You are on page 1of 1

Deskriptibong Abstrak

Masasamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng Ingay: Isang


Pagsusuri.
          Sa pag-aaral na ito inilahad ang mga impormasyon tungkol sa polusyon
ng ingay bilang isang uri ng polusyon na nakapagduduloy ng panganib sa tao
o hayop. Ito ay maaaring magmula sa mga bahagi ng lipunan na may
kapasidad na gumawa ng malakas na ingay tulad ng tao, hayop, industriya at
transportasyon. Ang pananaliksk na ito ay isinagawa dahil ang polusyon ng
ingay ay kadalasang binabalewala bagamat may mga masamang epekto
itong idinudulot kung saan lingid ito sa kaalaman ng nakararami. Layunin nito
na mailahad ang masasamang epekto ng polusyon ng ingay sa mga tao at
hayop. Kabilang samga masasamang epekto nito sa tao ay ang sakit sa puso,
pagkabingi, problema sa pagtulog, kawalan ng konsentrasyon at ang
kalusugan ng bata sa sinapupunan. Kabilang naman sa masasamang epekto
nito sa hayop ang pagkasria ng pandinig ng mga ito, masking, non-auditory
physiological effect, at ang behavioral effect.Inilahad din sa pananaliksik na ito
ang mga hakbang na dapat gawin upang mabigyang-solusyon ang polusyon
ng ingay. Sa kasalukuyan, kakaunti palamang ang maaaring solusyon upang
mabawasan ang polusyong ito kagaya na lamang ng paglalagay ng insulator,
pag-iwas sa maiingay na lugar at pakikinig sa maiingay na tugtog.

Pasague, Wilnadette R.
12- ABM 1

You might also like