You are on page 1of 32

MGA BIRO SA SMS/TEXT MESSAGE: ISANG HERMENYUTIKONG PAGTINGIN

SA MGA IMAHE AT ISYUNG PANLIPUNAN Commented [MY1]: Pangkalahatang puna:


1.Ang dokumentasyon na ginamit ay hindi sumang-ayon sa
hinihingi ng Langkit. Mangyaring rebyuhin ito at sundin ang
APA na istilo.
2.Sa bahagi ng paglalahad ng datos, mas magiging maganda
ABSTRAK kung sa talakay ilagay ang biro na tinutukoy. Bagaman hindi
lahat, ngunit kailangang ipakita ang birong tinalakay upang
maisakonteksto ng mga mambabasa ang tinalakay.
Layunin ng pananaliksik na maipakita ang mga incongruity o di-magkaugnay na ideya sa
3.Ang pagtalakay ng biro ayon sa mga institusyong
mga biro mula sa Short Message Service (SMS) upang mapalutang ang mga imahe at isyung panlipunan ay kulang. Minadali ang presentasyon kaya hindi
panlipunan na nakapaloob dito. naipalutang ang ideyang pag-aaral.
Teoryang hermenyutiko at pagbasa at pagtanggap ang ginamit sa pagsusuri sa mga SMS 4.Sa kabuuan, mahusay na pananaliksik. Napapanahon ito
kaya kailangang magsagawa ng pag-upgrade sa ilang mga
nang maipakita ang mga isyung panlipunan. Mula sa mga birong sinuri, natuklasan na mayroong diskusyon sa biro lalo na tungkol sa politika tulad ng biro
di-magkaugnay na ideyang nagaganap sa loob ng mga piling biro. Pinakamarami sa mga birong tungkol kina BINAY, ROXAS at iba pa.
ito ay nagtataglay ng incongruity sa sitwasyon, sa wika, sa konsepto, sa pagtingin sa isang bagay
at sa pera/presyo, sa iskima ng mga mambabasa, sa kultura, sa metapora, sa istatus, sa imahe at
edad.
Lumutang naman ang iba’t ibang imahe mula sa mga nasuring incongruity, gaya
halimbawa ng iresponsableng lider; konsintidor na nanay; panghihimasok sa buhay-asawa ng Commented [MY2]: Redundant. Delete ang alinman sa
anak,mapagsamantala sa katangahan ng katulong at iba pa. dalawa.
Mula sa mga imahe nailahad at naipakita naman ang mga isyung panlipunan batay sa apat
na institusyong panlipunan – Pamilya, Simbahan, Pamahalaan at Pamayanan.

Susing Salita: biro , SMS, incongruity, isyung panlipunan, imahe


INTRODUKSYON

Likas sa tao saan man sa mundo, ang makaramdam ng kasiyahan na nagdudulot sa kanila

ng ngiti at tuwa. Ito marahil ang dahilan kung bakit sinasabing isang unibersal na katangian ng

bawat indibidwal ang magbiro o ang pagiging mapagbiro.

Hindi lahat ay may kahusayan sa pagpapatawa. Subalit ang pagkakaroon ng sense of

humor o kakayahang makapagpatawa ay natural na katangiang taglay ng bawat indibidwal.

Pinatutunayan ito sa sinabi ni Macionis (1999:166), People throughout the world smile and Commented [MY3]: APA na istilo ng dokumentasyon ang
ipinagamit sa Langkit. Mangyaring gawin itong APA.
laugh which makes humor a universal human trait. Sa katunayan, ginagamit ng ilang titser Commented [MY4]: Maaari bang maisalin ito sa wikang
Filipino?
ang pagbibiro upang maganyak ang kanyang mga mag-aaral na sumali o lumahok sa talakayan sa

klase. Ang pagiging mapagbiro at pagbibiro ay tinangkilik ng nakararami kagaya ng mga artista

sa telebisyon at pelikulang pangkomedi. Marami na rin ang nagsusulputang comedy club/bar na

pinagbibidahan ng mga stand-up comedian katulad ng Clowns at Metro Bar sa Manila,

Laughtap at Studio Onil sa Davao, 22nd Street at Ninoy’s Payag Comedy Bar sa Cebu at iba pa.

Pinapanood at kinagigiliwan ito ng nakararami na naghahanap ng kasiyahan at nais matawa.

Pinatunayan ito sa aklat nina Nuncio at Nuncio (2004:65), at sinabi nilang sa tawa nagkakaroon Commented [MY5]: Delete at palitan ng ‘sa”

ng pagtudling sa sakit at pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa kabigatan ng

saloobin o damdamin.

Ngunit ano ang ibig sabihin ng biro? Ang biro ay kilala rin bilang joke, pun at humor sa

wikang Ingles. Ang salitang humor, mula sa wikang Latin na humidus ay nangangahulugang

moist. Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng balanseng fluid sa katawan. Nagagawa nitong

pagaanin ang damdamin ng taong may dinadalang problema kaya sinasabing ito ay nagdudulot

ng magandang epekto sa kalusugan. Marahil dito nagmula ang kilalang pahayag na Laughter is

the best medicine. Dahil sa mga biro o humor, tumatawa ang isang tao. Ayon kay Nuncio at
Nuncio (2004:164), ang tawa ay isang mekanismo ng damdamin ng isang malungkuting tao at sa

mga taong naghahanap ng kasiyahan. May malaking relasyon ito sa sinabi ni Batacan (nasa

Nuncio at Nuncio, 2004:65) na hindi lamang gamot ang pagtawa bagkus humor is the spice of

life. Ayon naman kay Robinson (1983), ibinababa ng pagtawa ang antas ng pagkaligalig na

maaaring makapagdudulot ng karamdaman sa tao. Dagdag pa:

When you laugh, all kinds of wonderful things happen to


benefit your body and mind. Endorphins are released in your
brain which give you a natural high and your respiratory system
gets kind of work out that it may get from jogging. (Matthew,
1998:52) Commented [MY6]: Kung maisasalin po natin ito sa
wikang Filipino, mas magiging maganda at mahusay.

Mula naman sa wikipedia (http://en.wikipedia.org/wiki/Humuor), ang biro o humor is Commented [MY7]: Maaari bang palitan ang source na
ito? Hindi kasi mapagkatiwalan ang wikipedia kasi kahit sino
ay pwedeng mag-ambag ng kahulugan at impormasyon dito.
the tendency of particular cognitive experience to provoke laughter and provide

amusement. Laging kaugnay sa biro/humor ang pagtawa at pagkaaliw. Gayunpaman, kakambal

din nito ang pagkakaroon ng matalas na isipan at larawang pangkaisipan para maunawaan ng tao

ang sitwasyon upang matawa. Ang mga imahe sa biro ay nagsisilbing larawang pangkaisipan sa

isipan ng mga taong makatanggap nito. Ang kahulugang kanilang mabuo mula rito ay

magbibigay sa kanila ng aliw na nakapagdudulot naman ng kasiyahan at tuwa.

Napapatawa ng biro ang isang tao dulot ng kanyang emosyunal na karanasan na dahilan

naman ng kanyang kaligayahan. Ayon nga kay Sultanoff

(http://www.aath.org/articles/art_sultanoff01.html), humor is compromised of three

components: wit, mirt and laughter. Isang katotohanang nagbibiro ang tao sa kanyang kapwa

dahil may malapit o matatag silang relasyon sa isa’t isa. Napaligaya at napatawa ng biro ang tao

kapag ito ay may kaugnayan o bahagi ng kanyang karanasan at mga pangyayari sa lipunan. Sa

kabilang banda, ang biro ay bunga ng kontradiksyon na dahilan ng pagkakaroon dapat ng

kahusayang kognitibo ng tumatanggap ng biro


(http://www.aath.org/articles/art_sultanoff01.html). Sabi ni Macionis (1999:167), ang biro ay

produkto ng kontradiksyon mula sa dalawang magkaibang realidad: ang kombensyunal o

karaniwang inaasahan ng isang tao sa isang partikular na sitwasyon at ang di-kombensyunal na

realidad o paglihis sa isang nakagawiang kultural na patern.

Sa pananaw-sosyolohiya, ang biro o humor ay ginagamit bilang instrumento ng pagpuna

sa mga panlipunang pangyayari katulad ng politikal, sekswal at mga identidad na isyu. Si Hiller,

(http://www.springerlink.com/content/gm883g5x0212720p) isang sosyolohista, ang nagsabing

Humor is an important means of communication and used as a means in expressing

conflict in social movements and social issues. Sinusugan din ito nina Nuncio at Nuncio

(2004:92), nang sinabi nilang bahagi ng kulturang Filipino ang pagtawa o pagpapatawa na may

halong pagbatikos o pagpuna.

Sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan, may mga pagkakataong ginawa na lamang

ng mga Pilipino na sabjek ng katatawanan ang mga dayuhan sa mga usapan bilang pagpapalabas

ng kanilang mga hinaing at galit. Nagsisilbi itong pinakamabisa at ligtas na paraan noon sa

pagpapalaya ng kanilang mga hinaing kaugnay sa mga naganap sa paligid. Ayon nga sa

http://www.livingthephilippines.com, humor serves as a soft rebellion… Filipinos use humor

to diffuse tension. Sumasang-ayon naman ito sa sinabi ni Macionis (1999) na ang biro ay ligtas

na paraan sa pagpapalabas ng nakasisirang pahayag. Ito ay nagsisilbing “safety valve” upang

matakpan ang mapait at masakit na katotohanang nasa likod ng bawat biro.

Hindi sa lahat ng panahon ang biro ay nagtataglay ng layuning magpatawa o mang-aliw.

Naglalayon din itong pag-isipin ang tinatarget na tagapakinig o tagapanood. Kaugnay rin nito

ang naging pahayag ni Hirsch (nasa Nowlan at Nowlan, 2000:99) na Humor is a rubber sword,

it allows you to make a point without drawing blood. Sa pamamagitan ng biro, nagsisilbi
itong daan upang mailalahad ang damdamin nang walang bahid-dahas. Isa sa mga dahilan nito

ay ang pagbabagu-bago ng kahulugan ng biro ayon sa interpretasyon ng mga tagatanggap nito.

May mga pagkakataong ang isang biro ay walang siguradong tinutumbok. Ika nga, ni Gilliant

(nasa Nowlan at Nowlan, 2000:113) joke is an act of assassination without corpse. Hindi

direktang tinutukoy sa ilang biro ang mga tinumbok nito. Nagsisilbi itong palaisipan upang

hayaan ang mga tagatanggap na tuklasin ang kahulugang dala ng biro at pagkakaroon ng iba’t

ibang interpretasyon. Sa ganitong paraan, walang bahid-kabang nailalabas ng mga Pilipino ang

kanilang saloobin sa anyong pabiro.

Sinabi naman ni Carol (nasa Nowlan at Nowlan, 2000:169), ang biro ay laging may

dalang kahulugan. Ang isang birong walang kahulugan, kailan man ay hindi ito magiging

katawa-tawa. Mula sa mga kahulugan nito, masasalamin ang larawan ng lipunan ng nagbibiro.

Ito ay mula sa obserbasyon sa kanyang kultura, sa wika, sa mga nagaganap sa kapaligiran at

maging sa mga karanasan sa lipunang kinabibilangan. Mula kay William Burroughs (nasa

Nowlan at Nowlan,2000:169), Nothing exists until or less it is observed. An artist is making

something exist by observing it and …people make it exist by observing it. Ngunit, bago

nabuo ang isang biro, nagkakaroon muna ng panggagagad mula sa obserbasyon ng bumuo nito.

Sapagkat ang isang biro ay isang anyo ng sining, kaya ayon kay Aristotle ito ay isang

panggagagad sa kapaligiran.

Mula sa punto de bistang inilahad sa unahan, nahikayat ang mga mananaliksik na pag-

aralan ang biro bilang repleksyon ng mga pangyayari sa lipunan. Naniniwala ang mga

mananaliksik na ang biro ay nagtataglay ng malawak na saklaw tulad sa taglay na konsepto,

ideya at kahulugan nito. Gayundin abot nito ang iba’t ibang tagatanggap dahil sa nagpasalin-salin

ito sa iba’t ibang tao lalo na sa paglaganap ng modernong teknolohiya na ginagamit bilang midya
ng transmisyon. Isa na rito ang gamit ng text messaging sa selfon. Ang pagpapasa ng mga biro

sa Short Message Service o SMS ay madalas kinaaaliwan ng mga tao.

Ang paglaganap at pagpapasa-pasa ng mga biro sa SMS ay nag-udyok sa mga

mananaliksik upang pag-aralan ang mga ito. Naging normal nang mensahe ang mga biro sa SMS

kaya nais tiyakin mula rito ang kahulugan at imaheng nakalarawan dito.

Paglalahad ng Suliranin

Nilayon ng pag-aaral na malikom ang mga biro sa SMS o text message sa selfon upang

mapalutang ang mga konsepto at kahulugan na nakapaloob dito. Ninais din na maipakita mula sa

mga biro ang mga imahe at isyung panlipunan sa mga biro. Tinupad ang mga hangaring

nabanggit sa pamamagitan ng pagbibigay ng sagot sa sumusunod na tiyak na mga katanungan: 1.

Anu-ano ang mga birong makikita sa Short Message Service o SMS?; 2. Anu-ano ang mga Commented [MY8]: Ano-ano
Commented [MY9]: Ano-ano
incongruity o di-magkaugnay na kaisipan, ideya o konsepto ng mga birong nakalap?; 3. Anu-ano
Commented [MY10]: Ano-ano

ang mga imaheng makikita sa mga birong ito?; at 4. Anu-ano ang mga isyung panlipunang Commented [MY11]: Ano-ano

mahihiwatig sa mga imaheng nabanggit ayon sa sumusunod na institusyong panlipunan-

pamilya, simbahan, pamahalaan at pamayanan?

Batayang Teoretikal

Ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang elemento: pamilya, relihiyon, politika, gobyerno

at iba pa. Ang pagkakaroon ng kontak ng mga elementong ito, ang nagdudulot ng pag-

iimpluwensyahan ng mga tao sa kanyang kapwa-tao at sa mga elementong nabanggit. Sinasabing

ang mga ikinikilos at pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lipunan ay produkto ng kanyang

nakikita, nararamdaman, mga karanasan sa buhay at pakikihalubilo sa iba na nakabatay sa batas

ng pakikipagkapwa-tao ng nasabing komunidad. Sang-ayon ito sa pahayag ni Weber

(http://ssr1.uchicago.edu/PRELIMS/Theory/weber.html) na:
Action is social when, by virtue of the subjective
meaning attached to it by the acting individual(s), it takes
account of the behavior of others and is thereby guided. Social
action may be oriented to past, present, or predicted future
behavior of others. Commented [MY12]: Subukan pong isalin sa wikang
Filipino.

Nangangahulugan ito na ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa ay kabilang sa

lipunang nagtakda, ang kanyang kilos ay naaayon sa kahulugang ibinigay ng lipunan na may

pagpapahalaga sa ugali ng bawat isa. Ang mga kilos at pag-uugali ng tao ay nahuhulma ayon sa

kanyang nakaraan at impluwensiya ng kanyang kapwa at ng lipunang humubog sa kanya. Kung

gayon, mahalagang malaman o makita ng isang tao kung paano nakikipag-ugnayan ang bawat isa

sa isang lipunan. Ang pagkakaunawaan ay higit na mangingibabaw kung magkakaroon ng

malalim na pagtanggap sa mga pangyayari sa nasabing lipunan batay ito sa konseptong

pinaniniwalaan ng teoryang sosyolohikal.

Ang pananaw- sosyolohikal ay sumasalamin sa kaligiran ng isang tiyak na pook,

kultura, tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Ang mga nagaganap sa paligid ay bunga

ng nag-uumpugang elementong panlipunan. Halimbawa nito, ang pagkakaroon ng maayos na

pamamahala ay magbubunga ng mabuting pamahalaan. Gayundin, ang mga tao sa pamayanang

ito ay magiging mabuti sa kanilang pamahalaan. Katulad ng biro, ang pagsulpot nito ay maaaring

mula sa patuloy na pagharap ng tao sa mga elementong sosyal. Ang mga elementong ito ay

naghubog sa iba’t ibang pananaw ng mga tao at pinagmumulan ng ideya sa pagbibiro ng isang

tao. Ayon sa paniniwala ni Douglas (1975):

The link between humour and social structure is so


intimate that jokes only occur as a result of a “joke” (in the
sense of hidden assumptions, contradictions and arbitrary
social norms) inherent in the society in which the joke is
permitted and perceived as humorous. Commented [MY13]: Subukan itong isalin sa Filipino.
Ang ugnayan sa pagitan ng mga elementong panlipunan at biro ay masyadong malapit sa

isa’t isa. Ang biro at pagbibiro kung minsan ay isa ring anyo ng panunukso upang punahin ang

mga pangyayaring sosyal. Sa kabilang banda naman, naging daan ang pagpapatawa upang

makalimutan ang mapapait na nararanasan sa paligid.

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla rin sa teoryang incongruity na nagmumula sa

konsepto ng pilosopong si Immanuel Kant. Nagpatotoo ang teoryang ito na ang humor ay

mabubuo kung mayroong hindi angkop sa pagitan ng kung ano ang inasahan at ano ang

magaganap. Ayon kay Kant, ama ng teoryang incongruity:

The central premise of these theories is that humour


occurs when there is a sudden shift in perception and logical
progression (in the sense of familiar expectations of the world
based on past “real world” experiences) is denied in favour of a
system of association in which things that don't conventionally
go together are connected in an unexpected manner. Commented [MY14]: Subukan pong isalin sa wikang
Filipino.

Ang teoryang incongruity ay tungkol sa pagkakaroon ng biglaang pagbabago sa

persepsyon at pagbabaliwala sa lohikal na pagsulong pabor sa sistema ng mga bagay-bagay

(http://www.folklore.ee/folklore/vol33/kriku.pdf). Ang hindi nagkakaugnay/nagkakasama na

mga ideya sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinaniniwalaan sa teoryang ito na dahilan ng

pagiging biro ng biro. Kaugnay ng biro, may mga pagkakataong ang naging paksa nito ay hindi

katawa-tawa subalit sa isang iglap lumalabas na katatawanan ayon sa persepsyon ng

tagatanggap.

Dagdag pa ng nasabing website, ang teoryang incongruity ay sinasabing pinakagamiting Commented [MY15]: delete

teorya kaugnay sa biro. Ikinokonsidera ng teoryang ito ang biro bilang kognitibong set na gawain

kaysa sa fityur ng teksto. Ang nakita ng isang tao na hindi bagay/angkop sa tinutukoy ay dumaan

sa isang komplikadong proseso ng ugnayan sa relasyon ng paksa-bagay. Ang biro ay isang


komplikado at organisadong ideya ng angkop at hindi angkop sa parehong panahon. Maging ang

biro na madalas nakakatuwa ay kailangang magtataglay ito ng diwa/halaga. Kailangan maayos Commented [MY16]: nakatutuwa

nitong naiuugnay ang punch line at ang buong teksto sa pagitan ng maligoy ngunit pamilyar na

diwa ng incongruity na pinagsama sa loob ng biro.

Pinaniniwalaan din ng teoryang incongruity na ang biro ay kaugnay ng kultura at

kaugnay naman ng kultura ang wika. Sang-ayon ito sa pananaw ng mga linggwista na language

are related to the perceptions and thoughts of the people who speak the language. Kung

gayon ang pagbabahagihan ng biro ay nangangailangan ng isang komon na wikang parehong

nauunawaan upang ito ay maintindihan. Laging may nagaganap na incongruity sa loob ng biro.

Ito ay ang pagkontrast ng dalawang magkaibang elemento – kombensyunal at di-kombensyunal

na realidad na naging hakbang sa pagpapalutang ng biro..

Minsan hindi batid ng tao na siya ay nakapagpatawa dahil hindi rin niya alam na biro na

ang kanyang binitiwang pahayag. Sa puntong ito, tila naging palaisipan kung kailan maging biro

ang biro at kailan ito naging katawa-tawa. Nangangailangan dito ng malalim na interpretasyon

upang mabatid hindi lamang ang mga elemento ng katatawanan sa isang biro kundi ang mga

mensahe nito. Sa kasong ito, magkakaroon ng malaking papek sa pag-aaral ang teoryang Commented [MY17]: papel

hermenyutik bilang batayan ng pagsusuri at pagbibigay interpretasyon sa mga biro.

Ayon sa pahayag ni Dilthey

(http://home.earthlink.net/~potterama/Michelle/projects/hyper/herm.html) na, the goal of

hermeneutic theory work is to determine how best to discover the meaning of the text.

Samakatuwid, ang pagkuha ng mga imahe at isyung panlipunan sa mga biro ay isang anyo ng

pagsasagawa ng hermenyutikong pagsusuri.


Maging sa wikang ginamit, kinikilala ng teoryang ito ang mambabasa bilang aktibong

kinatawan na bumubuhay sa kanyang binabasa. Nagbibigay rin ito ng kahulugan sa

teksto/konteksto sa pamamagitan ng pagbibigay interpretasyon. Kinakailangan ito para sa

komprehensyon ng anumang nakasulat sa teksto. Ito ay ang pagbubuong muli sa historikal na

konteksto ng siyensya at panitikan at sa wika. Ito ay pagbabalik sa kasaysayan upang

maunawaan ang partikular na problema sa kasalukuyan.

Batayang Konseptwal

Humor is a performative pragmatic accomplishment


involving a wide range of communication skills including, but
not exclusively involving, language, gesture, the presentation of
visual imagery, and situation management (Beeman, 2000). Commented [MY18]: Subukan itong isalin sa wikang
Filipino.

Mula sa pahayag ni Beeman, mauunawaang ang biro ay naglalahad at nagpapakita ng

mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao sa isang lipunan. Sinasalamin din ng mga birong ito

ang mga kasalukuyang kalagayan ng lipunang nag-aanak nito.

Makikita sa ibaba ang iskima ng paradaym ng pananaliksik.


Ang pag-aaral ay tungkol sa mga biro na makikita sa SMS ng selfon. Ito ay binibigyan ng

representasyon ng larawan ng selfon sa paradaym. Mula sa mga birong nakalap, pinalutang ang

mga ideyang incongruity o ang mga ideyang hindi magkaugnay na nakapagpapatawa sa biro. Ito

ay nakapaloob sa isang kahon kung saan nakatutok ang arrow mula sa larawan ng selfon.

Makikita naman ang isang maliit na kahon na hinati sa dalawa na kinapapalooban ng dalawang

magkaibang realidad – kombensyunal at di-kombensyunal. Mula sa incongruity ng biro

naipalutang ang mga imaheng nirerepleka nito. Maaaring masinag ang mga imahe mula mismo Commented [MY19]: inilarawan

sa biro nang hindi sinusuri ang incongruity. Ito ang dahilan kaya mayroong paputol-putol na

arrow mula sa larawan ng selfon patungo sa kahon na kinapapalooban ng imahe.

Ang isyung panlipunan ay ipinalabas mula sa mga imahe na maaari ring direktang makita

mula sa sa ideyang incongruity. Kaya may putol-putol na arrow na nakatuon sa isyung

panlipunan mula sa kahong kinapapalooban ng ideyang may incongruity. Mula sa mga biro sa

SMS, makikita ang mga institusyong sosyal kung saan inuri-uri ang mga isyung panlipunan.

Maaari ring maipakita ang institusyong sosyal mula sa mga imaheng naipalutang kaya putul-

putol ang arrow mula sa imahe patungo sa kahon ng institusyong sosyal.


METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Kwalitatibong disenyo ng riserts ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang mga biro mula sa

selfon ang sinuri gamit ang deskriptibong pamaraan partikular ang kontent analisis dahil inalisa

ang mga birong nakalap sa pamamagitan ng pagkuha sa mga imahe, hindi magkaugnay na mga

ideya, konsepto at kahulugan at ang nakapaloob na isyung lipunan. Limampu (50) na mga biro Commented [MY20]: Sinuri ang mga biro mula sa SMS
gamit ang deskriptibong pamamaraan partikular ang
kontent analisis. Inalisa ang mga birong nakalap sa
mula sa text message sa selfon ang naging sabjek ng pag-aaral. Sa tulong ng hermenyutik na
pamamagitan ng pagkuha sa mga imahe, hindi magkaugnay
na mga ideya, konsepto at kahulugan, at ang nakapaloob na
pagbasa sa mga teksto, sinuri ang mga birong nakalap gamit ang teoryang sosyolohikal upang isyung panlipunan.

makita at maipalabas ang mga isyung panlipunan na makikita o mahihiwatig sa mga ito. Sa

ganitong punto, naipalabas din mula sa mga birong nakalap ang mga kamalayan ng mga Pilipino

sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran. Sa kabilang banda, ginamit din ang teoryang

incongruity o di-magkaugnay na teorya sa mga biro upang maipakita ang dahilan ng pagiging

nakatatawa.

Pangangalap ng mga Biro

Ang ginamit na biro ay mula sa text message sa selfon. Limampung (50) mga biro ang

kinolekta upang masuri at maipakita ang mga kasagutan sa mga katanungan ng pag-aaral. Upang

maging maayos at malinaw ang pagpili sa mga biro na ipinapasa sa mga selfon bilang mensahe,

ginamit ang mga arbitraryong krayterya na binuo ng mananaliksik: a. mga mensahe mula sa

selfon na nagtataglay ng katangiang katatawanan; b. nakasulat sa anumang wika – Cebuano,

Ingles o Filipino; at c. nagpapakita ng mga isyung panlipunan kagaya ng mga isyung politikal,

identidad, estadong panlipunan, sekswalidad, at iba pa.

Pagsasaayos at Pag-aanalisa

Matapos malikom ang mga birong tumugon sa ginamit na batayan sa pamimili, inilipat o

itinanskrayb ang mga ito. Ibig sabihin, mula sa selfon ay isinulat itong muli sa papel. Hindi na
isinalin sa Filipino ang mga birong nasa SMS. Layunin nito na mapanatili ang elemento ng

katatawanan sa bawat text. Gayundin, sadyang pinatili ang wika sa mga birong nakalap upang

maiwasan ang maling interpretasyon sa pagsasalin. Binasa nang maraming beses ang mga birong

nakalap. Inalam mula sa mga biro ang mga magkaibang ideya o kaisipang taglay ng mga ito.

Gumawa ng talahanayan at hinati sa dalawa ang hanay ng incongruity kung saan makikita sa

unang hanay ang kombensyunal na realidad na makikita sa bawat biro at sa ikalawa naman ay

ang di-kombensyunal na realidad. Ito ay upang masuri nang maayos ang mga salitang

nagpapatawa sa bawat biro. Mula rito, sinuri ang biro gamit ang teoryang incongruity. Sa

pamamagitan din nito, naipapalabas ang mga imaheng taglay ng biro na makikita pa rin sa unang Commented [MY21]: naipakita
Commented [MY22]: inilahad
talahanayan.

Buhat sa mga imahe, tinalakay ang mga isyung panlipunan na makikita sa mga birong

nakalap. Ginawan ng talahanayan ang mga isyung panlipunan. Inuri ang mga nakitang isyung

panlipunan ayon sa elemento upang mas mapadali ang pagtalakay: pamilya, simbahan,

pamahalaan at pamayanan. Sinuri ang mga ito gamit ang teoryang sosyolohikal nang sa gayon ay

matumbok ang nais tukuyin ng biro. Binigyang interpretasyon ang mga biro sa pamamagitan ng

teoryang pagbasa-pagtanggap at hermenyutik na pagbasa. Sinuri ang mga bagay na direkta o di-

direktang nakaaapekto sa karamihan o lahat ng miyembro ng isang panlipunan na ipinagpalagay

o ikinokonsiderang problema o kontrobersiyang may kaugnayan sa pagpapahalaga (values).


PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Mga Biro sa SMS: Ang mga Incongruity at mga Imahe

Iba’t ibang biro ang nakalap mula sa mga SMS ng selfon. Bawat birong ito ay naglalahad

ng mga ideya, kahulugan at konsepto na hindi tumutugma sa kombensyunal na katangian ng

pagpapahayag. Makikita ito sa talahanayan na nasa ibaba:

Talahanayan 1. Ang mga Incongruity at Imaheng Makikita sa Biro


INCONGRUITY IMAHE

BIRO Kombensyunal Di-kombensyunal

J1 Salitang “bata” na ibig sabihin Literal na pagpapakahulugan sa Hindi kontento


nagmumukhang bata. salitang bata.
Pagbabayad ng P145,000.00 Pagbabayad ng P20.00 para
para bumata bumata

J2 Paghalili ni Mar sa pagpadyak Pag-iwan ni Mar sa bata Iresponsableng lider


sa sidecar
J3 Pagtulong ni Mar sa GRO na Paghalili ni Mar sa Pagsayaw Kamangmangan sa posisyon
magbagong buhay. bilang GRO.

J4 Pag-order ng alak gamit ang Maling paggamit ng rejister Ignorante


rejister

J5 Tamang pagbigkas ng “Kang Maling pagbigkas ng “Kang sir” Mapagsamantala sa


sir” (Kay sir) (Kay sir) na naging cancer katangahan ng katulong

J6 Tamang sagot sa katanungang Maling implekasyon sa Mapagbugalbugalon


matematikal katanungang matematikal (pang-uuyam)

J7 Pagpapakahulugang denotibo Pagpapakahulugang konotatibo Konsintidor na nanay


sa impyerno’t langit sa impyerno’t langit Mapanghimasok sa buhay-
asawa ng anak
J8 Pangkaraniwang pisikal na Mukhang unggoy ang pamilya Mapanlait na titser
anyo ng isang pamilya
J9 Paghanda sa araw ng Di pantay sa dami ng handa sa Pagiging etnosintrismo sa Commented [MY23]: linawin
kamatayan ng tao at ng Diyos araw ng kamatayan ng tao at ni kultura ng iba.
Hesus
J10 Pamana Virtual na kayamanan Labis na pagyakap sa
kulturang popular
J11 Magkahiwalay na pagbanggit Sabay na pagbanggit sa mga Kamangmangan
sa mga salitang “don’t” at salitang “don’t at “stop”
“stop”
J12 Paglagay ng pangalan ng Paglagay ng mahabang tatak sa Hindi sinserong pagserbisyo
politiko sa mga proyekto ng benda ng tinuling bata ng mga politiko
gobyerno

J13 Magandang paruparu Baklang ipis Kawalan ng pagpapahalaga at


pagtanggap sa sarili
J14 Varicose veins Pag-aakalang wati Kawalan ng pakialam ng amo
sa katulong
J15 Pagbabagong anyo Hindi pagkilala ng Diyos sa Hindi pagkakontento sa sarili
babae
J16 Pagkakaroon ng relasyon ng Irasyunal na pagdadahilan Kawalan ng katapatan sa
dentista at pasyente kabiyak
J17 Pangkaraniwang mensaheng Masakit na mensahe Pagiging insensitibo ng ina
ibinibigay sa may kaarawan
J18 Idyumatikong Literal na pag-unawa sa Pagiging suwail na anak Commented [MY24]: Idyomatikong
pagpapakahulugan sa “pagbebenta ng laman”
“Pagbebenta ng laman”
J19 Pugad na ang ibig sabihin ay Literal na pagpapakahulugan ng Kawalan ng pakialam sa mga
kuta ng mga NPA pugad nangyayari sa paligid o
pagbibingi-bingihan
J20 Paggamit ng salitang baggage Pagtumbas sa salitang baggage Konyo
ng salitang bukag
J21 Gawain ng isang propesyon Pakikipagtalik sa di kilalang Kataksilan/mapaghigante
tulad ng beyker na nagluluto ng lalaki bilang kapalit sa gawaing
tinapay hindi niya alam
J22 Sanggol ang didede sa ina Drayber ang dumide sa ina Kataksilan

J23 Kamangmangan ng mga nitibo Mayroon ng kaalaman sa tamang Pangmamaliit sa kapwa


sa tamang pagsisipilyo pagsisipilyo
J24 Pagiging banal ng mga alagad Pagtatalik sa kapwa alagad ng Kawalan ng vow of celibacy Commented [MY25]: ng
ng simbahan simbahan
J25 Paghimas sa ulo ng bata Paghimas sa dibdib ng ina ng Manyakis na pari
bata
J26 Pakikipagtalik at pag-uugnay Ang ahas ay inuupuan ng Kataksilan
ng salitang “snake” sa ari ng mommy at kinakain ng yaya
lalaki
J27 Pagkahuli ng bana na may Maygana pang magalit ang Kataksilan
ibang katalik ang asawa asawa sa kanyang bana
J28 Pagkasal sa dalawang pareho Pagmura at paglait ng pari sa Pangmamaliit sa mga bakla Commented [MY26]: gender insensitive?
ang kasarian ikinakasal
J29 Pag-aplay ng Badjao sa Hindi pagtanggap ng military Mapanghusga sa pisikal na
military dahil sira ang ngipin kaanyuan Commented [MY27]: Ethnic oor racial discrimination?
J30 Paghamon ng rebelde sa Hindi alam ng pangulo ang Pagbibingi-bingihan ng mga
pangulo na baybayin ang baybay ng ceasefire politiko
ceasefire kapalit ng pagsuko
J31 Pakikipaghiwalay ng bana Bobo rin ang bana Kababawan
dahil sa kabobohan ng asawa
J32 Pangalang Katrina at Hayden Paggamit sa pangalan nina Kapusukan
na kapwa sangkot sa sex Katrina at Hayden bilang
scandal panghalili sa mga bagay na
ginagamit sa sex scandal
J33 Pagiging prostitute ng ina Pagiging substitute ng anak sa Kahirapan ng buhay
pagiging prostitute ng ina
J34 Nangangaliwa ang bana Nangangaliwa ang asawa Kataksilan
J35 Walang pera May bente pesos Kapusukan

J36 DNA- Deoxyribonucleic Acid DNA- Di Na Alam Kawalang hustisya

J37 Paggamit ng Calendar Method Paghiga sa calendar na talaan ng Kamangmangan/ kapusukan


upang maiwasan ang petsa upang maiwasan ang
pagbubuntis pagbubuntis
J38 Sakahan ng niyugan bilang Literal na pagpapakahulugan ng Mukhang pera na nanay
tanda ng kayamanan niyugan/niyog
J39 Madalas na pag-aaway ng mga Pinagtatalunan kung sino ang Kataksilan
magulang tunay na ama
J40 Paggamit ng robot sa paghuli Pagnanakaw sa robot Talamak na nakawan/
ng mga magnanakaw kahirapan
J41 Pangarap na makatulong sa Pagnanais na maging kapwa Katamaran
kapwa upang matulungan
J42 Gwapong lalaki na nagpari Bakla ang pari Diskriminasyon sa mga bakla
J43 Orasan ginawang katibayan ng Orasan ni GMA ginawang Pangungurakot ng mga
kasinungalingan electricfan politiko.
J44 Walang aktong senswalidad na Pagnanais na may maganap nna Kapusukan Commented [MY28]: na
naganap senswalidad
J45 Ang belt ay nasa baywang Ang belt ay nasa tuhod Kapusukan
J46 P 1000.00 Bill P 1000.00 barya Kapusukan / mukhang pera
J47 Pag-aaminan ng kasalanan ng Pag-amin ng pari na siya ay Makasalanang pari
mga pari tsismoso
J48 Nabalitaan ng asawa na may 18 23 taong gulang na ang nobya Kataksilan
taong gulang na kabit ang bana
J49 Paghingi ng pahintulot na Ang bana ang hihingan ng Kataksilan
pakasalan ang babae pahintulot
J50 Pinaempake ang bana na nag- Pinaempake upang palayasin makasarili
aakalang magbabakasyon

Mula sa Talahanayan 1 makikita ang mga incongruity at imahe mula sa mga birong

nakalap. Limampu (50) ang kabuuang bilang ng mga birong ginamit bilang sabjek ng riserts.

Katulad ng ipinakita ng talahanayan, ang bawat biro ay nagtataglay ng incongruity o di-

magkaugnay na ideya. Makikita ito sa ikalawa at ikatlong kolum sa talahanayan. Ang nabanggit

na mga kolum ay kinapapalooban ng mga incongruity ng biro na hinati sa kombensyunal at di-

kombensyunal na realidad. Mula naman sa mga ito, makikita ang imahe na dala ng bawat biro.

May mga biro naman na ang incongruity ay makikita rin sa pagitan ng karanasan ng mga

mambabasa, (ito ang kombensyunal na realidad sa loob ng biro) na pinaghanguan ng biro.


Nagkakaroon ng modipikasyon ang karanasang tinutukoy na dahilan ng paglutang ng

kahulugang di-kombensyunal. Makikita ito sa J2 at J3. Commented [MY29]: ilahad ito sa ibaba upang makita
ang tinutukoy.
Nagtataglay naman ng di-magkaugnay na ideya sa wika ang ibang mga biro tulad ng

tungkol sa Igorot. Kakikitaan ng malaking incongruity ang birong ito sa pagitan ng pag-order ng

alak gamit ang rejister ng mga manginginom sa bar na iyon at ang maling paggamit ng nitibo sa

register sa pag-order niya ng alak. Bahagi ng kombensyunal na realidad na ito ang kalikasan ng

isang tao na mapag-obserba sa kultura ng iba upang makibagay at makapag-adjust sa isang

partikular na sitwasyon. Batay sa naging karanasan ng Igorot sa birong ito, nagmasid siya sa loob

ng bar kung papaano matatamo ng mga tao sa lugar na iyon ang inuming gusto nila. Samantalang

malaking faktor din ang wika sa kombensyunal na realidad sa sitwasyong ito. Bahagi ng pag-

oobserba ng isang tao sa kultura ay ang pag-oobserba rin sa wika ng isang lipunan. Sa birong ito,

kapansin-pansin ang paglalaro sa mga salita. Pinaglalaruan ng mga karakter sa biro ang paggamit

ng wika at maging ang kahulugan nito. Commented [MY30]: Maaari bang ilagay sa ilalim ng mga
pahayag na ito ang tinutukoy na biro?

Nagkakaroon din ng incongruity sa imahe ng guro sa tunay na buhay at sa loob ng biro

na ibinabahigi sa mga SMS. Makikita ang hindi kaangkupan ng katanungan ng guro na taliwas sa

paraan ng pagtuturo ng mga guro sa tunay na buhay. Bagaman hindi direktang makikita sa

teksto, nakaset na sa iskima ng mga mambabasa na ang isang guro ay nagtataguyod ng

moralidad. Nagtatanim din sila ng mga mabubuting -asal sa loob ng klase.

Naging biro ang sitwasyon nang magkaroon ng ironiya sa isteryotipong pagtingin sa mga

guro. Ito’y nang lumantad ang imahe ng isang gurong hindi sensitibo sa paraan ng kanyang

pagtuturo. Nagbigay siya ng katanungang ang ipinakitang sitwasyon ay hindi angkop sa edad ng

mga estudyanteng pinaglalaanan niya ng tanong. Ang kanyang tanong ay nagtataglay ng

konotatibong kahulugan tungkol sa imoralidad. Sa panig ng estudyanteng tumugon sa


katanungan ng guro, halatang alam niya ang pagtinging dapat ilapat bilang kasagutan sa tanong –

ang pagtinging matematikal. Ito ay batay na rin sa kombensyunal na kamalayan ng mga mag-

aaral sa ganitong sitwasyon. Alam ng estudyanteng siya ay nasa silid-aralan at ang paksang

tinuturo ng guro ay nahihinggil sa Matematika. Sa madaling sabi, alam ng bata na hindi angkop

ang kanyang kasagutan sa tinanong ng guro. Kaya makikita ang imahe ng isang estudyanteng

nagbubugal-bugal (nang-uuyam) sa loob ng klase. Masisinag ang hindi pagbibigay halaga ng

mag-aaral sa edukasyon. Commented [MY31]: Ilahad sa ilalim nito ang birong


tinutukoy.
Ang sitwasyon ding ito ay naglalarawan na ang mga kabataan sa kasalukuyan ay lantad

sa makamundong gawain. Sa kabilang banda, naging larawan din dito ang pang-uyam o

pagbugalbugal sa ugnayan ng guro at mag-aaral. Ang mga nabanggit ay iilan lamang sa mga

birong nagpapakita sa tunay na kalagayang panlipunan ng mga Pilipino.

Ang mga hindi magkaugnay o incongruity na inilahad at tinalakay ay binigyan ng buod sa

kasunod na talahanayan. Inuri ang mga hindi magkaugnay na ideya, konsepto at kahulugan ayon sa anyo

nito upang malinaw na makikita sa mga birong sinuri.

Talahanayan 2. Buod ng mga Incongruity na Makikita sa mga Biro

Incongruity Biro Bilang Ranggo

Sitwasyon J8, J12, J15, J16, J21, J22, J25, J26, J27, J28, J29, J30, 23 1
J31, J34, J35, J39, J40, J42, J43, J44, J46, J47, J49
Wika/ Figyur 13 2
J1, J4, J5, J6, J7, J11, J18, J19, J20, J32, J33, J36, J41
Konsepto sa 5 3
J10, J17, J37, J38, J45,
isang bagay
Iskima ng 2 4
J2, J3,
mambabasa
Kultura 2 5
J9, J23,
Metapora J13, J14 2 6

Istatus J49 1 7
Imahe 1 8
J24
Edad 1 9
J48

Ipinapakita sa talahanayan 2 ang buod ng mga incongruity na makikita sa biro. Sa unang hanay,

makikita ang siyam (9) na paksa ng incongruity. Nangungusa sa dami ng bilang ang sa Sitwasyon na Commented [MY32]: Nangunguna

may 23 biro. Makikita ito sa mga sumusunod na biro: J8, J12, J15, J16, J21, J22, J25, J26, J27, J28, J29,

J30, J31, J34, J35, J39, J40, J42, J43, J44, J46, J47 at J49. Pumapangalawa naman ang Wika/ Figyur sa

mga anyo ng incongruity na may labing tatlong (13) biro. Ang mga ito ay: J1, J4, J5, J6, J7, J11, J18,

J19, J20, J32, J33, J36 at J41. Pumapangatlo naman ang inconguity sa Konsepto sa isang bagay na may

5 biro: J10, J17, J37, J38 at J45. Pang-apat ay ang Iskima ng mga mambabasa na makikita sa dalawang

biro: J2 at J3. Gayundin ang incongruity sa Kultura na makikita sa J9 at J23. Ang incongruity sa

Metapora ay makikita sa J13 at J14. Ikapito ang Istatus na makikita lamang sa J49. Ang incongruity sa

Imahe ay makikita sa J24 at sa Edad na makikita lang din sa J48.

Mga Biro sa SMS: Pagpapalutang ng mga Isyung Panlipunan

Ang lipunan ang aparatong humulma at nagdidikta sa uri ng pamumuhay at buhay mayroon ang

kanyang mamamayan. Ito ang naglalarawan sa kalidad, kakayahan at relasyong namamagitan sa lahat ng

mga elementong bumubuo sa kanya at sa kanyang nasasakupan Kakambal din lagi ng lipunan ang mga Commented [MY33]: Lagyan ng tuldok

isyung hindi maresolba nang basta-basta magpahanggang ngayon na tila sayaw na mahirap memoryahin

at makuha kung hindi bibigyan ng panahon at pag-oobserba sa mga kilos at galaw nito. Ang uri ng

lipunan ang Mula sa mga biro, ipinalutang ang mga isyung panlipunan. Tunghayan ito sa sumunod na Commented [MY34]: Ayusin at linawin.

talahanayan.
Talahanayan 3. Mga Isyung Panlipunang Makikita sa mga Biro

Isyung Panlipunan
Biro

Panghihimasok ng magulang sa buhay-asawa ng anak J7, J38


Paghihiwalay ng mag-asawa J31, J50
Pamilya

Pangangaliwa J5, J6, J21, J22, J26, J27,J34,


J39,J48, J49, J16
Pag-aampon J17
MORAL
Simbahan

Pre-marital sex
J11,J32,J35,J37,J44, J45,
Prostitusyon J18, J33, J46
Imoralidad ng mga alagad ng simbahan J24, J25
Di pagganap ng politiko sa tungkulin J2
Kamangmangan sa Posisyon J3
Pamahalaan

Kurapsyon J43
Hindi taos-pusong pagtulong ng mga politiko
J12

Rebelyon sa Pamahalaan J19, J30


Diskriminasyon J8,J9,J23,J29,J14
Homosekswalidad J28,J42,J13
Pamayanan

Pagkahumaling sa kulturang popular/ pagyakap sa


J4,J10, J20
makabagong kultura
Pagpaparetoke J1, J15
Mabagal na pag-usad ng hustisya J36
Talamak na pagnanakaw J40
Katamaran ng mga Pilipino J41

Ang mga naibalabas na isyung panlipunan ay inuri ayon sa 4 na elemento ng institusyong Commented [MY35]: Naipalabas?
Commented [MY36]: Elemento ba ang tawag?
panlipunan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: pamilya, simbahan, pamahalaan at pamayanan.

Ang pamilya ay kinapapalooban ng apat (4) na isyung panlipunan: pag-aampon, paghihiwalay ng mag-

asawa,pangangaliwa at panghihimasok ng magulang sa buhay-asawa ng anak. Ang simbahan naman na

kakitaan lamang ng moral na aspeto ay mayroon ding 3 na isyung panlipunan: Pre-marital sex,

prostitusyon at imoralidad ng mga alagad ng simbahan. 4 din sa pamahalaan: hindi pagganap ng

politiko sa tungkulin, kamangmangan sa posisyon, kurapsyon, hindi taos-pusong pagtulong ng mga


politiko at rebelyon sa pamahalaan. Panghuli ay ang pamayanan na may 8 isyung panlipunan:

diskriminasyon, homosekswalidad, pagkahumaling sa kuturang popular, pagpaparetoke, mabagal na

pag-usad ng hustisya, talamak na pagnanakaw at katamaran ng mga Pilipino.

PAMILYA

Isa ang pamilya sa pinakaimportanteng bahagi ng isang lipunan. Dito unang nagaganap

ang sosyalisasyon ng isang indibidwal na kinakailangan upang maging produktibong miyembro

ng lipunan. Binubuo ito ng ama, ina at mga anak. Bilang pangunahing bahagi ng lipunan, ito ang

unang kakikitaan ng mga paraan kung paanong kumilos, hinarap at sinulusyunan ng bawat Commented [MY37]: Linawin/ayusin

kasapi ang mga danas na kani-kanilang binabagtas. Sa maliit na espasyong inuukopa ng

institusyong ito ng lipunan, makikita ang sumusunod na sitwasyon: panghihimasok ng mga

Magulang sa Buhay-asawa ng Anak na makikita sa J7, J38. Hinihikayat na gamitin ng mga

magulang ang wastong paggamit ng kanilang kapangyarihan sa loob ng tahanan. Ayon sa

Awake!, “…children will challenge your right to exert authority over them.”

(5:August,2007). Ngunit sa paglipas ng panahon, nag-iiba ang antas ng relasyon ng mga Commented [MY38]: Ayusin ang citation. Sundin ang
APA.
magulang sa kanilang mga anak. Halimbawa, madalas ang mga magulang, lalo na ang nanay ang

pumipili ng isusuot ng anak sa araw-araw ngunit hindi ibig sabihin na hanggang sa pagtanda ng

anak ay bibihisan pa ito ng ina. Pinapatunayan ng pahayag na ito na hindi sa habang buhay

kayang kontrolin ng mga magulang ang buhay ng kanilang mga anak. Lalong-lalo na sa usapin

ng pag-aasawa. Ang usapin hinggil sa panghihimasok ng mga magulang sa buhay-asawa ng anak Commented [MY39]: Ayusin. Hindi ito pangungusap.

ay isa sa dahilan ng pagkasira ng pamilyang Pilipino o paghihiwalay ng mag-asawa na naging

isyu at usapan sa biro J31 at J50. Sang-ayon sa sinabi na, marriage is the most risky undertaking

routinely taking on by the greatest number of people in our society. Awake! (4:February,

2010). Commented [MY40]: Ayusin ang citation. Sundin ang


APA.
Sa kabila ng pahayag na sinabi sa itaas tungkol sa pagiging delikadong bagay ng pag-

aasawa, marami pa rin ang may gustong mag-asawa. Sila man ay matagal nang nasa isang

relasyon o kamakailan lamang, lahat ay umaasam at nag-aakalang magiging masaya ang

kanilang buhay kasama ang kabiyak. Dagdag pa sa nasabing artikulo, what starts out as a

relationship of great joy and promise can become the most frustrating and painful

endeavor in a person’s lifetime. Hindi maiiwasan na darating ang panahong hindi Commented [MY41]: Isalin sa Filipino

pagkakaunawaan ang mag-asawa dahil sa mga problemang kinakaharap nila at marami ang

humahantong sa hiwalayan. Dahil dito, mahirap pangatwiranan ang mga katagang “lumagay sa Commented [MY42]: Ayusin at linawin ang pangungusap.

tahimik” sapagkat maraming faktor ang nakapagpapagulo sa buhay mag-asawa. Isa din sa

maaaring dahilan ay ang sobrang ekspektasyon sa bawat isa na siyang naging pangunahing

dahilan ng kawalan ng kasiyahan ng mag-asawa na nauuwi sa pangangaliwa na siyang

mababasa at mauunawaan sa mga biro J5, J6, J21, J22, J26, J27,J34, J39,J48, J49 at J16.

Karugtong ng naunang isyu, ang palagiang pag-aaway ng mag-asawa, ay maaaring

humantong sa hindi kanais-nais at hindi katanggap-tanggap na sitwasyon: ang pagkakaroon ng

kabit.

Mayroon ding iba pang isyung kinakaharap ng pamilya ay ang pagkakaroon ng ampon

upang maiwasan o mapanatiling buo ang pamilya kasaling hindi man mabiyayaan ng supling,

ang pag-aampon. Commented [MY43]: Ayusin ang pangungusap.

Ang pag-aampon ay proseso kung saan ang isang indibidwal o mag-asawa ay umaako ng Commented [MY44]: na

responsibilidad sa pagiging magulang sa isang bata. Ito ang permanenting paglipat ng mga

karapatan at responsibilidad mula sa bayolohikal na mga magulang patungo sa isang pamilyang

handang tumanggap nito. Sa pag-aampon inaasahang magagampanan nang mabuti ng mga


tumatayong magulang ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa mga batang nasa

kanilang kamay na siyang inilalahad sa biro J17.

SIMBAHAN

Natatangi at yunik ang papel na ginagampanan ng institusyong ito ng lipunan dahil ito Commented [MY45]: Palitan ang yunik na salita.

ang gumagabay sa bawat indibidwal upang maging mabuting mamamayan ng isang bansa. Ang

mga pangaral at batas ng simbahan ang nagtuturo at nagbibigay direksyon sa tao upang landasin

ang daang turo ng bibliya. Sakop ng simbahan ang pagpapatawad at ang muling pagbibigay ng

isa pang pagkakataon sa mga naliligaw ng landas at napapariwara. Sa institusyong ito binigyang

linaw kung ano ang moral sa imoral.

Ang usaping moral ay ang pinakasentro sa ikinakampanya ng alinmang simbahan. Ang

moral ay pakikiisa sa mabuti at magandang asal. Sa lipunang Pilipino, ito ay kasingkahulugan ng

mabuti at tama. Sa pagtukoy sa moralidad, laging inaalintana ng isang indibidwal ang tama at

mali na sini-set ng lipunang kanyang ginagalawan. Ito ang tinitingnan ng nakararami sa Commented [MY46]: itinakda

pagdedesisyon tungkol sa iba’t ibang bagay.

Sa mga pangaral mula sa kung ano ang mabuti at hindi, ang tama at mali naitatala ang

mga sumusunod bilang mga gawaing nagpapakita ng imoralidad.

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa usaping pre-marital sex. Ayon

sa http://www.betterhealth.com:

Puberty brings out dramatic physical and emotional


change that may be frightening to an unprepared child. Your
task will need to include topics such as stages of sexual
development, what to expect during puberty, sexual
responsibility and relationships. Commented [MY47]: Isalin sa Filipino

Hinihikayat ng pahayag na ito ang pagganap ng mga magulang sa kanilang tungkuling

ipaintindi sa kanilang mga anak ang hinggil sa gawaing sekswal. Malaki ang maitutulong nito
upang maiwasan ang pagsagawa ng tinedyer sa pre-marital sex na naging paksa at laman din sa

mga naipapasang mga sms ng mga kabataang Pilipino na makikita sa mga biro J11,J32,J35,J37,J44

at J45.

Ang isa pang nakapagpababa sa moral ng mga Pilipino ay ang pagtaas ng bilang ng mga

pumasok sa prostitusyon. Ang prostitusyon ay tinaguriang pinakamatandang hanapbuhay sa

kasaysayan ng tao. Mula pa sa panahon ng Bibliya, nanatili itong suliraning panlipunan na

hanggang ngayon ay hindi nabibigyang kalutasan (Horton at Leslie, 1981:475). Ayon sa survey

sa aklat ni Macionis (1999:225), isa ang Pilipinans sa mga bansang may mataas na antas ng

prostitusyon. Sa ating bansa, nagsimula ang gawaing ito sa panahon ng pananakop ng mga

Espanyol. Epekto ito ng panggagahasang naranasan ng mga Pilipina sa kamay ng mga sundalo at

prayle. Sa panahon ngayon, anu-ano nga ba ang dahilan ng pagkakaugnay ng mga kababaihan sa Commented [MY48]: Ano-ano

ganitong uri ng gawain?

Ang kahirapan ang pangunahing dahilan sa paglala ng suliraning ito. Sa pamamagitan ng

prostitusyon, nasususportaan ng mga kababaihan ang pangangailangan ng kanilang pamilya mula Commented [MY49]: Tiyakin ang salita

sa kakarampot nilang kita gaya ng ipinapakita at inilalahad mula sa mga biro J18, J33 at J46.

Hindi rin nakaligtas sa mga biro sa sms ang isyu hinggil sa pagiging imoral ng ilang

alagad ng simbahan na siyang ipinapakita sa biro J24 at J25.

Ang mga pari ang siyang naatasang magturo sa batas ng simbahan para palaganapin sa

sanlibutan. Tungkulin nila at ng simbahan na ituro ang moralidad at tamang kaugalian ng sa mga

tao subalit mula sa biro makikitang ang nagtuturo ng moralidad ang nagiging imoral.

PAMAHALAAN

Unang nabibilang sa isyung pampamahalaan ay ang isyu sa politika. Ayon kay Cruz

(1997), ang politika ay – o dapat naman talagang maging – isang sining ng pamamahala at
paglilingkod-bayan. Isang uri ng sining kung ituring ang politika. Dahil dito, ipapamalas ng

isang politiko kung paano niya gagamitin ang mahiwagang sagwang ipinagkatiwala sa kanya ng

mamamayan upang pamamahalaan at pagagandahin ang sakop na teritoryo. Nasa kamay nito,

ang gahum o kapangyarihang magpapagalaw sa nabuong larawan/hitsura upang makapagbigay

ng kaginhawaan o kahirapan sa bayan. Kaugnay nito, lumalabas ang mga isyung panlipunan

tulad ng di pagganap ng politiko sa kanyang tungkulin, kamangmangan sa posisyon,

korapsyon, hindi taos-pusong pagtulong ng mga politiko, at paglaganap ng mga grupong

kumakaliwa sa gobyerno.

Hindi na bago sa panlasa ng mga Pilipino ang usapin hinggil sa pagiging pabaya ng mga

politiko sa tungkuling inaatas ng bayan sa kanya. May mga politikong kulang ang kaalaman at

oryentasyon sa kanilang napiling posisyon. Naroon din ang kawalan ng kaalaman sa pinasok na

posisyon.

Tinalakay rin sa mga biro mula sa sms ang usapin at isyu ng kurapsyon sa lahat ng antas

ng lipunan, sa mga pahayagan, sa kalye, sa TV at sa mga simpleng usapan ng mamamayan.

Hindi rin nakalagpas ang ganitong mga usapin maging sa pagpapalitan ng mga mensahe Commented [MY50]: Nakaligtas?

sa selfon na idinadaan sa biro. Tunghayan ang sumusunod na biro:

A man died and went straight to heaven. He noticed many clocks


hanging around so he asked St. Peter, “What are those clocks?” the saint
replied, “ those are clocks od lies. When a person lies the hand of his clock Commented [MY51]: Tiyakin kung tama.
moves. Look at this one, its pope Benedict XVI. It never moved. It means it
didn’t tell any lie. This one is Abraham Lincoln. It only moved twice.
“Remarkable!” the man said, “but where’s GMA’s clock?” St. Peter answered,
“It’s in Jesus office. He’s using it as an electric fan.”

Ipinapakita sa biro ang hindi mabilang na kasinungalingan ng isang politiko. Hindi man

lantaran o inisa-isa ang ginawang pangungurakot ng nasa tungkulin, subalit may kasabihan na

“Kapatid ng sinungaling ang magnanakaw”. Sa puntong ito, maipapaunawa kung ilang beses
pinagnanakawan ng mga umuupo sa gobyerno ang taumbayan. Napatunayan ito sa biro nang ang

orasan para kay GMA ay ginamit na bilang elektrik fan. Makikitang masyadong ironikal ang

paghahambing ng orasan sa elecktrik fan, nangangahulugan lamang ito kung gaano kadumi ng

gobyerno sa isyung nahihinggil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ang paggamit din kay San

Pedro bilang katauhan sa biro ay isang implikasyon na walang maitatago sa mga pinaggagawa ng

tao sa mata ng Diyos. Maaari man siyang magpangggap sa harap ng marami na malinis at

makatarungan subalit sa talaan ng buhay na sinasabing hawak-hawak ni San Pedro ay nakalista

ang lahat.

Hindi si Arroyo lamang ang nais bigyang-puna ng biro rito kundi pati na rin ang iba pang

politiko na sangkot sa pagnanakaw sa anumang paraan. Isa na rin itong babala para sa

taumbayan. Hindi madadaan sa magagandang artista at music video na ipinapalabas sa

telebisyon at radyo ang pamimili ng politikong malinis ang hangarin sa lipunan.

Hindi masamang magpanggap kung ito ay para sa mabuting intensyon ng bayan at ng

mamamayan. Ang masama kung nasa likod ng pagpapanggap na ito ang maitim na hangaring

sisira sa reputasyon at buhay ng nakararami. Kaakibat ng responsibilidad ng sinumpaang

tungkulin ng mga politiko ang pagbigay ng taus-pusong pagtulong sa lahat ng nangangailangan.

Pagtulong na kahit walang mata at kamerang nakatutok ay kusang ginagawa. Taliwas ang

ganitong ideolohiya sa ilang politiko sa bansa. Sa kanilang lahat na ginagawang tulong ay laging

“on the record”, laging pagpapanggap na matulungin at laging maaasahan. Makikita rin ang Commented [MY52]: Ayusin at linawin ang pangungusap.

ganitong sitwasyon sa sumusunod na biro:

Nanay: Anak masakit ba ang libreng tuli?


Anak: Huhuhu...hindi naman po nay. Ang masakit
lang, ang haba ng isinusulat nila.
Nanay: Bakit, ano ba?
Anak: A project of mayor Binay, “Ganito kami sa
Makati, sana ganito rin sa buong bansa”
Si Mayor Binay ay isang mayor sa Makati City. Naging laman din ng mga patalastas ang Commented [MY53]: Naging Mayor ng Lungsod ng
Makati si Binay at kasalukuyang Bise-Pangulo ng Pilipinas.
kanyang hangaring makatulong at magkaroon ng libreng gamot at edukasyon para sa mahihirap.

Sumikat ang kanyang linya na “Ganito kami sa Makati, sana ganito rin sa buong bansa.”

Makikitang isang pakulo ang mga inaalok na tulong o libreng panggagamot ng mga politiko sa

bansa. Isang paraan upang itanim sa kamalayan ng mga kababayan ang kanyang nagagawa para

sa bayan. Isang pasaporte na magagamit niya sa kanyang muling pagtakbo sa larangang pinasok. Commented [MY54]: politika ng bansa.

Sa biro, makikita kung paano kinolonya ang isipan ng mamamayan para mapananatili ang

kanyang gahum (kapangyarihan) sa lipunan. Isang pagpapanggap na gumagawa ng mabuti para

sa sambayanan subalit sa likod nito naroon ang sariling motibo at pagbabalatkayo. Commented [MY55]: Mangyaring baguhin o modipikahin
ang pahayag na ito. Masyadong konklusibo. Upang
mapangatwiranan ito, maaaring magpasok ng mga
Mahalaga ang nagiging papel ng telebisyon sa kampanya ng mga politiko tuwing kontrobersiya na kinasasangkutan ni Binay.

eleksyon. Hindi mailalayo ang mga kandidato na magkaroon ng pakulo sa telebisyon para sa

sariling kapakanan. Commented [MY56]: Bahagi sa pagpapakilala ng mga


kandidatong naghahangad ng posisyon sa ating pamahalaan
ang iba-ibang anyo ng patalastas sa telebisyon.
Sa usapin naman hinggil mga kumakalaban sa gobyerno, may dalawang birong nakalap Commented [MY57]: May problema sa pariralang ito.

na naglalaman ng usapin hinggil sa paglaganap ng mga grupong kumakaliwa sa gobyerno. Isa sa

suliranin dito ay ang hindi pantay na distribusyon sa mga likas na yaman na sanhi ng kahirapan Commented [MY58]: nagbunga

ng karamihan sa mga Pilipino. Maliban sa isyung kurapsyon, mas binibigyang tuon ng Commented [MY59]:
Commented [MY60R59]: sa karamihang mamamayan.
pamahalaan ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng mga dayuhan sa likas

na yaman ng bansa, sa halip na Pilipino ang makikinabang nito. Isang usapin na rin dito ang

pagkamkam ng ilang mga kapitalistang Pilipino sa malaking parte ng natural resources ng Commented [MY61]: Likas na yaman

bansa kaya nagkakaroon ng hindi pantay na distribusyon sa pakikinabang sa mga likas na yaman. Commented [MY62]: dito

Ito ang dahilan kaya nawalan ng oportunidad ang karamihan ng mga Pilipino na

mapakinabangan ang mga likas na yaman. Ito ang nagbigay daan sa hindi pantay na kondisyon

sa pamumuhay ng mga Pilipino. Commented [MY63]: delete dahil redundant na.


Mula sa ganitong larawan ng lipunang Pilipino, nabuo ang ilang mga kilalang

kumakaliwa sa pamahalaan. Layunin nilang mabago ang istruktura ng lipunan sa pamamagitan

ng pagbago sa sistema ng pamahalaan. Ayon nga kay Macionis; political revolution is the Commented [MY64]: year and page

overthrow of one political system in order to establish another…involves change of the

system itself….Sumusuporta rin ang pahayag ni Neumann, a movement is a sustained ser of Commented [MY65]: Sinuportahan din ito ni Neumann
Commented [MY66]: Year ang page?
the interactions between power holders and…these people who make publickly visible
Commented [MY67]: publicly

demands for changes in the distribution or exercise of power.

Ang isa sa mga kilusang hanggang ngayon ay kumakalaban pa rin sa gobyerno ay ang

New People’s Army o NPA na pinapaksa ng birong ito: Commented [MY68]: Isa sa mga kilusang kumakalaban
pa rin sa gobyerno hanggang sa kasalukuyan ang mga New
Isang sundalo umakyat sa bundok at nagtanong… People’s Army o NPA. Pinapaksa ito sa birong makikita sa
Sundalo: Tatang saan ba pugad ng mga NPA? ibaba:
Tatang: Ha? Wala pa man akong nakitang pugad
niyan. Ano ba ang kulay ng itlog nila?

Mapapansing ang pinapaksa ng biro ay ang paghahanap ng sundalo sa pugad ng NPA.

Ang kampo nila ay makikita sa mga kabundukan. Dito madalas nagaganap ang mga sagupaan ng

mga military at NPA na laging nauuwi sa pagkasayang ng maraming buhay. Hangarin nilang

magkaroon ng pantay na pagtingin ang pamahalaan sa bawat mamayan. Ang sistemang

komunismo ang nais nilang maghari sa bansa. Ang puwersa na nagtulak sa kanila na mag-alsa ay

ang hindi pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng bayan.

Sa ilang nagdaang taon, hindi na mabilang ang mga naganap na digmaan sa Mindanao sa

pagitan ng mga Militar at rebeldeng Muslim. Commented [MY69]: Kulang ang paliwanag at pag-ugnay
sa sitwasyon.
PAMAYANAN Commented [MY70]: Masyadong minadali ang diskusyon
sa bahaging ito. Hindi naipalutang ang gustong makamit sa
May pinakamaraming isyung panlipunan ang mga birong napapabilang sa mga usaping pag-aaral.

may kinalaman sa pamayanan ito ay ang diskriminasyon. Commented [MY71]: Pinakamarami sa mga birong
nakalap ang isyung panlipunan na pumapaksa sa mga
usaping pampamayanan, partikular sa diskriminasyon.
Sa ilalim ng aspetong ito, ang may pinakamaraming bilang ng mga biro ay ang

napapabilang sa isyung panlipunanang nahihinggil sa diskriminasyon. Ang isa sa mga suliraning Commented [MY72]: Pareho lang ang esensya sa unang
pahayag.
kinakaharap ng bansa ngayon ay ang diskriminasyon o di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa

isang tao batay sa kaanyuan, lahi, kasarian o etnikong grupong pinagmulan. Ang mga ito ay ang

mga usaping inilalantad ng mga nakalap na biro:

Teacher: Kitang tanan gikan kang Adan ug Eva.


Juan: Maam, di na tinuod oi. Ingon si tatay gikan ta
sa unggoy.
Teacher: Dong, wa ta naghisgot sa inyong pamilya .

Makikita sa birong ito ang panlalait ng guro sa pisikal na kaanyuan ng mga magulang ni

Juan. Pinangangahulugan niyang ang pamilya ni Juan ay nagmula sa Ebolusyon ng mga unggoy

dahil ang mga ito ay mukhang unggoy. Ito ay isang pagpapakahulugang si Juan at ang pamilya Commented [MY73]: Ayusin at linawin ang pangungusap.

nito ay nagtataglay ng pangit na kaanyuan. Makikita sa biro ang hindi pantay na pagtrato ng guro

sa mga estudyante pagdating sa pagtataya ng kaalaman. Ang pinagtuunan ng pansin ng guro at

ang higit na kinikilingan ay ang mga mag-aaral na may kaaya-ayang pisikal na kaanyuan kaysa

kay Juan na may hindi kagandahang hitsura. Bagaman hindi lantaran, sa isinagawang diskusyon Commented [MY74]: Hindi naman ito ang ipinakita sa
biro. Paano ito lumutang?
ng guro, ipinangahuhulugan niyang si Juan ay hindi kabilang sa lipunang nilikha ng Diyos dahil

sa hindi kaaya-aya nitong kaanyuan sa paningin ng lipunan. Ang pagkakaroon ng diskriminasyon

ng guro sa loob ng klase ay nauuwi sa hindi epektibong pagtuturo. Ilan lamang ito sa mga

isyung panlipunan na makikita sa mga birong ipinapadala sa pamamagitang ng selfon.

Kung gayun, masasabing repleksyon ng isang lipunan ang nagiging laman ng mga

ipinapasang mga biro na mababasa sa mga text messages ng mga Pilipino. Kakikitaan man ng

incongruity ang mga nasabing biro hindi pa rin ito nagiging hadlang sa pagpaparating sa mga

mahahalagang pangyayari sa isang lipunan sa paraang katatawanan.


Konklusyon at Rekomendasyon

Mula sa mga napalutang na mga imahe at isyung panlipunan na inilalarawan sa mga birong

ipinapadala at nababasa bilang mga sms, nabuo ang sumusunod na mga konklusyon :

1. Ang mga ideyang hindi nag-uugnay sa loob ng biro o incongruity ay nagdadala ng katatawanan.

2. Ang mga Pilipino, kung hindi man lahat, ay karamihang nahihilig sa mga birong nagtataglay ng
incongruity sa isang sitwasyon.

3. Mapaglaro ang mga Pilipino sa mga salita lalo na sa elemento ng kahulugan nito kaya naging
katawa-tawa ang biro.

4. Ang mga biro mula sa selfon ay salamin sa mga negatibong pangyayari sa lipunan at nagsasaad
ng mga isyung panlipunan. Sa katunayan, laging pinapaksa nito ang negatibong kalagayan ng
lipunan sa isang partikular na panahon.

5. Ginagamit ng mga Pilipino ang biro bilang instrumento sa pagpaparating sa kapwa at


pagpapalabas sa kanilang obserbasyon sa mga nagaganap sa lipunan.

6. Pinapatunayan ng mga biro na ang lipunang Pilipino ay dumaranas ng mga suliranin sa


pamamagitan ng iba’t ibang isyung panlipunan.

REKOMENDASYON

Mula sa nailahad na mga konklusyon, inirerekomenda ang sumusunod:

1. Mabigyan pa ng malawak na pag-aaral hinggil sa birong umiikot sa kulturang Pilipino na


maaring makatulong upang maunawaan ang tunay na kalagayan ng lipunan.

2. Magsagawa ng ganitong pag-aaral na nagbibigay-tuon sa paggamit ng wika sa pagbibitiw


ng biro.

3. Iminungkahi na gamitin ang mga biro bilang bahagi ng panitikan sa pagtalakay sa mga
isyung panlipunan sa loob ng klase upang ang mga kabataan ay magkaroon ng kamalayan
sa mga suliraning kinakaharap ng lipunang kanilang ginagalawan.

4. Gumawa ng aklat na naglalaman ng kompaylasyon ng mga birong may isyung


panlipunan sa halip na mga birong walang kabuluhan.

5. Gamiting gabay ang pag-aaral na ito bilang lunsaran sa pagtuturo ng panitikan na


tumatalakay sa isyung panlipunan.
BIBLIYOGRAPIYA Commented [MY75]: APA na istilo ang gamitin dito.

Ancheta, Maria Rhodora G. 2005. Reading Gloria-Garci Jokes: The Semantic Script
Theory of Humor/General Theory of Verbal Humor and Filipino Political
Humor. Department of Linguistics, University of the Philippines Diliman.

Andres, Tomas. 1993. Managing People By Filipino Values. Sta. Mesa, Manila: Our Lady of
Manaog Publishers.

Bilge , Filiz at Sinem Saltuk. 2007. Humor Style, Subjective Well-Being, Trait Anger, and
Anxiety Among University Students in Turkey. Hindi nakalimbag na Tesis.
Hacettepe University: Turkey.

Che Man, W.K. 1990. Muslim Separatism the Moros of Southern Philippines and the
Malays of Southern Thailand. Ateneo the Manila Press: Bellarmine Hall, Loyola
Heights, Quezon City.

Cousins, Norman. 1979. The Anatomy of an Illness. W.W. Norton: New York.

Coronel, Sheila S. 2005. Hello, Garci? Political Humor in the Cellphone Age. Quezon City,
Philippines: Philippine Center for Investigative Journalism.

Davies, Christie. 1990. Ethic Humor Around The World: Comparative Analysis.
Bloomington: Indiana University Press.

Horton, Paul B. at Gerald R. Leslie. 1981. The Sociology of Social Problems. Prentice Hall
Inc., USA.

Kant, Immanuel. 1952 Critique of Judgement, trans James Meredith. London:


Oxford University Press.

Karande, Arjun. w.t. What Humuor Tells Us About Discourse Theories. Indian Institute of
Technology Kanpur. Kanpur, India.

Kottak, Conrad Phillip. 1976. Cultural Anthropology. McGraw-Hill, Inc. United States of
America.

Macionis, John. 2001. Sociology: Annonated Instructor’s Edition.Prentice Hall: Upper


Saddle River, New Jersy.

Mathews, Andrew. 1988. Being Happy!. Media Master pte Ltd: Newton Road, Singapore.

Marger, Martin N. 2005. Sosial Inequality Patterns and Process. McGraw-Hill Companies,
Inc.,1221 Ave. of the Americas, New York.

Nadera Jr., Carmelo V. E. 1997. Daluyan: Ang Identidad ng Arte Ang Aydentiti ng Sining
ni Lolo Pepe. SWP, Sistemang U. P., Diliman, Quezon City.

Nuncio, Rhoderick V. at Elizabeth Morales-Nuncio. 2004. Sangandiwa Araling Filipino


bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik. Manila: University
of Santo Tomas Publishing House.
Salvosa, Benjamin R. 1990. Politics of Unfinished Revolutions. BFC Press: Baguio Phil.

Schaefer, Richard T.,at Robert P. Lamn. 1995. Sociology. McGraw-Hill Companies, USA.

The New Webster’s Dictionary of the English Languages: International Edition. 1991. New
York: Lexicon International, Publishers Guild Group New York.

http://home.earthlink.net/~potterama/Michelle/projects/hyper/herm.html)

http://www.essaytown.com/topics/humor_essays_papers.html. Kulturang Pilipino.

http://en.wikipedia.org.wiki/joke. Biro.

http://www.pep.ph/news/17382/Drs.-Manny-and-Pie-Calayan-determined-to-fight-former-
patient-in-court/3

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=407512

http://www.livingthephilippines.com. Kulturang Pilipino.

http://www.yourdictionary.com/incongruities. Incongruity.

http://www.egodevelopment.com/wp-content/uploads/2007/11/humor2.jpg. Humor.

http://www.egodevelopment.com/wp-content/uploads/2007/11/humor1.jpg. Humor.

http://www.chass.utoronto.ca/iih/AboutHermeneutics.htm. Hermenyutik.

http://womens_sexual_health.suite101.com/article.cfm/calendarmethodofcontraception#1xzzof
qxvyik. Calendar method.

http://www.betterhealth.vic.gov.au/bhcv2/bhcarticles.usf/pages/sex_eduacation_primary_schoo
_children. Sex Education.

http://www.trosch.org/ant/gay_priests.html. Gay Priests

w.a. 2007. Meeting the Needs of Today’s Youths. Awake!.Watchtower Bible and Tract
Society of New York, Inc., USA.

w.a. 2004. Teen Pregnancy- A Global Tragedy. Awake!. Watchtower Bible and Tract
Society of New York, Inc., USA.

w.a. 2008. How to Make Your Marriage Successful?. Awake!. !. Watchtower Bible and
Tract Society of New York, Inc., USA.

w.a. 2010. Is Divorce the Answer?. Awake!. Watchtower Bible and Tract Society of New
York, Inc., USA.

w.a. 1997. What Changing of Attitude Mean?. Awake!. Watchtower Bible and Tract Society
of New York, Inc., USA.

You might also like