You are on page 1of 1

Mga Pilosopiyang Pilipino sa mga Piling Kuwentong Nagwagi sa Taunang Timpalak

Palanca: Pag-uugnay ng Kahalagahan sa Pamumuhay ng Kasalukuyang Lipunan

Arvie D.C. Tolentino


Marikina Polytechnic College
adonis_arvie@yahoo.com
cp#09108818166

Pagsusuri sa piling maikling kuwento ang pag-aaral na may layuning ipalutang at


ipaliwanag ang nakapaloob na mga piling Pilosopiyang Pilipino na umiiral sa ating bayan. Ang
mga kuwentong sinuri ay nagwaging mga kwento mula sa taunang timpalak Palanca. Bumuo ng
balangkas upang maging gabay sa pagsusuri at ito ang sumusuno: (a.) Naratibo ng Akda (b.)
Pagsusuri Gamit ang mga Piling Pilosopiyang Pilipino at (c.) Kahalagahan ng mga Pilosopiyang
Pilipino sa ating Lipunan
Kakitaan ang mga maikling kuwento ng mga Pilosopiyang Pilipino. Ang mga ito ay ang:
Pilosopiya ng Batas ng Panunumbalik na nagsasabi na ang anomang gawa at inasal ng isang
tao ay siyang mapapala niya sa buhay; Pilosopiyang Pagbabalanse ng Kalikasan na nagsasabi
na may ugmaan o balanse ng mga pangyayari sa buong kalikasan, buhay ng tao, tulad ng may
ugmaan ng kabutihan at kasamaan; Pilosopiya ng Pabilog na Pananaw ng Buhay
nagpapaliwanag sa kaisipang ang kalikasan ay pinananaigan ng siklikong pagbabago;
Pilosopiyang Konsepto ng Buhay at Kamatayan na kakikitaan ng lahat ng nilikha ay
pansamantala lamang sa daigdig anoman ang katayuan ng tao sa lipunan at nagsasabing lahat ay
pantay-pantay pagdating sa kamatayan; at, Pilosopiya ng Simulaing Pangkatimpian na
nagsasaad ng kahalagahan ng pagtitimpi, pagpipigil sa sarili, paghuhunus-dili, pagiging maingat
at mahinahon sa gitna ng kagipitan o sa bingit ng panganib.

Mga Susing Salita: Pilosopiya, Pilipino, Maikling Kuwento, Palanca

You might also like