You are on page 1of 12

POSISYONG

PAPEL
Ang sulating ito ay nagpapahayag
ng tiyak na paninindigan ng isang
indibidwal o grupo tungkol sa
isang makabuluhan at
napapanahong isyu.
Ayon kay Gabelo (2017), ang posisyong papel ay
isang teknikal na papel na nagpapahiwatig ng
matibay na paninindigan o pahayag tungkol sa
isang kilalang isyu.
Ayon naman kay Tucker, ang posisyong papel ay
isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro
hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng
may-akda o ng nakatukoy sa kaniyang identidad,
gaya ng isang partidong politikal.
Nailathala ang posisyong papel sa
akademya, politikal, batas at iba pang
kaugnay nito.
-Para naman kay Guilford, ito’y
naglalayong mapatunayan ang isang punto.
Kagaya na lamang ng isang panukala na
naglalayong manghimok ng mambabasa o
ng isang taong kinauukulan nito.
MGA ELEMENTO NG
POSISYONG PAPEL
Pahayag na tanong o dahilan na kailangan
Pahayag ng posisyon
Pagkilala sa mga isyu at sa mga punto na
pagtatalunan.
Kahulugan ng mga termino (kung
kinakailangan)
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NG POSISYONG PAPEL
1. Tiyakin ang paksa.
2. Gumawa ng panimulang saliksik.
-Sa hakbang na ito, maaaring magbabasa ng
diyaryo o magtanong ng opinyon sa mga
taong may awtoridad sa paksa para
mapalalim ang pag-unawa sa usapin.
Sikaping magiging bukas muna ang isip para
makabubuo ng matalino at makatuwirang posisyon.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa
inihahanay na mga katuwiran
-Maglista ng mga argumento at katuwiran sa
magkaibang panig upang matimbang ang dalawang
posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang
mga katuwiran sa dalawang hanay para magkaroon
ng biswal na representasyon ng mga ito
4 . Gumawa ng mas malalim na saliksik
-Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu,
maaaring magsasagawa ng mas malawakan at
malalimang saliksik tungkol sa usapin. Maaaring
sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaring
makikipanayam sa mga taong may awtoridad sa
paksang pinagtatalunan. Mahalaga ring gumamit ng
mga ulat ng mga ahensiya ng pamahalaan, pahayagan,
at magasin upang makapagtatampok ng mga
napapanahong mga datos at impormasyon.
5. Bumuo ng Balangkas
Balangkas sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
Introduksyon
Mga katuwiran ng kabilang panig
Mga sariling katuwiran
Mga pansuporta sa sariling
katuwiran
6. Sulatin ang posisyong papel
-Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat
ang posisyong papel. Kailangang buo ang tiwala sa
paninindigan at katuwiran. Patunayan na ang sariling
paninindigan ang siyang tama at nararapat.
7. Ibahagi ang posisyong papel
-Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito
maibabahagi sa publiko. Maaaring magpaparami ng
kopya at ipamimigay sa komunidad, ipaskil sa mga
lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa
pahayagan,magpaabot ng kopya
sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, at iba pang
daluyan. Maaari ring gamitin ang social media
upang maipaaabot sa mas maraming mambabasa.

You might also like