You are on page 1of 5

SANAYANG AKLAT (Grade 7)

Unang Markahan

Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

Sa kabuoan ng markahang ito, ating lakbayin ang mga Akdang Pampanitikan na sumasalamin sa
kultura at paniniwala ng Mindanao.
Kaya… Tara na! Samahan ninyo ako sa paglalakbay… Maglakbay tayo patungo sa pulo ng Mindanao.
Sa paglalakbay na ito ay may mga istasyon tayong hihintuan upang tuklasin ang makulay at mayamang kultura
at paniniwala ng mga Muslim. 1Ang salitang Muslim ay nangangahulugang “isang taong nagpasakop kay
Allah”.
2
Pangalawa ang Mindanao sa pinakamalaking pulo ng ating bansa, ito rin ang tinaguriang Lupang
Pangako ng Pilipinas. Masasalamin sa panitikang Mindanao ang kultura at paniniwala ng mga Muslim at mga
pangkat-etnikong naninirahan dito.
1
Ang panitikan ng mga Muslim sa iba’t ibang panahon ay iba sa panitikan ng ibang rehiyon sa
Pilipinas. Sa dahilang hindi nasakop ang mga Muslim ng mga Kastila at Amerikano, hindi nabago ang panitikan
ng mga Muslim sa bansa – nagpasalin- salin lamang ang mga ito.
Ang panitikan ng mga Muslim sa Pilipinas ay hindi gaanong kaiba sa panitikan ng mga Muslim sa
Timog Silangang Asya. Ang panitikan nila ay sinasalita at kaunti lamang ang mga sinusulat. Halos lahat ng
panitikan ay matalinhagang patula at hindi pasalaysay.
2
Sa lalawigan ng Lanao, tanyag ang Agamaniyog o ang kalipunan ng mga kilalang pasalindilang
panitikan sa nasabing lugar. Ang Agamaniyog ay isinalarawan bilang lupain ng karangyaan at kaluwalhatian.
Ang agama ay isang salitang Sanskrit na hiniram ng mga wikang Maranao at Malay na nangangahulugang
“relihiyon” subalit ginamit ito ng mga Maranao bilang salitang tumutukoy sa mga bayan o lugar na may lupain,
mga tao, may moske, kayamanan at kapangyarihan. Kapag idinugtong sa salitang agama ang salitang niyog
nagiging Agamaniyog na nangangahukugang “Lupain ng mga niyog”.
Ngayon, simulan na nating lakbayin ang makukulay na akdang Pampanitikan ng Mindanao.

1
http://documents.tips/documents/panitikang-muslim.html
2
PINAGYAMANG PLUMA 7 (K to 12)
PANGKATANG GAWAIN

Basahin ang balita tungkol sa Mindanao pagkatapos sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.


1. Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na mayroong kinakaharap na suliranin sa kuryente ang mga
residente sa Mindanao?
2. Anong ebidensiya mula sa binasa ang magpapatunay na malulutas na ang suliranin sa kuryente?
3. Ano-anong ahensiya na bubuo ng komite upang pangasiwaan ang paglutas sa suliranin ng Mindanao?

Problema sa kuryente nasa Lanao del Sur, inaasahang malulutas ng binuong task force ng Malakanyang
by UNTV News   |   Thursday, August 7th, 2014 ARMM Regional Governor Mujiv Hataman (UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines — Kasalukuyan ngayong nagpupulong sa Marawi City, Lanao del Sur ang mga
miyembro ng binuong task force ng Malakanyang upang lutasin ang mahigit isang taon nang problema sa
kuryente ng lalawigan.

Ang komite ay pinangungunahan ng Department of Energy, Department of National Defense, DOJ, ARMM
Regional Government at Mindanao Development Authority.

Sa 40 bayan ng Lanao del Sur, 36 dito ang nakararanas ng browout matapos na putulan na putulan ng supply
na kuryente ng ng Lanao del Sur Electric Cooperative dahil sa hindi umano pagbabayad ng buwanang bill.

Ngunit ayon sa lokal na pamahalaan, walang basehan ang kumpanya upang singilin ang itinakdang halaga sa
ilalim ng “pakyawan system” dahil wala naman umanong metro ang mga tahanan sa maraming munisipalidad
ng lalawigan

Kaya iginiit ng provincial government sa LASURECO na maglagay ng metro ng kuryente sa bawat tahanan
upang maging basehan ng paningil sa kuryente.

Ani ARMM Governor Mujiv Hataman, “Una, yung metering kasi ito yung una, eh. Strategic solution sa
problema dahil ang problema lang, karamihan sa mga residente ng Lanao del Sur wala silang meter tungkol
sa ilaw. So, ito yung unang aayusin.”

Samantala, isa rin sa lulutasin ng binuong task force ay ang problema sa Davao del Norte Electric
Cooperative na parehong pinamamahalaan ng National Electrification Administration at Cooperative
Development Administration.

Dahil nagdudulot ito ng kalituhan sa mga consumer at nakaka-apekto sa serbisyo ng kooperatiba. (Louell


Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

https://www.untvweb.com/news/problema-sa-kuryente

Rubriks para sa Pangkatang Gawain


5 4 3 2 1

Nilalaman Nasagot ng Nasagot ng Nasagot ang Nasagot ang halos Nasagot ang
mahusay ang lahat mahusay ang lahat ng lahat ng iilang
ng mga halos lahat ng katanungan katanungan katanungan
katanungan katanungan

Presentasyon Buong husay na Naiipapaliwanag Naipapaliwanag Naipapaliwanagan Naiipapaliwan


naipapaliwanag ang mga ang kasagutan sa g halos lahat ng agang iilang
ang kasagutan sa kasagutan ng klase kasagutan sa klase kasagutan sa
klase mabuti klase

Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapmalas ng Naipapamalas Naipapamalas ang May


buong miyembro halos lahat ng ang pagkakaisa pagkakaisa ng pagkanya-
ang pagkakaisa miyembro ang ng mga iilang miiyembro kanya ang
pagkakaisa miyembro bawat
miyembro

TakdangOras Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
Gawain ng buong Gawain sa loob Gawain ngunit Gawain ngunit ang Gawain
husay sa loob ng ng itinakdang oras lumagpas ng 5 lumagpas ng 10
itinakdang oras minuto minuto

Preparasyon Laging alisto at Laging nakahanda Nakahanda sa Kailangang Walang


lagging handa ang ang mga pangkatang lumabas sa klase kahandaan
mga kagamitan sa kagamitan sa Gawain at manghiram ng
pangkatang pangkatang gamit dahil
gawain gawain walang handang
kagamitan

TANDAAN
Isulat sa “activity notebook” ang sagot.

Para mapatunayan ang katotohanan sa mga isasagot sa mga katanungan, ano ang kailangang
isaalang-alang o ang nararapat ibigay ng taong sasagot?

Pagsubok ng Kaalaman
Kilalanin at isulat sa kahon ang hugis kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay. Lagyan naman ng
ekis X kung hindi ito nagpapatunay.

 Di bababa sa 10 katao ang patay at nasa 60 iba pa ang sugatan sa pagsabog na naganap sa Davao City noong .
 Huwag na sanang maulit ang mga ganitong pangyayari, kawawa naman ang mga taong nawalan ng mahal sa
buhay.
 Isang pagsabog ang naganap sa night market sa Roxas Street, Davao City nitong Biyernes ng gabi na
nagresulta sa pagkasawi ng hindi bababa sa 10 katao, at pagkakasugat ng nasa 60 iba pa.
 Bagaman patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog, hinigpitan na ng pulisya ang seguridad sa
Davao City at naglagay ng mga checkpoint.
 Sadyang walang awa ang mga gumawa ng pagsabog.

TAKDANG ARALIN

Magdala ng mga datos o kagamitang kakailanganin sa pagbuo ng Travel Brochure tungkol sa


minadanao.

TAKDANG ARALIN

Katulad ni Subekat na hindi sumunod sa kung ano ang bilin ni Abed, mayroon bang pagkakataon na kung saan
kayo ay hindi sumunod sa magulang. Kaya, maglista ng limang bilin o payo ng inyong magulang. Isulat sa
inyong kwaderno.

BILIN/PAYO DAHILAN

1. 1.

2. 2.

3. 3.
Mga Gabay na Tanong:
 Mayroon bang ipinagbawal ang inyong magulang?
 Sinunod ba ito? Bakit?
 Sa palagay ninyo, bakit nila ito ipinagbawal?

Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan
nito

I. TAKDANG-ARALIN Magdala ng mga datos o kagamitang kakailanganin sa pagbuo ng Travel


Brochure tungkol sa Mindanao.

You might also like