You are on page 1of 1

SLIDE GUIDE

Slide 1
Ihalas na sanggumay o wild orchid ang bulaklak na nakikita natin sa slide mula sa isa sa
pitong komunidad ng mga Higaunun – ang Binasan.

Slide 2
Republic Cement – semento
Granex – oil mill ito na mula sa kopra. Produkto nila ang Minola Oil
Pilmico – produkto ng industriyang ito ang harina at lumilikha ng iba-ibang brand gaya
ng: Sun Moon Star, Sunshine, Glowing Sun, Kutitap, Megastar, Gold Star and
Wooden Spoon.
Mabuhay Vinyl- pagawaan ito ng caustic soda and hydrochloric acid

Slide 5
Hindi nawawala ang impluwensiya ng mga Meranaw at Higaunun sa Iligan sa kabila ng
pag-unlad.

Slide 8
Mapapansin na komon sa lahat ng pagpapakahulugang ito ang galaw ng higaunun na
mula sila sa patag umakyat papuntang bundok.

Slide 9
Ipaliwanag kung saang lugar matatagpuan sa mapa ang lugar ng mga Higaunun sa
kasalukuyan.

Slide 12
Dito matatagpuan ang mga Higaunun sa Mindanao. Gayun din, ang mga tulugan na ito
ay nagsisilbing teritoryo ng komunidad-Higaunun sa Mindanao.

Slide 13
Sa kasalukuyan, plano ng pamahalaan na magpatayo ng hydro electric plant sa lugar.
Itong talon ng Limunsudan ang pinagplanuhan nilang paghuhunan ng kuryenta gaya ng Maria
Cristina falls.

Slide 15
Hindi bahagi ng kaisipang Higaunun ang salitang Epiko. Ulaging ang kanilang tawag para
rito.

Slide 17
Ulaging ang tawag sa epiko ng mga Higaunun. Ulagingën ni Agyu ang nagging batayan ko
sa pangangalap ng Ulaging ng Higaunun. Ngunit. Sa aking paghahanap, natagpuan ko ang mga
tiyak na kuwento ng mga bayani ng Higaunun sa Lungsod Iligan – sina Lumunag Aninayon at
Apu Pamulaw. Hinahanap ko sa mga nalathalang Ulaging ang kuwento ng dalawang ito, ngunit
wala akong nakita. Kung mayroon man, pagbanggit lamang ng kanilang pangalan bilang bahagi
ng salaysay ni Agyu.

Slide 19
Ipaliwanag ang lugar na posibleng pangangalapan ng datos.

NOTE: Slide 28 ang hulid slide. Bago iclick ang slide 29, magbigay muna ng paglalahat sa
ginawang lektyur.

You might also like