You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKATLONG MARKAHAN
Quarter: 3 Week: 1 Day: 2 Activity No.: 2
Pamagat ng Gawain: Katarungang Panlipunan: Dekada ’70
Kompetensi: Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan
ng mga tagapamahala at mamamayan (EsP9KP-IIIc-9.2)
Layunin: Natutukoy ang paglabag sa katarungang panlipunan.
Sanggunian: Jocelyn R. Andaya, Jose D. Taguinayo Jr. and Luisita B.
Peralta. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Copyright: For Classroom use ONLY
DepED owned materials
KONSEPTO:
Marahil ay narinig mo na sa iyong mga magulang o lolo at lola ang salitang martial law
o batas militar. Ito ay ipinatupad sa bansa noong ika-21 ng Setyembre, 1972 ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos. Ayon sa kaniya, ipinatupad ito dahil sa layuning iligtas ang Pilipinas sa
kamay ng mga kaaway nito at upang magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng
ibayong kaunlaran, kapayapaan at seguridad sa sambayanang Pilipino. Ngunit dahil sa
kapangyarihang iniatang sa mga militar, lumaganap ang karahasan at paglabag sa mga
karapatang pantao.
Ang Dekada ’70 ni Lualhati Bautista ay naglarawan ng mga pangyayari sa panahong ito.
Panoorin ang pelikulang Dekada ’70.

Pagsasanay:
1. Tukuyin ang mga paglabag sa Katarungang Panlipunan ayon sa pelikulang napapanood.
Isulat ito sa talahanayan na nasa ibaba.
2. Suriin ang bawat paglabag nito ayon sa sumusunod:
 Sanhi o dahilan
 Mga epekto ng mga ito sa buhay ng tao
 Mga epekto sa lipunan
 Mga paraan ng paglutas ng mga pagabag upang mapanumbalik ang minimithing
Katarungang Panlipunan
Mga Paglabag sa Sanhi o Dahilan Epekto sa Epekto sa Paraan ng
Katarungang Buhay ng Tao Lipunan Paglutas
Panlipunan
A. Ng mga
Tagapamahala
Hal. Pagtikom ng bibig Natakot na Mawawalan ng Baka magpatuloy ang Harapin ang takot,
sa nakitang pagbapor mapagbuntunan ng tiwala sa opisyal ng barangay humanap ng taong
ng isang opisyal ng galit ng opisyal ng namamahala sa sa paggawa ng mapagkatiwalaan at
barangay opisyal sa barangay at baka barangay katiwalian makatulong sa
kanyang nga kakilala hindi na sila paglantad ng
sa pamimigay nito ng tutulungan katotohanan.
tulong sa mga
nasalanta sa bagyo.

B. Ng mga
mamamayan
Hal. Pagnanakaw Kahirapan Makukulong ang may Walang Maghanap ng
sala kasiguraduhan ang matinong trabaho
pag-aari at buhay
ang mga tao

You might also like