aaral na

pagbutihin ang pag-aaral kung may kagandahang impluwensiya ang guro na

ipinapakita. Gayundin, ang mga magulang sila ay may malaking ambag sa pag-usbong

ng motibasyon ng mag-aaral. Isang mahalagang salik at impluwensiya ang magulang

sa lubos na pagkatuto ng mag-aaral.

Sa lokal na pag-aaral, ayon kay Grace T. Adlawon (2021) guro sa Filipino ng

ACES Tagum College Incorporated ang

Sa pananaliksik na ito, ay ating matukoy ang ipinapakitang motibasyon ng mga

mag-aaral ng Senior High School ng ACES Tagum College Incorporated sa

asignaturang Filipino. Sapagkat alam natin na kailangan nating malaman ang

motibasyon na ipinapairal ng mga mag-aaral lalo na sa panahong walang harapang


pagtuturo at pagkatuto ang mga guro at mag-aaral dulot ng COVID-19 pandemya. Sa

pagmulat natin sa kanila sa kahalagahan ng pag-aaral maari tayong makatulong sa

pag-abot ng kanilang tagumpay sa hinaharap.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang malaking tulong para sa mga sumusunod na

indibidwal, ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing benepisyaryo ng pag-aaral:

Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-

aaral na pangunahing salik sa pananaliksik. Upang mabatid ng bawat mag-aaral ang

kabutihang naidudulot ng pagpapahalaga sa bawat motibasyong ipinapakita sa

asignaturang Filipino. Gayundin, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito mabibigyang

linaw ang mga salik na maaring makaapekto sa motibasyon ng mag-aaral lalo na sa

panahon ng pandemya.

Mga guro. Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga guro na magabayan kung paano

itaguyod ang mag-aaral sa pagpapa-usbong ng kanilang motibasyon. Nakakatulong ito

upang malaman ng bawat guro ang kadahilanan ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang

motibasyon sa asignaturang Filipino at mag-uudyok sa kanila upang makabuo at

makagamit ng mga pamamaraang magpapataas sa pagpapaunlad ng motibasyon ng

mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.


Kaugnay na Literatura

1. Distance Learning

Ayon kay Gonzales (2020), taong Oktubre 2011 pa nang ilunsad ng Department

of Education's, Bureau of Secondary Education ang Internet-based Distance Education

Program o iDEP at ang Open High School Program o OHSP. Ito ang nakitang paraan

ng kagawaran para mabawasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga high school

dropouts sa Pilipinas. Marso naman ngayong taon nang ilunsad ng DepEd ang DepEd

Commons. Ito ay isang online platform na hitik sa mga resources na magagamit ng

mga mag-aaral mula kinder hanggang Grade 10. Makikita rito ang iba't-ibang learning

modules, stories, games, at iba pang makakahikayat sa mga bata para ipagpatuloy ang

kanilang pag-aaral kahit nasa bahay lang.

Binigyang-diin ni Committee on Basic Education Chairman Senador Win

Gatchalian ang kahalagahan na masuri kung natututo nga ba ang mga kabataan sa

ilalim ng distance learning setup. Iginiit ito ni Gatchalian sa harap ng paninindigan ng

Department of Education na walang malinaw na basehan ang mga ulat ng massive

dropout ng mga estudyante. Bukod pa rito, sa report na mayroon ding mga mag-aaral

ang hindi nakikilahok sa online class o kaya naman ay hindi nagsusumite ng kanilang

mga requirements. Ani niya, isa ring nakakabahalang sitwasyon ang lumalaking bilang

ng mga mag-aaral na hindi handa para sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral.

Paliwanag niya, sa mga ganitong sitwasyon dapat pumasok ang papel ng assessment

sa distance learning para mailatag kung saang aspeto ang dapat tutukan sa pag-aaral
ng mga bata o kung saan sila nahihirapan. Diin ni Gatchalian, ang pagtukoy sa mga ito

ay makakatulong para sa paglalatag ng hakbang na aalalay sa mga mag-aaral sa ilalim

ng distance learning tulad ng pagsasagawa ng mga remedial programs (RMN Manila,

2021).

Isa sa mga sektor na lubos na naapektuhan ng pandemya ay ang edukasyon.

Dahil sa banta na dulot ng Coronavirus, napilitan ang mga paaralan sa buong bansa na

magsara at lumipat mula sa on-campus face to face learning patungo sa distance

learning. Ngunit, hindi ito naging madali para sa lahat, lalo na sa mga estudyante,

magulang, at guro. Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education

(DepEd) tungkol sa Learning Continuity Plan o ang “bagong normal” na ipinakita sa

mga guro at estudyante noong ika-5 ng Mayo 2020. Samantalang para sa mga

kolehiyo, naglabas din ang Commission on Higher Education (CHED) ng Memo No. 04,

series 2020, “Guidelines on the Implementation of Flexible Learning.” Sa mga

polisiyang ito, binigyang pansin ang mga alternatibong paraan upang ipagpatuloy ang

edukasyon sa new normal (Acuzar, Algar, Mercene, 2021).

2. Motibasyon

Ayon kay Ethan Beh (2009), may limang pinakaepektibong pamamaraan upang

mapataas ang motibasyon sa pag-aaral ng kahit sino mang mag-aaral. Ito ay ang mga

sumusunod: una, gumawa ng talaan at mag-aral sa tamang oras, Pangalawa,

magsimula sa tulong ng limang minutong hamon, kung sakaling mawalan ng gana sa

pag-aaral, planuhin na mag-aral lamang sa loob ng limang minute at magpahinga


pagkatapos. Pangatlo, gawing masayang bahagi ng buhay ang pag-aaral. Pang-apat,

tanggalin ang mga distraksyon sa iyong paligid, umiwas sa TV, cellphone, at Kama. At

panglima, magkaroon ng layunin, sa tulong nito mas magiging determinado ka upang

lampasan ang mga hamon.

Ayos kay Chavous et al. (2003) ay naniniwalang may kaugnayan ang

motibasyon sa edukasyon at akademikong pakikilahok ng mag-aaral. Ang kabataan na

may kaalaman sa kahalagahan ng edukasyon, mga layunin, at kahulugan ay

magkakaroon ng mataas na lebel sa pagbibigay ng oras sa sarili na lumahok sa mga

gawain.

Ayon kay Reyes (2014) sinabi na ang kabataan ay kinakailangang malinaw na

makita ang kanilang layunin at sila ay nangangailangan ng suporta mula sa mga

magulang at guro. Mayroong anim na pamamaraan upang mabigyang ng motibasyon

ang mga nagsisikap na mag-aaral. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Bigyan ng atensyon,

2. Magkaroon ng komunikasyon, 3. Huwag magdahilan, kilalanin ang mga nakamit, 4.

Bigyang galak kagalingan, 5. Huwag kailanman sumuko.

3.1 Online Distance Learning

Ayon sa isang pag-aaral na isinulat ni Allan Ortiz (2017) na batay sa framework

for 21st Century Learning, ang mga tao sa ika-21 siglo ay nasasanay sa kabuhayang

teknolohiya, dahil dito nakukuha ng kabataan ang mga impormasyon sa madaling

paraan. Gayunpaman, dapat kaya nilang matutuhan ang mga ito gamit ang kanilang
mga gadgets sa pagkatuto sa kanilang bahay, kaya’t ang paraan ng online classes ay

magiging epektibo sa mga mamamayan partikular na sa mga mag-aaral at

manggagawa sa kasalukuyang siglo. Ang ganitong klase ng pag-aaral ay mabisa para

sa mga estudyanteng nag-aaral habang nag tatrabaho, may anak, at mga hindi

nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral (Xu & Jaggars, 2013).

Ayon kay Centeno-De Jesus (2020), Ang pag-aaral sa online ay may mga

benepisyo, katulad ng pagkakaroon ng disiplina ng mga estudyante sa pagbabalanse

ng kanilang pag-aaral, paggawa sa mga gawain bahay at pagkakaroon ng oras para

maglaro sa kanilang mga telepono. Dagdag pa rito dahil sa online class mas maagang

natututunan ng mga estudyante kung paano umangkop sa isang bagong sitwasyon na

makakatulong sa kanila sa pagharap sa reyalidad kapag sila ay nakapagtrabaho na.

Ayon kay Nazarlou (2013) sa kaniyang ginawang pag-aaral, kahit mayroong

malaking impluwensya sa edukasyon ang e-learning o online class ay hindi pa rin ito

perpektong pang-edukasyon at mayroon pa ring hatid na problema sa mga estudyante

at guro. Dagdag pa ni Nazarlou (2013), ang e-learning o online class ay makasisira ng

interpersonal contact ng mga estudyante maging ang mga guro sa lipunan.

3.2 Modular Distance Learning

Ayon kay Dalanon (2020) isang Koordineytor ng Office of Student Affairs and

Services ng Balud Municipal College ang mga guro sa BMC ay kasalukuyang

gumagawa ng mga module alinsunod sa mga patakaran at gabay ng Commission on


Higher Education, ang ahensyang nangangasiwa sa paaralan. Sa sistemang ito,

pahihiramin ng paaralan ang mga mag-aaral ng module para matuto sa mga aralin.

Para sa mga mag-aaral na may mga electronic gadget gaya ng smartphone at laptop,

maaaring ibigay sa kanila ang softcopy ng mga module upang magkaroon sila ng ibang

opsyon sa pag-aaral. Kapag may kopya na ang mag-aaral ng module, babasahin at

sasagutan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Gagawin niya ang mga direksyon at

aktibidad na nakapaloob dito. Pag tapos na siya sa isang module, isusumite niya sa

guro ang kaniyang output para pagtataya at paggagrado. May mga nagtatanong na sa

distance learning gaya ng modular, may posibilidad na magdaya ang mag-aaral.

Maaaring pasagutan niya ang kanyang module sa ibang tao sa halip na siya. Posible

nga ito, ngunit kapag ito ay ginawa ng mag-aaral, sino ang lugi? Tandaan na ang pag-

aaral sa ay paghahanda ng mga mag-aaral sa mga haharapin na pagsubok sa buhay,

gaya ng Licensure Examination at ang mismong propesyon sa pagtuturo. Walang ibang

gagawa ng mga ito para sa isang indibidwal kundi tanging siya lamang.

Ang modular learning ay isang complex issue na dapat nating pagtuunan ng

pansin. Ito ay may factors sa mentalidad ng mga estudyate. Ito ay maaring biological,

psychological, social o emotional. Panayam ni Dr. Joan Rifareal of the Philippine

Psychiatric Association. (2020). Ayon naman sa DepEd o Department of Education

(2020) karamihan sa mga magulang ay mas pinipili ang modular kaysa sa online class,

dahil ito sa kawalan ng gadgets at internet. Sa pinakahuling resulta ng Learner

Enrollment and Survey Form, lumabas na halos 9 na milyong magulang at estudyante

ang gustong gumamit ng self-learning modules.


Ayon kay Junio (2021) may mga suliranin din na kinahaharap sa paggamit ng

modyul. Para lamang sila ay mayroong maipasa sa kanilang guro sinasagotan ang

kanilang modyul na kahit hindi nila naiintindihan at binabasa ang mga leksiyon na

nakasaad dito,. Dagdag pa, sa halip na ang mga estudyante ang magsagot sa kanilang

modyul, hinahayaan nila o pinapasagutan na lamang nila ito sa kanilang mga magulang

na kinukunsinti naman ng kanilang nanay at tatay, ate o kuya para lamang matapos ang

kanilang gawain na hindi dapat nangyayari. May pagkakataon din na itinuturo na

lamang ng mga magulang ang sagot sa kanilan mga anak paramas mapadali ang

kanilang gawain pero hindi nila pinapaliwanag kung bakit iyon ang naging sagot sa

bawat tanong sa pagsusuli o aktibidad. Sa kabilang banda, hindi naiiwasan ang

pagkopya ng mga estudyante sa sagot ng kanilang kapwa estudyante na nagiging

dahilan para sila ay hindi matuto sapagkat hindi nila inaaral o kailangan pang basahin

ang kanilang modyul. Marami ang nagsasabi na hindi sila natututo gamit ang modyul

sapagkat nahihirapan silang aralin kung ano mang mga leksiyon na nakasaad rito, hindi

nila ito mauunawaan kung walang magulang na tutulong sa kanila. Malaking problema

rin para sa mga estudyante kung ang kanilang mga magulang ay hindi rin alam o

maintindihan ang kanilang leksiyon.

3.3 Intrinsic Motivation

Ayon kay Longhurst (2019) mayroong mga bagay na magagawa ng magulang

upang matulungan ang pagsulong ng intrinsikong motibasyon sa kanilang mga anak.

Ang mga magulang ay madalas na gumagamit ng panlabas na gantimpala o presyon


upang subukang makuha ang kanilang mga anak upang maisagawa ang ilang mga

gawain, tulad ng paggawa ng takdang aralin o paglilinis ng kanilang silid. Ang mga

sumusunod ay mga paraan na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng intrinsikong

pagganyak sa mga anak. Una, bigyan sila ng mga pagpipilian sa halip na gawin ang

isang aktibidad na kinakailangan. Ang pagkakaroon ng isang salita ay nagbibigay sa

kanila ng intrinsic na motibasyon. Pangalawa, hikayatin ang malayang pag-iisip sa

pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng puwang upang magtrabaho sa isang gawain

lamang at isabi sa iyo kapag nasiyahan sila sa resulta. Pangatlo, gawing masaya ang

mga aktibidad sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawain tulad ng pagbabasa o

pagpili ng kanilang mga laruan sa isang laro. Pang-apat, ilahad ang mga oportunidad

para sa iyong anak na makaramdam ng tagumpay sa pamamagitan ng pagtatalaga ng

isang naaangkop na kasanayan para sa kanila. Panglima, hikayatin silang magtuon sa

mga panloob na benepisyo, tulad ng kung gaano kaganda ang pakiramdam nila sa

halip na kung ano ang makukuha nila sa paggawa nito.

Ayon sa artikulong nakalap ng mananaliksik sa Mindmonia (2021), na sa 2017

na isinagawang pag-aaral tungkol sa motibasyon ay nagpatunay na ang panloob na

motibasyon (intrinsic motivation) ay may ilang mga tunay na pakinabang. Halimbawa,

pinapabuti nito ang pag-aaral at pagganap ng isang tao, pinatataas ang pagkamalikhain

maging ang kakayahan sa pangkalahatan. Ang paghahanap ng mga tamang motibo ay

nakakatulong sa iyong pang-araw-araw na gawain, tulad ng pag-aaral, pagtatrabaho at

sa iyong relasyon, gayundin sa pagtatakda ng mga pangmatagalang layunin. Kapag

naipapairal ang isang panloob na motibasyon sa mga gawain at layunin, nagiging mas
madali itong gawin. Isang halimbawa ay ang pagbangon sa umaga. Kung papasok ka

lang sa trabaho para sa pinansyal na dahilan, tiyak na gagamitin mo ang snooze

function nang ilang beses upang ika’y magising. Gayunpaman, kung talagang

interesado ka sa iyong ginagawa at naniniwala dito, mas madaling bumangon sa kama

sa umaga.

Ayon kina Bernardo, Salanga, at Aguas (2008) ukol sa panloob na motibasyon

(intrinsic motivation). Ang pagkatuto ay ginagawa hindi lamang dahil gampanin ng isang

estudyante na mag-aral ngunit dahil nakapupukaw ng pagkamangha at interes ang

mismong proseso ng pagtuklas sa bagong kaalaman. Dahil dito, ang "kagustuhan" ay

motibasyon na gawin ang isang bagay sanhi ng bukal sa loob na paggawa nang walang

pagtingin sa kung anumang mga external reward (hal., pera, pagkilala) ang makakamit.

3.4 Extrinsic Motivation

Inilalahad ditto ang pag-iral ng panlabas na motibasyon, malaki ang nagiging

pagkakaiba ng isang prinsipyo o paniniwala ayon sa kung ito ay isang ambisyon na

sarili lamang ang binibigyan ng pansin o mithiin na binubuo para sa sariling pamilya o

lipunan. Ang "mithiin" ng isang tao ay tumutukoy sa mga estadong nais makamit hindi

lamang para sa sarili ngunit pati na rin para sa ibang tao—kadalasan, para sa pamilya

(hal., pagkakaroon ng sariling hanapbuhay). Bagaman at mula sa sarili ang pagtatakda

ng mithiin, higit sa sarili ang isinasaalang-alang sa pagmimithi at maaaring wala ring


pakinabang sa taong bumuo at kumikilos ayon dito (hal., kagustuhang mapagtapos sa

pag-aaral ang anak) (Bernardo et al., 2008; Regalado, 1981; Reyes & Galang, 2009)

Sa artikulo nina Bries, Chiong III, Calleja, at Quisto (2018), ang pagkilos ng mga

Pilipino ay ginagabayan hindi lamang ng motibasyong dulot ng kayamanan, kundi ng

kagustuhang mapunan ang mga pangangailangan. Kung gayon, nalalapit ang pagtugon

sa pangangailangan sa konsepto ng "ginhawa. Maraming pagapakahulugan na

ibinibigay ang mga Pilipino dito, kabilang ang “gaan sa buhay,” “aliw sa buhay,”

“kaibsan sa hirap,” at “mabuting pamumuhay” Dahil nga isa sa mga layunin ng mga

Pilipino ang makaraos sa hirap at matamo ang kaginhawaan sa buhay masasabing uri

ng panlabas na motibasyon ito. Ang pagsusumikap na makamit ang anumang

manipestasyon ng ginhawa. Sa gayon, ang ginhawa ay isang uri ng panlabas na

motibasyon na ginagabayan ng gantimpala bunsod ng pagkilos para sa pakinabang ng

sarili o ibang tao. Halimbawang linya ay “Gusto kong magkaroon ng pinansiyal na

seguridad sa buhay.”

Ayon kina Delong & Winter (2002), ang problema sa mga extrinsic motivator o

silang mga nagbibigay gantimpala ay madalas nakagambala sa mga mag-aaral mula sa

tunay na malayang pag-aaral. Isa pang problema ay ang mga entrinsic motivator ay

hindi gumagana sa pangmatagalang panahon. Kung kaya’t, isa ito naging dahilan sa

pagkawala ng motibasyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto, dahil inaalis ang

gantimpalam.

You might also like